5 - Invitation
MAY isang bahay sa Marikina na tatlo ang palapag at may rooftop na maraming mga halaman at chicken wire na bakod. Dikit na dikit ito sa dalawang kalapit-bahay na isa at dalawa lang ang mga palapag dahil sinagad ng mga may-ari ang pagsakop sa espasyo ng lupain nila sa isang subdivision. Dahil makitid, wala nang iba pang paraan para mapaluwag ang bahay kundi ang magdagdag ng dalawa pang palapag dito.
Nasa unang palapag ang isang maliit na gate patungo sa hagdan na ginagamit para marating ang dalawang mas mataas na mga palapag. Narito din ang isang de-aircon at de-sliding door na salon. Nasa ikalawang palapag naman ang sala, banyo, at kusina. Sa ikatlong palapag ng bahay na ito matatagpuan ang isa sa mga silid tulugan na powder blue ang theme color mula sa mga unan at bedsheet, hanggang sa mga gamit na naka-setup sa study table nito.
Ang silid na ito ay pagma-may-ari ng isang dose anyos na dalagita—si Reka.
She has beautiful black hair, silky and straight. Alagang-alaga ito lalo na at libre itong nakakapagpa-salon sa beauty salon sa unang palapag ng bahay. Hindi naman ginagamitan ng harsh chemicals ang buhok ni Reka, lalo na at hindi naman kailangan, kaya walang dapat ipag-alala. Her skin was smooth and brown. She has a round body shape—chubby, not stout—that wore a pale blue pajamas and a loose scoop neck white shirt with powder blue neck and sleeve rings. The roundness of her delicate face with thin, bow-curved brows, pouty pinkish lips, and sleepy-looking eyes made her look more delicate and baby-faced.
Kasalukuyang nakaupo sa tabi ng saradong dark-tinted na sliding window si Reka Fondejar. Nakasuot siya ng purple cat-ear headphones na umiilaw-ilaw at nakikinig sa isang ballad song habang sinasabayan ito ng pagkanta.
“. . . and if I wait, will it even matter? If I wait, will it be worth it? If I wait to be saved . . . will I ever taste this freedom that’s in my hands right now?” Her mouth suddenly dropped open. Natanaw niya kasi ang pagguhit ng dalawang linya ng liwanag mula sa bandang kaliwa ng kalsada.
Unti-unting lumaki ang ilaw at humalili rito ang isang itim na kotse. All at once, Reka knew that her father has arrived.
In-on ni Reka ang hawak na smartphone at nabasa mula sa screen nito na mag-a-alas-dose na ng gabi. Her father arrived early. Kadalasan kasi ay inaabot na ito ng madaling araw mula sa biyahe. Tuwing Biyernes kasi, pagkatapos nito mag-broadcast sa studio tuwing gabi ay naghahapunan pa ito bago bumisita sa kaniya.
Naihilig ni Reka ang ulo at ini-pause agad ang music player. Ibinaba niya ang mga paa na nakapatong sa cushioned bench sa tabi ng bintana. Tatayao na sana siya nang biglang may kumatok sa pinto.
Reka rushed to the door and opened it. Bumungad sa kaniya ang kaniyang Mommy Trina. Nakasuot ito ng itim na tank top at bulaklaking shorts na halos kumikiskis ang mga dulo sa tuhod nito. Tinutuyo pa nito ng tuwalya ang basang mahabang buhok.
“Reka, abangan mo na sa ’baba ang daddy mo,” nagmamadaling bilin nito sa kaniya. “Huwag mong paghintayin at alam mo namang uuwi rin agad iyon pagkatapos ninyong magkita.”
She nodded in response and closed the door of her bedroom. Lumabas siya sa isang pinto, bumaba sa hagdan at binuksan ang pinto para sa ikalawang palapag. Pagkarating sa sala at napaungot siya. Nakalimutan niya kasing buksan ang gate. Hindi naman kasi ipinaalala iyon sa kaniya ni Mommy Trina. Lumabas tuloy uli siya at bumaba ng hagdan hanggang marating ang gate. Habang binubuksan ito ay tumayo sa harap nito, mula sa labas, ang malaking bulto ng isang lalaki. He was wearing a black hoodie, but Reka could already tell that it was his father.
