CHAPTER 19: THE MOST BEAUTIFUL WOMAN

CHAPTER 19: THE MOST BEAUTIFUL WOMAN

Erie's POV

"Ano? Tatakbo ka lang ba?" sigaw ni Risa habang hinahabol ako at hinagisan ng apoy.

Nasaan na ba kasi Jiro? Bakit ang tagal niya dumating? Kanina ko pa siya tinatawag.

"Aahhh!" sigaw ko nang matamaan ako sa paa. Daplis lang naman pero masakit pa rin. Bumangon ako pero bago ako makatakbo, tinulak ako ni Risa pasandal sa nakaharang na pader na lupa. Sinandal niya ako doon habang sinasakal.

"Katapusan mo na," aniya habang nakangisi. Humigpit ang pagkakasakal niya sa akin kasabay ng pag-apoy ng kamay niyo

"JIRRROOOOO!!" sigaw ko nang maramdaman ko init sa leeg ko. Pagkasigaw ko sunod-sunod ang pag-ubo ko.

"Bitawan mo siya," sigaw ng isang lalaki at nakita ko na lang na tumalsik si Risa. Napaupo ako sa sahig habang habol ang hininga. Ramdam ko ang hapdi sa leeg ko.

"Sorry nahuli ako," sabi sa akin ni Jiro. Umupo siya para maging katapat ko. Kitang-kita ko sa mata niya ang pag-alala. Sinubukan ko magsalita pero walang lumabas na boses sa akin.

Nakita ko si Risa na muling bumangon para atakihin kami. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko yun masabi kay Jiro. Gumawa ng bolang apoy si Risa saka ito hinagis sa amin ngunit agad ako binuhat ni Jiro saka lumipad.

"Hindi mo kailangan magsalita. Nakalimutan mo ba na nababasa ko isip mo?" aniya habang nasa taas kami. Lumipad din si Risa upang sundan kami ngunit puro pag-iwas lang ang nagawa ni Jiro.

"Zeque!" sigaw niya kaya napalingon sa amin si Zeque. Palapit kasi kami sa kanya. Hindi ko alam kung ano balak ni Jiro pero parang nagkakaintindihan silang dalawa. Nagpakawala ng wind blade si Zeque patungo sa amin pero bago kami tamaan lumipad pataas si Jiro kaya naman dumiretso yun kay Risa.

"Thanks," sambit ni Jiro. Binalik ni Zeque ang atensyon niya kay Samael na kasalukuyang pasugod sa kanya.

"Sa akin ka lang tumingin, ako ang kalaban mo," sigaw nito at muli nanaman sila nagtapatan. Hindi ko masabi kung sino magaling sa kanila dahil pantay ang laban nila.

Napatingin ako sa ibaba at nakita ko si Blaize na kaharap na ngayon si Risa. Habang si Jharisa at Shiro naman kay Persephone.

Bigla nagsitaasan ang balahibo ko sa batok. May naramdaman akong nakatingin sa akin at tama ang hula ko dahil nakita ko si Samael na nakatitig sa akin. Napakapit ako ng mahigpit kay Jiro dahil sa takot. Yung itsura niya kasi parang gusto niya akong patayin or may masama siyang gustong gawin sa akin.

"Akala ko ba ako ang kalaban mo? Bakit sa iba ka nakatingin?" tanong ni Zeque pagkatapos niya hagisan ng matutulis na yelo si Samael.

"Nakapagdesisyon na ako. Kukunin ko siya sa inyo," tugon ni Samael pagkatapos iwasan ang atake ni Zeque. Lumipad siya patungo sa amin pero agad lumayo si Jiro kahit hindi pa ito nakakalapit.

"Hindi ko siya ibibigay sayo," sambit ni Jiro.

"Kapatid ko, ayaw mo ba manirahan sa kaharian natin? Magkasama natin pamumunuan ang buong mundo. Kapag sumama ka sa akin, hindi mo na kailangan maging alter."

"Salamat na lang. Masaya na ako kung ano ako ngayon."

"Nandito pa ako," sigaw ni Zeque may pumulupot na mga halaman kay Samael. Nagmumula ito sa kamay ni Zeque. Hinila niya si Samael at hinagis pababa. Nang bumagsak ito sa lupa, bumama si Zeque saka tinutukan ng espadang napapalibutan ng pinagsamang kapangyarihan niya.

Sumunod din kami sa ibaba at naabutan namin si Samael na tumatawa.

