CHAPTER 35: BEGINNING OF WAR
CHAPTER 35: BEGINNING OF WAR
Erie's POV
Makalipas ang apat na taon na pamamalagi namin sa Xaterrah, unti- unti namin ito naayos kasabay na aming pagsasanay. Nagagamit ko na din ang kapangyarihan ko. Habang ang iba naman bumalik sa mortal world at Outlandish upang hanapin ang ibang dragon at labanan ang mga demon.
"Hmmm. Parang may kulang," sambit ko habang pinagmamasdan ang tanawin.
"Ano kulang?" tanong ni Zeque.
"Hindi ko alam. Kapag tinitignan ko ang paligid parang may kulang," tugon ko.
"Zeque, lumalaki na ang nasasakop ni Samael sa Outlandish," sabi ni Shiro. Pinadala siguro siya dito ni Zaira upang i-report ang kaganapan sa ibang mundo.
"Nakabalik na ba lahat?" tanong ni Zeque.
"Hindi pa."
"Mamaya pag-usapin natin ang tungkol diyan kapag kumpleto na tayo. Pakisabihan na din ang iba na may meeting tayo."
Tumango ito bilang tugon bago naging lion at umalis.
"Alam ko na ang kulang," sabi ko nang makita ko ang totoong anyo ni Shiro.
"Ano?"
"Maliban kila Shiro walang ibang hayop dito."
"Ano ba hayop gusto mo?" tanong niya sa akin.
"Ibon," tugon ko. Sinara niya ang kamay niya at nang buksan niya ito may nagsilabasan na mga ibon.
"Oo nga pala. Kaya mo din lumikha ng mga hayop," komento ko.
Gumawa din siya ng mga rabbit, pusa, aso at kung ano-ano pang hayop na maisipan namin. Ang wierd nga ng mga nilikha niya, iba't iba ang kulay nila kumpara sa mga normal na hayop.
"Sana ganito na lang palagi; payapa, walang gulo, masaya at hindi natin kailangan makipaglaban sa mga demon," aniya habang nakatingin sa mga nilikha niyang hayop.
"Zeque..."
"Mamaya sa meeting, pag-uusapan namin ang pagbalik sa Outlandish. Oras na para makipaglaban kami sa mga demon. Baka hindi kami agad makabalik."
"Iiwan mo ko? Sasama ako sa inyo."
"Kailangan ka ng Xaterrah. Saka hindi mo pa kontrolado kapangyarihan mo. Marami ka pa kailangan matutunan."
"Hindi ako papayag. Gusto ko din tumu--"
Natigilan ako nang makita ko ang malungkot niyang mukha. Napabuntong hininga na lang ako.
"Naiitindihan ko," malungkot na sabi ko. Hinawakan niya ako sa mukha at saka hinalikan
"Hindi ito oras para malungkot," malambing na bulong niya sa akin. Saka ako muli hinalikan. Napapikit ako at saka siya hinawakan sa batok. Nang maramdaman ko nasa malambot na kama na ako, doon lang ako napadilat. Nasa kwarto na kami.
Tuloy lang siya sa paghalik at alam ko kung saan papunta ito.
*****
Third Person's POV
"Aaahhhhhh! Tulong!" sigaw ng isang batang babae habang hinahabol ng isang demon. Sa sobrang takot nito hindi niya napanson ang batong nakausli sa harapan niya. Nadapa ito dahilan para maabutan siya ng demon.
"Aaaahhhhhh!" sigaw nito nang makitang kakagatin siya ng demon. Ngunit bago pa siya tuluyan makain ng demon isang malakas na hangin ang nagpatalsik sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kaycie sa bata saka ito tinulungan makatayo.
"May puso ka din pala," komento ni Kayden.
"Ano tingin mo sa akin walang puso?" inis na sabi ni Kaycie.
"Mamaya na kayo magdaldalan. Tumatakas na yung demon," singit ni Gin.
