CHAPTER 32: AURORA

CHAPTER 32: AURORA

Erie's POV

"Umpisahan na natin ang pagsasanay mo. Una tumakbo ka sa loob ng kalahating oras. Kailangan mo ng maraming stamina kung gusto mo talaga lumakas," sabi sa akin ni Jiro.

"Kalahating oras?" gulat na tanong ko. Hindi ko kasi inaasahan na ganun ang ipapagawa niya sa akin.

"Oo. May reklamo ka? Kung wala umpisahan mo na," aniya sabay turo daan na takbuhin ko. Agad ko naman siya sinunod.

"Titigil ka lang kapag sinabi kong 'stop'," pahabol niya. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa unti-unti akong nakaramdam na pagod. Hinihingal na din ako.

Tinignan ko si Jiro na tahimik lang na nakabuntot sa akin habang lumilipad sa ere. Nakaindian seat pa siya habang nalipad. Ang sarap putulin ng pakpak niya.

"Awww!" sambit ko nang bumangga ako. Napaupo ako sa lupa dahil sa pagod ko.

"Ayan napapala ng hindi tumitingin sa daanan," napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang tinig ni Zeque. Nakatayo siya sa harapan ko habang yung kamay niya nasa bulsa.

"Zeque, ano ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Gusto ko sana tignan kung kamusta pagsasanay mo. Mukha naman nag-eenjoy ka dahil si Jiro yung nagtuturo sayo," tugon niya. Mukha ba ako natutuwa sa ginagawa ko?

"Sino nagsabi na tumigil ka? Tumayo ka na diyan at tumakbo," striktong sabi ni Jiro.

"Yes Sir," sigaw ko saka tumakbo. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Zeque dahil sa kakamadali. Sinaniban yata ng masamang isipirito si Jiro kaya ang sungit ngayon.

"Go Erie! Kaya mo yan," sigaw ni Zaira nang makit ako. Napadaan kasi ako sa pinagsasanayan nila. Buti pa sila hindi pinapatakbo ni Zera.

"Stop. Pwede ka na magpahinga," sambit ni Jiro at sa sobrang pagod ko umupo na lang ako basta habang hingal na hingal. Gusto ko ng tubig pero wala na ako lakas para kumuha.

"Pinapabigay ni Zeque," sulpot ni Crystal sa harapan ko gamit ang portal. May hawak siyang isang boteng tubig na kanina ko pa gusto.

"Salamat," pagpapasalamat ko sabay inom ng binigay niya. Sa sobrang uhaw ko naubos ko yung binigay niya. Umalis na siya pagkatapos ko uminom.

"Totoo ba yan sinasabi mo? Maaring may isa pang nabuhuhay na Deity?" rinig kong usapan nila Zep at Zeya.

"Oo. Ayon sa nabasa ko may umalis ang isa sa mga anak ng deity upang magtunggo sa Outlandish. Pagkatapos nun nawalan sila ng connection. Sa hindi malamang dahilan hindi nila makita kung nasaan ito at kung ano ginagawa nito," tugon ni Zep. Bigla ako naging interesado sa usapan nila. Gusto ko din malaman ang tungkol sa mga naunang Deity lalo na sa aking ina.

"Saan mo nabasa yan?" tanong ko sabay tayo.

"Erie, nandyan ka pala. Narinig mo kami?" tanong ni Zeya. Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Saan mo nabasa yung tungkol sa umalis na anak ng dating deity?" tanong ko kay Zep.

"Sa diary. Nakita ko yun sa kwarto ko habang naglinis ako."

"Kung totoo yung sinasabi mo, ibig sabihin may isa pa pwedeng maging Deity. Kailangan natin mahanap siya."

"Malabong makita natin siya. Kung hindi siya nagawang mahanap ng dating Deity. Mas lalo na tayo."

"Bakit kaya? Diba may kakayahan sila na makita kung ano ganap sa buong mundo? Nagawa nga nila malaman yung tungkol sa atin," tanong ni Zeya.

"Maaring may kapangyarihan ang deity na yun na itago ang sarili o nasa ibang dimension siya kung saan hindi kayang makita ng kanyang iba," tugon ni Zep.

"Tulad ng ginawa natin?"

