8 - To Q.C.

“MEIKA,” habol sa kaniya ni Eli. “Please, mag-usap muna tayo.”

Mas nilakihan at binilisan lang niya ang mga hakbang. Ni hindi niya nilingon ang lalaki.

She could not believe this. Bakit ginagamit ni Eli ang pera sa wallet na hindi naman nito pagma-may-ari? She had known Eli, or Eliazar Montes, since high school. Tatamad-tamad ito sa pag-aaral, pero hindi tinangkang mangopya o mandaya sa mga exam at quiz para maka-graduate. Dahil doon, tumimo sa isipan ni Meika na isa itong tao na tapat at may integridad.

“Meika, please!” makaawa nito habang panay ang linga sa paligid. Nang mapansin ni Eli na pinagtitinginan at pinagbubulungan na sila ng mga tao ay nalukot ang mukha nito.

He thought that it was time to take charge already. He made a quick sprint to block Meika’s way. Hinablot siya nito sa isang braso para hindi niya na ito malagpasan pa.

“Bitiwan mo ako, Eli. Kailangan ko nang umuwi para magpadagdag ng pera kay Nanay at bumalik uli rito sa palengke.”

“E, ’di tigilan mo iyang pagiging immature mo,” anas nito sa mababang boses. “Harapin mo ako at mag-usap tayo. Hindi itong ganito na pinaghahabol mo ako na parang aso. Nakakahiya itong ginagawa mo.”

“Hindi ba mas nakakahiya ang maging magnanakaw, Eli?”

Nagtangis ang bagang nito. “Nakapulot lang ako ng wallet, magnanakaw agad? Five months na tayong mag-syota, Meika, tapos sa ganitong kaliit na bagay lang, mag-iinarte ka na nang ganiyan?”

Nangati bigla ang palad niya na tampalin ito pero pinigilan niya. Ikinuyom na lang niya ito. “Alam mo naman kung bakit galit na galit ako sa mga magnanakaw na iyan, hindi ha? Mga holdaper ang pumatay sa tatay ko.”

Nagpumilit siyang nakawala pero mas hinigpitan lang ni Eli ang pagkakahawak sa kaniyang braso, sa bandang palapulsuhan niya.

“Meika, napulot ko lang ang wallet na iyon. Hindi ko iyong ninakaw.”

“O, napulot mo nga, bakit gagamitin mo ’yong pera? Nagsinungaling ka pa. Sinabi ko pang suweldo mo ’yon!”

“O, ano ang gusto mong gawin? Ibalik ko pa iyon sa may-ari?”

“Oo!”

Pinipigilan ni Eli ang matawa. “Okay ka lang? Paghahagilapin mo pa ako sa taong hindi ko kilala? Pinagkakasya ko na nga lang ang suweldo ko, e, pagagastusin mo pa ako ng pang-commute papunta sa Quezon City?”

Kumunot ang noo niya. “Quezon City?”

“Oo. Nakita ko ang mga laman ng wallet, okay? Taga-Kyusi ang may-ari.” He released her arm and pulled her close by the waist. “Kitams? Hindi ko ninakaw ang wallet. Hindi ko rin maibabalik. Sayang naman ang biyaya kung hindi ko gagamitin para makabili ng pagkain ang syota ko.”

Itinulak niya ito sa dibdib palayo sa kaniya. “Saan mo nakitang taga-Q.C. siya?”

“Sa mga ID niya sa wallet.”

She laid out her hand. Binigyan siya ni Eli ng nagtatakang tingin.

“Ang wallet. Akin na.”

Napangisi ito. “Asus, akala mo kung sinong santa na ayaw sa mga magna, makikihati rin naman pala sa laman nitong wallet.”

Before, Meika admired Eli because of his honesty, his integrity. He says things as it is. But lately and up to this point, she realized something. That even if honesty is admirable, speaking your mind too harshly and without second-thoughts on what other people would feel is just as despicable. Ilang buwan na niyang tinitiis kung gaano kasakit magsalita si Eli sa kaniya na kapag inirereklamo niya rito na offensive ay nakukuha pang sabihan siya na napaka-sensitive o ’di kaya’y hindi makatanggap ng honest opinion. Na laking kalye raw sila kaya bakit napakadali niyang ma-offend sa mga salitang pang-kalye ‘raw.’

