CHAPTER 3: SOUL TRANSFER

CHAPTER 3: SOUL TRANSFER

Shiro's POV

"Nasaan na ba si Zeque? Akala ko ba may pag-uusapan tayo?" reklamo ni Ash na halatang naiinip na.

"Ayan na siya," tugon ni Adrian. Saktong bumukas ang pinto.

"Nandito ba lahat?" tanong ni Zeque. Mukha naman mas ayos siya kumpara kanina.

"Ikaw na lang hinihintay namin," tugon ni Levi.

"May alam ba kayo tungkol sa Soul Transfer?" tanong niya sa amin.

"Soul Transfer?"

"Soul Transfer, inililipat nila ang kaluluwa sa isang katawan or bagay. Narinig ko yan dati doon sa kausap ni kuya noon. Hindi ko alam kung sino yung kausap niya dahil narinig ko lang sila sa kwarto ni kuya," sagot ni Beatrix.

"Baka yung mangkukulam na sinasabi ni Athena noon yung kausap niya. Yung may gawa ng spell para paghiwalayin sila ni Zarah. Kung hindi ako nagkakamali isa din sa dark spell yung tinutukoy niyo," sabi ni Asher.

"Bakit mo natanong?" tanong ni Levi.

"Nagkamali ako. Hindi nila pinalitan ang alaala nila Crystal. Kaya iba ang naalala nila dahil ibang tao ang nasa katawan nila. Sorry. Hindi dapat ako naniwala sa sinabi ni Samael," paliwanag ni Zeque. Napakuyom siya ng kamao.

"Kung iba ang nasa loob ng katawan nila, nasaan yung totoong sila?" tanong ni Asher.

"Hindi ko alam."

Natahimik sila bigla. Nakatingin lamang ako kay Zeque. Mukhang wala siyang balak sabihin yung tungkol kay Athena. Buti na lang pala wala pa akong kinukwento sa kanila.

"Ano na plano?" basag ko sa katahimikan. Siguro naman may naiisip silang plano.

"Ganun pa rin. Saka huhuli tayo ng demon na mapagtatanungan natin tungkol sa nangyari kila Zaira."

******

Erie's POV

"Umuwi ka na muna at matulog. Mamayang gabi, magdamag natin babantay ang mga manika," utos sa akin ni Master.

"Sige po. Alis na po ako," paalam ko.

Habang pauwi ako, napatingin ako sa balon na palagi kong nadaanan tuwing pumupunta ako sa bahay nila Master. May kakaiba kasi ako nararamdaman sa balon na yun. Parang may malakas na pwersang humihila sa akin palapit doon pero bilin sa akin ni Master na wag ako lalapit doon dahil may demon daw na nakaseal sa balon. Kaya pinigilan ko ang sarili ko na lumapit doon. Tumakbo na lang ako palayo doon.

"Bulaga!"

"Aaahhhh!" sigaw ko sabay suntok sa demon na bigla na lang sumulpot sa harapan ko.

Nahulog ito mula sa punong sinasabitan niya.

"Aray!" reklamo nito habang nakahawak sa mukha niya na may isang mata.  Nilampasan ko na lang siya at binilisan ang takbo. Alam ko na naman ang sunod na mangyayari.

"Nakita niya ako. Hahaha. Masarap na pagkain ang katulad niya. Kakainin ko siya," sabi nito. Paglingon ko sa kanya, hinahabol na niya ako.

"Waaahhhhh! Wag mo kong habulin," sigaw ko saka binilisan ang takbo. Bakit ba ang malas ko ngayon? Gusto ko pa mabuhay. Kung mamatay man ako ayokong dahil sa kinakain ako ng isang demonyo.

"Awts!" sambit ko nang may mabunggo ako. Napaupo na lang ako dahil sa lakas ng pagtama ko.

"Siyet! Tumingin ka nga dinadaanan mo."

