7 - Lost and Found
UMANDAR na ang kotse. It was bound to take them to back to the hotel where Meika and her team were staying.
At first, Meika felt like she was having a private fan meet. Niyakap siya nang mahigpit ni Reka bago nakipag-selfie sa kaniya. After she requested to not upload the photos online yet, her daughter went on and on, talking about she loves her songs, how becoming her fan changed her life.
As she watched Reka’s enthusiastic tell-all about how much she admires her as an artist, Meika could not help feeling lonely. Witnessing how Reka views her as a diva brought it to her awareness that there’s this distance between them. Hindi niya malaman tuloy kung paano aaminin dito ang totoo.
Nang mapanakaw siya ng sulyap sa katabi ni Reka na si Trina, nahuli nito ang kaniyang mga mata. Tila nabasa nito ang kaniyang iniisip.
“Hindi talaga sila makapaniwala noong sabihin kong inspired ng kanta mong New Face iyong eggshell mosaic painting na ipinasa ko sa MAPEH class—”
“Reka,” tawag ni Trina sa dalagita. Napalingon tuloy ito sa babae na nakaupo sa tabi ng bintana. “Mukhang napapasarap ang pagkukuwento mo, a?”
“Oh, my gosh!” takip nito ng isang kamay sa bibig bago ibinalik ang tingin sa kaniya. “Sorry, Miss Jen! I . . . I said some Tagalog words. You understand them, right? I saw on Wikipedia that you’re a half-Filipina, righr?”
That Wikipedia page was made by Istela, her manager. And majority of the information there were well-crafted lies to protect her identity and private life.
Trina gave Meika this meaninful look. She was encouraging her to go ahead and tell the truth. Meika looked at her daughter so fondly, even if she was a little scared of what her reaction to the truth would be.
The truth, after all, isn’t what really hurts, but others’ reaction toward it.
“There’s a lot for you to know about me, Reka. Like for instance . . .” She took a deep breath and felt the pendant of her shell necklace. “I am your mother.”
Namilog ang mga mata nito. “Of course, mother!”
“Literal mother,” she clarified quickly.
Napamaang ito saglit. “But my real mommy . . .” Nagtatanong ang mga mata na nilingon ng dalagita ang Mommy Trina nito. “Sabi mo, makikipagkita ako today sa real mommy ko?”
Mommy Trina smiled at her softly and nodded.
“Hindi mo ba iyon sinabi lang para ma-surprise ako dahil hindi ko i-e-expect na si Jen Duh ang mami-meet ko? Totoo bang . . .” Natigilan ang dalagita nang tumango-tango agad si Mommy Trina.
Meika almost held her breath as she watched Reka slowly glance back at her.
Bahagyang naningkit ang mga mata nito. “If you are really my real mommy, paano kayo nag-meet ni Daddy?”
Nagulat siya sa tanong na iyon. At the same time, she was alarmed. Pinukulan niya ng nagtatakang tingin si Mommy Trina.
“Ako. Ako ang nagkuwento kay . . . kay Reka,” kabado nitong paliwanag sa kaniya.
Nang ibalik ni Meika ang tingin kay Reka ay nasaktuhan niyang napatingin ito kay Mommy Trina bago muling tumingin sa kaniya. Nagdududa ang mga mata nito habang pasimpleng sumisipsip sa straw ng kiwi fruit juice nito.
“Well . . .” Meika sighed. She thought that maybe, telling the story of how she first met and got together with Reka’s father would help convince her daughter that she’s her real mother. If this didn’t work, she wouldn’t mind taking a DNA test then. “Sige. I will tell you how I met your . . . father.” Gusto niyang maglagay ng mura bago banggitin ang salitang ‘father’ pero nangibabaw ang mother’s instinct niya. That instinct included doing something to protect her child. And she wanted to protect Reka from profanities.
Sumandal si Reka sa kinauupuan. Nakita niyang nag-aabang na ang mga mata nito sa kaniya kaya nagsimulang magkuwento si Meika.
Of course, she could remember everything so well. From the very first time she met Resty up to the very day that their relationship came crumbling down. Every detail were engraved deeply in her mind, but she would try her best to not tell Reka the things that a girl her age should not pay too much attention to yet. Like how passionate Resty had always been while taking her . . .
***
2006 . . .
THE sky was still a dark blue. Alas-kuwatro pa lang ay nasa biyahe na ang reporter at camerawoman nito. Alas-singko na nang makaparada ang kanilang sasakyan sa gilid ng kalsada ng isang mataong public wet market.
Resty Fondejar got down from his car. Mula sa pinto ng passenger seat ay lumabas ang camerawoman nito na si Lorena De Asis. They used to be college schoolmates, writers for the school paper. She was already twenty-eight and looked beautiful in her skinny jeans, straight sleekly ponytailed black hair, low cut canvas shoes, and red polo shirt. Masyadong seryoso ang mukha ng chinitang babae.
