CHAPTER 17: RING

CHAPTER 17: RING

Erie's POV

"Sino ka?" tanong ko sa babae na may kulay dilaw na buhok at violet na mata. Parang may kamukha siya. Ningitian niya ako.

"Hindi ka pa pwedeng mamatay. Kailangan ka pa ng Xaterrah. Hanapin mo ang susi na magdadala sayo sa mundo natin."

"Mundo natin? Anong susi? Sino ka ba?"

Isang ngiti ulit ang tinugon nito pero mapait na ngiti. Kita din ang kalungkutan sa kanyang mata.

"Malalaman mo din sa takdang panahon," itinaas niya ang kamay niya sa gilid. May lumabas na puting luwinag sa kamay niya. Biglang nagkaroon ng portal at sa portal na yun nakokita ko ang sarili ko na natutulog habang may oxygen at dextrose. Sa tabi ng higaan ko nakapatong ang ulo ni Jiro. Nakaupo siya habang natutulog sa gilid ng higaan ko.

"Bumalik ka na sa inyo. Hinihintay ka nila," sabi sa akin ng babae.

"Bago ako bumalik. Pwede mo ba sabihin sa akin yung susi na sinasabi mo?"

"Bagay iyon kung saan nakalagay ang Xaterrah. Maliit lang ito pero napakahalaga sa amin dahil doon mismo nakasalalay ang mundo natin. Kapag nawala ito, mawawala na din ang Xaterrah."

"Ano yung bagay na yun?"

"Singsing."

Singsing?? May iniwan na singsing sa akin si Mama, hindi kaya ayun yun?

"Magsasara na ang lagusan. Kailangan mo na bumalik," sabi ng babae kaya napatingin ako sa portal at paliit ng paliit nga ito. Napansin ko din na parang nahihirapan na yung babae at unti-unti itong lumalabo. Parang naglalaho siya.

"Salamat," pagpapasalamat ko saka pumasok sa portal pero bago yun, may sinabi pa siya sa akin na nagpagulo ng isip ko.

Pagkadilat ko nasa ospital na ako. Tinignan ko si Jiro sa tabi ko at ayun tulog nga siya. Natutulog pala yung mga grimreaper?

"Jiro," kalabit ko sa kanya. Agad naman siya dumilat at tinignan ako.

"Gising ka na pala. Kamusta pakiramdam mo?"

"Ayos na ako. Medyo masakit lang sugat ko," sagot ko.

"Mabuti naman pwede na kita sermunan."

"Huh?"

Tinignan niya ako ng masama.

"Bakit hindi mo ko tinawag nung nakaharap mo si Persephone? Alam mo bang kamuntik ka na mamatay? Alalang-alala kami ni Zeque sayo. Buti na lang nabuhay ka ulit ng doctor kanina," sermon niya sa akin.

"Sorry," nakayukong sabi ko. Naiinis din ako sa sarili ko dahil nung oras na yun si Zeque ang nasa isip ko. Si Zeque ang tinawag ko pero kahit anong tawag ko sa kanya hindi niya ako maririnig. Hindi naman siya ang guardian ko.

"Buti alam mo. Habang mas maaga pa, itigil mo na ang nararamdaman mo kay Zeque. Si Persephone lang gusto niya."

"Ano ba sinasabi mo? Wala ako nararamdaman kay Zeque. Hindi ko siya gusto," kontra ko sa kanya sabay taklob ng kumot.

Hindi ko gusto si Zeque. Wala ako nararamdaman sa kanya. Kaibigan lang tingin ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at yapak na palapit sa akin.

"Kamusta si Erie? Nagising na ba?" rinig kong tanong ni Zeque. Alam kong siya iyon dahil sa boses niya.

"Bakit hindi mo tignan para makita mo?"

"Bakit nakatakip yung sapin sa mukha niya? Ikaw ba may gawa nito?"

May kamay na humawak sa sapin kaya agad ako pumikit nang ibaba ito.

"Tulog pa rin pala siya. Akala ko gising na."

"May nabasa ako libro. Yung hinalikan ng lalaki yung babaeng tulog tapos nagising ito. Subukan mo kaya?"

Bwisit ka Jiro. Ano ba sinasabi mo? Para namang hahalikan ako ni Ze--. Napadilat ako bigla nang maramdaman kong may dumikit sa labi ko. Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang mga mata ni Zeque. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Oh? Totoo nga. Saan mo yun nabasa?" tanong ni Zeque kay Jiro. Parang wala lang sa kanya yung ginawa niya pero sa akin ang lakas ng epekto.