"Waaahhh! Dugo?!" sigaw ko nang makita ko kamay ko. Bakit may dugo yung kamay ko? Nasugat ba ako nung matumba ako? Wala naman ako nararamdamang masakit.

"Hoy! Kinakausap kita. Bingi ka ba?! Uhh! Siyet!"

Napatingin ako sa harapan ko. Ngayon ko lang napansin na may tao pala sa harapan ko. Kulay pula ang buhok niya na may pulang mata. Duguan ito--teka! Dugo? May dugo siya!

"May sugat ka? Ayos ka lang ba?" natarantang sabi ko. Hahawakan ko na sana siya pero tinapik niya ang kamay ko.

"Don't touch me human!" aniya sabay tingin ng matalim sa akin.

"S-sorry," napayuko na lang ako dahil sa takot.

"Nandyan ka lang pala!"

Kinilabutan ako pagkarinig ko sa demon na humahabol sa akin. Naninigas na lang ako sa kinauupuan ko. Ni hindi ako makalingon sa kanya.  Alam kong nasa likod ko lang siya. Pumikit na lang ako at nanalangin.

"Tss. Get lost," singhal nung lalaki kanina. Nainis ako bigla. Kung kaya ko lang umalis, kanina pa ako tumakbo. Hindi na niya kailangan sabihin sa akin yun. May naramdaman na lang akong mainit sa likuran.

"Aaahhhhhhh!" sigaw ng demon na humahabol sa akin. Paglingon ko, nagulat na lamang ako dahil nasusunog na ito. Saan galing yung apoy?

"Hoy! Wag ka matulog dito. Nagkalat ang mga demon dito," natatarantang sabi ko nang makitang nakahiga na yung lalaki. Inangat ko damit niya para makita yung sugat.

Bumungad sa akin ang mahabang hiwa mula sa kanang dibdib pababa sa kaliwang tagiliran. Bukod doon mukhang may sasaksak din siya sa gilid.

"Ano ginagawa mo?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko nakahawak sa kamay niya.

"Kailangan mo magamot. Sumama ka sa akin bahay para magamot ko sugat mo." sabi ko. Hindi naman siya umimik kaya inalalayan ko na lang siya habang tinatayo.

Pagkarating namin sa bahay, ginamot agad sugat niya. Ano kaya nangyari? Bakit ang dami niyang sugat?

"Bakit mo ako tinutulungan?" tanong niya.

"Anong bakit? Sugatan ka, kaya dapat lang na tulungan kita."

"Hindi ka ba natatakot sa akin? Hindi ako tao kagaya mo."

Napabuntong hininga na lang ako dahil ang dami niyang tanong. Parang ayaw pa niya na tinutulungan ko siya.

"Alam ko. Kaya nga ginagawa ko ito. Kung tao ka edi sana dinala na lang kita sa ospital. Saka bakit ako matatakot sayo? Niligtas mo ko kanina. Kung wala ka baka patay na ako. Isipin mo na lang na pagpapasalamat ko ito sayo."

Alam ko siya may gawa nung apoy kanina. Wala naman ibang gagawa nun bukod sa kanya. Impossible naman na kusang nasunog yung demon.

"Bakit?" tanong ko nang mapansin kong nakatitig siya sa akin.

"Wala. Salamat," aniya saka pumikit. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Mabuti marunong siya magpasalamat.

Niligpit ko na yung mga ginamit ko sa paggagamot sa kanya. Muli ko siya sinulyapan at ayun nakapikit pa rin siya. Natutulog na siguro. Iniwan ko na lang siya sa kwarto ko at naghanda na ng makakain.

"Kumain kaya siya ng pagkain ng tao?" tanong ko sa aking sarili. Bahala na. Iiwanan ko na lang siya ng makakain bago ako umalis.

Kumain at naligo na ako. Bago umalis dinalhan ko muna siya ng pagkain. Hindi na ako nag-abalang gisingin siya dahil alam ko naman na kailangan niya ng pahinga.

