CHAPTER 40: SOUL TREE
CHAPTER 40: SOUL TREE
Erie's POV
"Dito na ba yung sinasabi niyo?" tanong ko sa kanila nang huminto kami sa taas ng bundok kung saan may isang puno sa tuktok.
"Oo. Dito makikita ang sinasabi ko. Pero bihira lang ito magpakita," sagot ni Flora.
Umupo ako sa damuhan dahil sa pagod. Ikaw pa naman umakyat sa napakataas na bundok. Pinagmasdan ko ang paligid at napanganga na lang ako sa ganda ng akong nakikita.
"Wow! Rainbow City! Ang ganda!" manghang sabi ko habang nakatingin sa mga bahay sa ibaba. May nakikita din akong kastilyo pero yung taas lang niti. Malayo ito sa village at halos na natatakpan ng mga ulap ang bubong. Tumayo pa ako para mas lalong makita ako. Kung nakakalipad siguro ako mas makikita ko ang ganda ng mundong ito.
"Ikinaliligaya ko na marinig iyan mula sayo."
Nawala ang ngiti ko nang may nagsalitang babae.
"Sino ka?" tanong ko habang natingin sa paligid. Wala naman akong nakikitang ibang nandito maliban sa amin.
Biglang nagliwanag ang mga damo at mula doon may nagsiliparang alitaptap na may iba't - ibang kulay din. Humangin bigla at sa isang iglap nagbago ang punong nasa tabi ko. Nagliliwanag ang mga dahon nito kung saan may iba't - ibang kulay na bunga. Yung bunga niya bilog lang ito na lumiliwanag.
"Ako si Treena. Ako ang nagbibigay buhay sa mundong ito. Kilala ako bilang soul tree," sabi ng babaeng lumabas mula sa puno. Mukha itong Dryad base sa anyo niya. Kulay yellow green ang buhok niya at mata.
"Ako si Erie," pakikipagkilala ko.
"Masaya akong makilala ka anak ni Eric," nakangiting sabi nito.
"Paano nalaman ang tungkol doon?"
"Binulong ng hangin sa akin. Nandito ka para magpatulong sa akin kung paano gamitin ang kapangyarihan mo, tama?"
"Pwede po ba?"
"Ano ba meron sa inyo ng Papa mo at lagi kayo sa aking napupunta? Isa lamang ako puno na nilikha ng panginoon para bigyang buhay ang mundong ito," napabuntong hininga ito sa sinabi niya.
"Pagod na po ba kayo sa trabaho niyo?" tanong ko.
"Hindi naman iha. Nakakalungkot lang dahil matagal na noong may nakausap ako. Simula nung nawala si Eric, mag-isa na lang ako dito. Wala man lang ako nagawa para protektahan ang batang inalagaan ko at tinuring na isang anak," malungkot na sabi nito. Nakakalungkot nga naman kung mag-isa ka lang dito sa tuktok. Idagdag pa na hindi siya pwede magpakita sa iba dahil maaring ikipahamak niya.
"Wag po kayo mag-alala. Nandito na ako. Hindi ko po kayo iiwan. Kung sawa na kayo sa mundong ito pwede kayo sumama sa mundo ko," nakangiting sabi ko.
"Talaga? Isasama mo kami? Matagal ko na gustong umalis sa mundong ito," masayang sabi ni Flora.
"Kung ayos lang kunin ko kayo," alinlangan na sabi ko.
"Walang problema doon. Una pa lang hawak mo na ang kapalaran ng mundong ito. Na sa iyo kung wawasakin mo o hindi ang mundong ito," sabi naman ni Treena.
"Ano po ibig niyong sabihin?" tanong ko.
"Matagal ko na hinihintay ang pagdating ng isang deity. Noon tapat ang mga seraphim sa paglilingkod sa kanila pero simula noong naghari ang kasalukuyang hari ay nagbago lahat. Kinalaban nila ang mga deity. Upang maprotektahan nila ang mundo ng mga deity, napilitan silang putulin ang lagusan patungo doon."
Kaya pala walang pinto patunggo sa Aurora. Akala ko wala kinalaman ang mundong ito sa Xaterrah pero meron pala. At isa din ito sa inaalagaan nila. Siguro kung hindi ako anak ng isang seraph hindi ako makakarating sa mundong ito. Pero teka! Paano niya nalaman na isa akong deity? Wala ako pinagsabihan tungkol doon. Matanong nga.
"Paano mo po nalaman na isa akong deity?" tanong ko.
