CHAPTER 18: JHARISA

CHAPTER 18: JHARISA

Zeque's POV

"Naomi," sambit ko sabay pakita ng papel na hawak ko.

"Paano yan? Hindi pa natin alam kung saan yung katawan ni Ate Naomi?" tanong ni Athena. Wala pa kasi kami idea kung nasaan yung katawan niya.

"May naisip ko. Bakit natin siya umpisahan hanapin doon sa mga nakasama sa car accident? Baka kasama din siya doon," suhestiyon ni Ash.

"Saan ba nangyari yung aksidente?" tanong ko kay Erie.

"Ang alam ko sa Vutas Avenue."

"Puntahan natin."

"Huh? Ngayon na?"

Tinanguan ko siya. Kulang kulang din kami sa oras kaya kailangan namin magmadali.

"Magbibihis lang ako," aniya saka tumayo. Biglang tumabi sa akin si Jiro na parang ang daming iniisip.

"Wala ka ba kakaibang nararamdaman kay Erie?" tanong niya habang pasulyap-sulyap sa direksyon na pinuntahan ni Erie.

"Tulad ng?"

"Malakas na kapangyarihan?"

"Nasisiraan ka na ba? Tao siya malamang wala siyang kapangyarihan. Maliban na lang kung gamit niya yung alter," sagot ko.

"Bakit ko ba tinanong sa kanya? Malamang hindi niya yun ramdam dahil sa seal," bulong niya sa kanyang sarili.

"Ano ba yun? May hindi ba ako alam?" tanong ko.

"Wala. Hindi ako makakasama sa inyo. May pupuntahan ako. Ikaw na muna bahala kay Erie," paalam niya sa akin.

Ayaw pang sabihin. Alam ko naman na may tinatago siya tungkol kay Erie. Nung isang araw pa yan ganyan.

"Sasama ako sa inyo ha?" sabi sa akin ni Athena. Tinanguan ko na lang siya. Kapag yan sumama sigurado kasama din si Blaize.

"Punta na kaming cafe. Ingat kayo sa pupuntahan niyo," paalam ni Hazel.

"Bakit hindi ka sumama?" tanong ko kay Shiro.

"Sasamahan ko si Athena," aniya sabay palit sa anyo niyang maliit na lion.

Pagkakita ko kay Erie, tumayo na ako. Ginamit namin yung sasakyan nila Athena para hindi na kami magcommute. Buti na lang naisipan kaming padalhan ng papa niya ng sasakyan.

"Turo mo na lang yung daan," sabi ko kay Erie. Nakaupo siya sa tabi ko habang yung mga kasama namin nasa likod.

"Diretso ka lang," aniya habang nakatingin sa daan.

"May itatanong nga pala ako sayo Erie," sabi ni Athena habang nakasilip doon sa gitna ng upuan namin.

"Ano?"

"Ikaw ba ito?" tanong niya sabay bigay ng flyer ng museum. Nakita ko doon yung picture ni goddess of peace.

"Hindi. Kamukha ko ba siya?"

"Oo. Saka yung singsing na suot mo kaparehas ng disenyo ng kwintas niya."

Pagkarinig ko nun inagaw ko yung flyer at tinignan mabuti. Katulad nga yun ng bato sa singsing ni Erie. Kung wala lang itong kadena mahahalata agad na parehas sila. Naalala ko bigla yung tanong ni Jiro kanina. Hindi kaya dahil dito kaya niya natanong sa akin yun?

"Kung tama pagkakatanda ko, sinisimbolo ng disenyo na yan na isa siyang goddess. Bawat isa kasi sa kanila pinapanganak na may kasamang bato kung saan doon din nanggagaling ang kapangyarihan nila," paliwanag ni Naomi. Ayun din ang alam ko pero bakit may ganun din si Erie?

"Ibig sabihin goddess din si Erie?" tanong ni Athena.

"Hindi ko alam. Saan mo ba nakuha yung singsing mo?"

"Bigay ito sa akin ng mama ko noon," tugon ni Erie.

"Baka nagkataon lang parehas ng disenyo. Saka maraming bagay na naiimbento na katulad sa mga gamit god and goddess," sambit ko.