"Oo. Pero higit na mas maganda yun. Kung hindi man yun, baka nasa ibang planeta sila kung saan hindi na sakop ng mga deity,"

"Ibang planeta... tulad ng Aurora" biglang ko naisip yung kwarto na kita ang kalawakan at ibang mundo. Kung totoong may iba pa bukod sa mga nakita ko, siguradong hindi nga nila makikita ang deity na yun. Bigla ko naisip yung narinig kong storya noon kay Papa.

"Aurora?" tanong nila.

"Yung makulay na liwanag ba sa langit yung sinasabi mo?" tanong ni Zeya.

"No. May kinikuwento si Papa tungkol sa makulay na mundo na tinatawag na Aurora. Lahat ng bagay daw doon ay makulay kahit mga hayop at halaman. Isang beses nakapunta ako sa mundong nun hindi ko alam kung panaginip lang ba yun. Pero hindi na naulit yun kaya baka panaginip lang ang lahat. Kalimutan niyo na yung sinabi ko. Baka imagination ko lang yun dahil sa kakakinig kay papa," kwento ko.

"Erie..." sambit ni Zep sabay lapit sa akin at hawak sa balikat ko. "Gusto ko marinig yung kwento ng papa mo. Kwentuhan mo ako tungkol sa Aurora."

"Eh? Okay?" tugon ko.

"Kung hindi mo siya bibitawan sa loob ng tatlong segundo, kahit kapatid pa kita tatamaan ka sa akin," sabi ng isang lalaki na nag-aapoy sa galit. Yung buong katawan niya may apoy habang masamang nakatingin kay Zep.

"Sorry. Hindi ko sinasadya na hawakan siya. Nadala lang ako ng kwento niya," paliwanag ni Zep pagkatapos ako bitawan. 

"Napakaseloso mo talaga. Para namang aagawin  namin sayo si Erie," komento ni Zeya.

"Shut Up!" sigaw ni Zeque sabay lapit sa akin. Medyo kinabahan pa ako dahil ang sama ng tingin niya sa akin.

"Nanadya ka ba? Kanina si Jiro. Ngayon naman si Zep. Gusto mo ba ako mamatay sa selos?" sermon niya sa akin.

"Ako? Wala akong ginagawa sayo. Saka Immortal ka kaya hindi ka mamatay kahit magselos ka pa. Diyan ka na nga," inis na sabi ko. Parang nakikipag-usap lang ako, nagselos agad. Adik ba siya?

"Sandali! Pagkatapos ko magturo kila Crystal, dumiretso ako agad dito para makita ka tapos tatalikuran mo lang ako?" pigil niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama.

"Bakit? Sinabi ko bang puntahan mo ko agad?" sagot ko.

Biglang nagdilim yung aura niya. Naging pula ang mata niya. Nagdulot ito ng kaba sa akin dahil naalala ko nanaman yung nangyari nung gabing un. 

"Itigil mo yan," sigaw ni Zep sabay batok kay Zeque. "Natatakot mo si Erie."

Biglang natauhan si Zeque at bumalik sa dati. Napabuntong hininga si Zeya.

"Kamuntik na yun ah. Payo ko sayo, wag mo galitin si Zeque. Hindi mo alam kung ano kaya niyang gawin," sabi sa akin ni Zeya.

"Bakit? Ano ba kaya niyang gawin kapag nagalit siya?" tanong ko. Nagkatinginan sila bigla.

"Mas magandang wala kang alam. Basta sundin mo na lang ang payo ko," aniya saka umalis. Sumunod naman si Zep sa kanya.

"Teka! Wag niyo ko iwan," habol ko sa kanila dahil sa takot, ngunit nahawakan ako ni Zeque.

"Ayaw mo na ba sa akin?" tanong niya bigla. Pagtingin ko sa kanya, bumungad sa akin ang malungkot niyang mukha.

"Hindi," sagot ko. Bigla siya ngumiti.

"Mabuti naman. Balik na tayo sa palasyo," nakangiting sabi niya sabay lakad habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.

******

Zeque's POV

"Zeque! Tama na! Zeque!" sigaw ni Persephone habang umiiyak. Puno ito ng sugat sa katawan at punit-punit ang damit. Gusto ko tumigil pero parang may sariling buhay ang katawan ko.

Hinila ko siya patayo saka tinulak sa kama.

"Mahal na mahal kita Persephone pero bakit nagawa mo kong lokohin?" tanong ko sa kanya habang palapit sa kanya.

