CHAPTER 37: BIRTHMARK

CHAPTER 37: BIRTHMARK

Jiro's POV

"ERIE! ERIE! NASAAN KA?" sigaw ko nang hindi ko na makita si Erie. Nawala na lang siya bigla kasabay ng makulay na liwanag kanina.

"Nakita niyo ba si Erie?" tanong ko kila Zeya pagkababa ko.

"Oo," sagot ni Zeya habang nakatingin sa langit.

"Nawala siya kasabay ng aurora. Hindi lang basta panaginip yun," sambit ni Zep.

"Panaginip?" tanong ko.

"Yung sinabi ni Erie noon. Hindi lang basta panaginip. Totoong may iba pang mundo bukod sa apat na mundo," tugon niya habang nakangiti.

"Yung Aurora?" tanong ni Zeya.

"Oo. Ano na gagawin mo ngayon? Kapag nalaman ni Zeque na nawala si Erie, malalagot ka."

Ningisian ako ni Zep.

"Hahanapin ko siya. Kung kinakailangan ko lumipad hanggang sa dulo ng mundo, gagawin ko," sambit ko.

"Bakit hindi tayo maghanap ng impormasyon sa library? Baka meron silang libro tungkol sa Aurora," suhestiyon ni Zeya.

"Sinubukan ko na yan. Pero wala akong nakitang impormasyon tungkol doon. Wala tayo magagawa kundi maghintay na lumabas na aurora sa langit. Lahat tayo iniisip na normal lang yun katulad ng rainbow. Pero ang totoo portal yun patungo sa kabilang dimension," kontra ni Zep.

"Hindi pwede. Kailangan natin mahanap si Erie bago bumalik si Zeque. Zep, oras na para tuparin ang pangarap mo na makapunta sa iba pang mundo," sambit ko.

"Kahit gusto kita tulungan. Makulay na mundo lang ang alam ko tungkol doon," sagot ni Zep.

"Baka naman may iba pang nakakaalam tungkol sa Aurora? Kung nakwento yun ng papa ni Erie. Baka naman may napagsabihan din siya tungkol doon?" sabi naman ni Zeya.

Naalala ko bigla ang lalaking nakakausap ko noon sa museum. Sigurado ako na siya ang papa ni Erie. Kung nalaman ko lang agad yun, sana mas nakipag-usap ako sa kanya.

"Matagal na patay ang malalapit na kaibigan ng papa ni Erie," sabi ko.

"Bakit hindi natin hanapin ang spirit nila para makausap? Sa atin tatlo ikaw ang mas nakakalam tungkol sa spirit. Ang mga tao kapag namatay sinusundo ng grimreaper at dinadala sa spirit world, tama?" nakangiting sabi ni Zep.

"Gusto mo lang makapunta sa Arcadia," tugon ko.

"Inaamin ko na gusto ko makapunta sa Arcadia dahil ayun na lang ang hindi ko napupuntahan sa Outlandish. Pero may isa pang dahilan kung bakit kailangan natin pumunta doon," paliwanag ni Zep.

"Ano naman yun?" tanong ko.

"Arcadia ang alam ko na pinakamataas na lugar sa Outlandish. Kung tama ang hinala ko doon madalas makakita ng aurora," nakangiting sabi niya.

"Hindi lang madalas. Kumpara sa ibaba mas malapit din i--"

"Nakuha mo na ang ibig kong sabihin? Kahit na malapit niyong nakikita ang aurora, walang sino man ang nagtatangkang lumapit dito. Kung nakatira ka naman sa ibaba, hindi rin ito malalapitan dahil na sa pinakamataas na kalangitan ito makikita. Sa Arcadia, may dahilan kung bakit walang nagtatangkang lapitan ito, tama?"

"Walang lumalapit dito dahil delikado. Sabi nila oras dumikit kami doon mamamatay kami."