"Sa fairytale book ni Erie."

Huminga ako ng malalim dahil naiinis na ako sa dalawang ito.

"Bakit mo ko hinalikan? Hindi naman ako si Aurora at hindi ka Prinsepe." inis na sabi ko.

"Prinsepe ako. Sa Bizarre, ginagalang ang kagaya kong wizard," proud na tugon niya.

"Ewan ko sayo. Gusto ko na umuwi."

"Sabi ng doctor kailangan mo pa magpahinga."

"Sa bahay na ako magpapahinga."

"Hindi pa magaling sugat mo."

"Edi pagalingin mo."

"Oo nga naman. Pagalingin mo na lang siya. Kaya lang naman natin siya dinala dito dahil hindi natin alam kung paano siya bubuhayin," pagsang-ayon ni Jiro. Ayaw niya din siguro dito sa ospital.

"Okay. Pero sa bahay na kayo titira. Baka balikan ka ni Persephone. Uuwi lang kayo sa inyo para kunin yung mga gamit niyo," sagot ni Zeque.

"Sino ka naman para magdesisyon?"

"Guardian mo ko. Ako ka nga nag-asikaso lahat ng gastusin dito sa ospital."

"Wag ka mag-alala babayaran kita."

"Hindi naman ako naniningil. Saka wag ka na kumontra dahil napag-usapan na namin ni Jiro yung tungkol dito."

Tinignan ko si Jiro at tinanguan naman niya ako. Napabuntong hininga na lang ako. Kahit naman kumontra ako wala ako magagawa. Utang ko sa kanila ang buhay ko.

Gumawa na lang ng portal si Zeque para mabilis kami makarating sa bahay. Pinagaling na din niya sugat ko kaya madali na lang akong nakakagalaw.

Tinulungan nila ako mag-ayos ng gamit na dadalhin ko. Habang inaayos ko damit ko, nakita ko ang isang jewelry box na iniwan sa akin nila Mama. Pagkabukas ko nito, napansin ko agad yung singsing na nandoon. Kinuha ko ito at tinignan yung bato na nakalagay doon. Napatitig na lang ako doon dahil may kakaiba doon. May nakapulupot na maliit na kadena na parang pumoprotekta dito.

"Bakit may ganyan ka?" tanong bigla ni Jiro. Napalundag ako sa gulat at nabitawan ko yung singsing na hawak ko.

"Wag ka nga bigla-biglang nagsasalita. Ginugulat mo ko," inis na sabi ko.

"Sorry."

Pinulot ko yung singsing. Pagtingin ko doon wala na yung isang layer ng maliit  nakadena.

"Bakit nabawasan yung kadena? Nasira ba?" tanong ko saka tumingin sa ibaba para hanapin yung kadenang natanggal pero hindi ko ito makita.

Hinayaan ko na lang at sinuot yung singsing para tignan kung bagay pa sa akin. Okay naman iyon. Maganda kaso baka mawala kung susuotin ko kaya itatago ko na lang.

"Bakit ayaw matanggal?" sambit ko nang hindi ko maalis sa daliri ko yung singsing. Pilit ko ito hinihila pero parang nakadikit ito sa balat ko.

"Ano ginagawa mo?" tanong ni Zeque.

"Hindi ko matanggal yung singsing," sagot ko habang pilit itong hinihila pero ayaw talaga. Kinuha niya ang kamay ko at tinignan yung singsing na suot ko.

"Parang may kamukha itong singsing," komento niya. Sinubukan niya din ito alisin pero ayaw talaga.

"Hayaan mo na. Nandyan na yan eh," seryoso sabi ni Jiro.

"Sabagay. Hindi naman siguro ito mawawala dahil ayaw din naman matanggal," tugon ko. Tinuloy ko na lang yung pag-aayos ng gamit.

******

Third Person's POV

"Wala na si Serenity. Dalawa na lang tayo natitira. Kailangan na natin makahanap ng papalit sa mga namatay nating kasamahan bago mahuli ang lahat," malungkot na sabi ng isang babae sa katabi nitong lalaki.

"Wag ka mag-alala may nakita  na ako. Ang kailangan lang natin gawin ay madala sila sa mundo natin para masagawa ang pagbasbas."

"Pero hindi tayo makakabalik sa mundo natin kung hindi mabubuksan ng lagusan."

"Magiging maayos din ang lahat," niyakap ng lalaki ang kasintahan nito.

"UWAAAAAAAAHHHH! UWAAAAHHHHH!" iyak bigla ng anak nilang lalaki. Agad ito nilapitan ng babae para buhatin. Tumigil naman ito sa pag-iyak.

