SCOPE | XV
ORAS NA siguro para kalimutan ko na si Howell at sa kung ano man itong nararamdaman ko sa kaniya. Oras na para burahin ko na siya sa sistema ko at itrato siyang parang walang special na pagtingin sa kaniya. Ang mahirap nga lang ay palagi ko siyang nakakasama sa buong araw ko lalo na sa klase. Isama pa 'yong sa pagiging part namin ng committee para sa Talent Night.
How to Uncrush Your Crush #1
* Try to limit your contact to your crush if you can.
Habang pagpasok ko pa nga sa klase ay sinalubong na ako ni Howell. "Good morning, Hobbitsky," pagbati pa niya sa hallway bago pumasok sa loob ng classroom.
Kung dati ay magiging marupok ako para batiin siya pabalik, ngayon pipilitin kong hindi na lang siya pansinin. I need to erase his existence for a while.
Imbes na sumagot ay dumeretso na lang ako sa paglalakad at saka nilagpasan siya.
"Ay, snob ka, girl?" komento pa niya sabay yamot. Expect ko nang magiging ganito ang reaksiyon niya pero wala akong pakialam sa kung ano ang sasabihin niya. Wala rin naman siyang pakialam sa feelings ko, e. Kaya same-same lang.
Habang papaupo sa upuan ko ay bigla ulit akong nilapitan ni Howell na siyang mas nagpaasar sa akin.
"Pangit yata ang gising mo, Hobbitsky?" Ano ba ang gusto ng lalaking ito? Imbes na lingunan siya ay tinawag ko na lang si Claire para magkunwaring busy ako at walang time sa kaniya. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin.
"Claire, ito pala notes ko sa BasCal 1, kopyahin mo na 'yong laman, dali!" sabi ko sabay abot sa notebook ko.
"Yay, thank you, beshie!" joyful na saad ni Claire pagkabigay sa kaniya at saka na bumalik sa kinauupuan niya.
"Ay, sana all, nagpapahiram ng notes," pag-side comment naman ni Howell na nakatayo pa rin sa tabi ko, pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Bahala siya sa buhay niya. Bahala siyang makipag-usap sa hangin.
Sana naman, ma-survive ko ang hindi ko pamamansin sa kaniya. Kung patuloy ko kasi siyang papansinin, mas lalo akong mahihirapan sa pag-move-on ko. Mas lalo kong hindi malilimutan si Howell sa sistema ko.
Iyon nga lang ay kahit na sa after class, sa rehearsals para sa talent night ay ayaw pa rin niya akong lubayan at palagi siyang nakabuntot sa akin. Hindi ko na nga rin pinanonood ang performance ni Howell.
How to Uncrush Your Crush? #2
* Stop idealizing your crush.
Ano ba'ng ideal sa lalaking ito? Nakakaasar siya. Napaka-galawgaw niya na tipong hindi mapakali sa ginagalawan niya? Sino rin ang magkakagusto kay Howell na walang ibang ginawa kung hindi laitin ang kapintasan ng ibang tao.
Ewan ko ba kung bakit nagkakagusto pa sa kaniya si Celine. Masiyado siyang bulag sa kung ano ba ang nakita niya kay Howell.
"Uy, Lyra, sabay na tayong umuwi." Habang naglalakad papalabas ng auditorium ay sumabat na naman itong si Howell. Pero hindi pa rin ako sumagot kaya umirap na lang ako at iniwasan siya.
Bilang sagot ay napabulalas na lang siya, "E 'di, don't!" Iyon ang sinabi niya at saka nauna na sa akin.
Bakit ba ako ginugulo ng lalaking ito? Hindi ba, okay na sila ni Marcie sa feelings nila sa isa't isa?
In-expect ko na ring sa mga susunod na araw ay guguluhin pa rin niya ako.
Howell:
Yoohooh
Pansinin mo na ako please
Don't get mad at me na
Pleaseeeeeee
Kailan ba ako lulubayan ni Howell? May pa-status pa siyang "May my love transcends to your life". Obviously, kay Marcie iyon.
How to Uncrush Your Crush? #3
* Stop looking at their social media accounts
Howell:
Please lang
I'm sorry kung may nagawa man ako sayo
Sana masettle natin to
E, masaya pa siya sa pinost niya sa IG account niya na picture ng teddy bear niya na binigay ni Marcie sa kaniya. Kaya habang pinagmamasdan ko ang laha
Wala na talaga akong pakialam sa kung ano ang sasabihin niya o kahit magtanong pa siya kung bakit ko siya in-unfriend at in-unfollow sa social media accounts niya.
