CHAPTER 48: HOLY LIGHT

CHAPTER 48: HOLY LIGHT

Erie's POV

"Talaga?! Pwede ako sumama sa Outlandish?" excited na tanong ko kay Zeque. Matagal ko na gusto makatulong sa kanila doon kaya hindi ako makapaniwalang tatanungin ako ni Zeque kung gusto ko sumama sa kanya.

"Yeah! May kapangyarihan ka na pangontra sa zombie at demon kaya kailangan namin ang tulong mo. Pero sa Black Academy ka lang! Hindi ka sasama sa amin makipaglaban. Ang gagawin mo lang siguradihing safe ang mga dadalhin namin doon."

"Walang problema. Ang importante makatulong ako sayo. Salamat Zeque pinayagan mo ko."

"Sasabihan ko si Jiro na wag aalis sa tabi mo palagi. Maghanda ka na," paalam niya sa akin saka ako iniwanan sa kwarto.

Masigla akong nagbihis. Hindi na ako makapaghintay na umalis.

"Totoo bang sasama ka kay Zeque? Paano ang mga anak niyo? Wag mo sabihing iiwan mo sila sa amin?" tanong ni Zera sa akin. Hindi na ito nag-abalang kumatok. Basta na lang siya pumasok sa kwarto at sunod-sunod akong tinanong.

Hinawakan ko siya balikat saka ningitian.

"Ikaw na muna bahala sa mga anak ko. Alam kong kaya mo silang alagaan. Wag ka mag-aalala kasama mo naman sila Flora at Zeya sa pag-aalaga," sambit ko. Napabuntong hininga ito.

"Fine! Alam ko naman na gusto mo talaga makatulong kila Zeque. Mag-iingat ka doon. Wag mong kakalimutang alagaan sarili mo. Buntis ka pa naman. Kung ayaw mong kainin ng demon ang baby, wag ka lalapit sa kanila."

"Naiintindihan ko. Salamat Zera."

"Kasama naman niya ako. Hindi ko siya pababayan," singit ni Jiro.

"Alam ko. Teka! Kanina pa ba kayo diyan?" tanong ni Zera.

"Kakarating lang namin."

"Handa ka na ba?" tanong sa akin ni Zeque. Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Mag-iingat kayo doon lalo na kay Samael. Hindi maganda kutob ko," nag-aalalang sabi ni Zera.

"Pagbalik ko gagawa tayo ng baby," seryosong sabi ni Jiro sabay gulo sa buhok ni Zera. Namula bigla si Zera.

"O-kay... hihintayin kita," nahihiyang sabi niya.

Nagpaalam na kami sa kanya at binuksan ang portal.

"Wag ka bibitaw sa akin. Ihanda mo ang pakpak mo," sabi sa akin ni Zeque. Hinawakan niya ako sa kamay bago pumasok sa portal.

Paglabas namin nasa langit kami ng Outladish. Agad ko nilabas ang pakpak mo. Mula sa itaas kitang-kita ko ang kaguluhan sa ibaba. Nalungkot ako bigla dahil sa nangyayari. Kahit na nakwento na sa akin ni Zeque ang sitwasyon nila, iba pa rin kapag nakikita mo mismo.

"Hindi ko akalain na ganito na kalala ang sitwasyon dito. Mukhang pinaghandaan talaga ni Samael ang lahat," komento ni Jiro.

"Ang totoo niyan kulang na kulang kami para protektahan ang Outlandish. Saan ka man magpunta may mga demon. Hindi magtatagal masasakop ni Samael ang mundong ito. Sa ngayon ang magagawa lang namin tulungan ang mga tao na makaligtas at ilipat sila sa ligtas na lugar," tugon ni Zeque.

"Holy light!" sambit ko sabay taas ng kamay ko. Mula sa kalangitan may mga dilaw na liwanag na katulad ng alitaptap ang nagsibaksakan.

