MS.4 (Revelation)

Chapter 4: Revelation

Angie's POV

"So Ms. AC Ferrer bakit hindi mo kasama ang Dad mo? I thought Sir Andro would be here." tanong ni JM sa akin na itinatanong ko din sa sarili ko

Where the hell are you Dad!?

"Hmmm hindi ko din alam kay Dad kung bakit hindi sya naka-dating maybe he's a little busy with his company."

"You seems to look like someone I know Ms. Ferrer even if you have that mole and that little pimples of yours. Kamukha mo ang kaklase ko."

Shit! Sana hindi nya mapansin. Patay ako nito pag nag-kataon!

"That's nothing new to me. Hahaha madalas naman akong may nakakamukha, pero I doubt that." nagkibit balikat lang sya at tinuloy ang pagkain ng beef steak.

"So let's talk about the main topic of this night!"

"Sure Ms. Ferrer!" he said and didn't bother to look at me.

"I want you to be one of our investors, we are campaining globally and pasok na namin ang Asya at ang Europa. We also want the other continents na magkaroon ng Mall na all-in-one!" that's the real deal.

"I am willing to invest kung maganda ang offer nyo, but since nag-intay ka sa akin ng matagal you already put my 50% belief to your company!" hayst buti naman at na-appreciate ng mokong na to ang isa't kalahating oras kong pag-iintay.

"We offer you the access to our branches everywhere and anywhere! Then the 25% of your investment--- you can get it within a week! A great offer, right?" nginitian ko pa sya ng pagka tamis-tamis pero isang tango lang ang sinagot nya.

"Ms. Ferrer let's not talk about business, tell me saan ka ba nag-aaral at anong meaning ng AC mo?" his trying to invade in my privacy huh!

"I school somewhere you know and AC is my name, that's all I can tell you nothing more nothing less." ngumisi lang sya at tumayo na.

"That's it, Ms. Ferrer! I can't take the risk na mag-invest sa kumpanya ng taong hindi ko kilala! You just don't get my 100% trust."

Napatayo na din ako sa sinabi nya at agad ko syang hinarap, kaso nag mukha akong bata sa tangkad nya.

"WHAT!!!?"

"You heard me Ms. Ferrer! Mag-iinvest lang ako kung makikilala kita. Try to get along with me-- malay mo mapapayag mo ako."

"That won't happen! Even in my wildest dreams hindi ko iisiping makasama ka sa kahit ano pang mahalagang parte ng buhay ko--- everything within us is just pure business!"

Lumabas na ako sa pribading silid na iyun at tinungo na ang sasakyan ko.

He messed with a wrong woman!

Anong akala nya porket hindi ko sya nakuha ay malaki na syang kawalan!? Hin---

*Kriiiiing kriiing

"Hello!"

"Mam Angie si Ms. Aguas po nag-pull out ng shares and your Dad is in your office right now! Pumunta na po kayo dito agad."

It was Janna on the other line.

Hindi pa ako nakakasakay ng sasakyan ng makita kong lumabas na si JM Aguas, linakad-takbo ko ang pagitan namin at dinuro sya.

"You!!! You did this! Pinag-back out mo ang kapatid mo!"

"Hahaha hell yeah! I did that. Any problen with it?"

Gustong gusto ko na syang sapakin pero napigilan ko ang sarili ko ng may makita akong media.

"Oh! You don't want to make a scene here! Nakakahiya hindi ba."

He is getting to my last nerve!! Like hell yeah! I want to punch him, but no scene!

"Oo nakakahiya kapag binasag ko ang mukha mo!" natawa lang sya sa sinabi ko kaya linayasan ko na sya at sumakay na sa sasakyan ko.

"I'll make you pay soon JM Aguas! Nakakainis ka for controlling your sister!"

🌀🌀🌀

Di nag tagal ay naka rating na ako sa opisina ko, it was past 11PM at talagang inaantok na ako.

"Dad! Ano to!?"

kakapasok ko lang sa opisina ko at nakita kong naka-upo sa couch si Dad at sa tabi nun si Ms. Aguas na naka-ngiti pa sa akin.

"Ms. Aguas bakit!?"

"Ms. Ferrer bakit ganyan ang itsura mo!?" balik tanong sa kin ni Jane Mikkee Aguas ang ate ni JM Aguas.

