CHAPTER 33: ZEQUE'S PAST
CHAPTER 33: ZEQUE'S PAST
Erie's POV
"Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili nang mapansin na nasa hindi pamilyar na lugar ako.
"Sunog! Sunog!" sigaw ng isang ale.
"Hahahaha!" tawa ng dalawang binata habang tumatakbo sabay apir. Mabilis ko silang nakilala dahil wala man lang pinagbago sa itsura nila.
"Zeque..." bulong ko sabay sunod sa kanila.
"Nakita mo ba yung itsura nila kanina? Hahaha. Takot na takot," tuwang-tuwang sabi ni Samael.
"Oo. Takot sila sa apoy ko," tugon ni Zeque.
"Nandito lang pala kayo," napalingon ako sa likod nang may magsalita.
"Persephone!" sambit ni Zeque sabay tayo.
"Erelah," sabi naman ni Samael.
Kahit saang angulo ko tignan napakaganda talaga ni Persephone.
"Kanina ko pa kayo hinanap. Bakit niyo sinunog ang mga bahay? Paano kung may mamatay?" sermon niya sa dalawa.
"Wala akong pakialam kung mamatay sila," tugon ni Samael.
"Saka kasalanan nila yun kung hindi sila agad lumabas ng bahay nila. Bakit ka ba nangingialam? Guardian angel ka ba nila?" tugon naman ni Zeque. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo nga na ibang-iba si Zeque noon at magkaibigan pa sila ni Samael.
"Ang sama niyo. Kaya ang daming galit sa inyo," sabi naman ni Persephone.
"At isa ka din sa kanila. Tabi nga diyan. Pakilamerang anghel," tulak sa kanya ni Zeque bago umalis.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Jiro pagkatapos saluin si Persephone.
"Ayos lang ako. Salamat," tugon nito sabay tayo habang pinagmamasdan sila Zeque na papalayo.
Nag-iba ng lugar ang kinatatayuan ko. Nakita ko si Zeque na natutulog sa damuhan.
"Zeque! Zeque!Zeque!" sigaw ni Persephone habang patakbong palapit kay Zeque. Napaupo si Zeque at salubong kilay niya itong tinignan.
"Ano nanaman kailangan mo?" inis na tanong nito.
"Nanganganib ang buhay ni Zera. Napanaginipan ko siya. Inatake siya ni Samael sa isang sunog na bahay," tugon nito.
"Wag mo nga ako pinagloloko. Bakit naman siya aatakihin ni Samael?" hindi naniniwalang sabi ni Zeque.
"Seryoso ako. Pinadala ako dito upang bantayan si Zera. Kung hindi ka magmamadali, mamatay siya," paliwanag nito. Tumayo na si Zeque.
"Kapag yan gawa-gawa mo lang, humanda ka sa akin," pananakot nito.
"Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong nito.
Sinara niya ang kangyang kamay at nang buksan niya ito may lumabas na iba't-ibang kulay na ibon. Lumipad ito sa harapan niya na para bang nakikipag-usap.
"Hanapin niyo si Zera. Pula, ikaw bumalik kapag may masamang nangyari sa kanya. Ikaw naman asul kapag ayos lang siya. Kayo naman, bantayan niyo siya habang wala ako," utos niya sa mga ibon. Pula tawag niya sa pulang ibon at asul naman sa asul.
Umalis na ang mga ito kasabay ng malakas na hangin.
"Tandaan mo yung sinabi ko. Susunugin ko yang pakpak mo kapag nalaman kong nagsisinungaling ka," pananakot niya kay Persephone bago umalis.
Tahimik kong sinundan si Zeque. Kung saan-saan niya hinanap si Zera hanggang sa makarinig kami ng huni ng ibon. Napatakip ako ng bibig nang makita ang pulang ibon. Napalitan ng nag-aalalang expression ang mukha ni Zeque at agad tumakbo.
"Tabi!" aniya sabay tulak sa babaeng naglalakad. Wala ito pakialam kung may mabangga siya at kahit sino tinutulak niya.