Habang hinihintay ang susunod naming teacher ay rinig ko ang malakas na daldalan nina Howell, Gino, at Joji sa may bandang harapan ko kaya hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko. Kulang na lang talaga at higpitan ko ang grip ng aking ballpen sa pahina ng notebook ko sa ingay na ginagawa nila. Kasama ko naman si Jeannie na busy rin sa pagso-solve sa kaniyang yellow pad paper.
Nagkukuwentuhan kasi sila ng paranormal experiences nila.
"Kayo? Naranasan n'yo na bang ma-ghost?" tanong naman ni Howell sa mga kasama niya.
Sumagot naman itong si Gino at talagang nag-drama pa, "Oo, 'yong ka-date ko sa Tinder, after ng ilang weeks naming pagtsa-chat, bigla na lang hindi nagparamdam. Tapos nalaman ko na lang na nagkabalikan sila ng ex niya."
"Ay, grabe naman siya. She's to heartless for that. Pero alam n'yo, may mas malala pa riyan..." Sumagot naman si Howell at talagang in-emphasize pa ang salitang "heartless" sabay tingin sa akin nang kay talim.
"Hayaan mo na lang sila." Siniko na lang ako ni Jeannie para paalalahanan.
"'Yong may isa diyan na bigla na lang hindi namamansin sa akin. Tapos, bigla ba naman akong in-unfriend sa Facebook na para bang wala kaming pinagsamahan." Confirmed, ako nga ang pinatatamaan ni Howell. Hindi na lang ako nagpa-affect sa sinasabi niya sa akin kaya inechapuwera ko na lang sila.
"Wait, nakikita n'yo ba? Nandito siya?" tanong naman ni Joji.
"May nakikita kayo?" sumunod naman si Gino. Parehas naman kaming napatingin ni Jeannie na mukhang naaasar na rin. Mukhang susugod na rin siya ora mismo.
"Wala, pero malakas ang energy niya. Kailangan na nating tawagin si Ed Caluag para mapatahimik na siya." Pero talagang pinagdidiinan talaga nila nila ako at hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Nakakainis!
Hindi na rin nakatiis si Jeannie at saka na siya tumayo at cinonfront ang tatlo.
"Uy, excuse me lang po, ano? Hindi naman sa naghahanap ng away..." Nakita ko tuloy na nakapameywang siya habang nakatayo sa harapan nina Howell.
"Wala naman kayo sa lugar para husgahan 'yong tao. Hindi n'yo kasi alam 'yong pinagdaraanan niya bago kayo magsabi-sabi diyan." Nagpatuloy pa siya sa panenermon kasabay ng panlilisik ng mga mata niya. Pakiramdam ko tuloy ay nagi-guilty ako lalo na at kasalanan ko rin naman kung bakit umabot pa ito sa ganito.
"Wow, bakit parang affected ka?" pagtatanong din ni Gino l.
"Kaibigan ko po kasi ang tinitirada n'yo."
"E, bakit ba ayaw niyang mamansin?" si Howell naman ang nagtanong at feeling ko ay para akong tinusok sa puso nang marinig ang mga katanungang iyon dahil sa kaniya.
"Wala akong karapatang sagutin 'yan just because I'm not her. Kung gusto n'yong malaman ang sagot, bakit hindi siya ang lapitan n'yo?" Iyon na lang ang huling sinabi ni Jeannie bago siya bumalik sa katabing upuan ko. Hindi ko alam ang ire-react ko kung iiyak ba ako? Pero pinagmasdan na lang ako ni Jeannie at saka cinomfort, "Okay lang iyan. Nandito lang ako."
Dahil vacant ay nagpunta na lang ako sa library para i-detach ang sarili ko sa mga pangyayari. Mas okay pa rito sa library na tahimik at malayo sa kung anumang gulo. Wala ring Howell na mang-iistorbo sa akin.
"Lyra..." At ang buong akala ko ay matatahimik ako dahil nandito rin pala siya at nilapitan pa ako. "Can we please just talk for a while?" Wala talagang lugar ang pagmamakaawa niya sa akin, ano?
"Do we have a misunderstanding?" mahinang saad niya at baka masita kami ng librarian.
Tumayo na lang ako para umalis pero bigla ba naman niyang hinagip ang pulso ko at tiningnan siya nang kay talim.
"Please lang, huwag mo akong kausapin." Puwersahan kong inalis ang pagkakakapit niya sa akin.
Bakit ba kasi niya ginagawa ito sa akin? Bakit ba pinahihirapan niya ako nang ganito?
"Ano ba naman iyan? Kaya nga ako nagtatanong para ma-settle natin ang kung anong conflicts natin, if ever."
"Huwag muna ngayon, please."