"Don't mind it! Ano ang problema? Bakit ka bigla nag-back out?" kahit alam ko na ay tinanong ko pa rin sya.

"Hindi pumayag ang kapatid ko and he is the heir kaya kung anong sinabi nya ay syang masusunod Ms. Ferrer! May tiwala ang magulang namin sa desisyon nya."

Of course! It's becuase of John Michael Aguas!

"Ano ang sinabi nya sayo para mag-back out ka?"

"Simple lang! Hindi ka daw nya mapagkaka tiwalaan at hindi ka nya kilala ng lubusan."

"But you know me more Ate Mikkee!"

Yes. She knows me-- she knows my secret, the secret behind the scholars.

"You know how it works, Angie! JM is not an easy guy."

"Enough of it!" awat ni Dad sa amin na kanina pa nakikinig at di man lang nag-salita.

"We need that launching before the holidays! Kailangan ng Mall ma-launch sa iba pang parte ng bansa, Angie Crei! Do something about that." hindi na nag-paalam si Dad sa akin at tuloy tuloy na lumabas pag ka tapos nya mag salita.

"Try to get along with him, AC! Maybe you can turn that cold hearted VP to a soft one." with that ay umalis na rin si Ate Mikkee sa opisina ko.

Frustrated akong lumabas ng opisina at tinungo ang parking.

"So! Ms. Angie Crei Ferrer hindi ka talaga related sa mga Ferrer ha!" nagulat ako at hindi ko gustong tumalikod para harapin ang nag-salita.

Kilalang kilala ko ang boses nya!

Shit! All the thing I've hide will messed up kapag nalaman nya.

"W-what do you mean by that Mr. Aguas?" pinatapang ko ang boses ko pero bigo akong hindi mautal.

"You can't hide anything from me, Angie! See you at school tomorrow. Report to me early in the morning at SSC Quarters!" sabi nya at umalis na.

Wala na! Nalaman nya na lahat! He might use it to threat me!

"Anong gagawin mo ngayon, Angie Crei?"

🌀🌀🌀

Someone else's POV

Kanina pa ako ditong 5PM sa restaurant at nag-iintay sa babaeng yun.

'tsk. Ang tagal naman nya.'

"Hijo, she will be here at 7PM mainam din na nagkita na tayo ng maaga, kasama nya ang mommy nya ngayon."

"Tito, bakit nga po pala tayo nagkita ng maaga na wala pa sya? I thought you would like to observe on her."

"Yes I would love too, but I know na maiilang lang sya kung nandito ako."

Tumayo na ito sa pag kaka-upo sa maroon royal chair, kaharap ko sya at ngayon nga'y ihahatid ko na sya palabas ng restaurant.

"Just clean the room and put a romantic candle light dinner set-up."

"Yes sir!"

Sumakay na ako sa black Audi ko at pumunta na sa kumpanya namin.

The Aguasinorium Empire

"Sir nanduon na po ang P.I. nyo!" sabi sa akin ng sekretarya kong si Abigail.

"Salamat, don't let anyone enter in my office!" tumango lang ito at agad na pumasok na ako sa opisina ko.

"Sir, magandang hapon po!" bati sa akin ni Detective Max Miller.

"Goodafternoon, detective! Anong nahanap mo?"

Umupo na  ako sa katapat nyang sofa at duon din ay unupo syang muli.

"Sir, ang Angie Crei Ferrer na kaklase nyo at si AC Ferrer na kakausapin nyo---- iisa lang sila sir!"

"Paano nangyari yun!? Akala ko ba ay galing sa mababang pamilya si Angie Crei? Si AC naman ay ang isa sa mga prinsesa ni Don Andro!?"

"Magulo sir! Pero eto lang ang nalaman ko-- iisa lang sila."

Tumayo ako at nakipag-kamay sa kanya.

"Salamat, detective! Keep digging Max."

Tinanguan lang ako nito at umalis na.

"Who are you Angie Crei!?"

🌀🌀🌀

Angie's POV

"Aga mo girl ah! May lagnat ka?" pang-aasar sa akin ni Shenna na 6AM palang ay nasa school na.

"Sira ulo! Kapag maaga dumating may lagnat na agad! Di ba pwedeng sinat muna." natawa lang ang loka at binatukan ako.