"Zera!" sigaw nito sabay bukas ng pinto ng isang sira-sirang bahay. Bumungad sa amin ang duguang katawan ni Zera.
"Z-zeque," nanghihinang sabi ni Zera.
"Saan ka ba nagpupunta? Tignan mo ginawa ni Samael kay Zera. Sabi na nga ba hindi magpapakitawalaan ang demon na yun," galit na sabi ni Zeya.
"Ano ba nangyari?" tanong nito habang inuumpisahan gamutin si Zera.
"Dinala niya si Zera dito saka niya ito kinuhaan ng dugo. Nalaman niya na Eternal Blood ang dugo natin," sagot ni Zep.
Nag-umpisa nang mawala ang sugat ni Zera.
"Zep, maiwan ko na muna kayo. Mabuti na ang lagay ni Zera," aniya pagkatapos niya gamutin si Zera.
"Pupuntahan mo si Samael?" tanong ni Zeya.
"Papatayin ko siya," galit na tugon ni Zeque. Gumawa ito ng portal.
"Samael!" sigaw niya nang makita ang hinahanap niya.
"Oh? Zeque, ano problema?" tanong nito.
Galit siyang kiniwelyuhan ni Zeque at itinulak sa pader.
"Taksil ka! Bakit mo sinaktan ang kakambal ko?" galit na sabi ni Zeque. Ngumisi lamang si Samael.
"Alam mo na ang sagot diyan. Gagawin ko lahat para lumakas. At darating ang panahon na mapapasaakin ang buong mundo. Ikaw, si Persephone, kayong lahat luluhod sa harapan ko," mayabang na sabi ni Samael. Isang malakas na suntok naman ang itinugon ni Zeque.
"Salamat sa pagbigay mo ng dugo niyo. Mabuti na lang sinubukan ko muna ito sa iba kundi patay na ako. Sa ating dalawa ikaw ang taksil Zeque. Akala mo siguro hindi ko malalaman na dugo lamang ng trinity ang binigay mo," dugtong pa ni Samael na ikinagulat ko.
"Papatayin kita. Hindi ko hahayaan na maging immortal ang katulad mo na demonyo," aatakihin niya na sana si Samael nang tumawa ito ng malakas.
"Huli na ang lahat. Nagamit ko na ang dugong binigay mo. Kahit ano gawin mo hindi mo ko mapapatay. Mas mabuti pang umuwi ka na, kung gusto mong maabutang buhay ang mga magulang mo," sabi ni Samael.
Nagbago muli ang paligid at napalibutan ako ng itim na apoy. Mula sa harapan ko isang nasusunog na bahay.
"INA! AMA!" sigaw ni Zeya habang napupumilit pumasok sa loob. Pilit siyang pinipigilan ni Zep. Sa gilid nila hawak-hawak ni Jiro ang walang malay na si Zera.
"Zeque," sambit ni Persephone nang makita niya si Zeque. Biglang sinugod ni Zeya si Zeque.
"Kasalanan mo ito Zeque. Iligtas mo sila Ina," iyak ni Zeya habang pinagsusuntok sa dibdib si Zeque. Pinigilan ni Zeque ang kamay niya niya saka ito tumakbo papasok sa nasusunog nilang bahay.
"Zeque!" sigaw ni Persephone. Ilang saglit pa lumabas si Zeque buhat ang isang babae na duguan.
"Ina," lapit sa kanila ni Zeya. Iniwan sa kanila ni Zeque ang nilang ina at muling pumasok sa loob.
Napunta ako bigla sa loob at doon nasaksihan ko ang nangyayari sa loob habang hinahanap niya ang kanyang ama.
"Ama! Nasaan kayo? Ama!" sigaw niya.
"Z-zeque, ikaw ba yan?" tanong ng isang tinig. Bakas sa boses nito ang panghihina.
"Ama!" takbo ni Zeque dito sabay alis ng mga nakapatong na nahulog na kisama.
"Zeque, anak *cough.cough.cough* ikaw na bahala sa mga kapatid mo. Wag mo sila *cough.cough.cough* pababayaan," sabi nito.