Tinignan ko sila Flora na halatang nagulat sa tanong ko. Hindi ko kasi sinabi sa kanila ang tungkol sa pagiging deity ko. Wala naman problema sa akin na gamitin ang kapangyarihan ko na nakuha kay Mama. Pero kailangan ko pa rin matutunan gamitin ang kapangyarihan na namana ko kay Papa kung gusto ko makaalis sa mundong ito.
"Nakikita ko kung anong klaseng nilalang ang kaharap ko. Alam ko ding mabuti ka dahil wala ako nakikitang masamang hangarin."
"Kung ganun nakikiusap po ako. Turuan niyo kong kontrolin ang kapangyarihan ko. Oras na matutunan ko na ang lahat, wawakasan ko na ang kasamahan ng seraphim."
"Masusunod kamahalan. Pero bago yun nais ko ibalita sayo na may mga taga-labas na pumasok dito. Isa kanila ay anak ng isang deity habang iba ay may taglay na kapangyarihan ng isang deity."
Sigurado akong sila Jiro ang tinutukoy niya pero sino yung anak ng isang diety? Hindi kaya sinama nila si Zeus?
"Nasaan sila?" tanong ko.
"Pwede kita dalhin sa kanila sa pamamagitan ng pinakamalapit na puno kung nasaan sila."
"Sige. Dalhin mo ko sa kanila. Delikado kung mahuhuli sila. Mas mabuting kasama ko sila."
Tinanguan ako ni Treena. Tinaas nito ang kamay niya at may tumubong halaman sa tabi ko. Nagkorteng bilog ito na parang malaking salamin pero sa gitna nito isang nakulay na liwanag lamang ang makikita.
"Pumasok ka lamang sa loob at dadalhin ka ng lagusan sa punong tinutukoy ko."
"Pwede ba ako sumama?" nag-aalalang tanong ni Flora. Tinanguan ko siya bilang tugon.
"Maiwan na muna namin kayo."
Pumasok na kami ni Flora sa protal at lumabas kami sa isang puno. Hinanap ko agad sila Jiro pero hindi ko sila makita. Akala ko ba malapit lang sila sa lalabasan ko? At dahil ayoko na mapagod sa paghahanap sinubukan ko na lang tawagin si Jiro sa pamamagitan ng isip ko. Kanina pa kaya ako naglalakad.
'Jiro, nasaan kayo? Nandito ako sa gubat,' sabi ko sa isip ko.
'Erie? Ayos ka lang ba? Akala ko hindi mo na ako tatawagin. Diyan ka lang. Papunta na kami,' sagot niya agad. Kung hindi sa akin sinabi ni Treena na nandito sila, hindi ko siya tatawagin.
"Erie!" sigaw ni Zeya sabay yakap sa akin. "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba ng mga anghel na may anim na pakpak?"
Hinawakan niya ako sa mukha upang tignan kung may sugat ba ako.
"Ayos lang ako. Si Flora nga pala sila. Isa siya sa tumulong sa akin."
"Masaya akong makilala kayo. Ako si Flora."
"Ang ganda mo Miss. Pwede ka bang ligawan? Ako nga pala si Zeya," porma sa kanya ni Zeya. Para siyang walang anak kung makapanligaw ng babae. Idagdag pa na pareho silang babae. Ngumiti si Flora. Yung ngiti na mapapanganga ka sa ganda.
"Ano ba sinasabi mo Zeya?? Maganda siya Oo. Pero lalaki yang kausap mo," kontra ni Zep sabay taas ng salamin niya na medyo binababa niya kanina. Nanlaki ang mata naming mga babae.
"Lalaki ka?" tanong ni Zeya habang makapaniwala sa narinig. Tinignan ko si Flora habang salubong ang kilay. Unang kita ko sa kanya pinagdudahan ko ang gender niya pero sabi niya sa akin babae siya.
Tumawa ng malakas si Flora. Yung tawa niya na akala mo wala ng bukas.
"Paano mo nalaman na lalaki ako?" tanong nito.
"Flat ka!" diretsong sagot ni Zep. Napatingin ako sa dibdib ni Flora.
"Pwede naman na flat chested lang talaga siya," kontra ko sa kanya. Tumango naman si Flora pero sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko nakakalimutan yung sinabi niyang parehas kaming babae. Hindi kaya ginawa niya yun para makita ang katawan ko?
"Bakit namumula ka? May ginawa ba siya sayo?" pansin ni Jiro sa akin.
"Wala siya ginawa sa akin pero nagbihis ako sa harapan niya," sagot ko pero pabulong yung 'nagbihis ako sa harapan niya'.
"Lalaki ka ba talaga?" tanong ko na lang kay Flora.
"Patawad kung hindi ko sinasabi sayo ang totoo. Nais ko lamang na maging komportable ka sa akin," aniya sabay yuko.
