CHAPTER 41: STRONGEST SERAPH

CHAPTER 41: STRONGEST SERAPH

Erie's POV

"Kaya ko ito!" sabi ko sa akin sarili at saka pumikit at nagconcentrate. Nagpakawala ako ng spiritual energy at magical energy at ginamit ito upang magbago ng anyo. Isang lingo at dalawa't kalahating araw ako nagsanay para lang matutunan kong kontrolin ang spiritual energy at magical energy ko sa tulong ni Treena at Jiro. Ngayon nga ay sinusubukan kong magbagong anyo tulad ng ginagawa nila Zera.

May naramdaman akong tumubong pakpak sa likod ko at humaba ang buhok ko. May pumalibot na magical energy sa katawan ko. Nang idilat ko ang mata ko nakita ko na naging damit ito. Sa isang iglap nagbago anyo ko at pari na rin ang kasuotan ko. Nagkaroon ako ng kulay gintong anim na pakpak at ang buhok ko ay naging blonde na minsan ko na din nasilayan noon. Kung titignan wala itong pinagbago sa anyo ko bilang deity ang pinagkaiba lang ay nagkapakpak ko. Maaring kombinasyon ito ng pinagsamang seraph at deity.

"Nagawa ko! Jiro, nagawa ko!" masayang sabi ko pagkatapos ko makalipad. Hindi ako makapaniwala na magagawa ko ito agad. Bakit? Dahil sa amin lahat ako ang pinakamahirap turuan. Kaya ibang pamamaraan ginagawa ni Jiro para matuto ako. Pero ngayon normal paraan lang ang ginawa nila. Pinaliwanag lang nila sa akin kung ano gagawin at saka ako nagsanay.

"Ngayon lang ako nakakita ng kulay gintong Seraph. Ibang - iba ang anyo mo kay Eric. Inaasahan ko pa naman na rainbow color ang masisilayan ko," komento ni Mr. Mushroom. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang pagkamangha.

"Mas lalo ka nagmukhang diyosa sa anyo mo. Pwede bang ganyan na lang palagi itsura mo? Kung si Eric hindi nagliliwanag dahil kulay itim ito, ikaw naman napasobra sa liwanag. Nakakasilaw ang anyo mo," puri sa akin ni Flora.

"Hindi lang yan ang anyo mo. Katulad ni Eric, maari din magpaiba pa ang itsura mo tuwing sasapit ang gabi. Hindi na ako makapahintay na makita yun," nakangiting sabi ni Treena.

"Ngayon nakapagpalit na ng anyo si Erie. Pwede na ba namin sagipin ang anak ko?" tanong ni Zera.

Matagal na niya kinukulit si Treena na iligtas ang bihag ng mga Seraph pero ayaw nito pumayag dahil delikado. Nagbigay siya na kondisyon na kapag nagawa kong magpalit ng anyo, papayagan niya kami na sumugod sa Chamber. Importante daw kasi na makapaglit ako ng anyo para makagamit ko ang kapangyarihan ko sa Chamber.

"Hindi pa tapos. Kailangan muna natin sukatin ang kapangyarihan ni Erie," sagot nito. Napangiti ako sa sinabi niya. Mataas ang confidence ko na magagawa ko ang gusto niyang makita.

"Ayun lang ba? Wag po kayo mag-alala. Alam ko po gamitin kapangyarihan ko," pagkasabi ko sa kanya nun inipon ko ang magical energy ko sa kamay.

May bilog na dilaw na liwanag na katulad sa araw. Habang palaki ito ng palaki, lumalaki din ang mata nila dahil sa gulat. Sino mag-aakalang pati ito magagawa ko? Kahit ako nagulat sa sobrang bilis ng improvements ko. Higit pa sa kapangyarihan ko noon ang nagagawa ko. Masasabi kong mas lumakas ako ngayon.