Meanwhile, Resty who was also twenty-eight years old, was brimming with this matured kind of charisma. He still has those low, bushy eyebrows, a big nose, brown penetrating eyes, and narrow lips. Pero sa mga panahong ito, hindi pa gaano nakai-intimidate ang hitsura at presensiya ni Resty. It must be because he wasn’t furrowing his eyebrows too much during this time. His hair was trimmed short, looking like little spikes on top his head while a reasonable inch of his hair above his both ears were razor shaved. Wala siyang oras para mag-gym bilang isang baguhang field reporter, ngunit matikas at matigas na ang pangangatawan. He had these square shoulders and popped out chest. It also helped that he has an impeccable fashion sense, because the way he wore bodyfitting V-neck shirts made him look ripped when he didn’t even have any rocky abs. The way the sleeves of his shirt hugged the natural form of his biceps made them look toned by exercise.
His waist was narrow, paralleling the wideness of his chest and torso. He always wore jeans and black V-necks, when he appears on TV. Apparently, their TV network’s company, particularly the news affair department, does not provide shirts or uniforms for a field reporter who has only been working for eight months.
Resty walked so briskly that his green crossbody bag began swinging. Habang naglalakad ay inilabas niya ang kaniyang Motorola flip phone mula sa bulsa. He was being followed by Lorena who has an ENG (Electronic News Gathering) camera hoisted on the camera support over her right shoulder.
Inilabas ni Resty ang itim na mikropono na may kahong natatatakan ng logo ng kanilang news show ang handle mula sa crossbody bag.
“Resty,” tabi sa kaniya ni Lorena. “Banda roon ang puwesto ng mga isda at karne.”
Sinundan niya ng tingin ang itinuturo ng mga mata ni Lorena bago siya tumango-tango. “Sige.”
Pumasok sila sa wet market na kabilaan ang mga estante para sa bawat nagtitinda ng mga isda at karne. Mamasa-masa rin ang makitid at sementadong daan na kanilang dinaraanan at wala silang pakialam kung maputikan niyon ang kanilang mga sapatos o ang dulo ng kanilang mga pantalon.
“Good morning po, mga boss,” magiliw na bati ni Resty sa mga tindero na magkakahanay ang puwesto. “Mamaya lang po, e, ipapalabas tayo sa TV. News reporter po kasi ako.” Nilingon niya si Lorena para ipakita sa mga tindero ang nito ang nakasabit sa leeg nito na news reporter ID nilang dalawa. “Okay lang po ba sa inyo na maipalabas kayo sa TV?”
Halo-halo at iba-iba ang sinabi ng mga tindero pero iisa lang naman ang ibig sabihin, pumapayag ang mga ito na maipalabas sa TV. Kitang-kita pa sa mukha ng mga ito ang excitement.
“Maraming salamat po. Mabilis lang naman po ito,” ani Resty bago hinarap si Lorena. “Boss Lorena, paano ba ang magiging puwesto natin?”
Sumilip ito sa flip-screen ng bitbit na camera. “Masikip itong daan, kaya pa-diagonal tayo. Bale dapat nakaharap ka lang palagi sa direksiyon ko at gagawin nating solo ng i-interview-hin mo ang frame sa camera.”
Mabilis niyang napick-up ang instruksiyon ni Lorena. “Sige. Pupuwesto na ako.”
Tumayo siya sa tabi ng isang puwesto na nalalatagan ng sariwang mga isda. Sa likuran ng mga ito nakatayo ang tindero nito na isang may katandaan nang lalaki na bilugan ang katawan. Binigyan niya ng maikling briefing ang mga tindero, lalo na ang tungkol sa posibilidad na hindi lahat ay maipapakita sa TV dahil puwede silang ma-edit out bago i-ere ang interview.
Panay naman ang senyales ng isang kamay ni Lorena para pag-adjust-in siya ng posisyon hanggang sa makuha na nila pareho ang tamang anggulo para sa camera.
On Lorena’s cue, itinutok ni Resty ang tingin sa camera. Ang ilan sa mga mamimili ay naipon sa magkabilang-gilid dahil hindi na makadaan sa makipot na lakaran kung saan mahahagip ang mga ito ng camera. Ang iba naman umikot para mag-iba ng daan palabas ng wet market, at ang natitira ay nanatili sa kinatatayuan para makiusyoso sa pagbabalita ni Resty.
Lorena recorded Resty’s opening spiel, followed by his interview with three of the fish vendors, and two meat and pork vendors. Nang matapos ay iniwan na ito ni Resty sa loob ng wet market. May kailangan pa kasing i-video si Lorena para sa graphics ng kanilang news report.
“Mamà! Mamà!” tawag ng kung sino mula sa kaniyang likuran.
