15 - Ticket
NAKAKAWIT ang braso ni Meika kay Trina habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Papunta sila sa kabilang barangay kung saan nakatira ang best friend niya dahil mayroong inuman bilang selebrasyon ng kaarawan ni Mami Karl. It wasn’t that big or too formal, so she did not bother dressing up that much. Kung naka-tokong jeans at tank top si Trina na napapatungan ng oversized yellow basketball jersey, siya naman ay naka-itim na bulaklaking shorts lang at spaghetti-strapped tiered ruffle top na kulay pink. Nakalugay ang itim niyang layered na buhok na may side fringe.
It was already September. Makalipas ang lagpas isang buwan ay nakaraos kahit papaano sina Mami Karl at Trina mula sa trahedyang hatid ng pagkakasunog ng bahay at beauty parlor ng mga ito. Kaya naman talagang dapat mag-celebrate ang mga ito para sa ipinagkaloob ng Diyos na ikalawang buhay at panibagong taon sa buhay nila, lalo na ni Mami Karl.
Nang marating ang maliit na up-and-down na bahay ay masisilip na sa loob ng beauty parlor sa ibaba nito ang mga bisita ni Mami Karl. Bukas ang transparent glass sliding door nito kaya rinig na rinig ang kanilang halakhakan. Nagmistulang isang mamahaling sala ang maliit na waiting lounge ng parlor kung saan prenteng nakaupo sa mga leather sofa at ilang monobloc chair ang mga tao rito. Nagsiksikan ang mga ito sa isang sulok dahil nakatalaga ang kabilang sulok ng espasyong iyon para sa pupuwestuhan ng maliit na videoke machine na nirenta at hinihintay na lang na maidala sa parlor.
Ang ikinabigla ni Meika ay ang presensiya roon ni Resty. Nakaupo sa arm rest katabi nito si Mami Karl. Para bang anak nito si Resty kung subuan ng isang stick ng isaw o inihaw na bituka ng manok habang tuwang-tuwang naghalakhakan at nagtilian ang tatlo pang bakla na mga staff nito sa beauty parlor na kanilang kasama.
Ang tatlong parlorista ay sina Beki, Nini, at Diyosa. Mala-krema ang kulay ng balat ni Nini. Ang makinis nitong kutis din ang paborito nitong parte ng katawan kaya mahilig mag-short shorts at spaghetti top ang bakla katulad ng suot nito sa pagkakataong ito na denim short shorts at yellow spaghetti tank top. Unat na unat ang itim nitong buhok. Her lips were tinted red and her eyebrows were thin and sharp, making her look strict. Personality na nito ang magtaray-tarayan bilang pagbibiro.
Mahinhin naman si Diyosa. Tahimik at laging talaga ‘I second the motion’ sa mga sinasabi ng mga kaibigan nitong parlorista. Naka-jeans ito at fitting graphic T-shirt na pink. Naka-bob cut ang blond nitong buhok at walang makeup sa mukha. His upper lip protruded a bit because her upper teeth were big. Bilugan at maamo ang mga mata nito, at malinis ang pagkaka-pluck ng manipis nitong kilay.
Si Beki naman ang pinakamasayahin sa tatlo. Ito rin ang pinakamadaldal. Hindi ito mapirmi sa puwesto kaya palaging may ginagawa kapag nakadadaupang-palad. Gayunpaman, palagi itong nagme-make time para makipagdaldalan. Naka-short shorts ito at puting crop top shirt kaya minsan ay sumisilip ang pusod nito. Malaki ang mga mata at ilong nito at malapad ang manipis na mga labi. Katulad ni Diyosa ay morena ang balat nito at makinis pero maikli ang buhok nito, kapareho lang ng hair cut ng kay Resty.
Bago nasunugan ng bahay, si Mami Karl at Trina lang ang tumatao sa beauty parlor. Ngunit dahil sa kakulangan ng maipangpupuhunan, at nagkataon na nasunugan at kailangan din ng mapagkakakitaan, naging magkakasosyo ang apat na bakla para maipatayo uli ang beauty parlor.
