CHAPTER 12: ERIE'S PAST LIFE
CHAPTER 12: ERIE'S PAST LIFE
Erie's POV
"Renz, ano ginagawa mo dito?" tanong ko kay Renz nang makita ko siyang nakatayo sa tapat ng bahay ko.
"Pwede ka bang sumama sa akin saglit?" tanong niya sa akin.
"Ha? Saan?" gulat na tanong ko.
"Sa bahay. May ipapatingin sana ako sayo," aniya sabay kamot sa batok.
"Wag ka pumayag. Baka may masama siyang binabalak sayo," bulong sa akin ni Jiro.
"Sige," nakangiting sagot ko kay Renz. Binalewala ko yung bulong ni Jiro dahil mukha naman magpapakatiwalaan si Renz.
"Salamat," nakangiting sabi ni Renz saka lumingon kay Jiro. "Pwede kang sumama kung gusto mo."
"Hindi mo na kailangan sabihin yan. Sasama talaga ako kahit ayaw mo," tugon ni Jiro.
Nag-umpisa na kami maglakad. Sumakay kami ng taxi para magpahatid sa bahay ni Renz.
"Ano ipapatingin mo?" tanong ko.
"Salamin. Tuwing tumitingin ako doon may nararamdaman akong kakaiba. Naisip ko na baka katulad din iyon ng kwintas ni Marcky," paliwanag niya.
"Bakit sa akin ka lumapit? Hindi kila Zeque?" tanong ko.
"Nababalita sa school na nagtatrabaho ka daw bilang exorcist kaya naman ikaw agad naisip kong puntahan. Naalala ko din yung ginawa mo nung sabado," paliwanag niya.
Himinto kami sa tapat ng isang bahay na may katamtamang laki.
"Pasok kayo," aniya pagkabukas ng gate.
Pagkapasok namin, napansin ko agad ang isang malaking salamin sa sala. Unang tingin ko pa lang nakita kong napapalibutan ito ng itim na spiritual energy.
"Ito ba yung salamin na sinasabi mo?" tanong ko habang nakatingin sa salamin.
"Oo. May nararamdaman ka bang kakaiba?"
Tumango ako bilang tugon.
"Ano sa tingin mo?" tanong ko kay Jiro at saka siya nilingon saglit. Pagbalik ko ng tingin sa salamin, nagulat ako nang mag-iba ang reflection ko sa salamin. Naging isang babae na blonde ang buhok at may kulay puting pakpak ito. Nakaputi ito na katulad sa anghel.
"Erelah," rinig kong sabi ni Jiro. Ito pala si Erelah? Masyado siya maganda para ipagkumpara sa akin.
Napaatras ako bigla nang kusang kumilos yung reflection ko. Lumabas ang kamay nito sa salamin at saka ako hinila. Hindi ko alam gagawin ko dahil sa pagkabigla hanggang sa tuluyan akong nakapasok.
Napadpad ako sa hindi pamilyar lugar. May mga puno at halaman na akala mo umiilaw dahil sa mga fairy. May mga nasisiliparan na paro-paro at ibon sa paligid. Napangiti ako dahil sa sobrang ganda ng tanawin.
"Persephone!" rinig kong sigaw ng isang lalaki. Pamilyar ang boses nito kaya napalingon ako dito.
"Zeque," sambit ko at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.
"Salamat ligtas ka," aniya habang yakap-yakap ako. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa pagkabigla. Isabay pa ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano ba nangyayari sa akin?"
"Teka! Bakit mo ko niyayakap?" tanong ko sa kanya saka siya tinulak. Inipon ko lahat ng lakas na loob ko para magawa yun. Mali itong nararamdaman ko. Hindi ako si Persephone.
"Ano ba klaseng tanong yan? Niyakap kita dahil namiss kita mahal ko," aniya at akmang yayakapin ako ulit pero umatras ako.
"Hindi ako si Persephone," seryosong sabi ko. Bigla naman siya tumawa.
