Chapter 1: Kahihiyan 101
Margaret Villanueva
****
CHAPTER 1
Margaret's Point of View
"Ms. Villanueva! Are you listening?!"
Mabilis kong inilihis ang tingin ko kay Graysen ng sumigaw si ma'am. Hindi ko alam kung bakit kanina ko pa tinitignan si Graysen ang seatmate ko, ni hindi ko na naisip na Terror ang teacher namin ngayon.
"What was I talking about?!"
Lahat ng mata saakin na nakatingin, hala! Hindi ko alam. Hindi ako makasagot kaya napapikit ako.
"Nakakaadik talaga kasing tignan si Graysen De Asis e!"
"Hindi ko masisisi si Marga kung ako ang Teacher!"
Marami namang babae ang sumang-ayon at kinikilig na tinignan si Graysen lalo na ang mga babae. Well they're right ka'ya nga napagalitan ako ng dahil sa kanya. There's something on him that once I take a look at him I can't take my eyes off him.
Sa lahat ng naging seatmate ko sya na yata ang pinakagwapo at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Pero sya rin ang lalaking may ugaling ayaw na ayaw ko.
Gwapo, mayaman sya pero. Babaero. Womanizer. Mahangin at Illegal drag racer. Lahat na yata ng pangit na katangian nasa kanya. hindi ko alam kung bakit gusto ko sya sa kabila ng pangit na ugali nya.
Paano ko nalaman? well he's my Brother's friend, madalas sya sa bahay namin, pero wala kaming pakealamanan kung magkasalubong man kami. Close kami ng kuya ko kaya kinukwento nya saakin ang tungkol sa kanya, minsan naman tinatanong ko sya tungkol kay Graysen kahit pa hindi ko naman gusto ang lalaking 'yon nuon pa man. Inaasar na nga ako ni Kuya dahil sa pagtatanong ko. Pero wala akong pakealam kasi aminado naman ako, actually kaka-break lang nila ng Bagong Girlfriend nya.
Stop ng two years si Graysen kaya dapat ay second year college na sya kagaya kay Kuya, pero hindi ko alam dahil hindi naman saakin sinasabi na kuya ang dahilan kahit alam nya.
"Shut up class! Shut up!"nagsitahimik ang lahat ng sumigaw si Mrs. Castro. The most terror teacher of this school. Adamson University.
"Uy Marga! Thomas Edison's Quotes, Genius 1%-" Mahinang bulong ni Paisley my Bestfriend, my life saver. Pag nahihirapan ako sa recitation lagi nyang sinasabi saakin pag hindi ko alam ang sagot. Pero sa tingin ko ngayon hindi nya ako matutulungan dahil pinandilatan lang naman syang tinignan ni Mrs. Castro.
"Ms. Villanueva?"As usual nakataas ang kilay ni Mrs. Castro.
"Ge-Genius 1% inspiration and 99% fabrication?"Hindi ako sigurado sa sagot ko, kaya mas lalo akong kinakabahan.
"Mali ka marga!"See?! Sabi na mali talaga. I'm screwed!
"Wrong! genius 1% inspiration and 99% perspiration. Go to Detention room after class!"
Nakatungo ang ulo ko ng umupo ako, I can't help to bit my upper lip. hindi naman sinasadyang tignan ko si Graysen, and I am surprised that he's smirking pero hindi ganoon kalaki ang ngisi sa labi nya. He's smirking for what?! Natatawa sya dahil napahiya ako? O dahil tinitignan ko sya? for sure naga-assume na sya na gusto ko sya, Oo inaamin ko gusto ko nga sya paghanga! pero sana naman hindi 'to pagmamahal.
Nagsimula lang naman 'tong pagkakagusto ko sa kanya ng itabi sya saakin ng Adviser namin dahil sa fangirls nya na kinukulit sya dahil baka hindi na s'ya nakakapag concentrate dahil sa kakulitan ng mga 'to, sa room na 'to ako at si Paisley lang yata ang walang gusto sa kanya, so itinabi kami ng Teacher namin sa kanya.
