CHAPTER 5: BOTTLE OF SPIRITS
Palakad si Zaira sa isang maitim na kwarto. Wala siyang ibang makita kundi kulay itim, tumingin man siya sa taas, baba, kanan o kaliwa.
"Athena, nasaan ka?"
Napahinto siya paglalakad nang marinig niya ang tinig ni Liam. Subalit wala pa tin siya ibang makita sa paligid. Pinagpatuloy niya ang paglalakad saka sumigaw.
"Kuya, nandito ako! Nasaan kayo?"
Iba't-ibang kulay na ilaw ang pumalibot kay Zaira na para bang nagsisiliparang alitaptap ngunit bilog ito na kasing laki ng bola ng tennis.
"Athena," sabi ng kulay pulang liwanag habang nasa harapan ni Zaira.
"Ian."
"Salamat ligtas ka."
Unti-unti itong naging transfarent hanggang sa maglaho.
"Ian!"
May lumipad sa harapan ni Zaira na kulay dilaw na ilaw.
"Zai, tulungan mo kami. Ikaw na lang pag-asa namin." sabi ni Kim at katulad ni Blaize naglaho ito.
"Hindi ko na kaya. Sabihin niyo na yung sasabihin niyo," sabi ni Crystal na kasalukuyang kulay green na liwanag na may maninipis na guhit na iba't ibang kulay.
"Athena, hanapin mo yung bote kung saan kami nakakulong. Ito na lang naisip naming paraan para makatakas sa kamay ng demon," sabi ni Liam na may dark green na kulay.
"Ano nangyayari? Bakit kayo naglalaho?"
"Sa tulong ng kapangyarihan ni Crystal, nagawa namin makipag-usap sayo pero limitado lang ito dahil wala siya sa katawan niya," sabi ni Naomi na may yellow green na kulay.
"Athena, mag-iingat ka," sabi ni Dwayne na isang kulay blue na bilog na liwanag.
Katulad ng iba nawala ito at pinalitan naman siya ng kulay green na liwanag.
"Dalian mo! Hanapin mo na kami bago ko maagaw si Blaize. Tamang-tama magkasama kami dito," sabi ni Kaycie.
Nagkasalubong ang kilay ni Zaira.
"Sa akin lang si Ian. Subukan mong hawakan siya. Malalagot ka sa akin paglabas niyo!"
"Hanggang dito pa naman. Ganyan ka Kaycie," sambit ni Kayden na kulay green rin.
"Manahimik ka Kayden," sagot ni Kaycie bago sila mawala.
"Wag ka mag-alala. Babantayan namin si Kaycie para sayo," sabi ni Thea.
"Kailangan na namin umalis. Athena, ikaw na bahala sa amin," sabi ni Gin.
Bigla silang nawala ng sunod-sunod hanggang sa tatlo na lang ang natira.
"Athena..." sabi naman ng kulay puting bilog.
"Ken."
"Mag-iingat ka."
Tumango si Zaira.
"Mag-iingat din kayo diyan."
Tinulak ng kulay gray na bilog si Max bago nagsalita.
"Tama na yan! Nagseselos na ako," sabi ni Zarah bago sila mawala.
"Susubukan ulit namin makipag-usap sayo. Sa ngayon, hanggang dito muna kami. Paalam. Mag-iingat ka," sabi ni Crystal.
"Sandali!"
Sinubukan ni Zaira na abutin siya pero tuluyan na itong nawala. Muling binalot ng kadiliman si Zaira.
"Crystal!"
Pagdilat ni Zaira ang nakaangat ang isang kamay niya na para hang inaabot ang kisame.
"Ha? Panaginip lang ba yun?" tanong ni Zaira subalit bago pa niya ito masagot isang panibagong tanong ang naisip niya.
Napakunot ang noo niya nang mapansin niya ang kamay niya.
"Bakit parang lumiit yung kamay ko? Parang kamay ng bata."
Tinignan ni Zaira ang paa niya at kinapa ang sarili. Nanlaki ang mata niya nang masigurado niyang bumata siya.
"Aaaahhhhhhh! Hmmp!"
Tinakpan ni Kura ang bibig ni Zaira.
"Wag ka maingay," bulong ni Kura.
"Narinig mo ba yun? May sumigaw."