"Mali ang iniisip mo. Makinig ka muna sa akin. Magpapaliwanag ako," aniya pero huli na ang lahat dahil sarado na ang isip ko.

"Zeque, wag! Aaaaaaahhhhh! Zequeee!" sigaw niya.

Bigla ako napadilat at napaupo.

'Panaginip... Panaginip lang ang lahat,' sabi ko sa isip ko. Basang-basa ako ng pawis.

Muling bumalik sa isipan ko yung napanaginipan ko. Napapunas ako bigla ng mukha.

"Hindi. Totoo lahat ng napanaginipan ko. Sorry Persephone. Sorry," bulong ko. Matagal ko na kinalimutan ang lahat. Pero, dahil siguro sa nangyari kanina naalala ko nanaman. Ayaw ko na maulit yun subalit kamuntik ko ito magawa kay Erie. Mabuti na lang napigilan ako ni Zep kanina.

Isang katok ang nagpatigil sa pag-iisip ko.

"Zeque, gising ka pa ba? Pwede ba kita makausap?" tanong ni Erie. Tumayo agad ako para pagbuksan siya.

Nanlaki bigla ang mata niya sabay talikod.

"Pwedeng magbihis ka muna?" aniya kaya napatingin ako sa suot ko. Sa hindi malamang dahilan nakaboxer short lang ako, samantalang may t-shirt ako kanina. Hinubad ko ba yun habang natutulog ako?

"Sorry," tugon ko sabay pulot ng damit ko at suot.

"Okay na. Pwede ka na humarap," sabi ko sa kanya.

Humarap naman siya sa akin pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

"Papasok ka ba o hahatakin kita papasok?" tanong ko.

"Nasa tamang katinuan ka ba ngayon?" tanong niya.

"Wala ako gagawin sayo. Pumasok ka na. Gusto mo ko makausap diba?"

"Ito na papasok na," aniya sabay pasok.

"Zeque!" sambit niya ng bigla kong isarado ang pinto gamit ang kapangyarihan ko. Kinumpas ko lang ang kamay ko at kusa ng naglock ang pinto. Napatakbo siya patungo doon at pilit na binuksan. Lumapit ako sa kanya habang abala siya sa ginagawa niya.

"Hindi mo mabubuksan yan kahit ano gawin mo. Nagpapagod ka lang," sabi ko sa kanya. Humarap siya sa akin sabay tingin ng masama.

"Sabi mo wala ka gagawin sa akin? Bakit mo nilock?" reklamo niya.

"Para walang istorbo sa usapan natin. Wala ako gagawin sayo," tugon ko pero mukhang hindi siya naniniwala sa akin.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Hindi din siya gumalaw.

"Okay. Para walang  problema lalayo ako sayo," naglakad ako patungo sa kabilang dulo.

"Diyan ka lang ah! Wag ka lalapit."

"Oo na. Ano ba sasabihin mo? Tungkol ba yan sa sinabi nila Zeya?"

Tinanguan niya ako bilang tugon.

"Sino ka ba talaga? Bakit lagi nila ako sinasabihan na mag-iingat sayo?  Zeque, gusto pa kita makilala. Gusto ko malaman kung sino ka ba talaga," paliwanag niya.

"Kapag nalaman mo ang totoo, ano gagawin mo? Makakatulong ba yan para matanggap mo ko?"

"Hindi ko alam."

"Kung ganun magkaroon tayo ng kasunduan. Ipapakita ko sayo ang nakaraan ko pero pagkatapos mo makita lahat. Gusto ko sagutin mo ang tanong ko."

Naglakad ako palapit sa kanya. Mukhang komportable na siya ngayon dahil hindi niya pinapansin ang paglapit ko.

"Anong tanong?"

"Sasabihin ko pagbalik mo.  Deal?"

Nilahad ko ang kamay ko na agad naman niya kinuha.

"Deal,"  tugon niya. Ningitian ko siya saka ko siya ginamitan ng kapangyarihan.

Unti-unti siya natumba sa akin at nakatulog.

"Ngayon pwede mo na makita lahat ng memory ko sa panaginip mo," bulong ko saka siya binuhat upang ihiga sa kama. Inayos ko ang kumot at naupo sa gilid niya para pagmasdan siya.

Itutuloy....


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top