CHAPTER 20: SHIELA

CHAPTER 20:  SHIELA

Erie's POV

"Dito daw dinala ang katawan mo," sabi ko kay Jharisa habang nasa labas kami ng isang ospital.

"Pasok na tayo," sambit ni Zeque at siya na naunang pumasok.

"Excuse me. Saan ang cr?" tanong ko sa nurse na nasalubong namin.

"Diretso lang po kayo Ma'am," turo nito.

"Salamat," sinunod namin siya pero sa halip na sa cr kami pumunta, dumiretso kami sa may hagdan at magmadaling umakyat para makapunta sa kwarto kung saan ang katawan ni Jharisa.

"Ito na siguro yun," turo ni Jiro kung saan may nakasulat na pangalan ni Jharisa.

Agad binuksan ni Jharisa ang pinto. Pumasok kami sa loob at tinignan ang natutulog na pasyente.

"Ito na nga yun. Makakabalik na din ako. Salamat sa tulong niyo," aniya habang nakangiti.

Kinuha ko ang kwintas ko para palabasin na si Jharisa sa katawan niya.

"Jharisa," tawag ko sa kanya. Humarap siya sa akin at mukhang alam na niya ang gagawin ko nung makita niya yung hawak ko. Tinanguan niya ako kaya hindi na ako nagsayang ng oras.

Sinalo ko ang katawan ni Naomi nang matumba ito sa harapan ko. Inupo ko siya sa sahig at hinayaang saniban ito Naomi.

"Nabawasan nanaman," pansin ko sa singsing ko nang mapatingin ako dito. Agad kinuha ni Jiro ang kamay ko saka tinignan ang singsing ko.

"Wala ka bang ibang nararamdaman?" tanong niya sa akin.

"Wala. Bakit?" tugon ko.

"Sabihin mo sa akin kapag may kakaiba kang naramdaman," paalala niya. Tinanguan ko siya kahit na naguguluhan ako sa kinikilos niya.

Umalis na kami ng ospital at nagtunggo sa Magical Cafe. Nauna nang pumasok si Naomi sa amin. Papasok ba na din sana ako pero napansin ko yung babaeng sumisilip sa bintana na para bang may hinahanap sa loob. Nilapitan ko ito.

"Excuse me," hahawakan ko na sana siya nang bigla siyang humarap sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Kailangan kita madala sa kanya."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Aaww!"

"Erie!" sigaw ni Zeque sabay lapit nila sa amin.

"Bitawan mo siya!" sambit ni Jiro habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ng babae sa akin.

"Aray! Aray!" sigaw ko dahil lalong humihigpit ang pagkakahawak sa akin.

Biglang may humapas sa batok niya dahilan para mawalan ito ng malay. Agad naman ito sinalo ni Zeque. Nakita ko si Zaira sa likod niya.

"Ano ginagawa niyo?" tanong ni Zaira sa amin. Tinignan niya yung babaeng pinatulog niya.

"Kaycie?" aniya dahil kamukha ni Kaycie yung babae.

"Sa bahay na muna tayo. Athena, sumama ka sa amin," sambit ni Zeque saka binuhat yung babae.

Sumakay kami ng sasakyan para umuwi na muna. Napatingin ako kay Zai nang tanggalin niya ang suot niyang sumbrero at shades. Ang ganda niya talaga kung lalaki lang sana ako baka nagustuhan ko na siya.

"Kanina nga pala nagpunta si Ashlyn sa cafe. Hinahanap kayo," pagkukwento ni Zaira.

"Oo ng pala. Nagpapatulong siyang makaalis sa katawan ni Crystal. Nakalimutan ko," tugon ni Zeque.

"Nakiusap siya na ngayon na daw sana gawin yun. Maghihintay daw siya sa ospital kung nasaan ang katawan niya."

"Puntahan kaya muna natin siya?" suhestiyon ko. Tumango si Zeque saka niliko ang sasakyan sa ibang direksyon. Huminto ang sasakyan sa tapat ng ospital.

"Athena, dito ka na lang. Bantayan mo si Shiela," utos ni Zeque kay Zaira bago kami bumaba.

"Paano mo nalaman pangalan niya?" tanong ko.

"Kaklase din siya nila Henry."

Pumasok na kami sa kwarto kung saan ang katawan ni Ashlyn.

"Sorry kung ngayon lang kami," paumanhin ni Zeque.

"Ayos lang. Salamat, pumunta kayo."

"Handa ka na ba?"