"Ganun na nga. Pero tingin mo ba namamatay talaga ang dumikit doon? O naglaho lang sila pagkatapos nila dumikit doon, katulad ng nangyari kay Erie. Hindi sila namatay. Napunta lang sila sa Aurora at kailanman hindi na nakabalik. Maaring hindi na sila nakabalik dahil pinatay sila ng mga naninirahan sa mundong iyon upang maitago nila ang mundo nila sa mga tagalabas na katulad natin."

"Kung totoo ang sinasabi mo. Delikado ang lagay ni Erie," sambit ko. Napakuyom ako ng kamao at nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi ni Zep.

"Pero base sa kwento ni Erie nakabalik din siya sa mortal world," singit ni Zeya.

"Masyado pa siyang bata noong nangyari yun. Baka naawa lang sila at binabalik," paliwanag ni Zep.

"Pero hindi din siya makakapunta doon kung hindi siya nakakalipad. Ibig sabihin may nagdala sa kanya langit kaya siya napunta sa mundong yun," sabi naman ni Zeya.

"Hindi ito ang oras para pag-usapan yan. Tanungin niyo na lang si Erie kung paano siya napunta doon. Kung totoo ang sinasabi ni Zep, mas mabuti pang pumunta tayo sa Arcadia," awat ko sa kanila. Baka kung saan pa mapunta ang isapan nila.

"Aalis kayo? Iiwan niyo ko mag-isa?" tanong ni Zera habang hawak si Zeus.

"Kami lang ni Zep ang aalis. Sasamahan ka ni Zeya dito," sagot ko.

"Iiwan niyo ko? Sama din ako," reklamo ni Zeya.

"Kung sasama si Zeya, sasama  din ako. Ayoko maiwan," sabi naman ni Zera.

"Kailangan may maiwan dito. Baka hanapin kayo ng pamilya niyo," kontra ko naman. Ang pamilya nila ang nagsisilbing mamayan ng Xaterrah. Malaki ang pamilya nila . Kasalukuyang naninirahan sa Patterson Village na kinuha sa pangalan ng clan nila. Hindi kami kasya sa palasyo kaya tinayuan sila ng bahay ni Zeque.

"Sasabihan ko sila na aalis tayo," sabi naman ni Zeya. Kung tutuusin dumami lang ang pamilya nila dahil sa anak nilang dalawa ni Zep. Habang ang ang anak naman namin ni Zera nasa hindi malamang lugar.

"Paano si Zeus?" tanong ko.

"Sama ako," sabi ni Zeus.

"Maraming bad guy doon. Hindi ka pwede sumama," sabi ni Zeya sa kanya.

Kumapit si Zeus sa pantalon habang nakasimangot.

"Sama ako," ulit niya. Binuhat siya ni Zera.

"Sige. Sasama ka. Basta wag ka makulit ha?" sabi sa kanya nito.

"Seryoso ka ba diyan? Hindi natin alam kung anong klaseng lugar yun. Saka hindi pa tayo sigurado kung ang liwanag na yun ang daan patungo doon," sabi ko.

"Hindi naman natin siya pababayaan," nakangiting sabi ni Zera.

"Kayo bahala sa kanya. Wala ako oras bantayan siya," sabi ko na lang.

******

Erie's POV

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Mr. Mushroom. Kanina pa kaso kami naglalakad.

"Malapit na," tugon niya. Napatingin ako sa parang magic powder na tinatapon nila sa daanan.

"Para saan yan?" tanong ko. Kanina  pa kasi nila yun tinatapon.

"Naglalakbay kami para magpakalat ng mushroom. Tignan mabuti," paliwanag niya sabay hagis muli ng magic powder.

"Ang galing! Pwede ba itong kainin?" sambit ko. May tumubo kasi na mushroom sa pinaghagisan nila ng magic powder.

"Oo. Pero kailangan mo piliin  mabuti kung ano ba diyan ang kinakain at nakakalason. Meron din ginagawang gamot."

"Paano ko malalaman kung alin ba diyan ang kinakain?"

"Sa kulay nito. Makikita mo ang pagkakaiba nila sa kulay."

