CHAPTER 22: ZARAH THE NEW ALTER
CHAPTER 22: ZARAH THE NEW ALTER
Zaira's POV
"Himala hindi ka sumama sa kanila," sabi sa akin ni Kuya Asher nang makaalis sila Zeque.
"May iba kasi ako pupuntahan. May kailangan akong alamin," tugon ko sabay tayo. Tinignan ko si Blaize at ayun tumayo na din siya. Alam naman niya kung saan kami pupunta eh.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Ken sabay sunod sa amin.
"Hayaan mo na sila. Dito ka na lang sa tabi ko," sabi naman ni Kaycie habang nakakapit sa braso ni Ken.
"Oo nga naman. Pagbigyan mo na si Kaycie. Kapag si Zarah nakabalik na sa katawan niya hindi na yan makakalapit sayo ng ganyan," makahalugang sabi ko dahil alam kong hindi matatapos ang araw na ito na hindi nangyayadi yun.
"Parang sigurado kang makakabalik siya ah," komento ni Kaycie. Ningisian ko lang siya.
"Tara na Babymine," tawag ko kay Blaize.
"Sigurado ba kayo na pupunta kayo doon?" tanong ni Shiro. Kasama din kasi silang dalawa ni Red. Lagi naman sila nasama sa amin ni Blaize.
"Oo," sagot ko. Hindi naman delikado sa pupuntahan namin. Feeling ko lang marami ako matutuklasan sa lugar na yun. Ginamit ko ang kapangyarihan ko para mapabilis ang pagpunga namin doon.
Huminto kami sa tapat ng isang museum. Ito yung pinuntahan nila Zeque noon. May nakausap kaso ako dati dito na isang lalaki nung napadaan ako.
"Oh? Ikaw nanaman? Sa nakikita ko mukhang nabawi mo na yung iba mong kapangyarihan," nakangiting sabi ng isang lalaki. Medyo mag katandaan na ito, unang tingin akala mo tao lang siya kagaya namin pero alam ko hindi.
"Sabi mo po kapag nahulaan ko kung ano kayo, sasagutin niyo ang kahit anong tanungin ko," sabi ko. May usapan kasi kami noong unang pagkikita namin.
"Alam mo na ba kung ano ako?" nakangiting sabi niya. Naala ko tuloy yung una namin pagkikita.
******
"Bata nasaan magulang mo? Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya sa akin. Nakaupo kasi ako sa hagdan sa tapat ng museum. Hinihintay ko si Blaize makabalik. Pinabili ko kasi ng stick-o.
"Nakikita mo ko?" gulat na tanong ko. At mukhang nagulat din siya sa sinabi ko. Nakaspirit form kasi ako kaya malabong makita ako ng mortal. Tinuruan ako ni Zeque kung paano itago ang sarili sa mga taga dito.
"Ah! Alam ko na. Hindi ka tao tama?" hula ko.
"Magaling kang bata ka. Kung hindi ako tao, ano ako?" tanong niya.
"Wizard?" hula ko.
"Mali."
"Vampire?"
"Mali din."
"Witch?"
"Hindi."
"Eh ano? Wala bang clue?" tanong ko. Ningitian niya ako.
"Lahat ng bagay sa mundo alam ko," sabi niya.
"Hindi nga?"
"Isa kang immortal tama? At kaya ka ganyan ang katawan mo dahil nasa iba ang ibang kapangyarihan mo."
"Bakit alam mo yun? Manghuhula ka siguro," gulat na sabi ko.
"Hindi ako manghuhula pero alam ko lahat ng tungkol sa mga nabubuhay sa mundo." tugon niya.
"Kung alam mo lahat ng bagay pwede ba ako magtanong?"
"Hmmm. Pwede pero hulaan mo muna kung ano ako."
"Athena," tawag sa akin ni Blaize kaya tumayo na ako.
"Sige po. Pagbalik ko alam ko na kung ano ka. Ihanda niyo na po isasagot niyo sa akin," nakangiting sabi ko. Kung alam niya lagay ibig sabihin alam na din niya kung ano itatanong ko.
"Sino yun?" tanong ni Blaize.
"Hindi ko alam. Nakalimutan ko itanong yung pangalan. Anong nilalang yung pwedeng makaalam ng lahat sa mundo?"
"Yung mga nasa taas."
"Nasa taas?"
"God and Goddess."
"Ibig sabihin isang God yung nakausap ko? Bakit naman siya nandito?"
****
Ayun na nga ang nangyari. Pero bago ako bumalik dito tinanong ko muna si Jiro tungkol sa kanila. Sabi niya alam nga daw nila ang lahat pati yung mga araw ng kamatayan namin pero may pagkakataon na wala silang control sa mga katulad naming nilalang kaya nababago namin minsan ang mga kapalaran namin.
"God," nakangiting sabi ko.
Ningitian niya ako at doon biglang nagbago ang anyo niya. Naging kulay asul ang buhok niya at violet ang mata.
