CHAPTER 51: LEGENDARY DRAGONS
CHAPTER 51: LEGENDARY DRAGONS
Zeque's POV
"Wag mo pilitin ang sarili mo. Magpahinga ka muna," nag-aalalang sabi ni Blaize kay Athena.
"Pero gusto ko tumulong."
"Kung pipilitin mo ang sarili mo baka makasama yan sa anak mo," sambit ko.
"Pero..." tinignan niya si Max na walang tigil sa pagpatay sa mga kalaban. Simula noong nawala si Zarah, naging ganyan na siya. Alam ko na gusto niya tulungan si Max.
"Ako na bahala sa kanya."
"Okay."
Nilapitan ko si Max at saka pinigilan.
"Tama na yan. Magpahinga ka na muna," awat ko sa kanya.
"No. Kulang pa ito para iligtas si Zarah. Kailangan ko lumakas sa lalong madaling panahon," aniya sabay hiwa sa zombie na nasa harapan niya.
"Hindi kita dadalhin kay Samael kung ipagpapatuloy mo yan," banta ko sa kanya. Natigilan siya bigla.
"Kung nabantayan ko siya... hindi sana siya makukuha ni Samael," nagsising sabi niya.
"Wala ka kasalanan. Sa atin dalawa ako dapat ang magbantay sa kanya bilang guardian ng alter princess."
Gusto ko sila tulungan pero hindi ako pinagbigyan ng pagkakataon ni Samael.
3 days ago...
"Samael, ibalik mo si Zarah sa amin!" sigaw ko nang makarating ako sa harap ng palasyo niya.
Sumulpot siya agad sa harapan ko.
"Yo! Long time no see," nakangising bati niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama.
"Nasaan si Zarah?"
"Wag ka mag-aalala. Ligtas siya. Hindi ko sasaktan ang taong mahal ko."
"Mahal? Kailan ka natutong magmahal? Sa pagkakaalam ko hindi mo alam ang salitang yan. Ano pinaplano mo?"
"Seryoso ako," seryosong sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
"Ayaw mo sa mga babae nagalaw na ng iba. Bakit si Zarah?"
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang iniisip ni Samael.
"Iba itong nararamdaman ko sa kanya. Kumpara kay Persephone noon, mas higit pa itong nararamdaman ko sa kanya. Inaamin ko noong una gusto ko lang siya gamitin. Pero pagkatapos ko siya makausap, naging interesado ako sa kanya. Sabihin sa taong karibal ko na may tatlong buwan lang siya para makuha si Zarah. Umalis ka na kung ayaw mo na galawin ko kayo ng asawa mo. Para sayo," pagtataboy niya sa akin sabay hagis ng alter necklace sa akin.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Samael sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Zarah. Simula noon mas naging agresibo na siya sa pakikipaglaban. Inaamin ko na magaling na swordsman si Max pero hindi pa rin iyon sapat para matalo si Samael. Paglalaruan lang siya nito.
"Laban ko ito para kay Zarah," aniya at muling umatake sa kalaban.
"Hindi mo kilala si Samael. Hindi siya patas lumaban. Sigurado may binabalak iyon sayo para hindi mo mapuntahan si Zarah," paalala ko sa kanya.
"May paparating," sambit ni Rhys habang nakatingin sa langit.
May lumilipad patunggo sa amin. Mabilis ang lipad nito. Nang makalapit sila doon ko lang sila nakita ng malinaw.
"Dragons," hindi makapaniwalang sabi ni Crystal.
"Yeah! Kumpleto na sila," tugon ko.
"Nakabalik na kami," balita ni Shiro pagkababa niya.
"Good job," puri ko sa kanila. Tinignan ko ang pitong legendary dragon sa harapan ko.
"Kinakagalak namin kayo makilala. Nakwento na kayo sa amin nila Shiro. Ako nga pala si Mizu, isa akong water dragon," pakilala ng isang lalaki na mahaba at kulay asul na buhok. Tingin ko siya ang pinakamatanda sa kanilang pito. Tingin kasing edad lang siya ni Kura.