"Parang malapit lang dito. Hanapin niyo."
Malakas at mabilis na yapak ang narinig nila. Nang mawala na ito inalis na ni Kura ang kamay niya.
"Kura? Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Zaira.
Si Kura ang dragon na kakambal ni Liam, simula nang isinilang ito hindi ito lumalabas sa katawan ni Liam. Kumpara kay Zarah may sariling katawan ito na maaring lumabas sa katawan ni Liam anumang oras.
"Lumabas ako sa katawan ni Hades habang nagsasagawa sila ng soul transfer. Nang makit kitang lumulutang sinubukan kitang hilain palabas sa magic circle. Wala ka bang naalala?"
Nagkasalubong ang kilay ni Zaira at napahawak sa baba. Sumagi sa kanyang isipan ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay.
Napapikit siya noon nang may malakas na kapangyarihan ang humihila sa kanya na para ba siyang hinihigop.
"Zaira," tawag sa kanya ng isang tinig.
Sino ka? Bakit mo ko tinatawag?
"Ako ang isa sa spiritual body mo na nabuo habang pinapalakas ni Zarah ang spiritual energy niya noong iisa pa kayo."
Napadilat si Zaira sa sinabi nito at bumungad sa kanya ang tatlong babaeng kamukha niya subalit magkakaiba ang anyo.
Isa sa kanila may kulay itim na buhok at pulang mata. Napapalibutan ito ng pulang aura. Kung hindi niya napansin ang pulang mata nito, iisipin ni Zaira na si Zarah ang kaharap niya dahil sa malamig nitong tingin nito.
Sa tabi niya ang isang pamilyar na itsura, hindi makakalimutan ni Zaira ang itsura niya tuwing magsasanib sila ni Zeque.
Pagtingin ni Zaira sa kasunod nito, sumalubong sa kanya ang isang ngiti ng werewolf. Sa tagal ni Zaira na kasama sila Gin, alam na niya ang isang anyo ng werewolf. Katulad sa iba kamukha niya ito subalit may tenga at buntot ito na kulay puti, may silver na buhok at kulay asul na mata.
"Hindi ko maintindihan. Paano kayo nabuo ni Zarah sa katawan ko?"
"Dahil konektado kayong dalawa kaya apektado ang katawan mo habang nagsasanay siya," sabi ng werewolf.
"Noong una maliit lang kami na apoy na katulad ng will-o'-the-wisp at nang naging immortal ka nagkaroon na kami ng anyo na katulad sayo," paliwanag ng wizard.
"Ah!"
"Alam ko marami ka pang tanong pero hindi ito ang oras para pag-usapan iyon. Gamitin mo ang kapangyarihan namin para makatakas."
May lumabas na kulay green na bilog na nagliwanag sa kamay ng wizard at lumutang ito papunta sa harapan ni Zaira.
Nang inangat ng bampira at werewolf ang kamay nila may lumabas rin na bilog na liwanag na kulay pula sa bampita at asul sa werewolf. Lumapit rin ito kay Zaira.
Pumasok sa katawan ni Zaira ang kulay asul.
Naging silver ang buhok niya at nagkaroon ng tenga at buntot katulad sa werewolf na kamukha niya. Hindi na kailangan ni Zaira tumingin sa salamin para malaman ang itsuta niya dahil sigurado siya katulad ito ng spirit sa harapan niya.
"Hindi pa yan ang pinaka-anyo ko," sabi nito bago mawala.
Alam ni Zaira ang ibig sabihin nito dahil may tatlong transformation ang werewolf bukod sa human form.
Sunod na lumapit ang kulay green na liwanag subalit bago ito tuluyang makapasok sa katawan ni Zaira, isang malakas na hangin ang humila kay Zaira. Inangat ni Zaira ang kamay niya upang abutin ito ngunit kaunting parte lang ng nito ang pumasok sa katawan niya.
Napapikit si Zaira dahil sa liwanag na sumalubong sa kanya. Pagdilat niya isang anino ang humila sa kanya.
"Ikaw yung aninong tumangay sa akin?" tanong ni Zaira kay Kura.
Tumango ito bilang tugon.
"Bakit hindi ka naging spirit kahit na wala ka na sa katawan mo?" tanong niya.