"Maiwan na muna kita. Kung nagugutom ka, may pagkain dito," sabi ko kahit hindi ako sigurado kung naririnig ba niya ako o hindi.

"Kanina pa kita hinintay," sabi ng isang demon sa akin. Malaking bilog lamang ito na may mukha at lumulutang. Ngumanga ito na para bang kakainin ako kaya napatakbo na lang ako.

"Waahhhh! Tulong!" sigaw ko. Habang tumatagal parami sila ng parami. Bakit ba gusto nila ako kainin?

********

Zeque's POV

"Sabihin mo sa akin. Saan niyo dinala sila Zaira?" tanong ko sa demon na nahuli namin.

"H-hindi ko alam," takot na sabi nito. Tinaas ko ang espada ko para patayin siya.

"Waaahhh!" sigaw nito saka mabilis na iniwasan yung espada ko at tumakas. Sinubukan ko siya habulin pero nawala siya sa paningin ko nang makisabay siya sa napadaan na grupo ng mga dami.

"Ang daming demon nun. Ano kaya meron?" tanong ni Asher. Nagkibit-balikat na lang ako.

"May hinahabol sila," sabat ni Adrian. Binigyan  niya ako ng makahulugang tingin. Para bang may gustong ipahiwatig yung tingin niya.

"Babae. Humihingi ito ng tulong," aniya habang nakatingin ng seryoso sa akin. Bigla ko naisip si Erie nang sabihin  niyang babae. Malapit lang din dito yung bahay nung Exorcist kaya posibleng si Erie nga yung tinutukoy niya.

"Sundan natin," suhestiyon ko saka tumakbo  pero hindi ko na sila makita.

"Rhys, nakikita mo ba sila?" tanong ko.

"Diretso lang," tugon niya.

Binilisan ko yung takbo ko hanggang sa matanaw ko sila.

"Bitawan mo ko! Aaahhh!" rinig kong sigaw ni Erie. Nagtransform ako bilang bampira para bumilis lalo ang takbo ko.

Nakita ko si Erie na isusubo na ng higanteng demon. Gumawa ako ng espadang may apoy. Hiniwa ko ang braso ng demon saka sinalo si Erie.

"Zeque," gulat niya. Dinala ko siya kila Levi.

"Dito ka lang," sabi ko sa kanya bago muling sinugod yung demon. Galit niya akong hinampas nang makalapit ako.

"Zeque!" 

Tumalsik ako sa sa may puno pero agad din ako tumayo. Galit ko itong tinignan habang nagbabago anyo ko. Nang maging werewolf ako, kinalmot ko agad ang kamay niya hahampas sana sa akin.

"Aahhh!" sigaw nito.

"Umalis ka na bago pa kita gawing abo," banta ko. Bumalik na ako sa anyo ko bilang wizard saka gumawa ng apoy.

Muli akong inatake ng demon ngunit pinangharang ko ang kamay ko na may apoy. Unti-unti itong nasunog hanggang sa tuluyang naging abo.

Napansin kong nakatulala sa akin si Erie habang gulat na nakatingin. Lumapit ako sa kanila.

"Ano payag ka na bang tumulong sa amin? Pangako poprotektahan ka namin," tanong ko. Baka sakaling pumayag na siya matapos niya makita kapangyarihan ko.

"Malakas na kayo. Hindi niyo na kailangan ng tulong ko. Kita niyo naman diba? Wala akong laban sa mga demon kaya wala ako maitutulong ko sa inyo?" tugon niya. Kung alam lang niya kung gaano siya kalakas. Dalhin ko kaya siya kay Jiro? Para malaman niya kung ano ba talaga kaya niyang gawin. Alam kong siya ang susi para mapalaya si Jiro.

"Kailangan namin ng mata mo. Kaya mo makita ang spiritual energy o aura," pangkukumbinsi ko.

"Ano naman makukuha ko kapag tinulungan ko kayo?"