"Sumama ka sa akin. Ihahatid kita sa master natin," sambit ni Sora. Hindi kasi namin kasama si Thea. Umalis na silang dalawa.
"Amoy patay at dugo. Hindi ko gusto ang masamang amoy ng hangin dito. Para akong masusuka. Ako nga pala si Hayate," matamlay na sabi ni Hayate. Natatakpan ng kulay green niya buhok ang mata nito. Mukha itong nasa teennager katulad ni Erie. Pangalawa siguro ito sa pinakabata sunod kay Niji.
Makakasundo kaya sila ni Kaycie?
"Dahil sa mga nagkalat na zombie at demon kaya masama ang hangin dito. Idagdag pa na may red barrier," paliwanag ko.
"Okay. Nasaan ang magiging master ko? Nararamdaman ko na malapit lang siya dito."
"Sumabay ka na sa akin. Papunta na ako sa kanya," sabi sa kanya ni Gray. Tumango si Hayate saka ito sumunod.
"Alis na din. Niji, tara. Magkasama ang master natin," paalam ni Homura. Hinawakan niya sa kamay si Niji.
"Wait! Wag niyo ko iwan," habol sa kanila ni Lyra. Hinawaka niya din ang isang kamay ni Niji. Para tuloy silang isang pamilya.
"Nagsialisan na sila. Nasaan sila Naomi? Hindi ko sila maramdaman," tanong ni Hestia.
"Sumama siya kay Hades sa Dark kingdom sa Bizarre," sagot ko. Pinatawag kaso doon si Hades dahil nag-isa lang siya na pwedeng magmana ng kaharian bilang nag-iisang apo ng reyna na may dark element. Ngayong dumadaan kami sa digmaan, mahalaga na meron namumuno sa bawat kaharian.
"Okay. Siya pala si Hikari, ang light dragon. Mauna na kami sa inyo," paalam ni Hestia pagkatapos niya ipakilala ang isang babae na may golden hair.
"Kinakagalak ko kayo makilala," nakangiting sabi ni Hikari saka ito sumunod kay Hestia. At siyempre hindi nagpaiwan si Aki.
"Nagsialisan na sila. Dalawa na lang tayong naiwan," sambit ng lalaking may brown na buhok na tingin ko kasing edad ni Homura.
"Yeah. Mas mabuti na nga ito dahil hindi na natin kailangan hanapin ang master natin. Ako nga pala si Miyuki," pakilala sa akin ng babaeng may buhok na katulad kay Finn nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanila. Unang tingin alam mo na agad na ice dragon siya.
Kasama namin sila Finn at Pierce kaya hindi na nila kailangan umalis.
"Nakalimutan ko magpakilala. Ako naman si Daichi," pakilala ng Earth dragon. Tinanguan ko sila.
"Zeque," pakilala ko. Dahil nagsialisan agad ang iba hindi ko na nagawang magpakilala.
"Ano ginagawa mo dito? Isa kang legendary elementalist. Dapat nasa sky kingdom ka namumuno," tanong sa akin ni Daichi.
"Wala ako balak maging hari ng kaharian. Nandoon naman ang mga lightning wizard para protektahan ang kaharian," sagot ko.
Sky Kingdom ang tawag sa kaharian ng legendary elementalist. Ito ang main kingdom ng Bizarre. Kasalukuyan itong nasa pangangalaga ng mga lightning wizard.
"Mukhang wala kang alam sa nangyayari sa pagitan ng walong kingdom ngayon. Makalipas ang ilang taon na walang legendary elementalist na namumuno sa Bizarre. Dumadami ang nagtatangkang sumakop sa sky kingdom. Dahil doon marami ang gustong huliin si Niji dahil siya lamang ang magpapatunay kung sino ang dapat mamuno sa buong Bizarre. Umalis kami sa Bizarre upang protektahan ang prism dragon at nangakong hindi kami babalik doon hanggang walang legendary elementalist na mamumuno sa kaharian."
