CHAPTER 38: ECLIPSE
CHAPTER 38: ECLIPSE
Erie's POV
"Kung gusto mo makabalik sa mundo niyo kailangan mo lang matutong lumipad sa langit at maghintay na magbukas ang daan patungo sa ibang mundo," sabi ni Flora pagkatapos ko ipaliwanag ang sitwasyon ko.
"Pero hindi ko alam kung paano makakalipad," malungkot na sabi ko.
"Bakit hindi ka pumasok sa Seraphian Academy? Sigurado marami ka matutunan tungkol sa Aurora," suhestiyon ni Flora.
"Hindi ako makakapayag. Hindi naman siya Seraph. Saka malaki ang chance na malaman nila ang totoo kapag pumasok siya doon," kontra ni Mr. Mushroom.
"Hindi nga ba siya Seraph?" nakangising sabi ni Flora.
"Ano ibig mong sabihin?" tanong namin.
"Ama mo si Eric, tama?" tanong niya sa akin habang nakangiti.
"Totoong Eric ang pangalan ng Papa ko. Wag mo sabihin na yung Eric na sinasabi niyo at ang Papa ko iisa lang?" gulat na tanong ko. Ningitian niya lang ako bilang tugon.
"Paano siya naging anak ni Eric? Kitang-kita natin nung pinatay siya," tanong ni Mr. Mushroom.
"Hindi siya namatay nung oras na yun. Hindi ko alam kung paano niya nagawang magkaligtas. Pero sigurado ako na anak siya ni Eric dahil si Eric lamang ang may birthmark na eclipse," paliwanag ni Flora.
"Totoo ba ang sinasabi niya?" tanong ni Mr. Mushroom sa akin.
"May birthmark ako na parang pinagsamang sun and moon pero hindi ko alam na eclipse pala ang ibig-sabihin nun," sagot ko.
"Wala ba sinabi sayo si Eric tungkol sa pagkatao mo?" tanong ni Flora.
"Wala. Pero noong bata ako madalas niya ikwento ang Aurora."
Kaya siguro walang nakaalam sa pamilya ni Papa dahil hindi talaga siya taga-mortal. Kaya siguro madalas niya ikwento ang mundong ito dahil dito siya galing. Ibig sabihin nung napunta ako dito noong bata ako, totoo yun? Hindi yun panaginip.
"Alam niyo ba kung saan dinadala yung mga nahuhuli nilang taga-labas?" tanong ko.
"Sa chamber. Bakit?" tugon ni Flora.
"Paano pumunta doon? Gusto ko makita yung mga nahuli nila. Baka isa sa kanila kilala ko," sagot ko.
"Hindi madali makapasok doon. At kapag nahuli ka nila baka patayin ka nila," paalala ni Flora.
"Mga bantay lamang ang pinapayagang makapasok doon," sabi ni Mr. Mushroom.
"Wala ba ibang paraan para makapasok doon? Tulungan niyo ko. Kahit ano gagawin ko," pakiusap ko.
"Pwede ko ba malaman kung bakit gusto mo makapunta doon?" tanong ni Flora.
"Noong bata ako, nakapunta na din ako dito. Hindi malinaw sa akin ang lahat pero alam ko na may kasama ako noong panahon na yun. Kung tama ang naalala ko, naiwan sila sa mundong ito."
"Paano kung nandoon nga sila? Ano gagawin mo?"
"Patatakasin ko sila."
"Nasisiraan ka na ba?! Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? Kapag nahuli ka nila sigurado patay ka. Hindi ako papayag," sigaw ni Flora sa akin.
"Kung ayaw niyo ko tulungan. Ako mismo gagawa ng paraan. Magpahuli ako sa kanila bilang taga-labas para sila mismo ang magdala sa akin doon," matapang na sabi ko sabay tayo.
"Anak ka nga ni Eric. Ganyan din siya katapang. Pero dahil din diyan kaya siya tinuring traydor. Oras na ikulong ka nila doon hindi ka na makakalabas. Pag-isipan mo mabuti," sabi sa akin ni Mr. Mushroom.