Ampotek. Binatukan ko rin sya syempre.

"Gurl! Hindi ikaw yan! Si Angie Crei Ferrer laging late sa first subject! Take note 5 minutes nalang bago mag-bell duon sya pumapasok ng first class! So sinong kampon ng mga Anghel ang sumanib sayo!?" niyugyog pa nito ang mga balikat ko at tinapik tapik pa ang pisngi ko.

"Yna, alam mo ba ying salitang change?" tanong ko sa kanya na ikinatango nya.

"Hindi ba pwedeng nagbagong buhay ako at gustong mag-pasikat sa mga bagong guro at kaklase natin. Baka kasi sabihin nila second day palang ng pasukan ehh ang tamad ko na!" pagdadahilan ko naman.

It's a lie, of course!

Hindi naman pumapasok ang isang Angie Crei Ferrer ng 6:45 in the morning, ang karaniwan kong pasok ay 7:50 or 8:20 kung kailan tapos o 5 minutes nalang bago matapos ang unang klase.

"Malabo pa rin talaga Angie eh! Ikaw magbabago ng habit mo!? That's a big I-M-P-O-S-S-I-B-L-E-S with an 'S' syempre!" isang matinding batok ang ginawa ko sa kanya tsaka sya nilayasan.

Dire-diretso lang akong pumasok sa library at naupo sa isa sa mga table, idinukdok ko duon ang ulo ko at pumikit.

'Pupunta O Hindi?'

'Pupunta O Hindi?'

'Pupunta O Hindi?'

Iyan lang ang naglalaro sa isip ko sa tagal kong naka dukdok duon.

Magsisimula na ang morning assembly ng lumabas ako ng Library, it's already 7AM kaya pumila na ang lahat sa quadrangle.

"Calling all the SSC Officers, please proceed in front of the sounds room right now!"

"Calling Ms. Trina Muriel Lu and Mr. John Michael Aguas, please proceed on the stage right now!"

"Calling Ms. Angie Crei Ferrer, please proceed on the SSC Quarters after the prayer!" nag-pantig ang tainga ko at napalingon sa sounds room kung saan nanduon si Marquis na nag-aannounce.

Marquis Moore a SSC Grade 9 Representative, cute, humble, kind, smart, naka eye-glass na bagay sa singkit nyang mga mata.

Napangiti ako ng makita syang naka-ngiti sa akin. Shems! Sinong hindi kikiligin eh ang gwapo ng singkit nyang mga mata isama mo pa ang malambing nyang boses na kagaya ng sa kuya nya

Paul Moore ex-SSCVP, sya ang pinalitan ni JM matapos nitong maaksidente mula sa ibang bansa, hindi na sya bumalik sa SDU at nanirahan na sa Hawaii.

'Hala anong ginawa nyang kasalanan?'

'Anong ipaparusa sa kanya? Kawawa naman sya!'

'Patay sya sa mga SSC Officers sa Quarters agad sya pina-punta at hindi man lang sa Meeting Hall!'

Ilan lang yan sa mga narinig kong bulungan nila.

If I know, si John Michael Aguas lang ang may pakana nito.

"Uyy, bakit ka pinapapunta sa SSC Quarters? Anong ginawa mo?" tanong sa akin ng tsismosang si Shenna (Yna).

"Hindi ako pupunta. Hayaan mo sila." hindi ko na sya pinansin muli kahit nangungulit sya.

Natapos ang morning assembly at 7:30 na dumiretso na lahat sa kanya kanyang room at ganun din ako-- I won't go to the Quarters!

"Ms. Ferrer! Ano pang ginagawa mo dito? You may leave now!" sabi sa akin ng adviser kong si Sir Erin Calli.

Bago pa ako makatayo ay isang malakas na pag katok ang narinig namin.

*TOOOOOK TOOOK

*TOOOOK TOOOK

"Goodmorning Mr. Calli, I'm just here to excuse Ms. Angie Crei Ferrer pinapatawag sya ni VP!" sabi ni Leo Sober na naka dungaw sa pintuan at hinahanap ako.

Lahat naman ng tingin ay natuon sa akin ng hindi ako tumayo.

"Ms. Ferrer!" sinenyasan na ako ni Sir na tumayo na ginawa ko naman.

'Shit. Parang sisintensyahan na ako ng husgado nito at ang malupit non--- kamatayan ang sintensya!'