Tumango si Ashlyn saka ngumiti. Tinignan ako ni Zeque at sinenyasan. Tinutok ko ang kwintas ko sa dibdib niya saka ito tinulak. Biglang lumiwanag at nang mawala ito, bumagsak ang katawan ni Crystal.

Sabay kamay napalingon sa katawan ni Ashlyun nang tumunog yung nagmomonitor sa puso niya.

"Tumawag kayo ng doctor. Dadalhin ko na siya sasakyan," utos ni Zeque. Binuhat niya ang katawan ni Crystal at saka umalis gamit ang portal.

Lumabas naman ako para magtawag ng doctor.

"Doc, si Ashlyn po!" sabi ko sa doctor na nasalubong ko. Agad naman ito nagtunggo sa kwarto ni Ashlyn kasama ang mga nurse na nakakita.

"Ayos lang kaya siya?" nag-aalalang tanong ko. Baka dahil  sa ginawa namin mas lalong manganib ang buhay niya.

"Wag ka mag-alala. Hindi pa niya oras. Tara na," tugon sa akin ni Jiro saka naglakad.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"May nakita ka bang grimreaper sa tabi niya maliban sa akin?"

"Wala."

"Wala pa siya sundo. Kaya hindi pa siya mamatay." paliwanag niya.

"Mabuti naman," nakangiting sabi ko pero nawala din ito nang makita ko si Shiela na natakbo palapit sa akin.

"Takbo! Tumakbo ka na Erie!" sigaw ni Zaira habang hinahabol niya si Shiela.

Hinawakan ako sa kamay ni Jiro para tumakbo subalit bago pa kami makalayo, isang malakas na hangin ang tumama sa amin.

"Aww!" sambit ni Jiro nang tumama siya sa pader habang yakap-yakap ako. Umalis ako sa pagkakayakap niya.

"Bakit mo ginawa yun? Ayos  ka lang? Saan masakit?" natatarantang tanong ko.

"Ayos lang ako. Tumakas  ka na. Kami na bahala kay Shiela," tulak niya sa akin. Palapit na palapit na sa amin si Shiela.

"Tumakbo ka na!" galit sigaw niya. Sa sobrang takot ko sa kanya, tumakbo na lang ako.

Sa fire exit ako dumaan dahil wala naman ako ibang madadaanan. Habang pababa ako may natanaw akong lalaking nakaitim. Bigla ako kinabahan dahil kilala ko ang likod  na yun.

"S-samael," takot na sambit ko. Humarap siya sa akin saka ngumiti ng katulad sa demonyo.

"Nagkita tayo ulit Erie," aniya sabay hakbang palapit. Agad ako bumalik paakyat para takbuhan siya.

"Bakit ka bumalik?" tanong sa akin ni Jiro nang makita ako. Sa halip na sagutin ko siya, tumingin ako sa likod ko kung nasaan si Samael. Agad ako dinala ni Jiro likod niya.

Habang palapit ng palapit sa amin si Samael biglang nabasag ang bintana sa tabi niya at mula doon pumasok si Zeque.

"Kaya pala may naramdaman akong masama. Nandito pala ang hari ng mga demonyo," sambit ni Zeque. Nagtinginan sila ng masama ni Samael.

"Sigurado ba kayong dito kayo sa ospital maglalaban? Pinagtitinginan na tayo," komento ni Jiro dahil parami ng parami ang mga tao.

Tinaas ni Zeque ang kamay niya saka pumitik sa ere ng tatlong beses. Unti-unting nawalan ng malay ang mga nakakakita sa amin.

"Ano kailangan mo kay Erie?" tanong ni Zeque kay Samael.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?"

"Hindi mo yata kasama si Persephone. Bakit? Dahil ba sa mahina na siya? Balak mo gamitin ang katawan ni Erie para mabuhay siya. Tama ako diba?"

"Hindi ka pa rin nagbabago. Ayan ang dahilan kung bakit ayoko sayo. Lagi mo na lang nababasa ang kilos ko. Isa ka malaking hadlang sa plano ko."

"Wag ka mag-aalala. Ayoko din sayo. Kung maari  nga lang, ayoko makita ang pagmumukha mo dahil kumukulo ang dugo."

"Bakit? Naalala mo ba kung paano ko kinuha sayo ang mga importante sayo? Gagawin ko ulit sayo yun. Kukunin ko lahat ng meron ka."

"Dami mo sinasabi. Hindi ako natatakot sayo. Kunin mo sila  kung kaya mo. Ito lang tatandaan mo, hanggang nandito ako hindi ka matatagumpay."