"Ano ginawa mo?" tanong ni Jiro.

"Mas maging limitado ang galaw ng mga demon kung may holy light," tinuro ko ang isang demon na natamaan ng holy light. Biglang umusok ang parteng natamaan ng holy light sa katawan niya. Kung magpapatuloy silang matatamaan nito, masusunog sila.

"Not bad. Good job," puri sa akin ni Zeque.

"Yun nga lang hindi ko kayang panatagalin ang holy light. Mawawala din ito makalipas ang isang oras," malungkot na sabi ko. Gusto ko makatulong pero hindi sapat ang kaalaman ko tungkol sa kapangyarihan ko.

"Kahit isang oras lang malaki pa rin ang maitutulong nito sa amin. Dadalhin na kita sa Black Academy."

Bumaba kami sa Black Academy.

"Nandito na kayo. Kamusta Erie? Long time no see," bati sa akin ni Clara.

"Hi! Ayos naman ako," sagot ko.

"Maiwan ko na kayo dito. Si Clara na bahala magpaliwanag ng gagawin niyo," paalam ni Zeque. Hinalikan niya ako sa noo.

"Wag mo pabayayaan ang sarili mo," bulong niya sa akin bago umalis.

"Wait!"

Hinawakan ko ang kamay niya at saka tinapat ang isang kamay ko sa puso niya.

"Napansin ko na humina ang magical and spiritual energy mo. Alam ko na hindi ako makakatulong sa labas kaya naman naisipan kong bigyan ka ng kapangyarihan. Kahit wala ako sa tabi mo parang nakipaglaban na din ako kasama ka. Mula ngayon pwede mo na magamit ang kapangyarihang meron ako," nakangiting sabi ko. Nagliwanag si Zeque pagkatapos ko siya bigyan ng kapangyarihan na katulad sa akin. Alam ko na mas magagamit niya ito kaysa sa akin. Hindi nga lang ito kasing lakas ng sa akin kayang wasakin ang buong mundo.

"Eh?" nanlaki ang mata ko nang biglang magbago anyo niya. Humaba ang buhok niya at nagkaroon ng makulay na anim na pakpak. Bumalik na sa dati ang malakas niyang aura.

Hinila niya ako palapit sa kanya saka hialikan sa labi.

"Salamat," bulong niya sa akin sabay halik sa pisngi ko habang nakayakap.

"Mag-iingat ka," paalam ko pagkabitaw niya sa akin. Pinanood ko siyang lumipad sa langit. Kung titignan mukhang katulad sa Seraph ang pakpak niya pero ang totoo gawa ito sa pinagsamang elemento bilang wizard. Napaganda tignan.

"Mag-umpisa na tayo. Ano gagawin ko?" tanong ko kay Clara.

"Gusto namin masiguradong walang nakahalong evil aura o kahit ano mang masama sa mga nailigtas namin. Pwede mo ba kami tulungan suriin sila? Ikaw lang may kapangyarihan na pangontra sa masamang ispirito."

"Walang problema."

Nagtunggo kami sa loob ng school building na nagsisilbing evacuation center. Pagkapasok namin sa loob may negative energy na ako naramdaman. Nagkalat ito sa loob ng building.

"Hindi maganda ito," bulong ko.

"Bakit? May problema ba?"

"May nakahalong demon sa mga nailigtas niyo. Maaring nagpapanggap silang tao. Tanging mga high class demon lang may kayang gawin yun." sabi ni Jiro.

"Ibig sabihin may nakahalo nga sa mga nailigtas namin?" nag-aalalang sabi ni Clara.

"Oo. Kailangan natin siya mahanap bago mahuli ang lahat. Sigurado may ginagamit silang item para hindi natin  madiscover. Ilan lahat ng nailigtas niyo?"

"Mga nasa 2453. Nangaling sila sa iba't - ibang lugar. Nakahiwalay sila sa bawat classroom."