"Papalampasin ko muna kayo. Hanggang sa muli nating pagkikita," aniya habang nagkakaroon ng blackhole sa lupang hinihigaan niya. Lumayo sa kanya si Zeque at hinayaan na lang makatakas si Samael.

******

Zaira's POV

"Mga halaman lang kayo. Hindi niyo ko mapipigilan," sigaw ko habang buong pwersa na nagpupumiglas hanggang sa maputol ang mga nakapulupot sa akin. May naramdaman akong kakaibang lakas sa katawan ko.

Tumakbo ako patungo sa mga batong makaharang sa akin at sinuntok ito. Doon ko lang napansin na nagbago pala ang anyo ko. Tuluyan na pala ako naging werewolf kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko. Tuloy lang ako sa pagtakbo patungo sa kinaroroonan ni Persephone. Alam ko kung nasaan siya dahil naamoy ko siya.

Pagkakita ko sa kanya, hindi na ako nagsayang ng oras. Lumundag ako patungo sa kanya. Yung dalawang kamay ko nasa kabilaang balikat niya.

"Babawiin ko na ang kapangyarihan ko," sabi ko sa kanya. Kikilos na sana siya subalit may mga halaman na pumulupot sa katawan niya. Nipalingon ako kay Zeque. Tinanguan lang niya ako.

Tinignan ko sa mga mata si Persephone at sa pangatlong pagkakataon napadpad ulit ako sa isang madilim na lugar kung nandoon ang dalawang kapangyarihan ko. Nagtungo ako sa kulay berde na parang bolang apoy na lumulutang. Unti-unti itong hinigop ng katawan ko ito. Kukunin ko na sana yung isa pero bigla ako tumalsik.

Pagtingin ko kay Persephone, nagbago na ang anyo niya. Kamukha na niya yung vampire form ko. Wala siyang malay at buhat-buhat siya ni Samael.

"Let's go Risa," aniya at saka muling umalis gamit ang black hole.

"Athena," tawag sa akin ni Ian sabay yakap sa akin. Teka! Bakit abot ko na siya ngayon? Dati hanggang paa niya lang ako.

"Bumalik ka na sa dati," aniya kaya napatingin ako sa kamay ko. Hanggang kamay lang ako dahil yakap niya pa rin ako.

"Ehem. Baka gusto mo muna siya pasuotin ng damit," sambit ni Zeque kaya napagtanto ko na halos wala na akong saplot dahil napunit yung suot ko. Kaya pala malamig yung pakiramdam ko sa likod ko.

"Wag ka gagalaw. Makikita nila yung nasa harapan mo," bulong sa akin ni Ian dahil aalis sana ako sa pagkakayakap niya.

"Mauna na kayo sa bahay," sambit ni Zeque. Gumawa siya ng portal sa likuran ko. Pumasok kami doon ni Ian nang hindi inaalis ang pagkakayakap sa akin. Nang makarating kami sa bahay, agad siya bumitaw at tumalikod.

"Magbihis ka na," aniya nang hindi ako nililingon. Tumakbo  na ako patungo sa kwarto at agad na kumuha ng damit pero siyempre nagpunas muna ako.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Naging iba't ibang kulay ang buhok ko at naging green yung kaliwang mata ko habang yung isa blue. Hindi pa rin nawawala yung tenga ko at bunto. Siguro ganito muna ako habang hindi ko pa tuluyan nababawi lahat ng kapangyarihan ko.

Lumabas na ako ng kwarto kung saan nakaabang si Ian. Nakatayo siya sa gilid ng pinto.

"Bakit?" tanong ko nang matulala siya.

"Ano ginawa mo? Bakit parang lalo kang gumanda? Siyet! Parang ayaw na kita palabasin," tugon niya. Naguguluhang tinignan ko siya.

"Ano ba sinasabi mo?" tanong ko pero tinulak niya lang ako pabalik sa kwarto ko. Saka naghalungkat sa cabinet ko. Kumuha siya ng Jacket.

"Suot mo ito," utos niya. Sinununod ko naman siya. Tinaas niya yung hood nung jacket kaya natakpan tenga ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay tingin ulit sa mga gamit ko. Kinuha niya yung shades na nakita niya at sinuot sa akin.

"Hmmm. Pwede na. Wag mo ipapakita kahit kanino mukha mo," utos niya sa akin.

"Hindi ba mas lalo ako mapapansin nito?" tanong ko.

"Edi dito na lang tayo," aniya sabay upo sa kama.