"Ako na bahala sa kanya," sambit ni Kayden sabay gawa labas ng pakpak na gawa sa apoy. Mabilis itong lumipad upang habulin ang demon. Nang makalapit na siya dito, hinagisan niya ng apoy.
"Aaaahhhhhh!" sigaw nito habang nasusunog.
"May problema ba Gin?" tanong ni Thea nang mapansin niya itong may malalim na iniisip.
"Iniisip ko lang kung bakit kadalasan bata ang inaatake ng mga demon. Panglabing dalawa na siyang nailigtas natin," tugon nito.
"Baka mas masarap ang bata kaya gusto nila," sambit ni Kaycie.
"Gawing alipin ang matatanda at patayin ang mga bata. Ayan ang utos sa kanila ni Samael. Nabasa ko sa isip ng mga demon," paliwanag ni Blaire.
"Kung ganun dapat unahin iligtas ang mga bata. Kailangan ito malaman ng iba," sabi ni Gin.
"Bumalik na muna tayo sa Black Academy," suhestiyon ni Blaire.
"Sakto ang dating niyo. May meeting daw tayo sa Xaterrah. Sabay sabay na tayo bumalik," salubong ni Zaira sa kanila.
"May balita ba kayo kila Crystal?" tanong ni Kayden.
"Pababalik din sila. Susunduin sila ni Zep sa Mortal World. Malakas si Crystal kaya wag ka mag-aalala," tugon ni Zaira.
"Alam ko mas malakas siya sa akin. Pero mas gusto ko siya makasama," nakasimangot na sabi ni Kayden.
"Wala ka talagang kwentang kakambal? Mas pinipili mo pa siya kaysa sa akin. Hindi ka ba nag-aalala na baka makain ako ng Demon?" inis na sabi ni Kaycie.
"Selos ka naman. Siyempre nag-aalala din ako sayo. Pero tignan ka lang ng demon matatakot na sila sayo kaya alam ko na ayos ka lang kahit wala ako."
"Hindi lang ikaw ang gustong sumama sa Mortal World. Gusto ko din makasama si Max. Isipin ko pa lang na kasama siya ni Zarah, naiinis na ako."
"Wag na kayo magtalo. May kailangan kayo dito. Kailangan nila doon sila Crystal para kung sakaling may makaharap silang demon. Mas madali naman sila makakalibot sa mortal world sa tulong ni Max at Zarah dahil doon sila lumaki," paliwanag ni Blaire.
"Alam ko," sabay na sabi ng kambal.
"Kung titignan diba mas magandang si Zaira ang nandoon? Doon siya lumaki at may kapangyarihan siya na katulad kay Crystal," dugtong ni Kayden.
"Gustuhin ko man pero mas makakatulong si Crystal sa paghahanap ng dragon. At saka ayaw ko mahiwalay kay Ian," paliwanag ni Zaira sabay kapit kay Blaize.
"Gusto ko din makasama si Max. Dapat sina Peirce at Finn ang nandito," reklamo ni Kaycie.
"Madidistract lang kayo kapag nadoon kayo," kontra ni Gin.
"Ayoko marinig yan mula sayo. Wala kang ibang inisip kundi ang protektahan si Thea."
Namula ang dalawa dahil sa sinabi ni Kaycie. Natawa na lang ang iba dahil pansin din nila na over protective si Gin pagdating kay Thea.
"Ehem. Bumalik na tayo sa Xaterrah," awat sa kanila ni Blaize.
Binuksan na ni Zaira ang pinto patungo sa bagong mundo na tinutuluyan nila.
"Welcome back," bati sa kanila ni Zeya na isa sa mga naiwan sa palasyo.
"Nasaan si Zeque?" tanong ni Zaira.
"Busy pa sila sa kwarto ni Erie," bulong sa kanya ni Zeya. Nakuha naman agad ni Zaira ang ibig-sabihin nito.
"Hindi na ako magtatataka kung mauunang magkaanak si Erie," komento ni Zaira.