"Ikaw pala yun! Ang tinutukoy ni VP na sumira ng gabi nya at ang may-ari ng mga files na yun!" madaldal na sabi ni Leo.

Lumabas na ako ng room at naglakad na kami papunta sa SSC Quarters-- 4th floor Mo. Francisca Bldg. layo diba!

Galing lang naman ako sa 2nd floor ng San Lorenzo Ruiz Bldg. na ang katapat ay ang Mo. Francisca Bldg. na may layong 2 kilometers!

Ang galing diba!

"Anong sinasabi mo? Ako sumira sa gabi nya? Kailan? At anong files?" madami kong tanong kay Leo.

"Wow! Isa isa lang! Kahapon sabi nya ay may sumira sa gabi nyang isang babae at ang files mo na mali-mali! Paano mo nagawang dayain ang sistema ng SDU!?" namamangha nyang tanong sa akin na ikinalunok ko.

Nalaman na nila!

It took us 15 minutes para marating ang SSC Quarters.

"VP, andito na kami!" sabi ni Leo ng makapasok kami sa magarbong Quarters ng mga opisyal.

It's an old fashioned room na sobrang elegante ng dating, merong furnitures duon na makaluma at sobrang kintab ng marmol na sahig. White and Gold ang napiling kulay nuon at masasabi mong may mga kaya nga talaga ang i-studyante sa SDU .

"Umalis ka na, Leo and take that piece of paper with you!" sabi ni JM na tinuro ang isang damukal na papeles sa lamesa.

"Piece of paper!!? VP baka a bundle of papers!" napakamot pa si Leo at parang batang inagawan ng candy sa itsura.

'Lumong lumo ka ghorl?'

"Any problem with that, Leo? Kung meron kang problema nandyaan naman si Jinro para---" pinutol na ni JM ang sasabihin nya ng biglang takbuhin ni Leo ang mga sandamukal na papeles.

"Wala akong problema VP sadyang di lang ako nakapag-almusal kanina. Si Jinro VP kalimutan mo na okay!" sabi ni Leo at inilabas na ang mga papel.

Naka tatlong balik ito sa loob bago makuha lahat ng papel at ma-ilagay sa napulot nyang malaking plastic bag.

Jinro Lim Diaz isa sa mga karibal ni Leo Sober sa posisyon, mag-kaibigang matalik ang dalawa at si Jinro ang mas nakaka-angat sa talino, sa kayamanan at lalo na sa kapangyarihan. Jinro can take Leo's position in a snap pero hindi nito ginagawa.

JM go near to the door at may ibinilin pa kay Leo na hindi ko naman na nadinig pa. I am about to sit ng may pumigil sa akin.

"Don't you dare sit on the couch, Ms. Ferrer!"

"Bakit? Anong problema mo? Nakakangawit tumayo at naka-heels po ako anoh!"

"Hindi ka uupo for 1 hour! That's your punishment-- nadagdagan lang nung nag-heels ka!" natatawa syang ngumiti sa akin.

Gwapo nya kapag ngumiti--- huh? Ano daw? Bwisit sya ngumiti pa ang hayop di man kang naawa sa akin!

"Mr. Aguas kahit pag-paahin mo nakang ako ng nakatayo! Masakit na talaga ang mga paa ko!" that is true, hindi ko ma-take ang mag-heels pa pero nag-heels ako ngayon dahil na rin sa kaartehan ko.

"After your punishment!"

"Ano bang problema at pinapunta mo ako dito?" tanong ko sa kanya ng maka-upo sya sa swivel chair nya.

"Your papers! They are lies at alam ko kung paano mo nagawa yun!" he smirk at me and continue browsing some papers.

"I'm just a poor scholar! How can I do that?"

"We both know na hindi yan totoo, and you will tell me the reason!" sabi nya sa akin.

Lumipas ang 30 minutes na puro buntong hininga ko lang ang maririnig sa silid. Sya naman ay tuloy lang sa pag-tatrabaho nya samga papel.

It's all about the students--- scholar students to be exact. File namin iyon at sigurado akong ngayon au sinisigurado ni JM ang mga ito.

"Just let me remove this heels, Mr. aguas masakit na talaga!" ikaw ba naman tumayo sa loob ng 30 minutes with an 4 inch heels hindi ka sakitan ng paa.