"Wala sa katawan ko? Ano ibig mong sabihin?" tanong ni Zaira dahil pakiramdam niya walang nagbago sa kanya.
"May ibang gumagamit ng katawan mo kaya nakakapagtaka na may katawan ka. Saka bakit mukha kang batang werewolf?"
Napatingin si Zaira sa likod niya kung saan ang puting buntot niya. Kung hindi pa binanggit ni Kura ang tungkol sa anyo hindi niya mapapansin na naging werewolf siya.
"Hindi ko rin alam kung bakit naging dalawa ang katawan ko at naging werewolf ako pagkatapos magising ang dugong werewolf ko."
Bumuntong hininga si Zaira saka tinignan ng seryoso si Kura. Wala siya oras para pag-usapan ang tungkol sa katawan niya. Kailangan pa niya tulungan sila Liam.
"Alam mo ba kung saan bote nakakulong sila kuya?" tanong niya.
"Nandoon sila sa boteng laging dala ni Haring Samael."
"Kailangan natin makuha yun. Pero mahirap kalaban si Samael."
"Ah! May plano na ako. Hinihintay na lang kita gumising bago kumilos."
Ngumiti si Zaira.
"Salamat nandito ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mag-isa lang ako. Ano plano mo kuya Kura?"
"May problema ba? Bakit ka umiwas ng tingin?"
"Wala! Nagulat lang ako sa tinawag mo sa akin. Ikaw pa lang tumatawag sa akin ng kuya."
Napahawak sa ulo si Kura habang hindi makatingin ng diretso kay Zaira. Nang dumapo ang tingin ni Zaira sa tenga nito, nakita niya ang pamumula nito.
"Wag ka tumawa," sabi ni Zaira nang mapansin niyang nanginig ito habang tinatakpan ang bibig.
"Hahaha. Sorry. Ehem."
Pinilit ni Zaira ang sarili na sumeryoso bago magtanong.
"Anong plano?"
Pagkatapos sabihin ni Kura ang plano nagtunggo sila sa kinaroonan ni Samael. Sumilip sila sa pinto at tinuro ni Kura ang bote.
"Ayun yung bote," bulong ni Kura.
Tumango si Zaira hanang nakatingin sa bote na nakapatong sa gilid ng upuan ni Samael.
Nakasuot ng damit na katulad sa mga katulong ni Samael.
"Haring Samael, nandito na po sila Risa," sambit ng isang utusan ni Samael.
Nanlaki ang mata ni Zaira nang makita niya ang katawan niya. Kumpara sa anyo niya ngayon, nanatili ito sa dating itsura niya.
Palapit ito kay Samael, kasama ang isang babaeng nakapula. Nagbow ang mga ito at pagtayo nila ng diretso nagkasalubong ang kilay ni Samael.
"Nasaan si Dolly?" tanong niya.
"Patay na po siya," sagot ni Erelah na kasalukuyang gumagamit sa katawan ni Zaira.
Tumingin si Samael sa isa sa katulong.
"Tawagin niyo si Sandro."
"Masusunod mahal na hari."
Pag-alis nito, tumabi si Zaira sa mga naiwang katulong. Mabuti na lang iba't-iba ang laki ng mga demon monster. Tumabi siya sa kasing laki niyang demon.
"Mahal na hari, ikinakagalak kong makita kayo," sabi ni Sandro.
Lumuhod ito sa harapan ni Samael gamit ang isang paa bago the yumuko.
"Maari ka na tumayo. May iuutos ako sayo."
Tumayo ng tuwid si Sandro.
"Ano po yun Haring Samael?"
Napansin ni Zaira ang palapit na utusan ng mahal na hari. May dala itong tray kung saan nakalagay ang isang bote ng wine at wine glass na may lamang red wine.
Nilapitan ito ni Zaira.
"Ako na magdadala sa hari," sabi ni Zaira saka kinuha ang tray.
Lumapit siya sa inuupuan ni Samael at at tumayo sa gilid nito habang hawak ang tray.
"Mahal na hari, ito na po ang inumin niyo," sabi ni Zaira.
Kinuha ng hari ang wine glass na naglalaman wine.
Uminom muna ito bago tumayo.
"Sumama ka kila Risa sa mundo ng mga mortal para mangolekta ng mga kaluluwa ng tao," utos nito.