"Tama ka. Ano gusto mo malaman?"
"Tungkol sa Alter," sabi ko.
Nabanggit kasi sa akin ni Jiro na sila nakaimbento ng Alter Necklace. Sila daw yung dahilan kung bakit naging Alter siya na ginaya naman ni Zeque.
"Simula nung naging ganito ako hindi ko na magamit yung Alter Necklace dahil hindi na ako katulad dati. Wala bang ibang paraan para magamit ko ulit yun?" tanong ko.
"Sumunod kayo sa akin," aniya saka pumasok sa museum. Nagpunta kami sa isang parang sala. Bahay din yata nila itong museum. Siguro kalahati nito bahay nila. May mga pinto kasi na hindi pwedeng pasukin ng mga pumupunta dito.
"Umupo muna kayo. Gusto niyo ba ng maiinom?"
"Wag na po. Hindi rin po kami magtatagal," sagot ko agad.
"Bawat alter necklace may kanya-kanyang tungkulin bago sila nilikha. Nakadipende ito sa mga lumikha kung para saan yun. Ginawa ni Zeque na Alter Necklace ang sarili niya para proteksyunan ang kapatid niya na pinanganak na tao. Kaya tanging itinakdang tao lamang ang maaring gumamit nito. Ngayon na isa ka ng Immortal katulad niya at lumabas na ang nakatago mong kapangyarihan hindi mo na kailangan ang Alter Necklace," paliwanag niya.
"Hindi ko na talaga magagamit yun? Hindi pa naman ako masyado sana sa kapangyarihan ko."
"Ikaw hindi pero si Zarah pwede."
"Si Zarah? Bakit? Immortal na din siya kagaya ko," nagtatakang tanong ko.
"Maaring immortal nga siya pero tao pa rin siya. Wala siyang kapangyarihan katulad mo dahil duplicate lang siya ng human form mo," tugon niya.
"Pero hindi niya din magagamit yun kung hindi pa niya nababawi yung katawan niya," bulong ko.
"Kung hindi niya magagamit ang katawan mo bakit hindi mo muna ipagamit ang katawang tao mo? Bakit hindi niyo muna pag-isahin ulit ang katawan niyo?"
"Pwede po yun?"
"Oo naman. Oras na gamitin niya ang katawan mo, kasama mong matutulog ang kapanyarihan mo."
Nakuha ko naman ang ibig sabihin niya. Noon kasi kapag ginagamit niya ang katawan ko lagi lang ako tulog kaya wala akong kamalay-malay sa nangyayari. Pero isang beses nagising ako na paranv nasa madilim na lugar ako katulad ng lugar kung saan ko nakausap yung tatlong nagtatagong anyo ko.
"Kailangan niyo na magmadali. Nanganganib ang buhay ng mga kaibigan niyo," aniya kaya agad akong tumayo.
"Nasaan po sila?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung saan ba bahay ni Cane.
"Pumasok kayo sa pintong yun. Paglabas niyo nandoon na kayo," tinuro niya ang isang pintuang kulay ginto.
"Salamat po," pagpapasalamat ko.
"Maari ba akong makiusap sayo?" tanong nito.
"Ano po yun?"
******
Third Person's POV
"Bakit ang tagal nila sa loob? Ano na ba nangyayari?" naiinip na sabi ni Zarah habang naghihintay ito sa may sasakyan. Sa sobrang inip, lumabas ito ng sasakyan at sakto pagkalabas niya isang gintong pintuan ang lumabas sa harapan at iniluwa nito sila Zaira.
"Ano ginagawa niyo dito?" tanong niya kila Zaira.
"Nasaan sila Zeque?" tanong ni Zaira.
"Nasa loob. Kanina pa sila hindi lumalabas," tugon niya sabay lingon sa bahay.
"Tara sa loob. Ay wait! Sumapi ka muna sa akin," nagmamadaling sabi ni Zaira.
"Ha?"
"Basta! Sumunod ka na lang sa akin. Gawin mo lahat ng sasabihin ko..."
Samantala sa loob ng bahay ni Cane. Biglang nagliwanag ang singsing ni Erie dahilan para masilaw si Samael at mabitan ang dalaga. Tinulak siya ni Erie saka dali-daling tumayo habaong inuubo at hinahabol ang hininga.
Nang mapatingin ito kila Zeque, natulala na lang ito sa nakita. Nakaramdam ito ng kirot sa puso habang pinapanood ang binata na nakikipaghalikan kay Persephone.
"Masakit ba?" nakangisinging tanong ni Samael nang mapansin ang expression ni Erie.
"Masakit bang makita ang lalaking gusto mo na nakikipaghalikan sa iba?" dugtong nito pero nanatiling walang imik si Erie.
Tumayo si Jiro at agad na humarang sa harap ni Erie para proteksyunan ito.