Bahagyang nagyuko siya ng ulo nang mabuksan ang gate. She stepped aside so that her father could get in. He stepped in quickly and climbed the stairs ahead. Nagmamadali tuloy na ini-lock ni Reka ang gate para masundan agad ang ama sa sala.
Nang makarating sila sa sala, tinanggal agad ni Resty Fondejar ang hood sa ulo. He looked around as he walked to the black leather sofa. Samantala, papasok pa lang si Reka sa sala nang madatnan ni Mommy Trina na pababa ng hagdan.
“Reka,” pabulong nitong tawag sa kaniya habang nagmamadaling nagsusuklay ng buhok.
Nilingon niya ito. Bahagyang tumingala si Reka dahil nakatayo sa mas mataas na baitang ng hagdan si Mommy Trina.
“Iyong bilin ko. Huwag mong ikukuwento sa daddy mo na may pumuntang Miss Buena rito, ha?”
Napipilitang tumango si Reka bilang tugon dito. Tila nakahinga naman ng maluwag si Mommy Trina.
“Sige, puntahan mo na ang daddy mo. Susunod ako.”
Pumasok na siya sa pinto at nadatnan ang kaniyang ama—si Resty Fondejar—na nakaupo sa sofa. He looked impeccable in his black hoodie and dark blue jeans. His white shoes looked so clean, an obvious sign that he has never walked the streets, just the hallways of buildings. What is the need to walk the streets? He has his own car. As a journalist he was promoted into being a resident news anchor five years ago so he only works inside a studio, not in the field anymore.
Umupo si Reka sa tabi ng kaniyang ama. “Hi, Daddy.”
He smiled at her. She knew it was genuine, because as usual, there was this spark in her father’s eyes. But what bothers her was how tired he looked as well. His weariness made his genuine smile lackluster.
Resty stretched out an arm, resting it on top of the sofa’s back rest, then reached for the side of her head. Marahan nitong hinagod ang kaniyang buhok, sa bandang kaliwa ng kaniyang ulo. Magalang naman niyang nginitian ang ama.
“How are you?” he asked in a soft voice.
Nakakapanibago minsan ang boses nito dahil narinig na niya kung paano magsalita ang kaniyang ama sa TV. He sounded so authoritative and intimidating. His voice was moderate, but he sounded like he was shouting at his audience. In fact, he seemed like a very different person. Dahil doon, tumigil na siya sa panonood ng mga news show na kinabibilangan ng kaniyang ama. Ayaw na niyang mapanood ito sa TV dahil mas gusto niyang tumimo sa kaniyang isipan at alaala ang bersiyon na ito ng kaniyang ama—iyong malumanay magsalita at mukhang nanlalambot sa pagod.
“Ayos lang naman po.”
“Pareho tayong walang pasok bukas,” paalala nito. “Saan mo gustong mamasyal?”
Napalabi siya. “Puwede po bang doon na lang tayo sa house mo? Gusto ko mag-swim sa swimming pool mo.”
Lumapad ang ngiti nito, pero ang mga mata nito ay tila nakatingin sa kawalan. Kulang na lang ay tumagos ang mga ito sa parte ng sofa na nasa pagitan nila. Nagtataka tuloy si Reka kung ano ang iniisip nito. Mukhang nagdadalawang-isip yata ang kaniyang ama na dalhin sa bahay na tinitirahan nito.
“Pagkatapos natin mamasyal, puwede ka mag-overnight doon, anak,” sulyap nito saglit sa kaniya bago tila na-distract na naman at tumingin sa kawalan. “Pero bago tayo umuwi sa bahay ko, saan mo muna gustong . . .” He got distracted by his thoughts again. He stared past his shoulder before glancing back at her. “. . . mamasyal?”
She narrowed her eyes at him. “Ikaw ba, Daddy? Parang namamasyal kasi ang isip mo.”
Naguguluhang napatingin ito sa kaniya. In spite of the confusion in his eyes, an amused smile played on his lips. “Namamasyal ang isip?” tila pigil nito ang matawa.
“Kasi kung saan-saan ka natutulala, Daddy.”
Hindi ito makapaniwala. “I’m staring? Where?”