Tinanggal ko yung shades at tumabi sa kanya.

"Ano ba meron sa mukha ko?" tanong ko. Pero hindi niya ko pinansin. Parang iniiwasan niyang tumingin sa akin.

"Huy! Kapag hindi ka tumingin, iisipin kong pangit ako," pangungulit ko sa kanya.

"No. You are the most beautiful woman," aniya sabay tulak sa akin. Nilagay niya yung kamay niya sa gilid ng ulo ko habang titig na titig sa akin.

"Mas gugustuhin ko na yata na bata ang form mo kaysa ganyan. Kahit sinong lalaki na mapapatingin sayo, magugustuhan ka. Baka pati mga demon, magustuhan ka."

Parang umurong  dila ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung OA lang ba siya o totoong iba talaga ang dating ng itsura ko ngayon.

Tumayo siya bigla at dumiretso palabas ng kwarto habang ako naiwang nakahiga sa kama. Natulala na lang ako sa kisame hanggang sa nakatulog na ako. Nagising na lang ako nang makarinig akong ingay sa labas ng kwarto ko.

"Mabuti gising ka na. Nakakagulo na sila sa labas," sabi sa akin ni Zarah.

"Kaya pala ayaw ka ipakita ni Blaize sa mga lalaki. Mukha kang diyosa sa itsura mo," komento ni Crystal.

"Ano ba problema mo? Bakit pati ako bawal?" rinig kong tanong ni Kuya Paris mula sa labas ng kwarto. Lumapit ako sa may pintuan.

"Basta!"

"Gusto ko lang makita kung totoong tumanda na si Zai. Saka kung ano itsura niya," sabi naman ni Adrian. Nakarinig ako ng kalabog kaya binuksan ko na yung pinto. Ayun nagsibagsakan sila sahig dahil nagtutulakan pala sila.

"Ang bigat niyo," reklamo ni Ian dahil siya yung pinakanasailalim. Sinubukan niyang itulak sila Adrian pero mukhang wala silang balak magsitayuan. Nakatulala lang sila sa akin. Tinignan ako ng masama ni Ian.

"Bakit mo binuksan?" tanong niya.

"Ang ingay niyo. Natutulog ako," sagot ko. Tumayo bigla si Kuya Paris.

"Nasaan si Athena? Akala ko nandito siya?" tanong ni kuya na akala mo hindi niya ako nakita. Binatukan ko nga.

"Zai, ikaw ba talaga yan?" tanong sa akin ni Adrian. Tumango na lang ako. Tinignan ko si Ken, Henry at Rhys na nakatulala lang sa akin. Isa-isa silang pinagtutulak ni Ian para makatayo siya. Humarang siya sa harapan ko.

"Nakita niyo na siya kaya magsialisan na kayo," pagtataboy ni Ian sa mga lalaki.

"Okay. Gets ko na. Padadalhan ka na lang namin ng pagkain," sabi ni Kuya Paris saka lumabas kasama sila Ken. Mukhang wala pa sa katinuan yung tatlo dahil tulala pa rin ito pero nagpatangay naman sila kay kuya at Adrian.

"Binabalaan kita. Wag ka na ulit magpapakita kay Max," sabi bigla sa akin ni Zarah bago lumabas. Natatawang sumunod sa kanya si Crystal.

"Nakita mo na reaction nila? Yung kakaibang anyo mo nakakaattract sa amin," sambit ni Ian. Sabay kami napalingon sa pinto nang magbukas ito at iniluwa nito si Zeque.

"Pwedeng pumasok?" tanong niya.

"Buti ka ba. Normal pa rin reaction mo," pansin ko sa kanya. Sa lahat ng lalaki  siya lang yung parang wala lang sa kanya yung itsura ko. Ngumiti lang siya.

"Ganyan anyo ng Ina ko kaya sanay na ako makakakita ng ganyan. Half werewolf and Half wizard siya. Kaya naiintindihan ko bakit over protective si Blaize sayo. Ganyan din si Ama noon," paliwanag niya.


"Ano gagawin ko para bumalik sa normal yung anyo ko?" tanong ko. Ayoko naman na ikulong  dito.

"Wag ka mag-aalala, babalik din sa normal ang anyo mo kapag nabawi mo lahat ng kapangyarihan mo. Sa ngayon wag ka muna masyado magpakita sa iba. Mag-iingat ka palagi. Saka wag ka makikipag eye contact."


Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top