CHAPTER 31: ZEYA, ZEP, AND ZERA

CHAPTER 31: ZEYA, ZEP AND ZERA

Zeque's POV

"Mga kapatid ko nga pala. Katulad ko isa din sila immortal. Magpakilala kayo," sabi ko sa kanila.

"Ako muna. Hello! Ako si Zera, katulad mo ko Zaira. Lumaki din ako bilang tao at ako ang kauna-unahang alter princess," pakilala ni Zera.

"Sandali! Ano ibig-sabihin nito Zeque? Wag mo sabihin na ginawa mo silang immortal? Patay na kayo dapat," hindi makapaniwalang sabi ni Jiro.

"Yeah. Binuhay ko sila sapamamagitan ng dugo naming apat. Matagal na namin itinago ang tungkol dito dahil alam namin na bawal yun. Pero wala kami maitatago sa nakakataas kaya alam nila ang tungkol dito. Ang totoo niyan ginawa din silang diety katulad natin, kabayaran ng kasalanang ginawa namin," paliwanag ko.

"Bakit ngayon mo lang ito sinasabi sa akin? Alam mo naman na--Nevermind," sabi ni Jiro sabay alis. Alam ko kung ano gusto niya sabihin.

"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Zera saka sumunod kay Jiro.

"Ehem. Pwede na ba ako magpakilala? Hindi pa rin nagbabago si tandang jiro," napapailing na sabi ni Zeya bago magpakilala.

"Ako nga pala si Zeya. Pinanganak akong werewolf at tulad sa iba simula nung naging immoral ako, nagising ang nakatago kong katangian."

Pagkatapos niya magpakilala tumingun siya kay Zep na abala sa pagsusulat sa maliit niyang notebook. Sa aming apat, mahilig si Zep magresearch tungkol sa universe.

"Zep, ikaw na. Mamaya na yan," sabi sa kanya ni Zeya.

"Sorry, masyado ako naaliw sa pag-oobserba sa mundong ito," tugon niya sabay ayos ng salamin at sara ng maliit na notebook.

"Ako nga pala si Zep. Alam niyo ba ang mundong ito ay puno ng misteryo? Ah! Hindi lang pala itong mundo. Kundi ang buong kalawakan. Bukod sa apat na mundong alam natin. May nakatago pang ibang mundo. Nais ko makapunta doon at alamin kung ano klase ang mga nakatira doon. Ayon sa akin pananaliksik, tinatawag silang Alien. May iilan ng nakakita sa kani--"

"Tama na yan. Dami mong sinabi. Magpapakilala ka lang," putol ko sa kanya. Ang weird talaga ni Zep. Minsan hindi ko na maitindihan sinasabi niya.

"Ngayon nakikilala niyo na sila. Gusto kong malaman niyo na tutulungan nila tayo sa pag-aayos ng mundong ito at pagsasanay niyo. Si Zep, magsasanay sa Bampira. Si Zeya sa werewolf. Si Zera sa human. At ako sa wizard." Athena, simula ngayon si Zera na magtuturo sayo," paliwanag ko.

"Bakit? Ayaw mo na ba ako turuan? Masyado na ba kita pinahihirapan kaya pinamimigay mo na ako sa iba?" pagdadrama ni Zaira.

"Wag ka magdrama diyan. Alam ko na mas magkakaitindihan kayo ni Zera dahil parehas kayong pinanganak na tao," tugon ko.

"Oo nga no? Mas masaya nga yun. Makakasama ko sila Ken sa pagsasanay. Saka ang sungit mo minsan. Mukhang mabait si Zera," aniya habang nakangiti.

"Zeque, naisip ko lang bakit na lang natin ito ayusin gamit kapangyarihan natin? Mas mapapadali ang lahat kaysa mano-mano," tanong ni Zeya.

"Oo nga. Kung tutuusin pwede tayo lumikha ng mga puno kaysa magtanim. Pewede tayong lumikha ng kung gugustuhin natin," pagsang-ayon naman ni Zep.

"Kung tayong apat, kaya natin pero kung sila hindi pa nila kaya. Hindi pa sapat ang kaalaman nila para makalikha gamit ang kapanyarhan nila. Alam lang nila ilabas ang kapangyarihan nila at kontrolin ito," paliwanag ko.