"Hindi. Kung Seraph siya, siguradong makakalabas siya. Kukulungan iyon ng mga taga-labas kaya tangging Seraph lamang ang nakakagamit ng kapangyarihan doon. Ngunit kailangan niya pa rin labanan ang mga bantay," sabi ni Flora.
"Wag mo sabihin na papayag ka sa plano ng batang ito? Alam mo naman kung ano ginagawa nila sa taga-labas. Hindi lang nila ito basta kinukulong," sambit ni Mr. Mushroom.
"Bakit? Ano ginagawa nila sa taga-labas?" kinakabahang tanong ko.
"Dipende sa maisipan nilang gawin. Kung ako tatanungin. Sa gandang mo yan, sigurado maraming lalaki ang maiisipan kang gahasain. Ayun ang dahilan kung bakit hindi na nila pinapalampas ang mga taga-labas. Para sa kanila laruan ang mga taga-labas. Masyado nila pinahahalagaan ang kapwa nilang Seraphian kaya naman taga-labas ang pinag-iinitan nila," paliwanag ni Flora. Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na may ganun din dito.
"Dahil doon kaya tinuring traydor si Eric. Siya lamang ang nagtangkang kumontra sa gawain na yun. Nang malaman niya ang ginagawa nila sa taga-labas, sinubukan niya patakasin ang mga taga-labas. Pinagtanggol niya ang mga ito. Pero mag-isa lang siyang lumaban kaya sa huli talo siya. Naparusahan siya ng kamatayan," pagkukwento ni Mr. Mushroom.
"Kung si Eric na isang pinakamalakas na warrior natalo. Paano pa kaya ikaw na walang alam sa mundong ito? Kung tama ako hindi mo din alam kung paano gamitin ang kapangyarihan mo bilang Seraph," sabi sa akin ni Flora.
"Edi turuan niyo ko kung paano gamitin. Saka minsan nagagamit ko din ang kapangyarihan ko kapag kailangan," nakangiting sabi ko.
"Gusto man kita tulungan, wala ako idea kung paano gamitin kapangyarihan niya. Mas mabuti pa sundin mo na lang ang suggestion ko na mag-aral sa Seraphian Academy," tugon ni Flora.
"Paano ako makakapasok doon? Saka hindi ba delikado dahil kaparehas ko ng birthmark ang tinuturing nilang traitor."
"Kahit kaperahas mo siya ng birthmark, hindi naman nila agad maiisip na anak ka ni Eric. Nagkataon lang na kilalang-kilala ko si Eric kaya alam ko na anak ka niya. Wag ka mag-alala, ako bahala sayo."
"Sige. Kung ayan lang ang tanging paraan para makalapit ako sa kanila. Mas mabuti na yan para makalapit ako sa kanila."
Kung mag-aaral ako dito mas makakakuha ako ng impormasyon tungkol sa mundong ito. Malalaman ko din kung paano ako makakabalik sa mundo ko.
******
Zeque's POV
Napatingin ako sa langit bigla nang may maramdaman ako na malakas na kapangyarihan na nagmumula doon. Bigla din ako kinabahan pakiramdam ko may masamang nangyari.
"Erie..." nag-aalalang sabi ko sa aking sarili.
Natauhan ako bigla nang may sumulpot na demon sa harapan ko. Mabuti na lang naharangan siya ni Max at agad siyang hiniwa ng espada nito.
"May problema ba?" tanong ni Max sa akin.
"Wala. May iniisip lang ako. Salamat," sagot ko saka muling sumugod sa mga nagkalatang demon monster sa paligid.
"Namimiss mo na si Erie no?" pang-aasar ni Zaira habang nakikipaglaban.
"Yeah," diretsong sagot ko.
"Ayos lang naman sa amin kung dalawin mo siya saglit. Hindi ka namin pipigilan. Wag ka lang talaga magtagal doon dahil kailangan ka namin," sabi naman ni Gin sa akin.