"Okay! Tama na yan. Ayokong mawalan ng tirahan dahil sa kapangyarihan mo. Pati pa naman yan nakuha mo kay Eric. Mabuti na lang inuna kong ituro sayo ang tamang pagcontrol ng magical energy," pagpapatigil sa akin ni Treena. Kapag kasi hindi ko alam kontrolin ang magical energy baka hindi ko na nakayanan itong ginagawa ko at sumabog na lang kami basta.

Tinigil ko na ang ginagawa ko at ngitian siya. Masaya ako sa nagawa ko. Sigurado magugulat si Zeque sa laki ng pinagbago ko. Hindi na ako makapaghintay na makita siya. Siguro naman papayagan na niya ako tumulong sa kanila kapag nakita niya ang kaya kong gawin ngayon.

"Pagpaplanuhan na natin ang gagawin niyong pagsugod sa kanila," sabi ni Treena na ikinatuwa namin. Bumalik ako sa human form ko dahil mas komportable ako doon.

Napagdesiyunan namin na sumugod kapag palubog na ang araw. Para na rin may oras ako makapaghinga.

"Gising Princess! Tama na ang tulog. Malapit na lumubog ang araw. Maghahanda ka pa bago tayo umalis," panggigising sa akin ni Flora pero hindi pa rin ako gumalaw. Nasanay na ako sa pagtawag niya sa akin ng princess. Pinagsabihan ko na siya na Erie lang ang itawag sa akin pero ayaw magpapigil minsan.

"Sabihin mo muna sa akin yung totoong pangalan mo," tugon ko habang nakapikit pa rin. Hindi kasi ako naniniwalang Flora ang name niya dahil lalaki siya.

"Alam mo naman na sikreto ang pangalan ko. Kapag hindi ka pa bumangon diyan, hahalikan kita."

Sinimangutan ko siya at bumangon na. Alam kong totohanin niya yung sinabi niya. Ginawa na kasi niya yun dati kay Zeya. Napangiti ako nang  maalala ko yung itsura ni Zeya pagkatapos siya halikan dahil ayaw niya pa bumangon. Pulang-pula ang mukha niya noon at alam kong simula noong araw na yun umiwas na siya kay Flora.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Bigla ka na lang ngumingiti  pagkatapos mo sumimangot," pansin sa akin ni Flora. Tinignan ko siya ng masama.

"Ngayon naman sinasamaan mo ko ng tingin. Malala ka na," aniya at umarteng parang naiiyak. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo para magbihis. Magtatanggal na sana ako ng damit nang maalala ko na lalaki nga pala itong kasama ko.

"Baka gusto mong lumabas? Magbibihis ako," sabi ko sa kanya.

"Paraa saan pa? Nakita ko na rin naman yan," aniya sabay tawa. Minsan talaga naiisip ko na nagpapanggap siyang babae para makasilip. Pero ang sabi niya nagpapanggap siya ng babae para daw maging komportable ang mga nagpapagawa ng damit sa kanya.

"Please lang wag mo dagdagan ang kasalanan mo sa asawa ko," sabi ko na lang. Nakwento na din namin sa kanya kung paano magalit si Zeque. Kahit ako takot na makaharap yun.

"Lalabas na. Baka bago ko pa makilala asawa mo, patay na ako."

Napatingin ako sa pintuan kung saan nakatingin sa kanya ng kasama sila Jiro at Zeya. Hindi ko alam kung kanina pa silang nandoon at wala din ako balak alamin. Ang importante lumabas na si Flora. Sinara ko agad ang pinto nang makaalis siya.

Paglabas ko naabutan ko silang kinakausap ni Treena. Halatang nagsasawa na sila sa walang katapusang paalala sa kanila nito. Umupo ako sa tabi ni Zera na abala sa paghikab.

"Naiintindihan niyo ba ang sinasabi ko?" tanong ni Treena. Sabay-sabay naman kaming sumagot. Kahit ako nakisagot na din. Alam ko na din naman kung ano ba yung mga paalala niya. Sinabi na din niya yun noong nagpumilit si Zera na sumugod sa chamber.