"Kaya mo ba silang lahat turuan sa maikling panahon?" tanong ni Zeya dahil ako magtuturo sa mga wizard para magawa nila yun.

"Dipende sa kanila. Tingin ko kakayanin nila matutunan ang lahat ng yun," tugon ko.

"Sige. Zep, gumawa ng list kung kung paano natin sila sasanayin," utos ni Zeya kay Zep.

"Tapos na. Una kailangan muna nila palakasin ang Stamina nila. Importante yun sa lahat. Tingin ko hindi na tayo mahihirapan doon dahil mukhang nasanay na sila doon. Ang kailangan na lang natin gawin mas turuan sila sa ppakikipaglaban," paliwanag ni Zep. May kakayahan kasi siya makita ang stamina, physical strength at power ng bawat isa.

"Kayo na bahala diyan. Gumawa na rin kayo ng daily routine natin para may oras tayo sa pagsasanay at sa paggawa ng binigay na tungkulin sa atin," sabi ko sa kanila. Saka lumapit kay Erie. Ngayon lang kasi siya lumabas simula nung iwanan ko siya. Hindi niya tuloy narinig yung usapan namin.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko.

"Nasaan si Jiro?" tanong niya din sa akin.

"Bakit mo siya hinahanap? Nandito naman ako," inis na sabi ko. Tinignan niya lang ako.

"Lumabas ka din sa wakas. Kanina pa kita gusto makilala. Ako nga pala si Zeya. Ikaw yung reincarnation ni Persephone diba? Walang duda. Pareho kayong maganda," singit ni Zeya sa aming dalawa. Hinawakan pa niya sa kamay si Erie habang nagsasalita sabay lapit ng mukha niya dito. Halos maduling na nga si Erie dahil sa sobrang lapit niya.

"Kapatid nga pala  ako ni Zeque. Apat kaming magkakapatid. Si Zep, Zera ako at si Zeque. Ito nga pala si Zep," pakilala pa niya kay Zep.

"Hi!" bati ni Zep nang tignan  siya ni Erie.

"Hello," tugon ni Erie.

"Si Zera naman kasama ni Jiro. Mamaya ipapakilala kita sa kanya," sabi ni Zeya.

"Kung makipag-usap ka sa kanya parang matagal na kayo makakilala ah," komento ko.

"Ikaw naman! Selos agad. Hindi ko naman siya aagawin kahit type ko siya," tugon ni Zeya sabay tawa.

"Pwede magtanong? Babae ka diba?" tanong ni Erie.

"Yeah. Babae ako pero pusong lalaki ako," sagot ni Zeya sabay kindat.

"Yung pinapagawa ko sa inyo. Gawin niyo na," singit ko sa kanila.

"Okay po. Mamaya na lang ulit Erie. Nagagalit ni Zeque," paalam ni Zeya saka hinanap yung mga tuturuan niya.

Nagkatinginan kami ni Erie. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin dahil sa pagkailang.

"Hahanapin ko lang si Jiro," sabi niya sa akin habang hindi nakatingin. Iniiwasan niya pa rin ba ako?

"Samahan na kita. Alam ko kung nasaan sila," sambit ko. Hahawakan ko na sana siya pero mabilis siyang umiwas.

"Ah! A-ano... mauna ka. Susunod ako," naiilang na sabi niya. Sinunod ko na lang siya. Subalit nakakailang hakbang pa lang ako, hindi ko natiis na humarap sa kanya.

Natigilan siya sa paglalakad kasabay ng panlalaki ng mata niya. Hinalikan ko kasi siya bigla. Hindi siya gumalaw habang hinahalikan ko siya. Parang nakikipaghalikan ako sa estatwa.

"ZEQUE!"

********

Jiro's POV

"Jiro!" tawag sa akin ni Zera. Tumigil ako sa paglalakad saka siya hinarap. Kung ano itsura niya nung huli ko siya nakita, ganun pa rin itsura niya. Hindi ko akalain na makikita ko pa siya ulit. Pakiramdam ko tuloy nanaginip lang ako.

"What?" pagsusungit ko sa kanya. Sinimangutan niya ako.