Inabot sa kaniya ni Eli ang wallet. Binuklat ito ni Meika at nakitang bukod sa ilang ID ay may ATM card din dito. She was hoping Eli did not withdraw the money from this card yet. Malilintikan sila kapag nangyari iyon. Binasa niya saglit ang address sa ID ng news reporter na may-ari nito. Then, she glanced up at Eli.

“Ibabalik mo ito, Eli.”

“Ko?” panlalaki ng mga mata nito.

“Alangan namang ako? E, ikaw ang nakapulot nito, ’di ba?”

He sighed and laid out his hand. Binabawi na nito ang wallet. “Sige na nga. Akin na at bukas na bukas ay ibabalik ko iyang wallet.”

“Anong bukas? Ngayong araw mo na ’to ibabalik! At sasama ako!” binulsa ni Meika ang wallet. Pagkatapos ay nilagpasan niya si Eli.

Hinabol siya ni Eli at sinabayan sa paglakad. “O, iyan na, ha? Nasa iyo na ang wallet. Kaya huwag ka nang magtampo sa akin, baby ko, ha?”

He tried to snake his arm around hee waist, but Meika stepped to the side to distance from him.

“Meika . . .”

Huminto siya sa tapat ng sakayan ng traysikel. Gusto niya nang ipagsigawan sa mukha nito na break na sila, pero hindi niya magawa. Hindi pa siya puwedeng makipag-break dahil baka hindi siya nito samahang ibalik ang wallet sa may-ari nito. Ayaw ni Meika na siya mismo ang makita ng news reporter na iyon dahil baka bigyan nito ng malisya ang pagbabalik niya sa wallet nito sa ikalawang pagkakataon. Napakawirdo pa naman ng lalaking iyon. Magulo kausap. Nagtataka tuloy siya kung paano ito naging qualified na news reporter kung magulo kausap.

“Daanan mo ako mamayang ala-una sa bahay. Bago mag-alas dos, dapat nasa biyahe na tayo papuntang Q.C.,” malamig niyang saad kay Eli bago sumakay sa traysikel.

***

MAG-AALA UNA pa lang ng hapon ay nakatayo na si Meika sa tabi ng kalsada, sa tapat ng karinderya nila. Makikita sa likuran niya ang mahabang bangko na kasing-haba ng mahabang estante na nagsisilbing mesa para sa mga kumakaing customer.

“ANO, anak?” tabi kay Meika ng kaniyang nanay na si Aling Mika. Napalingon tuloy siya rito. “Okay na ba iyang limandaan? Baka kulangin kayo sa pamasahe ni Eli? Baka gutumin kayo sa biyahe?”

“Okay na ’to, ’Nay. Si Eli na ang bahala sa pagkain namin,” pagsisinungaling niya. Meika wasn’t foreign to lying despite of hating thieves and liars. Kaya nga labis ang paghanga niya sa mga taong tapat at totoo, kasi aware siya na napakahirap maging ganoong klase ng tao.

Nakapagpaalam na si Meika sa kaniyang nanay na pupunta sila sa Quezon City para ibalik ang napulot na wallet ni Eli. Sa loob-loob ng ginang, malaking hassle ang gustong gawin ni Meika, pero nauunawaan nito ang nagtutulak aa anak na ibalik ang wallet kaya hinayaan na lang ito ng ginang at hindi na kinuwestiyon pa.

Tipid na ngumiti ang nanay niya at bahagya siyang pinisil-pisil sa braso. “Natutuwa ako na mabait ang anak ko. Pero kung puwede mo namang iwanan na lang ito sa police station at mga pulis na ang bahalang kumontak sa may-ari ng wallet para kunin ito . . .”

Napailing siya. “Nanay, si Eli ang nakakuha ng wallet kaya siya dapat ang magbalik.”

Nagbaba na lang ng tingin ang ginang. Sumusukong napabuntonghininga tuloy si Meika.