"Ah! Lahat ba ng kulay may ibig-sabihin? Katulad sa mga puno. May kulay green. May yellow, may blue at iba pa?" tanong ko sabay turo sa mga puno. Iba't - ibang kulay din kasi ang dahon nito.

"Oo. Bawat kulay may ibig-sabihin. Kahit sa mga Seraph. Mahalaga ang kulay ng pakpak sa kanila kaya naman iba ang turing nila kay Eric."

"Bakit?"

"Siya lang kasi ang may itim na pakpak. Pero kahit ganun isa siya sa pinakamagaling na warrior."

"Ano naman ngayon kung kulay itim pakpak niya? Hindi naman lahat ng itim masama," inis na sabi ko.

"Ayan din ang tingin namin. Hindi nila alam na nakatago lang ang napagandang pakpak niya. Siya lang din ang nag-iisang may pakpak na ganun," nakangiting pagkukwento ni Mr. Mushroom.

"Ano ibig mo sabihin?" tanong ko.

"Tuwing sasapit ang gabi. Nagbabago ang anyo niya. Ang itim na buhok niya humahaba at nagiging dilaw ito. Ang itim na pagkapak niya nagiging kulay bahaghari. Sa madilim na gabi nagliliwanag siya."

"Napaganda niya siguro tignan. Kahit hindi ko ito nakita alam ko napaganda ng pakpak niya," nakangiting sabi ko. Naisip ko si ang pakpak ni Zeque sa sinabi nila. Maliban lang sa kulay ng buhok.

"Nandito na tayo. Flora!"

Lumapit si Mr. Mushroom sa isang bahay na mukhang sunflower. May lumabas na babae na may kasuotan na gawa sa dahon at may bulaklak sa ulo.

"Sino itong magandang binibining kasama niyo? Gusto mo ba magpagawa ng kasuotan sa akin? Sa ganda mo yan sigurado babagay sayo lahay," tanong nito sabay lapit sa akin.

"Salamat po. Ako nga po pala si Erie," tugon ko.

"Mukhang hindi na kita kailangan makiusap. Gusto namin na gawan  mo siya ng kasuotan para hindi siya mapakamalan na tagalabas," sambit ni Mr. Mushroom.

"Ayun lang pala. Walang problema. Pagagandahin kita lalo. Hintayin niyo kami dito," sabi ni Flora sabay hila sa akin papasok sa loob.

Pinatayo niya ako sa gitna sabay kumpas ng stick na hawak niya. Kusang kumilos ang mga gamit niya sa pananahi. Sinukatan ako ng tape measure at nagtungo ito sa mga tela kung saan may nakaabang din na panulat. Wala pa yata limang minuto natapos agad ang damit.

"Tapos na. Pwede mo na suutin. Tanggalin mo na ang damit mo dali," aniya sabay lapit sa akin.

"Sa harap mo?" tanong ko. Ningitian niya ako.

"Wag ka mag-aalala. Parehas naman tayo babae," aniya habang nakangiti.

"Okay," sagot ko na lang. Sabay tanggal ng damit ko. Wala naman kasi ibang kwarto dito. Tumalikod na lang ako.

"Sandali!" pigil niya sa akin bago ko masuot ko ang damit na ginawa niya.

"Bakit?" tanong ko. Nakiliti ako bigla nang hipuin niya ang likod ko.

"Totoo ba itong marka mo?" tanong niya. Yung birthmark ko siguro yung sinasabi niya.

"Oo. Nandiyan na yan simula  sinilang ako. Hugis kalahating buwan at araw ito," tugon ko.

"Nagtatakpan ng kadiliman ang liwanag sa araw. Sa gabi masisilayan ang liwanag sa kadiliman," sambit  niya.

"Ha?" naguguluhang taning ko. Nang tignan ko siya malungkot ang mga mata niya kahit nakangiti.

"Wala. May naalala lang ako. Hintayin na lang kita sa labas," aniya saka ito lumabas.

"Nagtatakpan ng kadiliman ang liwanag sa araw. Sa gabi masisilayan ang liwanag sa kadiliman," bulong ko habang iniisip ang ibig sabihin nito.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top