"Sungit mo. Pagkatapos mo ko yakapin kanina, biglang ganyan," sambit niya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sorry, alam ko galit ka dahil hindi namin sayo sinabi yung totoo. Ang totoo niyan yung araw na pinatay ako ni Samael, dinadala ko ang anak namin. Hindi alam ni Samael ang tungkol doon. Kaya naman palihim ako binuhay ni Zeque para na din sa anak ko," paliwanag niya.

"Nagkaanak kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi magkakaroon ng susunod na Eternal Child kung walang nagkaanak sa amin," tugon niya.

Oo nga naman. Wala sanang Eternal Child ngayon kung wala sa kanilang nanganak noon. 

"Nasaan na siya ngayon?" tanong ko. Sigurado hindi normal yung anak niya dahil immortal sila.

"Hindi ko na alam. Nagsawa siya sa tinataguan namin kaya nagpaalam siya na maglalakbay. Basta nabalitaan  ko na lang noon na may pinanganak na Alter Princess. Sigurado ako na anak niya yun dahil ako pa lang ang may anak nung panahon na yun."

"Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam kung nasaan siya? Paano kung naging katulad siya ng ama niya?" sigaw ko.

"Alam ko. Wag ka sumigaw. Wag ka mag-aalala, alam ko na kung nasaan man siya maayos lang kalagayan niya. Malayo siya sa ama niya saka sa mortal world siya huling nakita," nakangiting sabi niya.

"Hindi mo pa nga siya nakikita pero kung makangiti ka diyan parang sigurado ka na safe siya. Kung alam mo lang kung gaano kadelikado ang mundong yun sa katulad namin," sabi ko sa kanya. Naalala ko nanaman yung pagkakakulong ko sa may balon dahil sa Half Demon ako.

"Immortal siya kaya sigurado akong safe siya. Ayos na ako na malamang hindi siya naging masama katulad ng ama niya," paliwanag niya. Hinawakan ko siya sa ulo.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Tara na. Bumalik na tayo."

Katulad noon mabilis niya napapabago yung mood ko dahil sa pagiging positibo niya.

"Okay," nakangiting tugon niya saka sumunod sa akin.

"Jiro, may gusto ka ba kay Erie?" tanong niya bigla.

"Bakit mo natanong? Saka bakit kilala mo si Erie?"

"Nakwento siya sa amin ni Zeque. Wala ka talaga gusto sa kanya no?"

"Gusto ko siya," sagot ko.

"Wag!" sigaw niya bigla dahilan para matigilan ako.

"Wag siya. Masasaktan ka lang ulit tulad dati," paliwanag niya.

"Bakit? Dahil gusto din siya ni Zeque? At gusto din siya ni Erie. Katulad dati hindi din ako gusto ng taong gusto ko," sabi ko sa kanya.

"Gusto kaya kita," kontra niya.

"Ayos lang Zera. Matagal ko na tinanggap na hindi ako ang pinili mo," pagkasabi ko nun, iniwanan ko na siya. Habang pabalik ako natanaw ko sila Zeque na naghahalikan. Napatakbo na lang ako palapit sa kanila.

"ZEQUE!" sigaw ko sabay hiwalay sa kanila. Kiniwelyuhan ko siya at galit na tinignan.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Gusto ko siya sapakin pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Jiro, bitiwan mo siya," awat sa akin ni Erie. Pero sa halip na sundin siya, binasa ko ang nasa memorya niya.

Napabitaw ako sa kwelyo ni Zeque nang makitang may nangyari sa kanila nung panahon na nawala sila.

"I see. May nangyari sa inyo kaya pala kakaiba ang kinikilos niyo," sabi ko sa kanila.

"Magpapaliwanag ako," sambit ni Erie.

"Hindi mo kailangan magpaliwanag," sabay na sabi namin ni Zeque.

"Malinaw sa akin ang lahat," dugtong ko bago sila iwanan. Bakit ba laging ganito? Hindi ba ako pwede sumaya? Parusa din ba ito sa mga kasalanan ko noon? Bakit si Zeque? May kasalanan din siya katulad ko. Bakit nagagawa niya pa rin sumaya?

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top