“Nanay, mukhang tama nga ang kuwento sa akin ni Mickey,” tukoy ni Meika sa nakababata niyang kapatid na lalaki. “Kasali nga yata talaga si Eli sa gang ng mga magnanakaw dito sa barangay natin.”

Alertong luminga-linga sa paligid si Aling Mika. Nang masiguradong walang nakaririnig sa kanila ay sumagot ito. “Meika, huwag ka na sanang umabot sa pakikisali sa bagay na iyan. Kung iniisip  na isusumbong mo si Eli, huwag na. Delikado iyan. Mapapahamak tayo ng kapatid mo.”

Meika looked away from her mother. “Sige po, Nanay. Siguro, kung hindi ako, baka ibang tao ang makapagpatigil sa kanila sa mga masasamang gawain nila.”

Bahagyang napanatag si Aling Mika, pero may bahid pa rin ng pag-aalala sa mga mata nito. “Kung totoo iyang mga sinasabi mo tungkol kay Eli, bakit hindi mo isama si Mickey? O ’di kaya si Trina? Tama, si Trina ang isama mo.”

Napakibit-balikat siya. “Baka mag-away lang sila ni Eli. Alam n’yo namang ayaw na ayaw ni Trina ro’n . . .” 'At mukhang nauunawaan ko na kung bakit . . .'

“Iyon nga ang maganda roon, e. Ibig sabihin, ikaw ang pipiliin ni Trina ma tulungan kapag may ginawang kalokohan iyang si Eli.”

Meika nodded and pulled out her cell phone. Mabilis ang paglagitik ng mga daliri niya sa keypad nito habang nagte-text siya. “Sige po. Tingnan natin kung makakasama si Trina.”

“O, habang naghihintay ka, umupo ka sa bangko. Hindi ’tong nagbibilad ka sa init ng araw.” Pagkatapos ay tumalikod na si Aling Mika para bumalik sa loob ng karinderya.

Sumunod naman si Meika pero hindi pumasok sa karinderya mismo. Umupo siya sa dulo ng bangko, malayo sa ilang mga trabahador at estudyante na tinatapos ang pagkain ng kanilang tanghalian.

Hindi nagtagal ay nag-reply si Trina sa text niya. Hintayin daw niya ito dahil male-late nang kaunti. Kukumbinsihin pa raw nito ang tatay nito na pag-half-day-in ito sa trabaho sa parlor para masamahan siya. Meika smiled softly and checked her inbox for Eli’s text. Sa kasamaang-palad wala man lang itong text na nagsasabing papunta na ito sa karinderya.

Panay ang tingin ni Meika sa paligid habang naghihintay. Baka sakali kasing matanaw niyang palapit sa kaniya si Eli.

Pero wala. Wala pa rin ito.

Then, Trina called. She immediately answered it. “Trina?”

“Meika, may nangyaring habulan dito.”

“Habulan?” pagtataka niya. Ano ba kasi ang habulan na tinutukoy ng kaniyang kaibigan? Bakit timawagan siya nito para lang sabihin iyon?

“Oo. Natiyempuhan ng parak si Eli mo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Parak?”

***

“UY, salamat naman at may pa-lunch!” masiglang lapit ni Resty sa desk ng cubicle ng isa sa mga news writer na kasama sa opisina. May bitbit na agad siyang tinidor at paper plate na silver ang kulay sa ibabaw ay puti sa ilalim.

Kasalukuyang nasa gusali ng TV network na pinagtatrabahuhan si Resty. Kasama niya rito ang iba pang mga news reporter at news writer. Kahati rin nila sa silid ang mga researcher kaya tila bahay ng mga gagamba na gawa sa kahon ng posporo ang silid. Dikit-dikit ang mga cubicle dito at medyo makipot ang daanan sa pagitan ng ilan sa mga ito.

Nagkumpulan sa desk ng news writer na si Wally Purino ang karamihan sa kanila. Ang importante kasi sa larangan ng journalism ay maihatid ang balita sa tamang oras kung hindi mas maaga, kaya ang iba sa kanila ay hindi puwedeng maabala. Kahit pa nakatatakam ang pagkain na inaalok sa kanila at lagpas tanghali na ay wala pang laman ang kanilang sikmura.