Sya yung pinakadulo at ako ang katabi n'ya si Paisley naman katabi ko. nung una ayaw pa n'yang tumabi saamin pero Blinackmail sya ni Ma'am na kung hindi sya lilipat ililipat sya sa Last section, ang section na puro Nerds. At dahil ayaw nya naman umupo na lang sya sa tabi ko.
"You made me feel that you really like me,"Mabilis ko syang binalingan, my head crinkled. Anong pinagsasasabi nya? Nakangisi sya habang straight ang tingin. ako ba ang kausap n'ya? Kung ganoon ito ang first time na kinausap nya ako.
"What was I to you?"Mahinang tanong nya pero hindi parin nakatingin saakin. What the hell he's saying?! Tinuro ko ang sarili ko ng hindi makapaniwala.
"Seatmate! Se-seatmate ka lang para saken yun lang! Hindi kita gu-gusto!"Nauutal na sagot ko sa kanya.
Seryoso nya lang akong binalingan ng tingin at may kung anong pinindot sa kabilang tenga nya, and with that my mouth fell open. Jeez! Hindi ako ang kinakausap nya, may earpiece sya sa tenga nya sa kabila kaya hindi ko nakita! Gosh! Nakakahiya.
"I talk to you later baby,"Matapos ay seryoso nya akong binalingan nanaman ng tingin.
"I don't care, I don't like you either,"
Gosh! Pahiya ako d'on ah!
* * *
Nakasimangot na lumabas ako sa Detention room, nag-stay ako d'on ng halos Apat na oras! Punishment ko sa hindi pakikinig. Wala ng gaanong tao dahil nagsiuwan na sila, tanging iilang teachers na lang ang nakikita ko.
Si Paisley. for sure nakauwi na 'yon kanina pa, gusto pa nya akong hintayin para sabay na raw kaming umuwi pero tumanggi ako. maiinip lang sya dahil kailangan pa nya akong hintayin ng almost four hours sa labas, mainipin pa naman ang isang 'yon palibhasa hindi nya alam na four hours akong magii-stay sa Detention room.
Isa pa baka himatayin lang 'yon sa kilig dahil susunduin ako ng kuya ko, si kuya Mitchell, second year college rito rin sa Campbell nag-aaral. Ilang taon ng nagpapapansin si Paisley sa kuya ko pero hindi sya nito napapansin dahil may girlfriend ito na Queen bee ng kabilang campus. mahal na mahal nito ang girlfriend n'yang si Lauren Harris so I feel sorry for Paisley.
Bzzzt. Bzzzt.
Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng skirt ko. For sure si kuya na sabi nya kasi susunduin nya ako, kasi may Family Dinner kami sa Restaurant na madalas naming pinupuntahan.
From: Kuya
I'm sorry lil sis. Hindi ako ang susundo sa'yo ngayon, 1st anniv namin ni Lauren. I love you!
Mabilis ko ng binulsa ang phone ko at naglakad papuntang gate para hintayin ang magsusundo saakin, Ngayon pala ang anniversary nila pero nangangako sya saaking susunduin nya ako. Tsss.
After twenty minutes may tumigil na motorbike sa tapat ko, nangunot ang noo ko ng tanggalin nya ang Helmet nya. So sya ang tinutukoy ni kuya na susundo saakin. It's Graysen! Don't tell me sya ang susundo saakin?! Jeez hindi pa ako nakaka recover sa kahihiyan ko sa kanya kanina tas magpapakita sya ngayon sakin?!
Bago ako makapag react ay binato nya saakin ang Helmet na mabilis ko namang nasalo, as usual walang emosyon ang gwapo nyang mukha.
No way. Hindi ako sasakay dyan, natatakot akong sumakay sa ganyang klase ng sasakyan at naka-skirt pa ako.