"Wag kang masyadong kampante. Baka nakakalimutan mo na marami pang celestial guardian ang hindi nakakabalik sa katawan nila. Paano kaya kung tuluyan ko sila bago makabalik sa katawan nila? Kung tutuusin, pwede ko sila kainin habang spirit sila," nakangiting sabi ni Samael.

"Hayop ka talaga Samael," galit na sabi ni Zeque pero umalis na si Samael gamit ang blackhole.

"Tulungan niyo ko dito," sigaw ni Zaira habang pinipigilang tumayo si Shiela. Nasa pagitan ng binti ni Zaira yung katawan niya habang hawak-hawak ang kamay.

"Erie, gamitin mo ang kwintas para palabasin si Shiela," utos ni Zeque sa akin.

"Sigurado ka?" tanong ko.

"Yeah. Kung hindi tayo kikilos baka tuluyang maging demon si Shiela. Kailangan niya makapabalik sa katawan niya."

"Paano kung makadamage yung spirit niya?"

"Hindi na mahalaga yun. Mas mahirap kung magiging demon siya. Ipagdasal na lang natin na hindi mangyayari yun."

Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang kwintas ko. Saka lumapit sa kanila. Hinila ni Athena si Shiela para itayo ito.

"Papatayin kita kapag hindi mo ko binitawan." sabi ni Shiela.

"Edi patayin mo," tugon ni Athena sabay lingon sa akin.

"Gawin mo na para manahimik na siya," utos niya sa akin sabay tulak kay Shiela palapit sa akin.

"Sorry," sambit  ko sabay tapat ng kwintas sa likod niya. Itinulak ko siya.

"Aaahhhhh!" sigaw niya. Nang mahiwalay ang spirit niya, may nakita akong lumabas na itim na anino na may pulang mata sa spirit niya. Naglaho ito bigla habang yung spirit nita naging parang alitaptap.

"Salamat," sabi ng isang tinig mula doon bago lumipad palayo.

Nakaramdam  ako bigla ng pagod kaya napaupo na lang ako sa sahig.

"Nakakatlo ka na. Kailangan mong magpahinga. Kaya mo pa ba tumayo?" tanong ni Jiro. Tinangunan ko siya bilang tugon. Tinilungan niya ako makatayo.

"Salamat," pagpapasalamat ko. Hindi na din kami nagtagal sa ospital. Pagkauwi namin dumiretso agad ako sa kwarto para matulog.

******

Third Person's POV

Habang mahimbing na natutulog si Erie, umilaw ang suot  niyang singsing. Unti-unting naglalaho ang mga kadena nandito hanggang sa dalawa paekis na lang ang natira.

Nagbago bigla ang kulay ng iilang hibla ng buhoy ni Erie. Naging kulay dilaw ito at nagliliwanag kasabay ng singsing. Nang mawala ilaw  singsing nawala din ang liwanag ng buhok niya.

"Erie? Kakain na," sigaw ni Zaira habang kumatok dahilan para magising si Erie.

"Sige. Susunod ako," sagot ni Erie saka bumangon. Paglabas niya wala na si Zaira kaya bumababa na siya.

"Nagkulay ka ba ng buhok?" tanong ni Zaira nang mapansin ang buhok ni Erie. Nagtataka ito dahil itim pa ang buhok niya kanina. Ngauyon may halong dilaw na ito na parang nakahighlight.

"Hindi. Bakit?"

Napatingin sa kanya ang iba. Lumapit si Jiro saka inangat ang mukha ni Erie para tignan kung nag-iba din ang kulay ng mata nito. Nailang ang dalaga dahil sa lapit ng mukha nito habang titig na titig sa mata niya.

"Ano ginagawa mo?" tanong ni Zeque sabay hila kay Jiro.

"Tinitignan ko lang kung nag-iba kulay ng mata niya."

"Hindi kaya wizard ka? Ganyan sa mga wizard diba? Kapag hindi agad lumalabas yung kapangyarihan," komento ni Zaira.

"Wala naman akong kapangyarihan," tugon ni Erie.

"Mamaya na yan. Kumain na kayo. Erie, pumunta ka sa kwarto ko mamaya," sambit ni Zeque saka ito umalis kasama ni Jiro.

Samantala, mula sa malayo may nakatanaw sa tinutuluyan nila Erie. Gamit ang binocular, sinilip niya sa bintana sila Erie. Nang makita niya ang buhok ng dalaga, napangiti ito.

"Malapit na mangyari ang pinakahihintay ko. Konting araw na lang..." sambit ng lalaki sabay baba ng binocular.

Itutuloy...

Dedicated to tzuyu05. Thanks sa name. ^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top