Tinampal ni Wally ang kamay niya nang akmang kukuha na siya ng ikalima niyang slice ng pizza. “May iba pang kakain, Resty! Bakit hindi ka kumuha ng spaghetti?”

Ngumiwi siya. “Ayoko. Maasim!”

“Malamang. Tomato sauce ang hinalo d’yan, e, Resty,” Lorena rolled her eyes at him while she was being squeezed between two other workmates.

Pagdating sa kuhaan ng pagkain ay galit-galit muna sila. Wala na ring hiya-hiya dahil nasa kultura na nila na wala namang mapapala ang isang news reporter kung magiging mahiyain.

“Sweet ang sauce niyan,” Wally encouraged him.

Umiling lang si Resty. “Mamaya na lang ako kukuha. Ubusin ko muna ’tong pizza ko.”

“Bahala ka. Mamaya, ubos na ’to!” magaan na tawa ni Wally. Tinatanaw na lang siya nito sa pagitan ng mga nagkukumpulan na katrabaho dahil unti-unti nang lumayo si Resty para bumalik sa desk na pinaghahatian nila ni Lorena.

Ilang saglit pa ay dumating na si Lorena. Hinila ng babae ang isang monoblock chair sa kabilang panig ng desk at umupo roon. Resty did not use the desk. He sat across his camera woman and held the plate close to his chin with one hand while his other hand stuffed his mouth with Hawaiian pizza.

“Na-inform mo na ba sa Accounting at HR na nawawala ang ATM card mo?” tanong ni Lorena habang iniikot pa ang tinidor nito sa spaghetti. “Sige ka, baka hindi mo makuha ang suweldo mo.”

“Na-inform ko na,” aniya habang may laman pa ang bibig. He swallows before he resumed. “S’werte mo, Lorena, nakaligtas ka sa panlilibre sa akin ng lunch.”

“Mabuti na lang talaga. Ang clumsy mo kasi, e.”

His chuckle was muffled. Ngumunguya kasi siya nang matawa nang bahagya sa itinuran nito.

“Napapansin ko, napapadalas ang pagkairita mo sa akin,” aniya habang kinukuha ang ikalawa niyang slice ng pizza. “Baka nabuntis ka na ni Ricardo, ha?”

Si Ricardo ay pinsan ni Resty. Ito rin ang nobyo ni Lorena.

Lorena just scoffed. “Siraulo.”

Lumapad ang ngisi niya. “Uyyy, hindi makasagot ng oo o hindi . . .”

“Resty, stop. If you’re trying to make a joke out of pregnancies, it is not very funny,” panlalaki nito ng mga mata sa kaniya.

“I am never going to make a joke out of pregnancy, Lorena. The joke here is, obvious na obvious naman, in denial ka pa.”

“Obvious na?”

“Na posibleng magkaanak na kayo ni Ricky!” nanunukso niyang saad habang itinataas-taas pa ang mga kilay. “Damn! Magiging tito na rin ako sa wakas!”

“Si Lorena, magkakaanak na?” bulalas ng ka-opisina nila na napadaan at sobrang talas ng tainga.

“Oy, hindi!” depensa agad ni Lorena. Hindi naman ito narinig ng lahat, kaya ang iba sa mga kasamahan nila ay lumapit sa kanilang desk.

“Wow, Lorena! Congratulations!”

“Paano ’yan? Ikaw naman ang magpapakain dito ng lunch bukas!”

“Oo nga!”

Resty smirked at Lorena. “Oo nga naman, Lorena. Magpa-lunch ka naman bukas.”

“Buwisit ka, Resty. Wala ka lang pang-lunch bukas kaya nagkakalat ka ng tsismis!”

Resty waved a hand at their colleagues. “Tinutukso ko lang si Lorena, guys! Walang buntis dito, hehe!”

“Naku po, Resty!” nanggigigil na iling ni Lorena.