"Mag-iingat kayo. Makabalik sana kayo lahat ng ligtas dito," nag-aalalang sabi niya. Noon daw kasi hindi na bumalik si Eric pagkatapos nito magpaalam na tutulungan  ang mga bihag sa chamber kaya sobrang nag-aalala daw siya. May ginamit daw kasi na magic spell kay Eric para hindi ito makalaban sa kanila. Binalaan niya ako tungkol doon.

"Wag po kayo mag-aalala. Babalik kami dito. Tutuparin ko pa yung pangako ko sa inyo  na dadalhin ko kayo sa Xaterrah," nakangiting sabi ko.

Gumawa ng protal si Zera patungo sa gubat na napuntahan na nila. Iniwan na muna namin si Zues kila Mr. Mushroom habang si Flora nagpumilit na sumama sa amin. Anim kami lahat na aatake sa chamber.

Ako at si Flora ang papasok sa chamber dahil pareho  kaming hindi maapektuhan ng barrier na pumipigil sa iba na magamit ang kapangyarihan. Nagulat ka nga nang malaman kong half Seraph si Flora. Hindi daw tanggap sa kaharian ang katulad niya kaya sa kagubatan siya naninirahan. Wala din naman daw siya balak pagsilbihan ang hari at reyna kaya kontento na siya mamuhay sa labas ng kaharian.

"Kung Seraph ka bakit hindi mo ko tinuruang magbukas ng portal?" tanong ko. Napakamot siya ng ulo.

"Ayokong umalis ka agad. Noong nalaman ko na anak ka ni Eric, gusto ko na dito ka na lang kasama namin. Kapag nandito pakiramdam ko si Eric na din kasama ko. Nung nangako kang isasama mo kami sa mundo mo, nagbago na isip ko. Ayos na sa akin kahit saang mundo basta kasama kita," pagtatapat niya sa akin.

"Salamat," pagpapasalamat ko saka tumingin sa harapan namin, kung saan natatanaw ko yung chamber.

"Mauuna na kami," sabi sa akin ni Jiro.

"Mag-iingat kayo," paalala ko. Nagsiliparan na sila sa langit. Nagpaulan ang tatlong magkapapatid ng fire ball. May nagsilabasan na mga seraph at sabay-sabay na sinugod sila Jiro.

"Pasok na tayo," sabi sa akin ni Flora sabay hawak sa wrist ko.

Patakbo kaming nagtunggo sa chamber. Walang pumansan sa amin kahit na may nakita na kami. Siguro iniisip nila na hindi din kami seraph.

Pagpasok namin sa loob pansin ko agad na parang kweba ito. Pero sa labas mukhang building.

"Sino kayo?" sigaw ng bantay pero inatake lang siya ni Flora. Nagulat nga ako dahil hindi ko akalain na magaling siya sa martial arts. Sa unang pagkakataon nagmumukha  siyang lalaki sa paningin ko.

Napatumba niya ang dalawang bantay kata dumiretso na kami papasok. Habang tumatagal, nakakarinig ako ng tawanan, sigaw, iyak at ungol. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Flora. Hindi ko namalayan na napakapit na ako sa kanya. Tinanguan at ngitian ko siya ng pilit bilang tugon.

Alam ko na sinabihan na nila ako kung ano nagaganap dito sa chamber pero hindi ko naman akalain na ganun talaga maabutan namin. Nakakagulo na sa labas pero parang walang pakialam yung nasa loob.


"Malapit na tayo," bulong sa akin ni Flora. Pagliko namin bumungad sa akin ang sunod-sunod na kulungan.

Halo-halong emosyon ang naramdaman sa nakita ko pero mas nangunguna ang galit. Sino nga ba hindi magagalit  kapag nakita ito? May mga babaeng walang damit, mga lalaking sugatan na halatang pinahirapan at siyempre may naabutan din kami na Seraph na ginagawa mismo sa ibang bihag ang ginagawa nila sa iba.