"Sasakay ka o ako pa magsasakay sa'yo?"Seryosong banta nya kaya napalunok ako.
"Seryoso ka ba?! Naka skirt ako look! paano ako sasakay dyan?!"I hissed.
"Walang lalaking gugustuhing silipan ka, don't be so choosy,"
Napakuyom ang mga palad ko sa sinabi nya. Parang umuusok yata ang ilong ko sa sobrang inis at Feeling ko lahat ng dugo sa katawan ko nagsi-akyatan sa mukha ko dahil sa galit, bwisit 'to ah! Sinong hindi gugustuhing silipan ako?! I have a body to die for! Makinis ang hita ko at walang kahit anong peklat. Baka nga mamangha sya sa ganda ng katawan ko e! Pero no way! Hinding hindi nya makikita ang katawan ko at hindi ko gugustuhing mangyari 'yon never!
"Bwisit ka! sayo na'tong-"
Hindi ko pa matapos ang sasabihin ko ay mabilis nya akong binuhat na parang sako, nanlaki ang mga mata ko sa gulat, what the hell!
"He-hey! Let me go!"
"You forced me to do this,"at hinampas nya pa ang pwet ko dahilan para mas lalo akong pamulahan ng pisngi, gosh! How dare him!
Pinaupo nya ako sa motorbike nya at isinuot ang Helmet saakin, damn him!
Gusto ko sanang bumaba pero pinaandar na nya, napatili ako at napayakap sa kanya ng mahigpit, first time kong sumakay sa gantong sasakyan kaya ganto na lang ang takot ko! Parang feeling ko nga full speed na e. For sure sinadya nya para mayakap ko sya!
Mas lalo naman akong natakot ng nakikipag siksikan sya sa malalaking truck at nago-over take pa! damn him! Papatayin nya yata ako sa nerbyos!
Ng medyo mahina na ang pag-andar ay lumayo layo na ako sa kanya pero binilisan nanaman nya kaya napayakap nanaman ako sa kanya, Damn! Sinasadya nya!
Ng makarating kami sa restaurant kung saan kami magdi-dinner date ng family ko ay pinaghahampas ko sya sa balikat nya, his forehead crinckled and Dodge my punches.
"Hey! What the?!"
"I hate you! Sinadya mo yon!"I hissed.
"Sinadya what?!"
"Maang-maangan! You just want me to hug you kaya halos pagpapakamatay na ang pagpapaandar mo kanina!"I yelled in front of his face. Ibinato ko ang Helmet nya sa sahig ng buong lakas dahil sa inis kaya Nabasag ang iyon, nanlaki ang mata nya hababg nakatingin saakin.
"Anong nangyayari rito?"Sabay naman naming nilingon si Mom kasama si Dad, nagtataka silang dalawang nakatingin saamin matapos tignan ang Helmet na nabasag.
"M-mom, Dad?"Akala ko nasa loob na sila, sana nga nandon na sila kanina pa. Ayaw kong magpaliwanag, at lalong ayaw kong magsumbong, hindi na ako bata.
"Are you two fighting?"Mabilis kong hinatak sa braso si Graysen at pilit na ngumiti kila mom. Nagtataka pa nga sya at pilit na hinuhugot ang braso nya sa mahigpit kong pagkakahawak. After this he'll owe me!
"Stop this nonsense! I have to go!"He hissed. Naiinis ko syang tinignan pero pilit na nakangiti.
"Ah no mom, we didn't fight, we just had a little argument"Sabi ko habang mariin paring hawak si Graysen, nagpupumilit parin syang hatakin ang braso nya bwisit nangangalay na ako. Ngumiti naman si Mommy ng pagkakalaki laki, oh no! Alam ko ang mga ngising yan, ngising may malisya. Gusto nya ba na magka boyfriend kaagad ang Little girl nya?! Oh crap!