***

“PLEASE, Meika,” makaawa kay Meika ni Eli na nakahawak ang magkabilang kamay sa rehas ng kulungan nito. “Tulungan mo naman ako sa piyansa. Hindi naman makatarungan na makukulong ako dahil lang sa nagnakaw ako ng pera para sa biyahe natin ngayon?”

Napasinghap si Meika nang tabigin siya ni Trina. Lumapit ito sa rehas ni Eli at hinablot ang kuwelyo ng T-shirt nito para ambahan ito ng suntok.

“Gusto mo bang bangasan kita?” anas nito at pinandilatan pa ng mga mata si Eli.

“Hoy!” saway ng isang pulis kay Trina dahil sa ginawa nito.

Napilitan tuloy si Trina na ibaba ang nakakuyom na kamao at bitiwan ang kuwelyo ng damit ni Eli. “Tangina mo ka! Isisisi mo pa ’yang kagaguhan mo kay Meika? Kanina lang, nag-away raw kayo dahil sa pagnanakaw mo, a? ’Tapos, palalabasin mo, siya ang nagtulak sa ’yo na mangnenok? Walanghiya ka talaga!” duro nito sa lalaki.

Bago pa nakapagsalita si Eli ay hinarap na siya ni Trina. “Tara na, Meika. Baka abutin pa tayo ng traffic sa lakad natin.”

Meika looked past Trina’s head. Natanaw niyang nakahawak na naman sa rehas si Eli at nagmamakaawa ang mga mata sa kaniya. There was a hint of exaggeration with the way he downturned his lips to frown and make it obvious that he was sad . . . pleading.

Ilang minuto lang ay nakalabas na ng police station sina Meika at Trina. Trina was wearing an oversized red T-shirt with black sleeves that reached her elbows. Pinarisan iyon ng kaniyang kaibigan ng maong na tokong shorts. Naka-itim na cap ito at naka-low ponytail ang unat na unat nitong blonde na buhok na naka-V cut. May sariling parlor ang tatay ng kaniyang kaibigan kaya nakalilibre ito sa mga pampaunat at pampakulay ng buhok sa pamamagitan ng pagiging test model ng ama nito.

“Gago ba ako? Kasi, nakulong ang syota ko pero iniwan ko siya sa ere,” matamlay niyang tanong sa kaibigan habang nasa harap ang tingin.

“Anong gago? E, ang dapat naman talaga sa mga katulad niyang si Eli, iniiwan sa ere. Kung hindi mo siya iiwanan, isasama ka lang niya sa paglubog niya.”

Napasulyap siya kay Trina nang buksan nito ang folding fan at payungan siya. Tila napansin nito ang lungkot sa kaniyang mukha kaya napabuntonghininga ito.

“Alam mo, Meika, niloko ka na ni Eli tungkol sa raket niya ng pagnanakaw. Ibig sabihin, kaya ka rin niyang lokohin tungkol sa iba pang mga bagay para lang makalusot siya. Pasalamat na lang tayo, hindi pa siya nakalusot sa kipay mong babae ka.”

Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Bunganga mo naman, Trina!”

“Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko?”

“Kailangan ba na ipaglakasan mo iyong tungkol sa kipay?” taray-tarayan niya rito. "Dahan-dahan naman sa paglilitanya at baka makaabot sa mga kapitbahay ang tungkol sa kipay ko!”

Kapwa sila naghalakhakan. Para silang mga baliw dahil ang ingay nila habang naglalakad patungo sa pinakamalapit na hagdan ng overpass. Dadaanan pa kasi nila ito para marating ang mall sa kabilang kalsada. Sa harapan kasi ng mall na ito nakapila ang mga bus na puwedeng sakyan para makapunta sila sa Quezon City.

***

“MAY sunog daw sa Commonwealth,” ani researcher na lumapit sa kanila. “Kaya n’yo bang i-cover ang mga kaganapan doon?”

Tumalima naman agad sina Resty at Lorena.

“Oo naman. Saan sa Commonwealth ba? Pupunta na kami,” sagot niya habang inihahanda naman na ni Lorena ang camera nito.