"Ano ba sinasabi mo? Ayos ka lang? May sakit ka ba? Nagkakasakit ba yung mga anghel?" tanong niya sa akin. Hinawakan niya ako sa noo para tignan kung nilalagnat ba ako. Dinikit pa niya noo niya sa noo ko kaya natulala na lang ako bigla. Doon ko lang napansin na ang gwapo pala talaga ni Zeque lalo na sa malapitan.
Nagkatinginan kami sa mga mata at unti-unting lumapit ang mga labi niya sa akin hanggang sa mahalikan niya ako. Gusto ko siyang itulak subalit parang may sariling isip ang katawan ko. Napapikit na lang ako tinugunan ito.
"Erie! Gumising ka! Erie!"
Napadilat ako bigla nang marinig ko tinig ni Jiro. Bumungad sa aking ang nag-aalalang mukha nila sa akin.
"Ano nangyari?" tanong ko saka lumingon sa paligid. Nasa bahay na ulit ako ni Renz.
"Nawalan ka bigla ng malay. Sinubukan kunin ng salamin yung kaluluwa mo. Mabuti na lang nagising ka," tugon niya kaya napatingin ako sa salamin.
"Dinadala nito sa past life ang sinumang tumingin dito hanggang sa tuluyang mahigop ang kaluluwa mo para ikulong sa nakaraan. Oras na mangyari yun, kahit kailan hindi ka muling isisilang sa mundo. Kailangan natin mabasag yung salamin para makawala lahat ng nabiktima niya," paliwanag ni Jiro sa akin. Tinulungan niya ako makatayo.
Biglang may itim na kamay ang lumabas sa salamin at sinubukan kaming hawakan. Hinila kami ni Jiro para lumayo doon.
"Kukunin ko ang atensyon nito," sabi sa akin ni Jiro bago tumakbo. Hinawakan niya ang mga kamay na sumusubok na kunin kami saka niya ito pinagbuhol habang nakikipaghilaan.
Nagsummon ako ng martilyo gamit ang kwintas para basagin yun salamin. Habang palapit ako dito biglang may humila ng paa ko. Natumba ako ako at muli akong tinangay papasok sa salamin.
"Erie!"
Inangat ko ang kamay ko at nang malapit na ako sa salamin, buong pwersa ko itong pinukpok. Naramdaman kong nadaplisan ang mukha ko ng basag na salamin kaya pinangharang ko ang mga braso ko para proteksyunan ito.
"Ayos ka lang? May sugat ka," tanong ni Jiro. Tinignan ko yung braso ko na may mga sugat. Napahawak din ako sa pisngi ko na dumudugo.
"Ayos lang ako," sagot ko saka tumayo. Napansin ko na may mga iba't ibang kulay na liwanag na nagsisilabasan sa basag na salamin. Para itong alitaptap pero alam kong mga kaluluwa ito. May isang lumapit kay Jiro.
"Malaya na kayo," nakangiting sabi ni Jiro. Unti-unting naglaho ang mga ito.
"Ang salamin ko! Ano nangyari?" sambit ng isang babae. Tumakbo ito palapit sa pira-pirasong salamin.
"Ma," sabi ni Renz. Lalapit na sana ito pero hinarangan siya ni Jiro.
"Hindi siya ang mama mo," seryosong sabi ni Jiro. Tumingin ito sa isang kaluluwa na naiwan sa tabi namin.
"Wag mong sabihin na isa ang mama ni Jiro sa nabiktima ng salamin?" tanong ko kay Jiro.
"Para makalabas sila ginagamit nila ang nahigop nilang kaluluwa kapalit nila at sila gagamitin nila ang naiwang katawan nito. Tama ba ako?"
Nilingon niya ang mama ni Renz. Tumigil ito sa pagpulot ng bubog.
"Sinira niyo ang plano namin. Papatayin ko kayo!" sigaw niya at nagulat na lang ako ng itulak niya ako. Natumba ako sa sahig saka siya pumatong sa ibabaw. Napasinghap ako nang mahigaan ko yung mga bubog.