"No, Ms. Ferrer! That's a punishment! No special treatment for you, babe!" hindi pa rin nya ako tinatapunan ng tinhin kaya nagsimula akong lumakad lakad sa malawak na Quarters na iyon.

'Parang nagmo-model lang ako habang dumudugo ang paa!'

"Stop, walking around! Maingay ang tunog ng sapatos mo!" iritableng sabi ni JM sa akin na ngayon ay nakatingin na ng masama sa gawi ko.

"Ehh kasi naman! Bakit ba ayaw mo ipatanggal sa akin to? Gusto mo ikaw ang mag-suot ng maranasan mo ang sakit!?" para akong batang biglang nag tantrums sa garapan nya.

Hinubad ko ang sapatos kong mamahalin at itinapon sa kung saan tsaka ko inihiga ang mga paa ko sa sofang kinalalagyan ko.

"Haaaaaayyyy! Heaven! Ang sarap sa pakira---- Aray!!" napasigaw ako ng idiin nya ang pag-hawak sa paa kong nagka- palto na.

"Wag mo naman idiin Mr. Aguas! Dahan dahanin mo lang! First time ko lang!" sabi ko sa kanya na tinuturo ang mga paa't daliri kong may sugat.

"Ohh! Bakit ba kasi ang sikip-sikip mo!" sabi naman nito na umaktong kinakausap pa ang sapatos.

"Hindi yan masikip! Sadyang masikip talaga ako!" sabi ko na ang tukoy ay ang paa kong expandable!😅

"Umayos ka muna ng higa tatantyahin na tin kung sasakit pa pag-pinasok ko na ulit!" sabi nya na tinulungan pa akong makahiga ng maayos.

"Ipapasok ko na ulit ah, sabihin mo pag-masakit!"

"Oo nalang!"

Itinapat nya na ulit ang heels ko sa mga paa ko.

"Lagyan mo muna kaya ng petroleum para dumulas agad!" sbai ko sa kanya.

"Aahh oo nga! Para di ka masaktan!" kumuha sya sa isa sa mga kabinet ng petroleum at inilagay sa mga mapaltos kong sugat.

"Aray naman!! Dahan-dahan lang ang pag punas at wag basta basta ang pasok! Masakit kaya!!!" savi ko sa kanya ng tangkain nyang ipasok ang mga daliri ko at tamaan ang sugat ko.

"Sorry sandali! Ohh! Ipasok ko ulit ah!!!"

"HOY!!! ANONG GINAGAWA NYO!!?" sigaw ni Leo nakakapasok lang.

Napa tingin naman kaming dalawa sa kanya at sa mga naka-sunod sa kanya.

It's the students!

Hindi lang basta students kundi ang mga nasa High Class room at Pilot Sections! Payi na rin ang Admin, Moderators at iba't ibang Teaching and Non-Teaching Personnels.

"Anong ginagawa nila dito, Leo?" tanong ni JM sa mga kasunod nitong pumasok.

"VP! Ikaw! Kayo!? Anong ginagawa nyo?" tanong nito sa amin kaya napatingin kami ni JM sa pwesto namin.

Sya ay medyo nakakubabaw sa akin at ako naman ay nakapatong ang kalahati ng katawan sa kanya.

Mabilis pa sa alas kwatro kami nag-hiwalay ni JM.

"Mali kayo ng iniisip!!" sabi ko sa kanilang lahat.

"SUSMARYOSEP KAYONG MGA BATA KAYO! PATAWARIN SANA KAYO NG AMA SA GINAGAWA NYO! HALA TARA NA SA DIRECTOR!"

Parehas na kaming hinablot ni Sister Donna pababa at tumungo kami sa unang palapag kung saan nanduon ang opisina ng Director/Principal na si Sister Linda.

Hindi na nag-abala pang kumatok si Sister Donna at agad na binuksan ang pinto sakto namang nanduon ang Lolo ko--- Leandro Ferrer, Sr.

"Sister, bakit hindi ka muna kumakatok? Nandito pa naman si Señior Leandro." sabi ni Sister Linda sa mababang boses.

"Harujosko! Buti nalamang at andito kayo Señior! Ang inyong apo at itong si Mr. Aguas ay may ginagawang kababalaghan sa SSC Quarters!" sabi ni Sister Donna na ikinatingin ko kay JM, pero kagaya ko ay gulat din sya.