"Wag ka makinig sa kanya. Wag ka tumingin sa kanila," sambit nito. Pero wala pa rin sa sarili ang dalaga na lumuluha na.
"Zeque!" sigaw ni Zarah nang makapasok ito sa tulong ni Shiro. Tumakbo ito agad patungo sa binata nang hawakan niya ito agad ito naging kwintas.
Tatayo na sana si Persephone ngunit nahawakan siya sa balikat ni Zarah at muling itinulak.
"Saan ka pupunta? Katapusan mo na," nakangising sabi ni Zarah saka ginawang espada ang kwintas at isinaksak ito kay Persephone.
May mga pulang paro-paro ang nagsilabasang sa katawan nito. Lumipad ang mga ito papasok sa katawan ni Zaira na kasalukuyang ginagamit ni Zarah. Unti-unting nagbago ang itsura ni Persephone at naging spirit na lang ito.
Napangiti ito bigla nang makita ang kulay puting gemstone sa hawakan ng espada.
"Ginamit mo yung puting bato para mabawi ang katawan mo sa pamamagitan ng pagtanggal ng spell ginamit namin sa inyo. Hindi ko inaasahan ito. Paano mo nagamit ang alter necklace?"
"Dahil ako si Zarah. Kaya pala pati katawan ko kinuha niyo dahil alam niyong pwede ko magamit ang alter necklace. Tama ako diba?" sabi ni Zarah sabay bunot ng espada at lingon kay Samael.
"Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol diyan pero tama ka. Kaya sinama kita kahit hindi ka parte ng Eternal Child at Celestial Guardian dahil isa ka din Alter. At kaya kay Persephone ko pinagamit ang katawan ni Zaira dahil alam kong mahihirapan kayo na mabawi yun. Pero nasira ang lahat nung nakagawa ng paraan si Zaira na makatakas sa pamamagitan ng kapangyarihan niya," tugon ni Samael.
"Ngayon na spirit na lang si Persephone, ano gagawin mo?" tinutok ni Zarah ang espada kay Samael.
"Simple lang. Katulad mo meron ding katawan na pwedeng gamitin ni Persephone," tugon ni Samael sabay lingon kay Erie. Bago pa sila makakilos agad na sinapian ni Persephone si Erie.
"Tingin mo ba mapapakibangan mo pa si Persephone? Wala na ang masamang ispirito na Persephone," nakangising sabi ni Zarah. Nawala bigla ang ngiti ni Samael.
Nagbago ang anyo ni Erie at naging isang anghel ito.
"Erelah," sambit ni Jiro.
"Patawad sa mga nagawa ko sa inyo. Zeque, masaya ako na nakita kita ulit. Alam ko na hanggang dito na lang ako," malungkot na sabi ni Persephone.
Bumalik sa totoong anyo si Zeque at agad na niyakap ang anghel na minahal niya.
"Mahal na mahal kita Zeque. Malaya ka na ngayon. Wala man ako sa tabi mo, alam kong may babaeng mas magmamahal sayo," umiiyak na sabi ni Persephone.
"Mahal na mahal din kita. Sorry kung hindi kita naprotektahan noon. Kung alam ko lang na ganun mangyayari, hindi sana kita hinayaang umalis," sambit ni Zeque. Humiwalay sa pagkakayakap si Persephone at hinawakan sa mukha ang binata.
"Wala kang kasalanan. Hanggang doon na lang talaga ako dahil may panibagong buhay ang nakaabang sa akin. Kung hindi ako namatay, walang Erie na mabubuhay. Protektahan niyo siya ni Jiro na higit pa sa pagpoprotekta niyo sa akin dahil importante siya sa lahat. Paalam na sa inyo," sabi ni Persephone bago maglaho. Agad naman sinalo ni Zeque si Erie nang matumba ito. At dahil sa nangyari galit na umalis si Samael.
"Tapos na ang drama. Baka pwedeng bumalik ka muna sa pagiging alter necklace para mabawi ko ang katawan ko?" naiinip na sabi ni Zarah.
"Dadalhin ko na siya sasakyan. Maiwan ko na kayo," paalam ni Jiro saka binuhat si Erie at umalis.
Muling ginamit ni Zarah ang kwintas para mabawi ang katawan niya. Pagkasaksak niya dito isang puting liwanag ang lumabas sa katawan niya. Ganun din ang ginawa niya kay Jessa bago siya umalis sa katawan ni Zaira.
"Ian," masayang tawag ni Zaira kay Blaize nang makalabas sila ng bahay. Bumababa ito sa pagkakasakay kay Shiro.
"Bumalik na ako sa normal," nakangiting sabi nito.
"Good. Hindi ko na kailangan kabahan araw-araw," tugon ni Blaize.
"Tama na muna ang landi. Gusto ko na makabalik sa Cafe. Sumakay na kayo," pigil ni Zarah sa dalawa.
"Gusto mo lang makita agad si Ken eh," pang-aasar ni Zaira saka sumunod sa loob ng sasakyan.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top