"Oo nga. Saka impossibleng isa akong goddess. Normal lang naman yung mga magulang ko," pagsang-ayon ni Erie.

Bigla ako nagpapreno nang may tumawid sa harapan namin.

"Si Ate Naomi! I mean yung katawan ni Ate Naomi. Hahabulin ko," sabi ni Athena. Binuksan ni Blaize yung pinto at nagsibabaan sila kaya dalawa na lang kami ni Erie naiwan.

"Susunod ba ako sa kanila?" tanong niya sa akin.

"Dito ka na lang. Hahanapan ko na lang ng paparadahan yung sasakyan," tugo ko. Mabuti na lang may malapit na mall kaming nakita. Doon ko na muna iniwan yung sasakyan saka namin hinanap sila Athena.

*******

Zaira's POV

"Miss!" sigaw ko habang natakbo.

"Miss sandali!" sigaw ko ulit. Binilisan ko yung pagtakbo at nang malapit na ako sa kanya lumundag ako at kumapit sa likod niya.

Tumigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin.

"Sino ka?" tanong niya sa akin. Bumaba ako sa pagkaangkas.

"Ako si Zai. Kanina pa kita tinatawag," tugon ko

"Ako naman si Jharisa. Bakit mo ko tinatawag?"

Tinignan ko sila Blaize na nakasunod sa akin kaya napatingin din siya doon. Alam kong napansin na niya si Ate Naomi dahil natulala siya bigla.

"Sayo ba itong katawang na gamit ko?" tanong niya. Mukhang hindi na kami mahihirapan sa kanya. Tinanguan siya ni Ate Naomi bilang tugon.

"Pasensya na kung hiniram ko muna katawan mo. Hindi ko kasi alam kung saan yung katawan ko." paliwanag niya.

Biglang may naramdaman akong malakas na presensya. Nagkaroon ng black hole sa langit kung saan dahan-dahan bumama doon ang isang demonyo na hinding-hindi ko makakalimutan.

"Samael," sambit ko. Hinawakan ko si Jharisa dahil baka kung ano gawin niya. Humarang naman agad sina Ian at Shiro sa harapan namin para proteksyunan kami.

"Nakita niyo pala siya pero sayang dahil hindi ko hahayaan na matagumpay kayo," aniya sabay hagis ng dark ball. Akala ko katapusan na namin pero nagulat ako nang mapalibutan kami ng puting liwanag.

Napansin ko na nakaangat ang kamay ni Jharisa at mula doon yung pumoproteksyon sa amin.

"Hindi ko alam kung ano nangyayari pero hindi ko hahayaang saktan mo sila," aniya sabay hagis ng light ball. Nagdulot ito ng pagsabog nang magtama ito sa dark ball na binato naman ni Samael.

Napalibutan kami ng makapal na usok kaya kinuha ko na ang pagkakataon na yun para tumakas.

"Tumakas na tayo," sabi ko sabay hila kay Jharisa ngunit hinarangan naman kami nila Persephone.

"Saan kayo pupunta?" sambit ni Risa. Naglabas siya ng apoy at agad hinagis sa amin. Punalibot ito sa amin kaya napaatras kami. Nagtama ang mga likod namin dahil sa nasa gitna kami ng apoy.

"Hindi niyo yata kasama si Zeque?" pansin ni Persephone.

"Nandito ako."

Napatingin ako sa langit kung saan narinig ko si Zeque. Mula doon bumama si Zeqe habang buhat-buhat si Erie. Pagkatuntong niya sa lupa nawala ang pakpak niya na gawa sa pinagsamang kapangyarihan niya.

Pinatay niya ang apoy na pumapalibot sa amin sa pamamagitan ng pagpapaulan.

"Siya ba ang kapalit ni Persephone?" tanong ni Samael nang makita si Erie.

"Wag mo siya papakialaman," galit na sabi ni Zeque. Ngumiti ng pangdemonyo si Samael. Yung nakakatakot talaga na ngiti.