'Sana nga maging maayos ang lahat. Wala na din ako sapat na kapangyarihan para manatili pa sa mundong ito. Alam kong ganun din ang asawa ko,' sa isip ng lalaki. Lumabas ito sa silid at kinuha ang notebook na pinaglalagyan niya ng impormasyon tungkol sa kanila at pati na din ang mga tungkuling kailangan nila gawin habang nabubuhay sila.

Nais niya mag-iwan ng impormasyon na makakatulong sa mga papalit sa kanila oras na mawala sila. At pati na din sa nag-iisang anak nila.

Samantala, hindi maalis sa isip ni Jiro ang tungkol sa singsing ni Erie. Alam niya kung ano iyon pero nagtataka siya kung bakit may ganun ang dalaga.

"Normal na tao ka nga lang ba?" bulong niya habang pinagmamasdan ang dalaga. Tumayo ito at umalis para maghanap ng kasagutan.

Nilabas niya ang kanyang pakpak saka lumipad patunggo sa art museum na minsan na nilang pinuntahan. Unang punta pa lang dito, may kakaiba na siyang nararamdaman sa lugar. Diretso lang siya sa pagpasok dahil hindi naman siya nakikita sa spirit form niya.

Tumigil siya tapat ng larawan ng goddess of peace. Tinignan  niya ang suot nitong kwintas dahil katulad ng pendant nito ang disenyo ng singsing ni Erie.

"Napakaganda niya no?" tanong ng isang lalaki sa tabi niya.

"Nakikita niyo ko?" tanong ni Jiro sa matandang lalaki na tingin niya na sa 40 ang edad.

Nagulat ang matanda sa tanong ni Jiro kaya napatingin ito sa paligid at doon niya lang napansin na siya lang nakakakita kay Jiro.

"Akala ko tao ka. Kaya pala narinig mo ko, isa kang grimreaper. Gusto mo ba makarinig ng kwento tungkol kay Serenity?"

"Serenity?"

"Serenity, ang pangalan ng babaeng nasa painting. Isa siya sa pinakamagandang diyosa sa Xaterrah. Madaming nagtangka na ligawan siya pero mas pinili niya mahalin ang lalaking taga-mortal."

"Bawal yun ah. Paano siya nakita ng tao?"

Ngumiti ang lalaki na parang may masaya siyang naalala.

"Dito mismo sa lugar na tinatayuan mo, nanirahan ang mga diyos at diyosa pagkatapos nila umalis sa Xaterrah. Dito din siya nakilala ng lalaking may taglay na makakita ng katulad niyo. Malinaw niya nakikita ang lahat kumpara sa iba."

Hindi na nagtaka si Jiro sa sinabi ng matandang lalaki dahil gamun din si Erie.

"Simula nung nakita niya si Serenity, palagi na siya nagpupunta dito. Naging malapit ang dalawa hanggang nahulog sila sa isa't-isa. Tutol man ang iba pero wala sila nagawa. Nagbunga ang pagmamahalan nila. Isang batang babae ang isinilang."

"Ano nangyari sa anak nila?"

"Isinilang ang bata na may malakas na kapangyarihan. Kaya wala sila nagawa kundi i-seal ang kapangyarihan nito. Mahina na si Serenity nung panahon na yun. Ganun din ang iba dahil masyado na sila nagtagal sa mundong ito. Subukan man nila bumalik sa mundo nila, hindi na nila magawa dahil hindi sapat ang kapangyarihan nila. Kung makakabalik man sila, mahihirapan din sila ayusin ang mundo nila. Kaya naman  pinagkatiwala nila sa batang yun ang Xaterrah. Oras na mawala ang seal, mabubuksan ang lagusan patungong Xaterrah."

"Pero matagal ng wala ang Xaterrah," sambit ni Jiro. Umiling ang matandang lalaki.

"Gamit ang kapangyarihan ng mga diyos at diyosa, itinago nila ang Xaterrah upang hindi na mapasok ng ibang demon at tuluyang mawasak. Wala na sinuman ang makakakita nito at tanging ang anak lang nila Serenity ang makakapagbukas ng lagusan."

Napatingin si Jiro sa kamay ng lalaki dahil naglalaho ito. Napansin naman ito ng matandang lalaki.

"Wala na si Serenity. Oras na para umalis din ako. Salamat sa pakikinig ng kwento ko," nakangiting sabi ng matanda lalaki..

"Sandali! May itatanong pa a--" pigil ni Jiro pero tuluyan na itong naglaho.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top