Sakto namang nasa tapat na siya ng kotse niyang nakaparada sa tapat ng sidewalk nang lingunin ito. He was slightly stiff and breathless. Naghalo ang pagka-alerto at pagkamangha niya malingunan ang isang dalaga. She looked like his age and has four B’s—a black shiny hair so straight, big breasts, brown skin, and brown eyes. All her features fell into place, making her beauty so ethereal, goddess-like in her cropped jeans and three layers of white, green and pink tank tops. Her black hair was cut into a layer with a side fringe that slightly covered her left eye.
“Mamà!” tawag nito sa kaniya nang makalapit.
“Mamà? You should call me, ‘Papa,’” he grinned. He immediately shook his head but could not really shake away the smile on his lips. “I mean, hello—”
She did not greet him back. Sa halip, inabot nito agad sa kaniya ang isang itim na leather wallet. “Nahulog po ninyo.”
Kinapa ni Resty ang kaniyang back pockets. Lumapad ang ngiti niya nang makumpirmang nahulugan nga siya ng wallet. Tinanggap niya ang wallet na inabot ng dalaga. “Thank you, Miss . . .”
He intentionally trailed off, expecting her to add her name to his sentence but she didn’t. She just gave him one nod and turned away.
Maagap niyang hinablot ang babae sa braso. Napaikot tuloy ito paharap uli sa kaniya.
“B-Bakit?” kunot-noo nito sa kaniya.
Resty stared at his hand that gripped her hand gently. Fuck it. Her skin was so cool and smooth. He seemed lost for a moment for a bit, stroked the under of her arm with a thumb before he came back to his senses. He realized that strangers shouldn’t be touching a woman like this. Tila napapasong binitiwan niya ang braso ng babae.
“Pasensiya na sa paghila sa ’yo,” aniya habang nakatingin sa hawak niyang wallet. Nahihiya siya sa inakto kaya hindi makatingin sa nakaabang na mga mata ng dalaga. At the same time, he was rushing to come up with a reason why he pulled her back. “Kailangan ko lang makasigurado . . .” aniya nang makaisip ng idadahilan kung bakit hinila ito pabalik. Binuklat ni Resty ang kaniyang wallet.
“Hoy, wala akong kinupit d’yan!” depensa nito.
“Hindi naman sa pang-aakusa, I just have to be sure.” He was done checking his wallet. It was fast because a newbie like him has more bills to pay than cards and money bills in his wallet. “Okay. Wala ngang kulang dito. Thank you again, Miss . . .”
Pinanliitan lang siya nito ng mga mata bago tumalikod para umalis na.
“Miss, saglit—”
Napipikon na humarap ito. “Ano pa po ba ang kailangan ninyo? Kailangan ko nang mamalengke.”
His mind worked as fast as lightning. “I’m a news reporter. Puwede ka bang ma-interview?”
“Interview?” nagdududa nitong tanong.
“Yes. Gusto ko lang makakuha ng pov mula sa ilan sa mga mamimili tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.”
Gulat na napasinghap ito. “Nagmahal na naman? Nitong nakaraang linggo, nagtaas na ng presyo ang mga bilihin, a?”
“Well, natural lang naman sa mga bagay-bagay ang magmahal—” Resty winced the soonest he realized how weird his statement sounded. “I . . . I mean, last week, bigas ang nagmahal. Ngayon, mga isda at karne. Baka next week tayo naman.”
“Tayo?”
“Tayo naman ang—” He was internally cussing himself. Bakit kasi ang kalat niya sa harapan pa ng magandang babae na ito? Gusto na niyang lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan. Hindi na yata kasi utak niya ang kaniyang gamit sa pagkausap dito, kundi puso. But double fuck. Ano ito, love at first sight? That’s the stupidest kind of love, because how could you tell you’re in love with a person you don’t even know the name? And yet here he was, internally panicking . . .
“Resty?” silip ni Lorena sa kaniya mula sa malayo. Nakaharang kasi sa line of sight ng camerawoman ang dalagang kausap niya.
“Ah, Lorena! My knight in shining armor!” masiglang kaway niya rito para bilisan ang paglapit sa kanila.
Lorena gave him that bored, lifeless look. Ganoon makatingin sa kaniya ang katrabaho kapag may suspetsa ito na may ginawa na naman siyang kalokohan.
“O, Resty, sino itong—” sulyap nito sa magandang babae na kausap niya.
“A, Lorena, i-on mo ang camera mo, dali,” bulsa ni Resty wallet bago inilabag mula sa crossbody bag ang kaniyang mikropono. “I had an idea. Kunin din natin ang opinyon ng mga mamimili tungkol sa pagtaas ng mga presyo.”
“Is that really necessary, Resty? Kasi alam na naman natin ang magiging reaksiyon ng mga mamimili sa pagtaas ng—” sumulyap uli ito sa babae. “A, miss, sorry. Kakausapin ko lang saglit.”