'Mukhang hindi nya din alam! Ano yun?'

"Wala po kaming ginagawa Sister. Pasensya na po pero ang naabutan nyong tagpi ay hindi totoo--- kung ano man po ang iniisip nyo ay hindi ganuon." depensa ko.

"Hindi ganuon? Halos nakapatong ka na kay Mr. Aguas, Ms. Ferrer at si Mr. Aguas ay nakakubabaw sa iyo!" sabi naman ni Sister Donna.

"Sister Donna sandali lang! Paano nyo naman nalaman na may ginagawa sila kung naabutan nyo lang silang nasa ganuong posisyon?" tanong naman ni Sister Linda.

"Narinig naming lahat! Mahirap kasi dine sa opisina no Sister Linda ay soundproof! Narinig namin ang ungol at daing ng dalawang 'to kahit kanina mo pa itanong ay iisa lang ang isasagot namin!"

"Ano naman ang i-sasagot nila?" tila hindi pa din nakukuha ni Sister Linda ang punto ni Sister Donna, napatampal nalang ako sa noo ko sa dumi ng oag-iisip ni Sister Donna.

"Gumagawa sila ng milagro!!" sagot nito na ilinatayo ni Lolo at ikinalapit sa akin.

Sinipat ako nito at wala namang nakita na kung ano man ang hinahanap nya.

"May masakit ba sayo, apo?" diretsong tanong nito na hindi manlang pinansin na maraning tao sa loob at malalaman nila ang totoo.

"Señior Ferrer madami pong tao!" mahina kong hulong dito.

"Bakit apo!? Ikinakahiya mo ba ang pangalan natin!!?" mas malakas pa nitong tanong kaya tinignan ko sya ng nagtataka.

"Ang bunso sa dalawang prinsesa ng mga Ferrer! Ay walang iba kundi si Angie Crei Ferrer! Anak ni Leandro Ferrer, Jr. at ni Yvette Saavedra-Ferrer sya lang naman ang nag mamay-ari ng NL Mall at isa sa Executive Director ng Ferrer League!" gulat ang mababakas sa lahat pero hindi kay JM.

He knew about this! Alam nya na lahat! Paano?

🌀🌀🌀

Someone else's POV

"We can send it online! Para malaman na nila ang totoong mukha sa tinatawag na AC Ferrer!"

"Oo tama ka! Isama mo pa yung ungol na ginawa nila ni JM Aguas sigurado akong sa mga bundok lang hindi aabot ang balita!"

Tumakbo na ang dalawang babeng kanina ay nag-uusap pa.

"Get them!" utos ko sa kanila.

"We can't spread the news yet! Hindi pa dapat malaman ng iba kung sino si AC Ferrer!" sabi ko sa tauhan ko at tinanguan lang ako.

"This is what I expected ng i-bukas ko ang mic at ang speaker sa Quarters kanina, pero I didn't know na nandito din si Señior Leandro!"

"That's alright JM! Atleast napatunayan na natin na hindi nga talaga dapat kinakalaban ang mga scholar na yan! You already prove yourself!" sabi ng babaeng si MC.

"Don't forget the last thing you need to do! Para makapwesto ka ka-agad sa NASA (National Aeronautics and Space Administration) after college! You need to break the princess heart!" paalala ni Inigo sa kanya.

'It'll be over soon, princess!'

🌀🌀🌀

Angie's POV

Natapos ang araw ko na kakaiba ang mga tingin ng tao sa akin hindi na din ako nag-lunch at tumambay nalang sa library.

Dumiretso agad ako sa bahay ko at duon naabutan ko ang Mom, Dad at Ate ko.

"What are you doing here? Nasabi na ba ni Lolo agad sa inyo?" tanong ko ka-agad sa kanila.

"Yes, nasabi na ni Papa. Anak anong ginagawa mo kasama si JM Aguas sa iisang kwarto na kayo lang!!?" tanong ni Daddy sa akin.

Iika-ika akong lumapit sa kanya at umupi sa harap na sofa katapat sila.

Sinabi ko sa kanila lahat ng nangyari mula sa umpisang pinapunta ako duon at naparusahan dahil sa mga mali kong impormasyon na naka-lagay sa mga papel ko.

