CHAPTER 1: EXORCIST
CHAPTER 1: EXORCIST
Erie's POV
"Himala hindi ka late," sambit ni Zeque pagkapasok ko ng classroom.
Napahikab na lang ako dahil hindi na ako nakatulog pagkatapos kong magkaroon ng masamang panaginip. Kinain daw ako ng malaking demon.
"Wag mo muna ako kausapin. Matutulog ako," tugon ko sabay subsob sa mesa.
*****
"Waaaaahhhhh!! Tigilan niyo na ako," sigaw ko habang tumatakbo.
"Pagkain! Masarap na pagkain!" sambit ng mga demon na humahabol sa akin.
"Ahh!"
Napasubsob ako sa lupa, pagkatapos ko matisod sa nakausling bato. Mabilis akong tumayo para muling tumakbo kahit na may nararamdaman akong kirot sa tuhod ko. Ngunit hindi pa ako nakakalayo, may malakas na hangin na humpas sa akin dahilan para madapa ako.
"Sa akin siya," sambit ng isang malalim na tinig sabay tapak sa likod ko.
"Waaaahhhh! Tulong," sigaw ng mga demon. Unti-unti silang kinakain ng higangteng demon. Ngayon lamang ko nakakita na demon na kumakain ng kapwa niyang demon.
"Ikaw na ang susunod," aniya pagkatapos ubusin ang mga demon na humahabol sa akin. Kinuha niya ako gamit ang malalaki niyang kamay saka tinapat sa mukha niya. May isa siyang mata at malaking bibig na may naglalakihang pangil.
******
"Bitawan mo ko! Aaahhh," sigaw ko habang hinahampas yung demon. Pagkadilat ko mukha ng teacher namin ang nakita ko. Galit itong nakatingin sa akin. Kukang na lang umusok ang ilong niya.
"Ms. Sanchez, minsan ka na nga lang pumasok ng maaga, natutulog ka pa sa klase. Get out!" sigaw nito.
Agad ako lumabas ng classroom dahil sa sobrang hiya. Kasalanan ng panaginip ko ito. Hanggang dito pa naman, mapapanipan ko yun. Napahikab ako muli. Gusto ko pa matulog pero kung mapapanaginipan ko yun, wag na lang.
"Ayos ka lang?"
"Ay kabayo!" sambit ko dahil sa gulat. Tinignan ko ng masama si Zeque.
"Ang gwapo ko namang kabayo."
"Lumayo ka nga sa akin. Bakit ka ba bigla-bigla na lang sumusulpot sa harapan ko. Saka bakit ka nandito sa labas? Wag mong sabihin na pinalabas ka din?"
"Lumabas ako habang nakatalikod si Ma'am. Sumama ka sa akin," aniya sabay hagis ng bag ko.
"Saan tayo pupunta? May klase pa tayo mamaya."
"Bahay. Bigla kang umalis kahapon kaya ngayon na lang tayo mag-usap."
Sumunod na lang ako sa kanya. Tinatamad din naman ako pumasok. Napahikab ako muli.
"Inaantok ako," sambit ko habang sinusundan si Zeque.
"Okay na siguro dito."
Biglang tumigil sa paglalakad si Zeque. Napatingin ako sa paligid.
"CR ng lalaki? Ano ginagawa natin dito? Wag mong sabihin na..."
Napayakap na lang ako sa aking sarili. Baka mamaya may masama siyang gawin sa akin.
"Dito tayo tatakas," aniya sabay taas ng kamay at katulad kahapon may lumabas na liwanag sa harapan niya. Pumasok kami doon at sa isang segundo nasa bahay na nila kami.
"Bakit nandito ka na agad? Cutting?" tanong ng isang lalaki. Ngayon ko lang siya nakita dahil wala siya kahapon.
"Si Erie yan, Ash. Hello!" bati sa akin ni Clara. Dalawa lang sila ni Levi na kilala ko. Yung iba bago sa paningin ko.
"May kasama ka pala," sabi ng isang lalaking maputi. Hindi man lang niya ako napansin kanina.
"Si Erie nga pala. Ipapakilala ko siya dapat kahapon kaso wala kayo. Bigla din siyang umalis," tugon ni Zeque.
"Yo! I'm Adrian," pakikipagkilala ng lalaking maputi sa akin. Nakipagkamay siya sa akin. Isa-isa din nagpakakilala ang iba sa kanila.
"Pwede mo ba kami tulungan makipaglaban sa mga demon?" tanong ni Zeque.
"Demon? No way! Ayoko pang mamatay."
"Hindi ka mamatay. Kami bahala sayo."