"Hmmm. Kapag tinulungan mo kami maibabalik namin ang mga kaklase mo na nawawala," sagot ko kahit  hindi ako sigurado kung mahahanap namin sila.

"Ayoko pa rin. Wala akong oras para iligtas ang mga kaklase ko. Kailangan kong magtrabaho para mabuhay."

"Babayaran ka namin. Bibigyan ka din namin ng trabaho."

Tinignan  niya ako na akala mo may masama akong balak sa kanya.

"Ano namang trabaho?" tanong niya. Halatang nagdududa siya.

"Server ng cafe na itatayo namin at siyempre kailangan mo din sumama sa akin sa pag-iimbistiga tungkol sa mga kaklase mo."

"Magkano naman bayad sa akin?"

Napangiti ako bigla. Alam kong interesado na siya. At hindi magtatagal papayag na siya.

"P25,000."

"P25,000?!" gulat na sabi niya.

"Alam ko na iniisip mo. Wag ka mag-alala may maibabayad kami. Sa mundong pinanggalingan namin mayaman kami. At siyempre may iilang business din si Papa dito," paliwanag ni Ash. Sila kasi yung magpapasweldo sa kanya.

"Ano? Payag ka na ba?" tanong ko.

"Hmm. Sige pero kapag nalaman kong nagsisinungaling kayo, isusumbong ko kayo kay Master," banta niya. Akala niya siguro takot kami sa Master niya.

"Okay. Okay," nakangiting tugon ko.

"Sige. Maiwan ko na kayo. Bye," paalam niya bigla saka tumakbo. Wala bigla ang ngiti ko nang may maramdaman akong malakas na kapangyarihan.

"Kayo na bahalang kumuha ng impormasyon sa mga demon. Susundan ko si Erie," paalam ko.

"Zeque," sambit ng isang babae saka ako hinarangan. Napaatras na lang ako dahil sa gulat. Tinignan si Erie na malayo na sa akin. Kailangan ko siya maabutan.

"Zeque... mahal ko. Ako ito, Si Erelah," aniya saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa pisngi.

"Wala akong oras makipaglaro sayo. Hindi ikaw si Erelah. Matagal ng patay si Persephone," inalis ko ang kamay niya saka siya tinignan ng masama.

"Sinabi ko sayo na babalik ako diba? Nangako ako sayo."

*FLASHBACK*

"Zeque, babalik ako pangako. Babalik ako. Babalikan kita. Ikaw lang ang mamahalin ko. Pangako." sabi ni Erelah bago ako halikan kasabay ng pagtulo ng luha niya. "Mahal na mahal kita."

*END OF FLASHBACK*

Napapikit ako nang maalala ko nanaman yung araw na yun. Hindi ito ang tamang oras para alalahanin yun.

"Hindi ikaw ang kilala kong Persephone. Kahit ano mangyari, hindi siya tutulong sa kasamaan ni Samael," nag-umpisa na ako maglakad at walang alinlangan na nilampasan ko.

"Baka nakakalimutan mo, naging kaibigan natin si Samael. Naalala mo ba nung nag-aaral tayo? Lagi tayong magkasama. Ikaw, ako, si Samael at Jiro."

Muli ako natigilan sa sinabi niya. Bakit ba pilit niyang binabalikan ang nakaraan? Totoong naging kaibigan namin si Samael pero ang lalaking yun. Napakuyom ako ng kamao nang maalala ko ang pagtataksil niya sa amin. Nakipagkaibigan lang siya sa amin para makuha ang dugo naming magkakapatid. Hindi ko siya mapapatawad.

"Kaibigan? Nakalimutan mo na ba ginawa niya? Siya pumatay sayo. Niloko niya tayong lahat. Dahil sa kanya, maraming namatay na kasamahan natin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad."

Tumakbo na ako bago pa siya may sabihin na kung ano. Ayaw ko na alalahanin ang nakaraan.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top