"Mamaya pupuntahan ko siya. Sila na muna ang aasikasuhin ko," tugon ko sabay atake sa mga demon.
"Nakita ko sila Jiro kanina sa taas," balita sa akin ni Naomi sabay baba sa kapartner niyang phoenix.
"Sila nga ang naramdaman ko sa langit. Kasama ba nila si Erie?" tanong ko.
"Ayun nga ang pinagtataka ko. Wala si Erie. Kasama din nila si Zeus pero wala akong nakitang Erie. May nangyari kaya sa X?" nag-aalalang sabi ni Naomi. X ang codename namin sa Xaterrah, dahil ayaw namin malaman ng mga demon ang tungkol doon.
"Hindi maganda ang kutob ko. Saang direksyon sila papunta?"
"Lumipad sila pataas hanggang hindi ko na sila makita."
"Papunta siguro sila sa Arcadia. Ano gagawin nila doon?"
"Arcadia? Saan yun?" tanong ni Zaira.
"Arcadia, ang tawag sa tirahan ng mga Angel at Grimreaper. Matatagpuan ito sa kalangitan ng Outlandish."
"May ganun pala. Hindi yun nakwento sa akin ni Kuya Hades ah."
"Hindi talaga yun pinag-uusapan dahil sacred place yun."
"Nakapunta ka na ba doon?"
"Oo. Isang beses," sagot ko kay Zaira. Napangiti ako nang maalala ko yun. Palihim ko sinundan sila Jiro at Persephone noon dahil curious ako sa kanila.
"Ano itsura? Maganda ba doon? Gusto ko din makapunta doon."
"Hindi ka makakapasok sa loob kung wala ka kasamang taga-Arcadia. Kung gusto mo makapunta doon, kausapin mo si Jiro."
Tumakbo ako palapit sa mga demon na nagbabalak tumakas at saka ako tumira ng apoy. Maghapon kami nakipaglaban hanggang sa sumapit na ang gabi.
"Nakakapagod. Hindi sila nauubos. Mahihirapan tayo nitong maglagay ng barrier," reklamo ni Zaira.
"Alis muna ako saglit," paalam ko sa kanila.
Bumalik ako sa Xaterrah para tignan ang lagay nila. Kanina pa ako nag-aalala lalo na kay Erie. Pagdating ko sa palasyo walang sumalubong sa akin. Isa-isa ko tinignan ang kwarto nila pero wala ako nakitang kahit anong anino nila. Tangging isang sulat lamang ang natagpuan ko sa kwarto namin ni Erie.
'Mawawala muna kami ng ilang araw. Wag ka mag-aalala ayos lang si Erie. Ibabalik ko siya sayo,' basa ko dito. Sa ibaba nakalagay ang pangalan ni Jiro.
"Wag mag-aalala? At ano ibig mo sabihin sa ibabalik mo siya sa akin?" inis na sabi ko. Sa sobrang inis ko nalukot ko ang papel.
Alam ko may masamang nangyari. Dahil sa sinabi niya na wag ako mag-aalala lalo lang ako nag-alala kay Erie. Idagdag pa na wala ako idea sa nangyayari.
"Ano kamusta?" tanong ni Max sa akin pagkabalik ko. Natigilan siya bigla nang tignan ko siya.
"May masamang nangyari ba? Mukha kang papatay," tanong ni Crystal.
"Nawawala si Erie," sagot ko.
Kung totoong hindi nila kasama si Erie kanina, ibig sabihin nawawala ito. Umalis sila para hanapin siya. Hindi ko alam kung ano kinalaman ng pagpunta nila sa Arcadia.
"Parang nangyari na yan dati," komento ni Zaira.
"Baka napunta nanaman siguro siya sa ibang mundo," biro ni Gin. Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun.
"Ibang mundo," bulong ko habang malalim na nag-iisip kung may iba pang mundo na alam si Erie.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top