"Opo. Wag na po kayo magsalita. Ilalabas ko po kayo dito," sabi nito. Umiling ang kanyang ama. Pagkaalis ni Zeque sa huling nakapatong sa kanyang ama, bumungad sa amin ang putol na paa at kamay nito.
"Ama..."
"Marami... ng du...gong na...wala... sa akin. Gi...nawa ko la...hat para ma...protekta...han.. ang i..yong ina... hanggang dito na lang ako. Zeque... ikaw ba...hala sa... ka...nila," sabi nito bago mawalan ng buhay.
"Ama! Gumising kayo! Ama!" sigaw ni Zeque habang umiiyak.
Pagkalabas niya bibit ang walang buhay niyang ama, sumalubong sa kanya ang hagulgol ng kanyang kakambal.
"Zeque, wala na si ina. Wala na," sabi sa kanya ni Zeya. Napansin ni Zep ang kanilang ama na nakaangkas sa likod ni Zeque.
"Ama," sabi nito sabay lapit sa ama.
"Patay na din si Ama. Patawad. Kasalanan ko ang lahat. Kung sana nakinig lang ako sa kanila noon. Patawarin niyo ko," napaluhod na lamang si Zeque habang paulit-ulit na humihingi ng patawad.
Nagulat ang lahat dahil sa kinilos ni Zeque.
"Wag ka nga ganyan. Lalo ako naiiyak," sambit sa kanya ni Zeya sabay hampas dito. Kahit ako naiiyak dahil sa nasaksihan ko.
*****
Zeque's POV
Pinunasan ko ang luhang tumulo kay Erie.
"Ano na ba napapanaginipan mo? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.
"Zeque! Buksan mo ito!" sigaw ni Jiro habang kinakalabog ang pinto. Tumayo ako agad. Baka magising pa si Erie dahil sa ingay niya.
"Bakit?" inis na tanong ko nang mabuksan ko ang pinto.
Tinulak niy ako saka nagmadaling pumasok.
"Bakit nandito si Erie? May ginawa ka nanaman ba sa kanya?" tanong niya sa akin.
"Wag ka nga maingay. Kitang mong may natulog. Wala ako ginawa sa kanya. Siya mismo nagpunta dito para mas makilala ako. Napapanaginipan niya ngayon lahat ng pinagdaanan ko. Hayaan mo na muna siya matulog," sabi ko.
Napansin ko na tigtig siya na titig kay Erie. Sarap niya tuloy bulagin.
"Lahat ipapakita mo sa kanya? Pati yung ginawa mo kay Persephone?" tanong nito.
"Oo," tugon ko. Bigla tuloy ako may naisip. Kailangan ko siya mapigilan kay Erie.
"May ipapakita din ako sayo. Nandito ka din namin, bakit hindi mo siya samahan sa pagtulog?" sambit ko.
"Ano iniisip mo? Alam ko may bina--" hindi ko na siya pinatapos. Pumitik ako sa ere upang patulugin siya.
"Sorry Zera, kailangan niya malaman ang totoong nangyari," mahinang sabi ko bago nilapitan si Jiro.
Ibinaba ko siya sa higaan. Ayoko naman siya matulog sa tabi ni Erie. Bahala siya matulog sa sahig.
"Ngumiti ka na," pansin ko kay Erie. Dahil sa expression niya habang natutulog alam ko kung ano nararamdaman niya habang nanaginip.
Makalipas ang isang dalawang oras biglang nagising si Jiro.
"Kamusta ang tulog mo?" tanong ko.
"Ano yung pinakita mo sa akin? Totoo ba ang lahat na yun? O ginagamit mo lang si Zera?" tanong niya sa akin.
"Bakit hindi si Zera ang tanungin mo?" tugon ko. Hindi na ito nagsalita. Tumakbo ito palabas.
"Zeque..." napatingin ako kay Erie nang magsalita ito.
Paglingon ko isang yakap ang sumalubong sa akin.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top