"Matagal ko na alam ang tungkol diyan. Matagal na ako sa nabubuhay alam ko ang history ng Outlandish. Katulad namin, nawala kayo sa Bizarre at tinuturing na lang isang legend ang mga kagaya niyo."
"Kung alam mo ang tungkol doon, bakit hindi mo hinanap ang Prism Dragon at pamunuan ang Bizarre?" galit na tanong niya saka ako kiniwelyuhan.
"Daichi, itigil mo yan!" awat sa kanya ni Miyuki.
"Hindi ako interesadong maging hari. Bukod doon may tugkulin din akong kailangan gampanan. Kung magiging hari ako sa sky kingdom, hindi ko na magagawang maging alter necklace. Ngayon lang ako nakalaya sa pagiging alter necklace," paliwanag ko saka sapilitang inalis ang kamay niya.
"Lumipas na ang panahon ko. May bago ng legendary elementalist. Mas mabuting siya ang tutukan niyo. Tingin ko mas bagay sa kanya ang mamuno sa Sky Kingdom. Kumpara sa akin mas mabuti ang loob niya," dugtong ko bago sila iwanan. Napakamot ako sa ulo.
Tingin ko kailangan ko din ng break time. Gusto ko makita si Erie.
"Zeque!" salubong sa akin ni Erie nang makita ako. Niyakap ko siya.
"May nangyari bang hindi maganda? Bakit ang sama ng aura mo?" pansin niya sa akin saka humiwalay sa yakap at tinignan ako sa mga mata.
"I see. Nagpaaway ka sa earth dragon," aniya pagkatapos niya ako titigan. Napakunot ako ang noo ko.
"Paano mo nalaman? Binasa mo ba isip ko?" tanong ko sa kanya. Tinawanan niya ako.
"Simula noong bumalik ako dito, wala ako ibang ginawa kundi pag-aaralan ang kakayahan ng isang Deity. Isa na doon ang mind reading. Wala ka na maitatago sa akin ngayon."
"Good job. Pero kaya ko din bumasa ng isip sa pamamagitan ng magic kung gustuhin ko."
"No way! Akala ko pa naman nalamangan na kita," reklamo niya. Hindi ko mapigilang matawa. Kung alam lang niya na matagal na niya ako nalamangan ng ability. Hindi lang niya alam gamitin ang mga ito at wala siya ideya sa kakayahan ng isang half deity.
"Totoo nga talaga na kaya mo makipagsabayan sa isang deity," sabi pa niya.
"Matagal na ako nabubuhay sa mundo kaya marami ako karanasan kumpara sayo. Balang araw lalakas ka din."
"Yeah! Nawala sa isip ko na mahigit sa dalawang daang taon ang edad mo. Mukha kang bata kaya nakakalimutan ko ang tungkol doon." pagsang-ayon niya.
"Wag ka tumawa diyan. Baka nakakalimutang mo na mas matanda ka sa akin," tinignan ko ng masama si Jiro na kanina pa nagpipigil ng tawa.
"That's right! Dahil sa inyo kaya pakiramdam ko ang hina ko. Bakit ba kasi lagi kayong dalawa ang kasama ko?" pagdadrama ni Erie. Medyo may luha pa siya. Parang kanina lang ang saya niya.
"Ayos ka lang ba? Bakit ang drama mo yata ngayon?" nag-aalalang tanong ko.
"Wag ka mag-aalala. Epekto lang yan ng pagbubuntis niya. Noong mga nakaraang araw paiba-iba ang mood niya. Pakiramdam ko lalo ako tumatanda kapag sinusumpong siya ng mood swing niya," pagkukwento ni Jiro. Mukhang ginagawa niya talaga ang trabaho niya bilang guardian. Tinapik ko siya balikat.
"Good job," sambit ko sabay thumbs up.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top