"So he knows now! Do you tell him your reasons?" tanong sa akin ni Mom na manghang mangha pa kay JM dahil sa tagal daw na walang nakaka-alam ay ito ang pinaka magaling at matalino para raw maoansin na may mali.

"Hindi pa. At wala akong valak sabihin sa kanya. He's not even my friend!"

"Pero hinayaan mong kubabawan ka anak!" mapang-asar na sabi ni Mom.

"Mom, sinabi ko naman na isinusuot nya lang sa akin ang sapatos ko!" depensa ko sa sarili ko.

"Okay, if that's what you believe, then it is!" natatawa nyang sagot at halata mo ang pang-aasar sa boses nya.

"I will never by you stuffs you love!" sabi ko sa kanya na ikina-nguso nya.

Parang bata ang nanay ko?

Nanay ko ba talaga toh? Baka ako ang may anak dito!

"Don't forget our deal! You need to convince the Aguas to invest in your company!" sabi ni Dad at tumayo na.

"Aalis na kami, magkita nalang tayo next week para sa Board meeting!" tumango nalang ako kay Dad at inihatid sila sa labas.

What a day!?

"Who the hell open the intercom?" iyan ang tanong na kanina pag nag-lalaro sa isip ko.

Is it Leo?

Or

Is it JM?

I open my laptop as soon as makahiga na ako sa malaki kong kama.

Tinuloy ko ang pag-gawa ng poerpoint for my presentation next week sa B.O.D

*Tooootot Toooot

*Toooooot toooot

Nag pop up ang isang group video call na ang may gawa ay si Eunice.

It's the Skwad who's calling.

Agad ko iyong sinagot at..
.
.
.
"ASAN KA NGAYON ANGIE!!?" malakas na tanong nila sa akin.

Tai! Parang sasabog ang speaker ng laptop ko!

"Sandali wag nyo akong hiyawan! Nasa bahay lang ako."

"Wag ka aalis dyan!" Ericka

"Pupunta na kami!" Eunice

"Ano bang nangyari?" Faith

"Bakit may pag-ungol?" Neil

Isa isa nilang tanong sa akin na sinabayan pa ng mga malisyosong mga tingin.

"Pwede ba guys! Walang pupunta sa bahay ko!---"

"Too late for that, sweety!" Ericka

"We're already on our way at nasa van kami ngayon ni Patrick!" sabi ni Faith at ipinakita pa ang nag-mamanehong si Patty.

"Hi!" bati nito.

Napa-tampal nalang ako sa noo ko sa kagaguhan ng mga kaibigan ko.

Pinatay ko na ang tawag nila at nag-habda ng makakain.

Hindi pa nga pala ako kumakain!

Mag-10PM na ng makarating sila sa bahay at may dalang beers in can at pizza.

"Tara na mag-inuman na tayo!" sabi ni Ekang.

"Para saan? We're not even celebrating!" sabi ko.

"We are just about to get BOOM in the school!" Eunice.

"Nasa website ka na ng SDU! We try to take-it down pero hindi ko magawa." sabi ni Patrick, he's a damn hacker at imposibleng hindi nya maalis yun.

"WHAT!?" malakas kong sabi.

"Yeah! Ikaw ang nasa headline at frontpage ng mga newspaper at even media will be here tomorrow!" sabi ni Neil.

"Jeez. Ano bang problema ang pinasok ko at masyado atang magulo!?" sabi ko nalang at napakagat sa vegetarian pizza.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila na ikinailing nila.

"Gusto mag-inom pero di pa kumakain, hay mga tukmol." sabi ko na ikinatawa nila.

"Ano ba meron dyan!?" tanong ni Ecka na nag-simula ng tumingin sa double-door refrigerator ko.

"Wala dyan! Nasa may dining!" sabi ko at pumunta na kami sa dining room at kumain ng bagong luto kong fried chicken with gravy sauce.

"Sarap nito ahh!" puri ni Faith sa luto ko.

"Pst. Ikaw bakit di k sumabay kaninang lunch?" tanong ni Eunice sa akin.

"Wala akong gana! Tsaka sa mga nangyari parang ayaw ko nalang mag-pakita sa lahat." sabi ko.