“At nowhere, Dad!” panlalaki niya ng mga mata rito.
Tumuwid ng pagkakaupo si Resty. “Reka, just answer my question.”
She leaned her lower back against the arm rest of the sofa and faced her father’s direction. Humalukipkip pa siya. “Ayokong mamasyal, Daddy. Kasi, tuwing namamasyal tayo, para tayong nagtatagu-taguan.”
He groaned. “Alam mo naman kung bakit hindi dapat makita itong daddy mo ng mga tao sa public places.”
She raised a thumb. “One, dahil baka pagkaguluhan ka ng mga magpapa-picture sa ’yo.” Then, she raised a point finger. “Two, dahil hindi natin puwedeng sagutin iyong mga posibleng magtanong kung sino itong bata na kasa-kasama mo.”
He nodded. “Exactly.” Bahagyang ginulo pa nito ang buhok sa tuktok ng kaniyang ulo. Napaungot tuloy si Reka. “Smart girl!”
“Daaad! Kakasuklay ko lang ng hair ko!” reklamo niya sabay tapik sa kamay nito na may palad na sakop na ang kaniyang buong bunbunan.
Magaan na natawa si Resty. “Sorry! Sorry!” Then, he gave her an admiring stare. Animo’y proud na proud ito sa kaniya sa hindi malamang dahilan. “Mag-park tayo? Let’s bike?”
Napailing si Reka. “Ayoko, Daddy.”
“I know, hindi mo pa nata-try iyon. But why not try something new? Marunong ka naman mag-bike.”
“Gusto ko lang ng nakaka-relax, Daddy. Ayoko magpagod.”
“Ayaw magpagod pero gusto mag-swimming?” paalala nito sa suhestiyon niyang mag-swimming sa pool sa bahay nito.
“Hindi naman, swimming na swimming ang gagawin ko. Lulublob lang ako sa pool!”
Malutong ang maging pagtawa nito. Napatingala pa ito saglit. “Lulublob? E, ’di sa batya ka na lang mag-swimming!”
“Daaaad,” inarte ni Reka. Kulang na lang ay magpapapadyak siya habang nagpipigil ng tawa. “Tigilan mo na nga ang pagda-dad jokes. Ang corny!”
Napapailing na natawa lang ito. Bahagyang humina ang boses dahil tila naabutan na ito ng pisikal na pagod. “Fine. Staycation. At my house then.”
“Yipeee!” palakpak niya na napahinto agad nang seryosong boses ni Resty.
“Reka.”
“Po?”
He stared at her for a few seconds more before responding. “Kumusta naman ang trato sa ’yo ng Mommy Trina mo rito?”
She shrugged her shoulders. “Gano’n pa rin naman, daddy. Okay na okay. Palagi akong may libreng salon, kaya lagi akong pretty.”
They both laughed gently.
Then, Resty took in a deep breath. Hindi maunawaan ni Reka kung bakit parang kanina pa may gustong sabihin ang kaniyang ama pero hindi malaman kung papaano. She could tell because he had been distracted since he came here, staring at nowhere . . .
“Alam mo na ba?” tila may kalakip na kaba sa boses nito.
“Ang alin?” hilig niya ng ulo habang nakaabang sa sasabihin nito.
“Nandito sa Pinas si Jen Duh.”
She almost squealed. Mabuti at napigilan niya ang sarili. “It’s not ‘Jen Duh,’ Daddy! It’s Jen Duuuh!” inartehan niya ang pagkakasabi ng huling ‘Duh.’Itinukod niya ang mga kamay sa sofa, sa magkabilang gilid niya. “Bakit mo nabanggit, Daddy? Bibilhan mo ba ako ng tickets?”
Namilog ang mga mata nito. “Tickets?”
“E, sabi mo, narito siya, ’di ba? Ibig sabihin, magko-concert siya rito!” At hindi na nga niya napigilan ang tumili nang pagkahaba-haba habang nagpapapadyak at hawak ang magkabilang-pisngi.
Hindi mawarian kung kinakabahan ba o natatawa si Resty. His eyes looked around though. Nag-aalala siguro na baka mabulahaw ang mga kapitbahay sa sunod-sunod na pagtili ng dalagita nitong anak. He raised his hands, gesturing them for Reka to lower her voice, or rather, stop from squealing.