"Nagmamakaawa na ako sa 'yo." Mas lalo pa siyang determinado na magpapansin sa kaniya at sa totoo lanh, nagsimula na akong makonsensiya sa ginagawa kong ito sa kaniya. Tama nga ba na hindi ko na lang siya pansinin dahil lang gusto ko siyang kalimutan?
Seryoso siyang napatingin sa akin.
"Lyra... ayaw ko lang kasi na mayroong kagalit. Ayaw ko lang na may mga taong basta na lang ako iiwan sa ere. I've been there many times already in my life." Ang mga salitang iyon ni Howell ang unti-unting nagpapaguho sa pader na binuo ko para iwasan siya-iyon ay para lang mawala itong feelings ko sa kaniya.
"So, if there's something that you want for me to get rid out of your life, maging klaro naman tayo, pretty please."
Pero imbes na sumagot ay nagmatigas pa rin ako at saka na padabog na lumabas ng library.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang maging emosyonal habang pinag-iisipan ang mga pinanggagawa ko kay Howell. Halos maipinta sa mukha niya ang pagmamakaawa niya at ayaw kong makita siya sa ganoong kalagayan.
Pero hindi ko pa siya handang harapin. Hindi ko alam kung papaano ko ba sasabihin na gusto ko siya o ano. Ang hirap. Ang hirap lang nang ganito.
Bakit ba kasi umabot sa ganito ang lahat? Bakit pa dumating sa buhay ko si Howell? Bakit ba kailangan kong maranasan ito?
---
Kinabukasan, hindi ako pumasok sa school at nagkulong lang sa kuwarto ko. "Wala akong ganang mag-aral," iyon ang dinahilan ko kay Mama kahit na napakaraming gagawin ngayong araw, lalo na at bukas na rin ang Talent Night.
Hindi ko nga rin alam kung papasok pa ako bukas para sa event, pero wala akong ibang option lalo na at kailangan ng full cooperation ng lahat ng kasama sa committee. Hindi rin muna ako gumamit ng cellphone at mas inubos ko ang oras ko sa pag-e-emote at pagtalukbong sa kumot ko.
Puwede bang mag-shutdown muna kahit ilang araw lang? O kung puwede lang talagang i-delete ang feelings kong ito para hindi na magkanda-leche-leche ang buhay ko?
Kailan ba ako magiging handa kay Howell para harapin siya?
Unconsciously, bigla kong naisip na lumabas muna ng bahay para maglibot-libot sa buong subdivision kaya hiniram ko muna ang bike ni Kuya para gamitin ko.
Of course, gusto ko lang munang mag-unwind at mag-moment sa labas para mag-isip-isip. Dinala naman ako ng mga gulong ng bisikleta sa may mini-park na malapit sa amin. Mabuti na lang at papalubog na ang araw kaya hindi na sobrang init.
Naupo na lang ako sa isa sa mga bench para magpahangin at mag-senti. Ngayon ko lang din na-realize ang ganda ng buong lugar na ito na kung saan sariwa ang hangin, matataas ang mga puno, at tanging mga huni lang ng ibon ang maririnig mo rito.
Patuloy ang pagbuntong-hininga ko habang iniisip ang lahat ng mga pangyayari sa nakalipas. I would never thought na sa ilang buwan pa lang ng pagkakakilala ko kay Howell, magbabago sa isang iglap ang mundo ko.
"Uy, mukhang busy kang nagmo-moment diyan?" Habang nagmo-moment ay napatingala ako sa kung sino 'yong lumapit sa akin.
"Wala po 'to," pagde-deny ko naman nang makita si Kuya Gil na nakangiti pa sa akin. Nakasuot siya ng black na hooded jacket sa ilalim ng white t-shirt niya at saka gray na shorts.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo." Napaupo naman siya sa tabi ko. "Usually naman kasi sa mga gustong mapag-isa sa ganitong lugar, may iniisip kasi may pinagdaraanan sa buhay." May point naman si Kuya Gil kahit papaano. Napatingala na lang ako sa kulay orange na langit.
"May problema ba?" tanong pa niya sa akin. Hindi naman ako agad maka-react lalo na at baka i-judge lang ako ni Kuya. And besides, hindi naman kami totally magkakakilala at si Kuya Alcher lang talaga ang kakilala niya.
"Okay lang naman na i-share mo ang pinagdaraanan mo. Willing to listen naman ako without judging."
Pero ilang saglit lang, natigilan ako sabay ng buntong-hininga.
"Fine..." Ngayon ko lang gagawin ito sa buong buhay ko. I know, mapagkakatiwalaan naman si Kuya Gil (sana). "May crush kasi ako sa school," panimula ko, at para na akong si Pandora's box na bigla na lang nagsiwalat pa ng mga lihim.
"Ilang buwan kong itinago ang feelings ko sa kaniya hanggang sa malaman kong sinagot na siya noong taong gusto niya." "Not totally sila na, pero mayroon silang mutual feelings sa isa't isa."