"Ayoko," sagot ko. Kahit na pangarap ko maging exorcist, masama ang kutob ko dito. Mahirap na kalaban ang demon dahil hindi sila katulad ng spirit.
Naglakad na ako palabas ng bahay nila. Mas magandang layuan ko sila. Hindi sila normal na tao.
"Wag niyo ko sundan," banta ko. Pagtingin ko sa likod walang ibang nandoon kundi ako. Weird. Pakiramdam ko talaga may sumusunod sa akin. Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko.
"Erie, ano ginagawa mo dito?"
"Master," gulat na sabi ko. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya dahil seryoso lang ang mukha niya.
"Yuko!" sigaw niya sabay hugot ng espada niya.
"Ahhh!" sigaw ng nasa likod ko. Pagtingin ko isang fox na may siyam na buntot. May dugo ito sa katawan.
"Kyuu!" sigaw ni Shiro habang tumatakbo palapit sa amin.
Kyuu?
"Wait lang Master!" pigil ko kay master bago pa niya gamit espada niya.
"Bitawan mo ko Erie. Isa siyang beast."
Biglang lumakas ang hangin at siyang alulong ang narinig ko. Pagtingin ko sa likod ko mas lumaki yung fox na may siyam na buntot.
*GROWL*
"Hindi kita mapapatawad taga-mortal," sambit nito sabay taas ng paa niya para tapakan kami.
"Kyuu, stop!" sigaw ni Zeque sabay pigil sa paa ng beast.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Konti na lang matatapakan na kami. Tinignan ko si Master at kitang-kitang ko ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ni Zeque. Sino ba hindi magugulat? Pinigilan niya yung paa gamit ang kamay lamang.
"Tumabi ka diyan Zeque. Dapat lang siya mamatay," galit na sabi ni Kyuu.
"Huminahon ka muna. Nakalimutan mo na ba ang bilin sa inyo? Bawal niyo ipakita ang totoo niyong anyo," sermon sa kanya ni Zeque. Biglang lumiit si Kyuu saka naging tao. Doon ko lang naisip na yung Kyuu pala na nakilala ko kanina at yung beast ay iisa.
"Sinasabi ko na nga ba. Hindi dapat tayo magtiwala sa mga taga-mortal," sambit ni Kyuu sabay tingin ng masama sa amin.
"Isa siyang exorcist," sabi ni Zeque nang makita niya ang makita espada ni Master.
"Sino kayo? Erie, kilala mo ba sila?" tanong ni Master.
"Si Zeque po. Kaklase ko. Kaibigan po niya sila Shiro at Kyuu," tugon ko.
"Layuan mo sila. Hindi sila tao," sabi ni Master.
"Pero master hindi sila masasama."
"Mga halimaw sila."
"Halimaw?" sambit ni Zeque. Biglang nagdilim ang mukha niya.
"Erie, tumabi ka diyan. Tuturuan ko lang ng leksyon ang matandang yan," aniya habang pinapatunog ang kamay.
"Baka ikaw ang turuan ko ng leksyon. Lumapit ka dito para tamaan ka sa akin," sabi naman ni Master.
"Hindi kita aatrasan tanda. Wala akong pakialam kung ikaw pa ang pinakamagaling na exorcist dito."
"Tumigil nga kayo!" awat ko sa kanila. Napabuntong hininga ako.
"Tara na Master," hinila ko na siya na bago pa siya makipaglaban kay Zeque. Kahit hindi ko pa nakikita makipaglaban si Zeque alam kong malakas siya. Saka yung ginawa niya kanina na pagpigil kay Kyuu.
"Erie, mag-iingat ka sa kanila. Hindi basta-basta ang lakas nila. Mas mabuting iwasan mo sila habang mas maaga pa," sabi sa akin ni Master.
"Bakit po?" tanong ko.
"Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang yung Zeque at Shiro. Pero para makasama ang isang beast? Siguradong hindi sila normal."
********
Zeque's POV
"Ano na balak mo? Baka mapahamak lang tayo lalo kung hihingi tayo ng tulong kay Erie," sambit ni Shiro.
"Wala naman problema kay Erie. Doon lang sa matandang exorcist tayo may problema," tugon ko habang nag-iisip ng dapat gawin.
"Magiging sagabal lang ang babaeng yun sa atin. Mapapahamak lang siya," komento ni Levi. Hindi ko naman sila masisi kung ganun ang naiisip nila. Maliban sa nakakakita ng mga kakaibang nilalang, wala ng kakaiba kay Erie.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Ash nang tumayo ako.