"Hmm. you first start by arguing a bit, then you end up liking each other and become a couple. nagdadala na ang ang anak natin Ricardo,"
Napairap ako. for pete's sake! I am only sixteen. Couple kaagad? Tss hindi na ako masanay sanay kay mom, one time nga tinatanong ni Mommy kung sinong First boyfriend ko nor first kiss ko.
"Hon. She's only sixteen hindi pa sya pwedeng mag-Boyfriend, she didn't even reach her sixteenth Birthday yet."
Napanguso naman si Mommy, palibhasa sya maaga pa lang namatay na ang parents nya lola nya ang nagpalaki sa kanya na walang pakealam kung mag boyfriend sya sa murang edad.
Laki sa hirap ang mommy ko nakilala nya si Daddy sa isang fancy Restaurant waiter si Mommy d'on na madalas na pinupuntahan ni Daddy so napansin nila ang isa't-isa, and the rest is history.
"Anyway hijo, sumabay ka na saamin don't tanggi tanggi ha, hindi ka naman na others,"Nanlaki ang mata namin parehas ni Graysen. Lumapit si mommy sa kabila ni Graysen then umangkla, bago pa sila makapasok sa loob ay napasigaw ako dahilan naman para makuha ko ang atensyon nila.
"No mom! He said he have to go, right?!"Pinandilatan ko sya habang nakangiti. Matagal bago sya nakasagot kumalam naman ang sikmura nya kaya napangiti si mommy, napangiwi naman ako. Damn.
* * *
"How's your day?"Dad asked while eating his Beef stake.
"Okay naman dad,"Simpleng sagot ko at walang ganang uminom ng tubig. Napapangiwi ako sa paraan ng pagkain ni graysen, parang pinagdamutan sya ng pagkain ng ilang taon. Ito ang kauna unahang nakasabay ko sya kumain. At hindi ko akalaing patay gutom pala sya, hindi lang sa pagkain kundi sa mga Babae. pabago bago ka'ya girlfriend n'yan ginagawa pa ngang motel ang school e.
"Ikaw Soon to be my son-in-law kamusta ang araw mo?"
Parehas kaming Nabulunan dahil sa pinagsasasabi ni mom, mabilis naman akong inabutan ni Daddy ng tubig at tissue pati narin si Grayson. Ano ba ang pinagsasasabi ni mommy!
"Mommy?!"I hissed.
"Bakit? May masama ba sa sinabi ko?"
"Pinamimigay n'yo ba ako?!"
"No dear, that's not what I mean, ayaw mo ba si Graysen? Gwapo sya mayaman, anak ng malaking corporation maganda ang future mo sa kanya right hon?"Tsss. Puro pera talaga ang nasa isip nya, I wonder if she love daddy, or for money.
"Actually Tita, Tito she likes me- ow!"Sinipa ko na ang paa nya bago pa nya masabi ang bwisit nyang sasabihin, so ayun napadaing sya sa sakit e pano ang lakas ng pagkakasipa ko. Nagtataka namang tinignan ako ni Mom at Dad sunod kay Graysen.
"What happened?"
"She kicked me,"Binalingan ako nila mom at dad ng tingin, tingin kung bakit ko 'yon ginawa, nagkibit balikat ako.
"Hindi ko s'ya sinipa mom dad kinagat yata sya ng malaking langgam akala nya ako, pakisabi naman sa may ari nitong Resto gumamit naman sila ng insect repellent,"Ani ko at Sarkastiko ko syang nginisian then inirapan ng hindi na nakatingin saamin sila mom at dad.
First time na nga lang namin nagkausap sa gantong paraan pa. Wait ano nga palang pakealam ko? Sa maayos man na paraan o hindi, wala akong pakealam, ayaw ko na syang maka-usap, o maski makita, Pero napakaimposibleng hindi ko sya makita!
He. Is. my. Seatmate! ah basta! Hindi ko sya kakausapin makikita ko sya pero hindi ko sya kakausapin!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top