"Bakit ang dami yata nila? Akala ko ba bihira lang ang taga labas dito?" tanong ko kay Flora.

"Hindi ko din alam. Hindi naman ganito noon," tugon ni Flora.

Lumapit ako sa babaeng umiiyak. Noong makita ako bigla siya napaatras at takot na tinignan ako.

"Hindi ako kalaban. Nandito ako para itakas kayo. Gusto ko lang malaman kung paano ka napunta sa mundong ito?" tanong ko.

"Dinala nila ako dito at kinulong. Habang lumipad ako sa langit may sumulpot na aurora sa tabi ko. Nagsilabasan sila bigla at pilit akong dinala dito," tugon nito.

Mahina lang ang pag-uusap namin para hindi kami mapansin.

"Sila mismo nagdala sayo dito? Hindi ka naligaw sa mundong ito?" gulat na tanong ko. Tinanguan niya ako bilang tugon.

"Lahat kami ganun. Maliban sa dalawang matagal na nandito."

"Sino yung dalawang tinutukoy mo?"

Baka mas may alam yung dalawang tinutukoy niya kung matagal na sila dito.

"Nasa pinakadulo sila."

"Salamat!"

Inabutan siya ni Flora ng robe upang may maisuot ito. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yun basta na lang siya nagkaroon sa kamay.

"Mag-uumpisa na ako," sabi ko sa kanya saka lumikha ng magic ball sa aking palad. Pinatabi ko yung nakausap ko bago ko ito hinagis sa kulungan niya.

Nagdulot ito ng mahinang pagsabog na ikinatahimik ng iba. Alam ko na makukuha na ng kalaban ang atensyon namin pero wala ako pakialam. Napangiti ako nang makitang nasira ang kulungan. Agad na tinulungan ni Flora makalabas ang babae. Sunod-sunod kong sinira ang lahat ng kulungan hanggang sa may nagsilabasa na Seraph.

"Sino ka? Paano ka nakakagamit ng kapangyarihan dito?" galit na tanong sa akin ng isang Seraph. Puno ng dugo ang kasuotan nito na lalong ikinagalit ko. Itsura niya pa lang alam ko na ginawa niya.

"Erie, tandaan niyo pangalan ko dahil ako ang tatapos sa kasamaan niyo," galit na sabi ko sabay atake sa kanila. Ito ko alam kung bakit ko iyon nasabi.

Isa lang ang sigurado ako, gusto ko sila patayin lahat. Gusto ko sirain ang kulungan na nagpapahirap sa mga taga-ibang mundo. Kung kaya kong pasabugin ang mundo ito, gagawain ko. Matigil lang ang lahat. Kung mawawala itong mundong wala, mawawala  din sila.

"Waaaaahhhh!" sigaw nila pagkatapos ko sila  batuhin ng napakalaking magic ball.

Pagkawala ng liwanag na dulot ng kapangyarihan ko, nasilayan ko ang abo ng kalaban. Hindi ko akalain na ganun ang kahahantungan nila. Masyado ba mainit yung magic ball ko para maging abo sila? Hindi naman apoy ang gamit ko.

"Tulad ng inaasahan ko. Kasing lakas ka nga ni Eric. Pangalawa ka sa nakikilala kong pinakamalakas na Seraph. Baka nga nahigitan mo pa ang Papa mo," nakangiting sabi ni Flora. Kitang-kita ko sa mata niya ang pagkamangha..

"Tulungan mo makalabas lahat ng nakawala. Ako na bahala sa ibang nakakulong," utos ko saka tinuloy ang pagsira sa kulungan at pagpatay sa mga kalaban.

"Nandito ka na din sa wakas. Matagal ko na hinihintay ang pagdating mo bata," sambit ng isang lalaking nakadena pagdating ko sa dulo. May kasama itong babae sa kukulungan. Sa lahat ng kulungan sa kanila ang pinakamalaki. Naalala ko yung sinabi ni Zera noon.

"Ikaw ba si Zero?" tanong ko sa kanya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top