"Imposible yang sinasabi mo. Gusto ko siya. Kukunin ko siya sayo tulad ng pagkuha ko sa kapatid mo at sa taong iniibig mo," nakangising sabi nito. Nagkuyom ng kamao si Zeque at biglang nanlisik ang mga mata. Mababakas sa kanya ang galit na kailaman hindi ko pa nakikita.

"Hindi na mauulit yun dahil tatapusin ko na ang kasamahan mo," aniya sabay sugod kay Samael. Nawala siya sa paningin ko at nakita ko na lang siyang nasa tabi ni Samael. Pinagsusuntok niya ito habang napapalibutan ng pinagsamang kapangyarihan niya ang kamay nito.

Kapansin-pansin din na napapaligiran ng kapangyarihan niya ang katawan niya. Ganun din si Samael pero kumpara kay Zeque, itim lang ito. Makulay kasi yung kay Zeque dahil sa halo-halo ang kapangyarihan niya.

"Ngayon ko lang nakita ang ganyan sa buong buhay ko. Tanging mga malalakas na wizard lang ang kayang maglabas ng kapangyarihan sa buong katawan," komento ni Ate Naomi. Napanganga na lang din ako dahil ang galing nilang pareho. Halos hindi ko sila masundan dahil ang bilis ng kilos nila.

Naramdaman kong may papalapit sa akin kaya napalundag ako. Nakita ko ang pagtama ng fire ball sa lupa. Tinignan ko si Risa.

"Nakalimutan niyo yata na nandito kami," aniya sabay sugod sa amin. Humarang sa akin si Ian at gamit ang baril niya, pinaputukan niya si Risa. Lumipad ito palayo para umiwas.

"Jharisa, gamitin mo kapangyarihan ko para pababain siya," utos ni Ate Naomi.

"Paano?" tanong nito.

"Hindi kaya ng mga demon ang sobrang liwanag."

Tumango si Jharisa at inangat nito ang kamay sa langit. Biglang lumihis ang itim na ulap at mula doon isang nakakasilaw na puting liwanag ang tumutok kay Risa.

"Aaahhhh," sigaw nito sabay harang ng kamay niya sa mata niya. Bumaba siya para lupa para layuan ang liwanag. Pansin kong umuusok siya na akala mo tinapat sa apoy.

"Papatayin kita," galit na sabi niya kay Jharisa. Bago pa siya sumugod, pinigilan siya ni Persephone.

"Hindi mo siya kaya. Ako na bahala sa kanya," sabi niya. Biglang umuga ang kinatatayuan namin at mula doon nagsitaasan ang lupa. Kaya wala kami nagawa kundi tumakbo. Nagkahiwalay-hiwalay kami dahil doon.

"Ikaw muna uunahin ko bata," habol sa akin ni Risa habang binabato ako ng apoy. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta dahil bigla na lang may umaangat sa harap ko na lupa.

May pumulupot bigla sa paa ko dahilan para madapa ako. Hinatak ako nito at sinandal sa isang mataas na lupa at doon napalibutan ako ng tankay ng halaman. Tinignan ko si Persephone dahil alam kong siya ang may gawa nun.

"Si Erie unahin mo. Hindi mo mapapatay si Zaira kahit anong gawin," muling pigil niya kay Risa habang iniiwasan ang atake ni Shiro.

Sinubukan ko gumalaw para tumakas pero lalo humihigpit yung pagkakapulupot sa akin ng tangkay. Lalo tuloy ako dumidiin sa lupang sinasandalan ko.

"Aaaahhhh!" sigaw ko nang maramdaman kong may tumusok sa katawan ko. Alam kong hindi ako mamatay doon pero masakit pa rin.

"Athena!" sigaw ni Ian. Nakita ko siyang palapit sa akin pero may umangat nanaman na lupa sa harapan niya na nagsilbing harang.

Napatingin ako sa braso ko dahil naramdaman ko ang pagtulo ng dugo dito. Kailangan ko makaalis dito.

Itutuloy...

Dedicated to CalokangWriter. Salamat sa name. ^^

May story din po siya. Kung gusto niyo basahin punta lang kayo sa profile niya. Lalo na doon sa mahihilig sa love story and teenfiction.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top