Saktong nakasakay na sila sa kotse ni Lorena nang makapa ni Resty na wala sa bulsa niya ang susi ng kotse. Natatarantang binuksan niya ang pinto ng kotse at iniwan itong nakaawang.

“Hoy, Resty! Saan ka pa pupunta?”

“’Yong susi ng kotse mo! Naiwan ko yata sa drawer!” he hollered while skipping away from the parking lot.

Napapailing na binuksan ng babae ang cross-body waist bag ni Resty. Napaungot ito nang mailabas sa bulsa nito ang susi. “Naku po, Resty!”

Nagmamadaling bumaba ito ng kotse at isinara muna ang mga pinto bago humabol kay Resty.

Samantala, kalalabas lang ni Resty ng elevator mula sa basement parking ng gusali. He was about to head to their office when he felt his cell phone vibrate. Sinagot niya ang tawag ni Lorena.

“Hoy, nasa akin ang susi!”

“Bakit naman hindi mo sinabi agad?” pagod na buntonghininga niya. Kasalukuyang pabalik na siya sa elevator.

"Nasa bag mo po kasi iyong susi. Hindi ko pa makikita kung hindi ako nagkalkal!”

Pigil niya ang matawa. “Sorry naman! Heto na. Pabalik na ako r’yan!”

“Dalian mo, puwede? Mauunahan na tayo ng ibang reporters!”

“Opo. Huwag ka naman ma-highblood lagi sa akin. Baka magtampo si Ricky kapag mas kamukha ko ang anak ninyo dahil ako pimaglilihian mo.”

“Buwisit ka talaga, Resty, dalian mo na lang!”

Pagkababa niya sa cell phone ay may saktong lumabas mula sa elevator na sssakyan niya. Lumapit siya rito at akmang papasok nang pigilan ng katrabaho.

“Uy, Resty, napadaan ako sa ground floor kanina. Narinig ko na parang may naghahanap sa ’yo roon—”

“Mamaya na lang iyan at kailangan ko na umalis—” alis niya ng braso mula sa pagkakahawak ng katrabaho.

“—para ibalik ang wallet mo—”

Hindi na siya nakasakay sa elevator. “Ang wallet ko?”

“Oo.”

“Pero . . . sa Muntinlupa ko pa ’yon nawala! Sino naman ang mag-aabalang magpunta mula roon patungo rito sa Q.C. para lang ibalik iyon?”

Nagkibit-balikat ito. “Ewan ko, pero mukhang maangas iyong babae na nakapulot. Baka kulitin ka na bigyan ng reward para sa pagbabalik sa wallet mo.”

Kumunot ang noo niya. ‘Maangas? Hindi naman gano’n iyong ugali noong babaeng unang nakapulot sa wallet ko.’

He waved his hand. “Sige na. Ako na ang bahala. Kailangan ko nang umalis, Benjie.”

Sumakay siya ng elevator at bumaba sa ground floor kung nasaan ang waiting lounge at reception area ng TV network. Tamang-tama at nagmamadali siyang umalis. Puwede niyang idahilan ang lakad sa Q.C. para tumanggi na magbigay ng reward money sa sinumang nakapulot sa wallet niya. Iniisip siguro ng taong iyon na mapera siya dahil news reporter siya, pero ang totoo ay baguhan pa lang siya at maliit pa ang kinikita. He could give a sincere thanks, but he has to be honest that he’s as financially unstable as the person who picked up his wallet and wanted a reward money out of it.

Lumapit agad si Resty sa receptionist area. “I am Resty. May naghahanap daw sa akin?”

Gulat na napasinghap ang babae. “Resty?”

He sighed. Malamang ay buong pangalan niya na nasa ID sa kaniyang wallet ang binaggit ng naghahanap sa kaniya. “Restituto Fondejar. That’s my name. May naghahanap daw sa akin?”

“Ah, yes. Pero noong tumawag ako sa department ninyo, umalis ka na raw—”

“Paano ba iyan, nandito na ako?” He smirked playfully even if he was getting impatient. Nagmamadali na kasi siyang makuha ang wallet at makabalik kay Lorena. “Nasaan na iyong naghahanap sa akin? Ibabalik daw ang wallet ko?”