Dahan-dahan binaba ni Zaira ang bote ng wine sa patungan sa gilid ni Samael saka pasimpleng kinuha ang bote na nakapatong dito.
Dahan-dahan siyang umalis sa tabi ni Samael.
"Masusunod mahal na hari," tugon ni Sandro sabay tingin kay Zaira nang biglang sumulpot ang puting buntot nito.
Napakunot ang noo ni Sandro dahil walang demon na may kulay puting buntot sa mga katulong ni Samael. Kung meron man madali niya itong maalala dahil bihira lang ito.
'Patay!' sa isip ni Kura saka hinanda ang sarili nang tumingin rin si Samael kay Zaira.
"Sandali!" sigaw ni Samael kay Zaira subalit hindi huminto ang dalaga.
"Ikaw na nagbigay ng wine sa akin. Tumigil ka saglit."
Napahinto si Zaira at dahan-dahang tumingin kay Samel.
"Ano pangalan mo?"
Kinilabutan si Zaira at sa halip na sumagot, tumakbo siya.
"Kalaban! Bitbit niya ang bottle of spirits," sigaw ni Erelah.
Niyakap ni Zaira ang hawak na bote at tumakbo papuntang pinto.
"Habulin niyo siya!" sigaw ni Samael.
Hinagisan ni Kura nang dark ball ang mga nagtangkang humabol kay Zaira.
Boom! Sumabay sa pagtakbo si Kura kay Zaira habang paminsan-minsan inaatake niya ang kalaban.
"Tumigil kayo!" sigaw ni Erelah.
Pagkumpas niya ng kamay isang malakas na hangin ang tumama kila Zaira. Niyakap ni Kura si Zaira saka umikot. Tumama ang likod niya sa pader.
Tumayo agad si Kura habang buhat-buhat si Zaira saka tumalon sa katabi nilang balkonahe.
"Dragon!" sigaw ni Sandto nang makita ang pagbagong anyo ni Kura.
Lumutang si Erelah at hinabol sila Kura habang lumaki ang uwak ni Sandro at doon siya sumakay. Nagkaroon ng pakpak si Risa at naghanda ng fireball habang lumipipad.
Nagbukas ng black hole si Kura. Pagpasok nila dito, hinagis ni Risa ang fireball sa loob at kasama nitong nawala sila Kura.
Pagkarating nila Kura sa mortal world, saktong tumama ang fireball kay Kura.
"Ah! Athena!" sigaw ni Kura nang mabitawan niya si Zaira.
"Kuya! Ahhhhhh!!" sigaw ni Zaira habang inaabot si Kura.
Hahabulin na sana siya ni Kura subalit napalibutan ito ng sand storm.
"Akala niyo ba makakatakas kayo sa amin? Haha," sabi ni Sandro.
"Sh*t! Athena!"
Napapikit si Kura dahil sa buhanging napupunta sa mata niya.
Nagpakawala siya ng dark ball sa bibig niya habang pinapaypayan ang sand storm gamit ang pakpak niya.
Sunod-sunod na fireball ang tumama sa kanya. Pagtingin niya sa pinanggalingan nito, nakita niya sila Risa at Erelah habang naghahagis ng fireball.
Boom! Bumalik siya sa human form bago bumagsak.
"Hades... patawad hindi ko naprotektahan si Athena," sambit niya habang iniisip ang kakambal niya.
Nahulog sa may puno si Kura bago bumagsak sa lupa. Tumayo siya agad at pinagpagan ang sarili bago umalis.
Samantala, bumagsak si Zaira sa soccer field. Nagdulot ito ng crack sa lupa. Nagkaroon ng dugo sa ulo niya habang ang sugat niya mabilis na gumaling.
Napahawak si Zaira sa ulo habang tumatayo. Nakaramdam siya ng konting hilo dahil sa pagtama nito.
"Nasaan ako?" tanong niya sa sarili.
Napatingin siya mga taong nanlalaki ang mata habang nakangangang nakatingin sa kanya.
"Soccer field?" sambit ni Zaira nang makita ang bola ng soccer at net sa harapan niya.
Nakita niya rin ang pamilyar na damit ng mga soccer player. Walang dudang nasa mortal world siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top