Nagpalit ko ng anyo ko bilang wizard. Sinigurado kong nasa spirit form ako para hindi ako normal na tao. Pwede kasi kami mag human form kung gusto namin magkipag-usap sa mga tao kapag nandito kami sa mortal word. Pero kahit na nakahuman form kami pwede pa rin kami gumamit ng kapangyarihan.
"Susundan ko sila Erie," tugon ko bago umalis. Gamit ang hangin, nalaman ko agad kung nasaan sila. Natagpuan ko sila sa loob ng isang bahay. Para hindi nila ako mapansin, tinago ko ang presensya ko bago lumapit. Sumilip ako sa bintana at nakita ko silang nag-uusap habang umiinom ng tea.
"Master, bukod sa demon, beast at human spirit. May iba pa ba kayong nakikita na nilalang?" rinig kong tanong ni Erie.
"Vampire, wizard, werewolf, zombie, witch at fairy. 2 years ago, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng spiritual world at mortal world. Sinugod tayo ng mga bampira at zombie. Maraming namatay sa atin. Kundi dahil sa wizard at werewolf na yun baka tuluyan ng nawasak ang mundo natin. Nakipagtulungan sila sa aming mga exorcist. Ayon sa kanila may gulo daw sa pagitan nila at ng mga masasamang nilalang sa mundo nila na tinatawag nilang Outlandish o mas kilala nating Spiritual World. Pagkatapos ng digmaan na yun binura nila ang lahat ng alaala ng mga nakasurvive bago sila umalis. Tangging kaming mga exorcist lamang ang hindi nila tinanggalan ng alaala. Alam mo ba kung bakit?"
2 years ago? Teka! Yun ba yung sumugod sila Magnus dito? Kung hindi ako nagkakamali sila Geo ang tinutukoy niyang tumulong sa kanila. Hindi din naman pala siya masama.
"Dahil tinulungan niyo sila?"
"Hindi lang yun. Sabi nila ang mga kagaya daw namin na nakakakita ng spirit ay nagmula sa mundo nila. Maaring nagpunta kami dito o namatay na kami s mundo nila at isinilang muli sa mundong ito para protektahan ang mga tao sa masasamang espirito. Oras na matapos ang misyon namin, kusa kaming makakabalik sa spiritual world."
"Ibig sabihin ganun din ako?"
"Maaring katulad namin may misyon ka din sa mundong ito."
Hindi ko na pinakinggan ang iba nilang usapan. Sapat na sa akin ang narinig ko. Tingin ko inakala lang niya na may masamang balak si Kyuu kay Erie kaya niya ito sinugod.
Habang pabalik ako sa bahay may nadaanan akong balon malapit sa bahay kung nasaan si Erie. May malakas na spiritual energy ako nararamdaman mula doon. Sinilip ko ito pero wala akong makita dahil madilim sa loob. Mukhang malalim din ang pagkakahukay. Sa tingin ko matagal na din itong hindi gingamit dahil tinubuan na ng mga halaman sa paligid nito.
Sinubukan kong ipasok ang kamay ko sa loob pero nakuryente ako bigla agad ko din inalis.
"May seal," sambit ko. Kung sino man yung nasa loob siguradong malakas siya. Gusto ko siya makilala.
Gumawa ako ng apoy sa kamay ko saka hinagis ito sa loob. Tulad ng inaasahan. Hindi ito apektado ng seal dahil nagtuloy tuloy lang ito sa ilalim. Mula sa liwanag ng apoy na hinagis ko may nakita akong figure. Gumawa ulit ako ng apoy pero mas nilakihan ko at muling hinagis.
"Oh siyet," rinig kong sabi nung nasa ilalim. Biglang nagliyab sa loob at nakita ko na lang na lumundag siya pataas pero bago siya mapunta sa pinakabungad may tinusok siyang dagger sa gilid at doon siya kumapit.
"Ohhh! Sayang. Akala ko makikita kitang nakukuryente," pang-aasar ko. Inangat niya ang ulo niya at doon ko lang nakita ng mas malinaw ang mukha niya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya at ganun din ang itsura niya.
"Zeque," aniya sabay tingin ng masama sa akin. Ningisian ko siya.
"Hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon kita makikita, Jiro. Kailangan mo ng tulong?"
"Ayaw ko magkautang sayo. Pero gusto ko na makalabas dito."
"HAHAHA! Ako bahala sayo. Pagbalik ko makakalabas ka na. Maiwan na muna kita. See you! Ay wait! Patayin ko muna yung apoy," gumawa ako ng tubig saka ko ito hinagis sa kanya.
"ZEQUE!" sigaw niya nang mahulog siya dahil sa ginawa ko. Nabitawan kasi niya yung dagger nung matamaan siya ng tubig sa mukha.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top