“Baka nasa waiting lounge pa po. Ang sabi ko kasi roon sila maghintay.”

He smiled at her politely at tapped the desk twice. “Thank you.”

He passed by an open doorway and entered the waiting lounge surrounded by glass walls. Mula sa salaming mga pader ay kitang-kita ang berdeng-berde na mga halaman sa labas at ang dinadaanan ng mga sasakyan na palabas mula sa basement parking.

Resty found his target too easily. Ang dalawang ito lang naman kasi ang nasa waiting lounge at magkatabing nakaupo sa puting leather seat dito. Both were pretty women but his eyes focused on the face that was more familiar for him, the one that he met at the market earlier this morning.

This time, her layered, straight, black hair with a side fringe was tied into a low bun. She was wearing a pair of bell bottom jeans, pink slippers and a clay-colored, ribbed baby doll shirt. But the most breathtaking sight of them all were her long, thick, and dark lashes . . . her heavily lidded eyes, as if they were half-dipped in bliss. And her lips, plump and glossy.

Hindi niya napigilan ang mapangiti habang naglalakad palapit sa mga ito.

Alertong napatayo ang dalawang babae para salubungin siya. Magsasalita na sana ang babaeng tinititigan niya pero magalang na nagtaas siya ng isang kamay para pigilan nito.

“Sorry. Pero puwede bang sa kotse na lang natin pag-usapan ito? May sunog sa Commonwealth at kailangan ko nang pumunta roon—”

“Hindi na po namin kayo aabalahin pa,” wika ng babaeng naka-cap sa kaniya sabay abot nito sa kaniya ng wallet niya. “Ibabalik lang po namin ang nahulog ninyong wallet sa palengke.”

Nagtatakang tinanggap ni Resty ang wallet. His eyes studied the blonde-haired woman. Ito yata iyong sinasabi ng katrabaho niya na maangas. Pero boses lang naman nito ang maangas, ang tono kasi ng pananalita nito ay pormal at magalang.

Both women nodded at him.

“Sige po. Aalis na kami,” paalam ng blonde at hinila na nito ang kasama paalis.

“Wait!” sabay niya sa paglalakad ng mga ito. Nagkamali siya ng tinabihan, ang babaeng blonde, pero hindi bale na. “Hindi naman yata tama na bumiyahe kayo nang ganito kalayo para ibalik ang wallet ko, ’tapos hindi ko man lang masusuklian ang kabutihan ninyo.”

“Hindi na po kailangan,” sabi ng babaeng naka-cap. “Ang ipinunta lang naman namin dito ay ang pagbabalik sa wallet n’yo, bossing.”

“Hindi naman ako makapapayag na hindi makapagbayad sa utang-na-loob ko sa inyo. Sige na naman, sumabay na kayo sa kotse ko. Pagkatapos namin i-cover ng camera woman kong si Lorena ang sunog doon sa Commonwealth, ililibre ko kayo ng meryenda. Baka hindi pa kayo nakakakain dahil sa haba ng biniyahe ninyo.”

Nagkatinginan ang dalawang babae. Tila nag-usap ang mga ito gamit ang mga mata. Sinilip ni Resty ang magandang babae na mukhang malungkot kahit tumango ito at tipid na nginitian ang kasama nito.

“Hay, sige. Payag na kami. Pero doon sa mura ha? Ipera mo na lang iyong matitira para may pamasahe kami pauwi," prangkang saad ng naka-cap na blonde.

“Ano’ng pamasahe? Ihahatid ko na kayo mismo. Kahit sa sakayan na pinakamalapit sa barangay ninyo kung ayaw ninyong mapagtsismisan tayo ng mga kapitbahay ninyo,” natatawa niyang biro.

“Ang galing, a? Ang advance mo mag-isip, bossing,” ngisi ng babaeng naka-cap.

Tumigil sila sa tapat ng elevator. Resty pushed the ‘down’ button.

“Siyempre. Importante sa reporter na parehong mabilis ang utak at bunganga,” magaan niyang ngiti sa dalawa kahit nakatutok lang ang mga mata niya sa pinakatahimik sa mga ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top