"Kapag nalaman ni Zeque yung nangyari, sigurado lagot siya," bulong sa akin ni Jiro. Narinig niya siguro yung binulong ko.
"Wag mo sabihin sa kanya. Hindi lang siya ang malalagot," ngayon pa lang naiisip ko na ang na galit na mukha ni Zeque. Napalunok ako bigla dahil may ideya ako kung ano pwede gawin sa akin ni Zeque kapag nagkataon na malaman niya. Buti na lang hindi siya mind reader katulad ni Blaize.
"Mamaya na kayo magbulungan. May paparating," sabi bigla ni Zeya.
"At marami sila," dugtong pa ni Zep.
"Bumalik na tayo sa bundok. Mas ligtas tayo doon," sabi naman ni Flora.
"Jiro, doon tayo sa may pinakamataas na bundok. Madali mo makikita yun sa taas," sabi ko sa kanya.
Tumango siya bilang tugon. Nagpalit ng anyo sila Zera. Katulad ni Zeque may apat na anyo sila. Ngayon ko lang sila nakita na nagbago ng anyo bilang wizard. Nagkaroon sila ng pakpak na katulad kay Zeque tanda na magkakapatid sila. Binuhat ako ni Jiro saka lumipad. Sumunod naman si Zera habang bitbit niya si Zeus. Nakita ko si Zeya na pinakapit sa kanya si Flora para ilipad. Para silang magkayakap sa posisyon nila.
"Zep, tutal wala kang bitbit. Ikaw na bahala sa kalaban na humahabol sa atin," sabi ni Zeya. Napatingin ako sa likod kung saan may paparating na mga seraph.
"Bilisan natin. Hindi nila pwedeng makita ang pupuntahan natin," sambit ko.
"Hindi natin kailangan magmadali. Tignan mo si Zep" tugon ni Jiro.
Naglabas ng kulay violet na fog si Zep mula sa kamay at nang mapuno ng usok ang paligid sumunod na ito sa amin. Dahil doon makukulong sa isang illusion ang mga sumusunod sa amin. Makakawala lamang sila kapag nawala ang fog o nakaalis sila doon.
Nakabalik kami kila Treena ng walang problema. Masaya nila kaming sinalubong at pinakilala ko na din sila Jiro.
"Maswerte kayo, hindi kayo nahuli ng seraph. Oras na makulong kayo kahit gaano pa kayo kalakas, hindi niyo magagamit ang kapangyarihan niyo. Lalagyan nila ng seal ang katawan niyo para pigilang magamit ang kapangyarihan niyo. Marami na silang nabiktima," pagkukwento ni Treena. Niyaya niya kaming uminom ng green tea habang nagkukwento siya. Mas maganda daw na alam namin kung ano klaseng mundo ang pinasok namin.
Katulad ng sinabi ni Flora marami itong alam tungkol sa Aurora. Pati nga pangalan yung nangyari kanina alam niya, kahit hindi namin sinasabi.
"Isa bihag nila ay may dugong deity din. Habang ang isa naman ay kaparehas mo," tinignan ni Treena si Jiro.
"Katulad ni Jiro..." sambit ni Zera habang malalim na nag-iisip.
"Katulad mo din siya."
"Wag mo sabihin na anak namin yung tinutukoy mo?" tanong ni Jiro. Nagkatinginan silang dalawa ni Zera.
"Hindi ako sigurado dahil hindi ko naman siya nakita sa personal. Napunta sila sa mundong ito pagkatapos nila mapulot ang batang si Erie. Lumipas ang ilang taon na hindi sila nakabalik. Sigurado ako na sobra silang pinahirapan," pagkukwento nito. Nakosensya ako dahil sa sinabi niya. Kasalanan ko kung bakit sila napunta dito. At ang malala pa nito, pwedeng anak nga nila Jiro ang isa sa kanila.
"Erie, natatandaan mo ba ang itsura ng nakapulot sayo?" tanong sa akin ni Zera.
"Hindi ko maalala. Masyado pa ako bata noon," tugon ko. Napabuntong hininga na lang siya.
"Tingin ko si Zero ang tinutukoy niya at yung isa naman yung nawawalang anak ng deity. Kung dito sila napunta malabo talaga na malaman natin ang kinaroroonan nila," konlusyon ni Zep.
"Sorry," paghingi ng tawad ko. Kahit kailan pahamak ako. Lagi ko na lang sila napapasok sa gulo.
Itutuloy...
Bakit feeling ko nagamit ko na yung pangalan na Treena? Pasensya na. Sa dami ng story ko hindi ko na tanda yung mga pangalang ginagamit ko. Lalo na kapag extra lang sila.
- ImaXlover
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top