"Bigyan mo si Erie ng listahan ng mga pangalan nila. Isa-isa namin sila titignan," utos ni Jiro. Hindi naman ako umangal dahil ganun din ang balak ko gawin.

"Ayos lang ba na maiwan ko kayo?"

"Wag ka mag-alala. Kasama ko naman si Jiro. Maglilibot muna kami habang wala pa ang listahan," tugon ko. Alam kong marami ding kailangan gawin si Clara.

"Kung may kailangan kayo hanapin niyo lang ako," paalam niya sa amin. Tinanguan namin siya bilang tugon.

"Jiro, paano kung wala sa mga nailigtas nila yung hinahanap natin?" tanong ko kay Jiro. Maaring school official ang kalaban o kaya nasa mga student na tumutulong.

"Hindi malabong mangyari yan. Kahit sino pwede maging mata ni Samael. Kung tutuusin hindi makakalaya si Samael kung walang nakatagong demon sa school na ito. Kaya wag magtitiwala kahit kanino. Kahit pa kay Clara," seryosong sagot sa akin ni Jiro.

"Bakit pati kay Clara?"

"Hindi natin alam kung si Clara ba talaga siya o kaya kakampi ba talaga siya."

"Naiintindihan ko. Mag-iingat ako."

"Aaaaaahhhhhhh!" napatakbo kami bigla nang may sumigaw.

"Ano nangyayari? Bakit kayo nagsisilabasan?" tanong ko.

"Z-zombie!" turo ng isang ginang sa loob ng classroom. Agad naman ako pumasok.

Napatakip ako sa bibig nang masilayan ang nakakadiring pangyayari. Katulad sa napapanood ko na zombie sa tv. Nakagat ang zombie sa kamay ng isang babae habang pinagkakalmot nito ang katawan. Parang gusto nito buksan ang katawan ng babae at kainin ang lamang loob. Para ako masusuka sa ideyang yun. Tumingin ito bigla sa amin.

"Takbo! Lumabas kayo dali!" sigaw ko bago pa ito magkaroon ng isa pang biktima.

Nagtunggo ito sa isang lalaki na malapit lang sa kinatatayuan niya.

'Kailangan ko sila protektahan.'

Tumakbo ako sa harapan ng zombie upang harangan ito.

"Hindi ako makapapayag na saktan mo sila," sigaw ko kahit na natatakot ako na baka kainin ako. Palapit na ito sa akin nang humarang bigla si Jiro.

"Stupid! Gamitin mo yung alter neklace," sigaw niya sa akin sabay sipa sa zombie. Kumilos naman ako agad.

Bang! Hindi na ako nagsayang na oras pa. Binaril ko agad ang zombie at natumba ito.

"Patay na ba siya?" tanong ko kay Jiro.

"Hindi pa," aniya at nagulat na lang ako nang mag-apoy ang zombie.

"Waahhh! Sunog! Kailangan natin patayin ang apoy bago kumalat," natarantang sabi ko.

"Wag ka mag-aalala hindi ordinaryong apoy ang nakikita mo. Hindi ito kakalat," papakalma sa akin ni Jiro. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Bigla ako pinitik sa noo ni Jiro.

"Aw! Para saan yun?" reklamo ko.

"Para yan sa padalos-dalos mong kilos. Alam mo bang kamuntik ka na makain ng zombie? Ano na lang sasabihin sa akin ni Zeque kapag may masamang mangyari sayo? Wag mo na uulitin yun. Lagi mong tatandaan na may alter necklace ka," sermon niya sa akin.

"Sorry. Hindi ko alam kung ano gagawin ko para makatulong. Gusto ko din sila protektahan tulad ng ginagawa nila Zeque."

"Maraming pwedeng gawin para protektahan sila. Hindi mo kailangan ibuwis buhay mo. Wag mo na uulitin yun kung gusto mo talaga makatulong kay Zeque."

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top