"Alam ba iyan ng kuya mo?" Napangisi naman si Kuya Gil kaya nanlaki ang mga mata ko at tiningnan siya nang masama.
"Uy, huwag mo naman akong isumbong sa kaniya," pagmamaktol ko naman. Please lang, ayaw ko namang makarating ito sa kaniya.
"Ayaw mo 'yon? Mas matutulungan ka naman no'n." Iyon nga lang ay bigla niyang binawi pagkakita sa nakabusangot kong mukha, "Joke lang!"
Napa-peace sign pa siya. "Pero kung ayaw mo pang ipaalam, I respect your opinion."
"O siya, para mapagaan ang loob mo, gusto mong ice cream? Libre ko." Kahit medyo mabigat ang nararamdaman ko, bigla ba naman akong napa-oo sa offer niya. Silence means yes naman kasi talaga.
"Wait, diyan ka lang, a?" At saka siya nagpunta sa may sari-sari store sa tapat lang ng kinauupuan namin sa may mini-park. Pagbalik niya ay may dala siyang packs ng Aice ice cream.
"Hindi ko alam kung ano flavor ang gusto mo, kaya bahala ka nang pumili diyan," saad pa niya nang inilapag ang chocolate at strawberry popsicles sa gitna namin.
"Okay na ako sa strawberry," medyo awkward ko pang saad sabay kuha noong packet at saka binuksan na ito.
"Mabalik tayo... so crush mo nga sa school, 'no?" tanong ni Kuya Gil at pagkatapos ay kinagat ang dulo ng popsicle niya.
Napayuko naman ako bago bumitiw pa ng mga salita, "Yes, kaya gusto ko siyang kalimutan. Iniiwasan ko nga siya kahit mahirap. 'Yong tipong gusto ko na siyang alisin sa sistema ko. Pero hanggang kailan ko pa siya balak iwasan kung siya pa rin laman ng puso ko?"
Seryoso namang napatingin sa akin si Kuya Gil bago kumagat ulit, "Love may be a bit harsh to us sometimes, Lyra. Hindi natin alam kung sino ang makakahulugan ng loob natin kung minsan."
Tahimik lang din naman akong nakikinig sa mga paliwanag niya. Hindi ko alam na makahahanap ako ng makakausap kay Kuya Gil.
"'Yong nahuhulog pa nga tayo sa taong may ibang nilalaman na pala ang puso."
"Like, wala talaga tayong ibang option kung hindi sabihin mo sa kaniya lahat ng feelings mo. Yes, kailangan talaga nating sumugal sa pag-ibig."
"May kailangan tayong isakripisyo in order for us to be free. And by means of being free, you need to let go those feelings inside you."
"Kung patuloy mong itatago ang feelings mong iyan kay Howell, mas patuloy kang guguluhin ng regrets mo. E, mari-reveal din naman iyan bandang huli."
Mas okay nang may nagawa kang move kaysa pagsisihan mo na hindi mo ito ginawa at nabuhay ka na lang sa what-ifs mo. Then, it's up to us kung papaano tayo magmu-move forward sa sarili natin." Ito rin naman 'yong mga sinabi sa akin nina Jeannie noon.
"Whether it's reciprocated or not, it's part of the rippling effect of your heart. May reaction ang bawat actions na ginawa natin."
"Wow, lalim ng pinaghuhugutan natin, Kuya, a?" Napakomento tuloy ako kay Kuya Gil sa mga sinabi niyang iyon sa sobrang dami.
"Hindi naman sa gano'n." Napahalakhak na lang siya. "Lahat naman tayo, capable na ma-in love. Lahat tayo, capable na makaramdam ng kakaibang feeling dahil sa pag-ibig."
"It's okay to be afraid lalo na at may pinanghahawakan ka, Lyra. Pero isn't it much better na ilabas mo ang nafi-feel mo sa kaniya?" Natigilan ako sabay subo ng huling kagat ng strawberry popsicle na kinakain ko habang patuloy ang transition ng orange na langit sa pagiging indigo nito, senyales nang maggagabi na.
"Isa lang din naman ang masasabi ko." Tiningnan pa niya ulit ako at saka pa nagpatuloy, "Follow your heart's desire, Lyra. Pero alamin mo rin ang scope at ang limitations mo. Hanggang saan mo ba dadalhin ang nararamdaman mong 'to? Hanggang saan lang ba ang point mo?"
Napaisip ako nang malalim sa mga paliwanag na iyon ni Kuya Gil na talagang naging affected ako. Hanggang saan nga ba ako dadalhin ng takot kong ito?
Dapat ko na bang harapin si Howell at sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko?
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top