“Daddy! Mami-meet ko na ba siya? I should be there, Daddy! Kasi kung sakali, unang concert niya ito sa Pilipinas!” At tumili na naman siya sa galak.
Hindi maipaliwanag ni Reka ang mararamdaman. She has never felt as thrilled as this about a celebrity, or to be specific, a diva singer. Not so long ago, she would roll her eyes at her classmates who obsess over their stans—from pop groups into solo singers and musicians. In her opinion, the fan behavior was too much. Who knew that she would get to experience and understand why a fan behaves this way?
“Anak, listen,” nakangiting hawak ni Resty sa magkabila niyang mga balikat bago binitiwan ang mga ito. “Hindi pa namin alam kung magko-concert siya rito. Kanina sa TV, ibinalita lang na ayon sa manager niya, bibisita raw sila rito sa Pilipinas.”
Mabilis na nanlambot si Reka. “Kailan daw po? At saka, kung hindi nila sinabing may concert, bakit daw sila pupunta rito?”
“Vacation daw. And I’ll quote, ‘Jen is planning to revisit her roots while taking a break from making music.’”
Parehong nalaglag ang kaniyang panga at mga balikat. “What, daddy? No . . .” her voice faded. Stop making music? Bakit?
He nodded his head seriously.
“Kaya ba parang ang weird mo kanina? Nandito ka para dalhan ako ng bad news! I hate you!” maktol niya rito habang nagkakandahaba ang nguso. Humalukipkip pa siya at nag-iwas ng tingin dito. Mabuti na lang at dumating dito iyong Miss Buena. Kung hindi ko mami-meet si Jen Duh, mami-meet ko naman bukas ang mommy ko! Ang tunay kong mommy!
Dumating naman sa sala si Mommy Trina. Nakalugay ang hanggang siko nitong buhok dahil basa pa. Pinatungan nito ng pulang jersey shirt ang suot na tank top kanina.
“Good evening, Sir Fondejar.”
Resty nodded once. “Hello, Trina.”
Umupo si Mommy Trina sa solohang sofa. “Kumusta ang biyahe, sir?”
“Maayos naman.” He clasped his hands white his elbows rested on his knees. “Oo nga pala, pakisigurado na kumpleto ang mga gamit na ieempake ni Reka para bukas. Mamamasyal kasi kami at doon siya matutulog sa bahay ko.”
Namilog ang malalalim na mga mata nito. “Bukas? Anong oras, sir?”
“Eight a.m.?” Nilingon si Reka ng kaniyang ama at binigyan ng nagtatanong na tingin. Kinakabahan na napatingin naman siya kay Mommy Trina. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin. Bukas kasi ay magkikita rin nga pala ng mommy niya . . . ng tunay niyang mommy!
“Sir,” maagap na salo sa kaniya ni Mommy Trina, “kung okay lang, bukas ng hapon mo na lang ipasundo rito si Reka. Kahit Sunday ng gabi na siya makauwi rito.”
Nagtatakang inilipat ni Resty ang tingin dito. Kabadong nakaabang naman si Reka sa kalalabasan ng usapan ng dalawang mas matanda sa kaniya.
“Bakit hapon? May mga activity ba sa school si Reka bukas? On a Saturday?” kunot ng noo nito.
Nahuli ni Reka na bahagyang napalunok si Mommy Trina bago nakasagot. “K-Kasi, bukas ng umaga, bibisita rito ang nanay ninyo.”
“Bukas ng umaga?” pagtataka niya.
Mabilis itong tumango.
“That’s odd. Tuwing Wednesday siya bumibisita rito, hindi ba?”
“E, baka nag-iiba ng routine . . . para hindi ninyo mahalata siguro?”
Resty looked away to probably think. Mabilis din naman itong natapos. Nagpalipat-lipat ang mapanuri nitong mga mata sa kaniya at kay Mommy Trina.
“Alas-kuwatro ng hapon?”
Mommy Trina looked at her. Napatingin na rin tuloy sa kaniya ang ama niya. Masiglang tumango-tango si Reka at nginitian ang mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top