"Wag mo naman idiin Mr. Aguas! Dahan dahanin mo lang! First time ko lang!" tuwang tuwa na ginaya ako ni Ericka.

"Ohh! Bakit ba kasi ang sikip-sikip mo!" gaya din ni Neil kay JM.

"Hindi yan masikip! Sadyang masikip talaga ako!" sabi ni Ericka at humagalpak silang lahat ng tawa.

Ako? Eto namumula lang naman dahil sa naririnig kong mga sinasabi nila.

"Taena mo Angie! Apaka laswa ng usapan nyo ni VP!" sabi ni Patrick na ang tinutukoy ay ang narinig daw nilang ungol sa pagitan namin ni JM.

"Sinabi ko na sa inyo about nga yun sa paa kong may paltos! Tignan mo pa oh!" sabi ko sa kanya at itinuro ko ang may bandage kong paa.

"Ehh bakit kasi ganun ang usapan nyo? Walanjo na yan napaka--- senswal!" tumawa ulit sila sa sinabi ni Neil kaya napasapo nalang ko ng noo ko.

Ano ba naman kasing mga pinag-sasabi ko!

"Urungin nyo yan ah!" sabi ko sa kanila at dumiretso na sa sala para kumuha ng beer na dala nila.

"Alam na ba nya kung sino lahat ang mga totoo at peke ang records?" tanong ni Neil sa akin na naka sunod pala.

"Sa tingin ko! Kanina nung dumating ako ay nagba-browse sya ng mga papel natin at may kung anong web syang tinitignan at nilalagay ang mga pangalan natin."

"He uses the dark web para makilala tayo! It's not impossible for him." sabi nya at kumuhadin ng beer.

Sa totoo lang si Neil lang ang pinaka matino sa Skwad, realtalk.

"Hey nagsosolo kayo dyan! Tara at mag chill na muna tayo sa mini bar mo! Dalin natin yan duon!" sabi ni Faith kasunod nya ang tatlo--- Eunice, Patrick and Ericka.

Dumiretso kami sa 2nd floor ng bahay ko kung saan nanduon ang mini barna ipinatayu ko para sa mga kaibigan kong mahilig mag-party.

It's not mini though, para syang bar na kasya ang 50 ka tao may sofa! Round table and meron din syempreng mga alak, meron pang book na may direction kung paano gumawa ng mga cocktail drinks.

Ang bahay na tinitirhan ko ay ang pinamana sa aking ng Lola ko, walang katulong dito sa gabi tuwing umaga lang, dahil naglilinis at nagluluto para sa akin. It's a mansion at masyadong malaki yun para sa akin na mag-isa lang.

"So what's your plan Angie?" tanong ni Eunice sa akin.

"Plan for what?" sagot ko.

"Wala ka ng ibubunyag pa. Alam na nila ang sikreto mo--- natin. Do you want to do something about that?" sabi ni Faith na kasalukuyang gumagawa ng Mojito.

"Oo nga Angie. Hindi kaya maapektuhan ang iba nating mga kaibigan. Vaka sila naman ang pag-diskitahan ng mga regulars." sabi ni Patty.

"Ericka what do you think?" tanong ko kay Ekang dahil dati bago pa sila yumaman ay isa din syang kapos palad na tulad ng iba.

It took her 3 minutes para maka-sagot.

"Run as SSC Officer, Angie! Iyon lang ang solusyon para maiba ang tingin nila sa mga kagaya namin!" sabi ni Ericka

"What if hindi ako manalo?" tanong ko sa kanila.

"We are so sure na mananalo ka! Ngayon pa na nalaman nilang isa ka sa prinsesa ng mga Ferrer." Eunice has a point.

"Tamang tama at pasahan na ng form ng mga gustong tumakbo bilang SSC next week!" sbai ni Neil.

"What will I run for?" tanong ko sa kanila.

"Run for being an SSC Secretary" sabi ni Patty na kinalaki ng mata ko.

WHAT!!??

"Kalabanin mo si Leo Sober, Angie!" sabi ni Faith.

"The fudge!" iyon nalang ang nasabi ko sa kanila.

I am going to be the 3rd most powerful SSC Officer, I can change the law.

🌀🌀🌀

Hi! Salamat sa pagbabasa! Mag-comment kayo please para alam ko kung may nagbabasa pa ba.😊

-Mr./Ms. ACzAln

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top