"Lumayo ka sa kanya!" sigaw ni Jiro subalit nagpakawala ito ng malakas na pwersa sa kamay at pinatalsik nito si Jiro.
"Bitawan mo ko," sambit ko habang sinubukang tumayo pero nabigla ako nang may mga kamay na lumabas mula sa basag-basag na salamin at hinawakan ako nito.
"Erie! Bitawan niyo siya!" sigaw ni Renz sabay tulak sa mama niya kaya nawala na ito sa ibabaw ko pero hawak pa rin ako ng mga kamay kaya hindi pa rin ako makagalaw.
"Wag ka makialam dito!" sigaw nito saka pinatalsik si Renz katulad ng ginawa niya kay Jiro.
"Aaaaahhh!" sigaw ko nang sumakit ang ulo ko habag may mga imaheng pumapasok sa isip ko hanggang tuluyan akong madala nito. Muli nanaman ako napadpad sa nakaraan.
Napahawak ako sa puso ko nang may maramdaman akong kirot dito. May nakita akong dugo mula sa kamay ko.
"Paalam mahal ko. Kung ako lang sana pinili mo, hindi ka mamatay ngayon," sabi ng isang lalaki habang nakatingin ng masama sa akin. Kita ko pa ang pagtulo ng dugo ko sa kamay niya.
Napaluhod ako sa sobrang sakit at unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Hirap na din ako makahinga.
"Persephone! Gumising ka! Wag mo ko iwan. Erelah!" sigaw ni Zeque. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
Dumilat ako at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha niya.
"Zeque..." sambit ko habang hirap makahinga. Muli akong napapikit dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Erie! Erie! Erie!"
Isang mahinang pagtapik sa mukha ko ang muling nagpadilat sa akin.
"Nasa past life pa rin ba ako?" tanong ko nang bumungad sa akin si Zeque. Mali lang siguro ako ng rinig kanina. Para kasing Erie yung pangalan na sinabi niya.
"Kung ayaw mo mamatay wag ka pipikit Erie," pigil sa akin ni Zeque bago ako pumikit. Napatitig ako bigla sa kanya. Napansin ko yung kisame nila Renz kaya natauhan ako bigla.
"Zeque, ano ginagawa mo dito?" napaayos ako ng upo. Tumingin ako sa paligid para masigurado ka na wala na ako sa nakaraan.
"Tinawag ako ni Homura. Kung hindi ako dumating baka patay ka na," tugon niya. Pansin ko na wala na yung mga bubog ng salamin kanina. Wala na din akong sugat pero may pahid pa rin ng dugo ang kamay ko.
Napatingin ako sa damit ko nang mapansin kong may dugo ito. Napahawak ako sa puso ko.
"Wag ka mag-alala, nagamot ko na sugat mo," sambit ni Zeque. Paglingon ko sa kanya nakatalikod na siya sa akin. Bigla siyang tumigil sa paglalakad.
"Mag-iingat ka na sa susunod," aniya habang nakatalikod.
"Sorry. Hindi man lang kita naprotektahan," sabi bigla ni Jiro.
"Ayos lang. Hindi mo naman ako kailangan protektahan," sabi ko sa kanya. Tumayo na ako para ayusin ang sarili ko.
"Pwede ko ba malaman kung paano namatay si Persephone?" tanong ko.
"Pinatay siya ni Samael. Nakita mo siya tama?"
Tumango ako bilang tugon.
"Kapag nakita mo siya, tumakbo ka na. Ayokong maulit yung nangyari noon. Kung nasa tabi lang sana niya ako, naprotektahan ko siya."
Medyo nakaramdam ako ng inggit kay Persephone. Kaya lang naman sila nag-aalala sa akin dahil naalala nila ito sa akin. Kung iba tao ako, ganito pa rin kaya sila sa akin?
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top