The woman waved her hand. “Ayoko ma-interview. Mamamalengke na ako.”
Napamaang na lang siya nang lumayo na ito. Nang nakapasok na ito sa wet market, piningot siya agad ni Lorena sa tainga.
“Ikaw talaga, Resty, umagang-umaga umaandar ang pagkamalantod mo! Alam mo namang bago mag alas-sais dapat nasa studio na itong recording ng report natin dahil dadaan pa ito sa editing at ipapalabas sa TV ng alas-siyete ngayong umaga!”
Napadaing siya nang hilain ni Lorena sa tainga pasakay sa kotse.
“Lorena, ano ka ba? Hindi kita nanay, huwag mo akong pingutin!”
“Parang nanay mo na rin ako dahil para akong nag-aalaga ng paslit sa sobrang kakulitan mo! My God, Resty, are you really a twenty-eight year old?” bitiw nito sa tainga niya sabay sara sa pinto ng kotse sa kaniyang tabi. Lorena put her camera securely in the back seat before sitting in the driver’s seat.
Ilang minuto na silang nasa biyahe nang kapkapan ni Resty ang sarili.
“Lorena, where’s my wallet?” kabadong tanong niya rito.
“Aba, malay ko,” sagot nito, kalmado na at nasa daan ang tingin habang hawak ang manibela.
“Baka nahulog ko kanina bago makasakay ng kotse. Hindi ko yata nasuksok nang mabuti sa bulsa ko kanina.”
“Then what? Babalik na naman tayo sa palengke? Magagahol tayo sa oras, Resty!”
“Ang yaman-yaman n’yo naman kasi Lorena, bakit hindi ka manghingi ng laptop sa tatay mo para ie-email na lang natin iyong mga report natin?”
“Hah. Do you even know the words ‘independent’ and ‘responsible?’ Twenty-eight na ako, may sariling trabaho at apartment ’tapos aasa pa rin ako sa mga magulang ko?”
Napasimangot siya. “Puwede mo namang i-request na laptop ang iregalo sa ’yo sa birthday mo.” Sinilip niya na ang ilalim ng dashboard at upuan. Pati na rin ang sulok sa pagitan ng upuan niya at pinto ng kotse. “Lorena, baka naman itinatago mo ang wallet ko. Imposibleng hindi mo nakitang nahulog iyon mula sa bulsa ko nang pinasakay mo ako rito sa kotse.”
“Hindi ko nga nakita kung saan nahulog, Resty, okay? Just forget it. Four hundred pesos lang naman ang laman no’n. Grabe, Resty, nakakahiya ka. Porma ka ng porma sa mga chicks tapos four hundred lang ang laman ng wallet mo.” Pigil nito ang matawa.
“Ha. Ha.” Pinanliitan niya ito ng mga mata.
Samantala, sa palengke ay napakamot saglit ng ulo ang dalaga na nakapulot kanina sa wallet ni Resty.
“Pakibawasan nga ng isa,” pakiusap nito sa tindero ng isda.
Kumuha ng isang isda mula sa plastik na nakapatong sa kiluhan ang tindero. “Three fifty na lang, hija.”
Napalabi ang dalaga. Kukulangin pa rin ako nito . . .
“Meika!” tawag ng kung sino.
Napalingon si Meika at nakita ang paglapit dito ng nobyo nitong si Eli. Eli has prominent muscles, round in their places, and yet his frame and bone structure was thin. Medyo magulo pa ang maikli nitong buhok at gusot ang button-down white-striped polo shirt na itinerno nito sa malaking itim na basketball jersey shorts.
“Eli, naku, salamat nandito ka!”
“Bakit?” kamot nito sa ilong bago kinamot ang kaliwang braso.
“Kukulangin kasi ako. Puwede ba manghiram ng kahit one hundred lang?”
Nagliwanag ang mukha nito. Medyo maaaninag ang tahimik na pagyayabang sa mga mata at ngiti nito.
“A, tamang-tama. Kakasuweldo ko lang, baby!” Inilabas nito ang itim na leather wallet mula sa bulsa ng malaking jersey shorts nito.
Nanlaki ang mga mata ni Meika. Parang pamilyar kasi ang wallet. Hindi inasahan ni Eli ang paghablot ng dalaga rito kaya hindi na nito napigilan nang silipin nito ang loob ng wallet.
May nakasuksok sa wallet na isang debit card at litrato ng isang mag-nanay. Mukha ng reporter na nakausap ni Meika kanina ang nasa litrato. Bahagyang nakayuko ang lalaki para yakapin sa mga balikat mula sa likuran ang nanay nito na seryosong-seryoso at kulot ang maikling buhok na ka-istilo ng kay Susan Roces noong 1950’s.
Pinukulan ni Meika ng matalim na tingin si Eli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top