"Sabihin mo lang kay Ian na gusto mo ng baby. Papayag yan agad," pang-aasar ni Blaire.
"Ano ba sinasabi mo kuya? Bata pa ako para diyan," namumulang sabi ni Zaira.
Samantala, sa Terrain isang digmaan sa pagitan ng Demon at ng kaharian ng Terra Firma ang nagaganap. Maraming nilalang mula sa gubat ang kumampi sa mga demon laban sa kanila. Kasalukuyan silang inaatake upang masakop nila ang buong Terrain.
"Haring Jacob, labing walo na sa ating madirigma ang sugatan, dalawa ang patay. Kung magpapatuloy ito, tuluyan na sila makakalapit sa Terra Firma. Kapag nangyari yun madali na lang nila masisira ang barrier," sambit ni Leo.
"Prisesepe Geo," sambit ng isang mamayan ng Terra Firma nang makita niya ang prinsepe.
"Geo, ano ginagawa niyo dito?" tanong ng Hari sa kanyang anak.
"Nabalitaan po namin na sinusugod kayo ng mga Demon kaya agad kami nagtunggo dito upang tumulong," tugon ni Geo.
"Tutulong ako sa paggamot sa mga kasamahan niyo," sabi ni Rina kay Leo.
"Salamat, malaking tulong iyan sa amin," tugon nito.
"Paano ang Occult?" tanong ni Haring Jacob.
"Nandoon po sila Hades para tumulong. Malaki na ang pinagbago nila simula nung nawala sila," tugon ni Geo.
"Kung ganun maghanda kayo. Susugod tayo sa gubat. Bago pa sila tuluyang makalapit sa atin, uunahan na natin sila. Rina, kailangan ko ang tulong mo para mas palawakin ang sakop ng barrier," utos ni Haring Jacob.
"Masusunod haring Jacob," tugon nila.
"Umpisa pa lang ito ng digmaan. Mag-iingat kayo at sabay-sabay tayong uuwi ng ligtas," sambit ng Hari na ikinangiti ng lahat.
"Geo, pwede ba tayo mag-usap saglit?" sabi pa nito sa anak niya. Tumango si Geo bilang tugon. Nagtungo sila palasyo upang doon mag-usap.
"Anak, kung sakaling may masamang mangyari sa akin nais kong ikaw ang pumalit sa akin."
"Sabi na nga ba. Tungkol diyan ang pag-uusapan natin. Wala talaga ako takas. Naiintindihan ko ama. Handa ako palitan ka kahit buhay ka pa. Hindi ko po hahayaang masamang mangyayari sa inyo," tugon nito.
"Kung ganun bakit hindi mo ko palitan ngayon? Matagal na ako handa bumaba sa pwesto. Ikaw na lang ang hinihintay ko. Alam ko na magiging magaling kang hari ng Terra Firma."
"Pakatapos ng digmaang ito ama. Sabay tayong babalik ng ligtas para sa pagpasa mo ng trono. Alam ko balak mo ibuwis ang buhay mo sa kaharian pero hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa inyo," nakangiting sabi ni Geo. Napatingin sila sa pintuan nang bumukas ito.
"Pasensya na. Hindi ko alam na nandito pala kayo. Naabala ko ba kayo?" tanong ng Reyna.
"Hindi po. Tapos na kami mag-usap. Namiss ko po kayo Ina," tugon ni Geo sabay yakap sa Reyna.
"Naalala ko nung bata ka lagi ka nakadikit sa akin. Ang bilis ng panahon. Lagi kang nagiging malambing tuwing sasabak ka sa laban. Mag-iingat kayo," sabi ng reyna habang nakayakap sa anak niya.
"Salamat Ina. Pinapasabi po pala nila Athena na dadalaw sila sa bukas," sambit ni Geo.
"Mabuti naman. Matagal ko na din sila hindi nakikita," masayang sabi ng reyna.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top