“Huwag kayong mga malisyosa! Anak ko na ’tong si Resty, ’no?” natatawang panlalaki ng mga mata ni Mami Karl sa nanunuksong mga kaibigan ito. Sa okasyong ito, naka-shorts at may kaluwagang orange T-shirt lang si Mami Karl. Pang-emo ang hair cut ng bagsak nitong itim na buhok na may mahabang side fringe na halos tumakip sa kaliwa ng mukha nito kaya inipit nito ang fringe para makakita nang maayos gamit ang isang pink na headband.
“May pasubo pa kasi ng isaw, e, binata na iyang junakis mo!” halakhak ng isa sa mga bisita.
When Meika glanced at Trina, she caught her friend rolling her eyes.
“Ano’ng anak niya na si Resty?” naguguluhang pabulong na tanong ni Meika rito.
“Simula lang naman nang bumalik na ako sa pagtatrabaho rito sa parlor, tumatambay na rin dito si Resty,” naiiling at seryosong paliwanag ni Trina sa kaniya, pabulong din. “Naaliw naman si Mami sa kaniya kaya parang inampon niya na si Resty.”
“Baka type ka ni Resty?” pigil niya ang matawa kaya napangisi nang sabihin iyon kay Trina. “Grabe, sinundan ka talaga niya hanggang dito?”
“Sira! Hindi, no! Tumatambay rito ’yan para makipagtsismisan kina Mami at sa mga parlorista niya. Simula nang maging close sila ni Mami, sila na ang laging magkatsismisan. Kung hindi si Mami, si Beki ang kaututang-dila niyan.”
Napalabi si Meika. “Tsismoso talaga. Bagay talaga maging reporter.”
“Nakikinood pa iyan ng TV dito tuwing gabi. Wala raw siyang TV sa apartment niya.”
Napatingin sa direksiyon nila ang isa sa mga beautician na si Beki at masiglang kumaway sa kanila kaya napatingin na rin sa kanila ang mga kasama nito.
“Ano’ng hinihintay n’yo r’yan? Pasko? Tara na rito, Trina! Meika!”
Nagkatinginan silang magkaibigan bago nilapitan ang mga ito.
“O, tamang-tama, narito na iyong mga pinabili ko kay Beki na mga inihaw,” ani Mami Karla sa kanila patungkol sa nakaplastik na mga isaw na nakapatong sa parihabang plato sa ibabaw ng mesita. Ang isa sa mga bakla na si Nini ay umalis mula sa tabi ni Resty at hinila si Meika sa mga balikat para umupo sa tabi nito. Trina immediately sat beside her.
Dahil maliit lang ang leather couch ay pumuwesto sa magkakatabing monobloc chairs ang mga parlorista ni Mami Karl. Lahat sila ay nakapalipot sa mesita na may mga lumang magazine pang nakapatong sa ilalim nito.
“Ay, mother, nandito na naman tayong lahat kaya ilalabas ko na ang mga beer sa ref!” prisinta ni Beki.
“Uhaw na uhaw, ’day?” Natatawang tumayo na mula sa pagkakaupo sa arm rest si Mami Karl. “Sige na nga, ilabas mo na. Aabangan ko naman muna sa labas iyong videoke.” Bago makalabas ng sliding door ay nilingon pa sila ng mga ito. “Trina, ikaw muna ang bahala sa mga bisita!”
“Sige, Mami,” sagot dito ng kaniyang kaibigan.
Paglingon ni Trina sa kaniya ay naunahan ito ni Resty sa pagsasalita.
“Isaw?” angat ni Resty sa isang stick ng isaw na inaalok nito sa kaniya habang nakaipit sa gilid ng labi nito ang kinakain pa na isang stick ng isaw.
“Salamat,” tanggap ni Meika rito.
Resty held his own stick of grilled chicken intestine and resumed eating it. Tahimik naman kumuha si Trina ng sarili nitong stick.
“Sawsawan?” hanap nito sa sawsawan pero walang sumagot sa tanong nito nang makitang nakuha na nito ang isang plastic ng suka na may hiniwang sibuyas at pula at berdeng sili na nakahalo. Napansin nito na may ikalawa pang plastik kaya dinampot na rin iyon ni Trina.
Tumayo ito saglit bitbit ang sarili nitong stick ng isaw at ang dalawang plastik ng sawsawan para kumuha ng bowl na masasalinan ng sawsawan.
“O, baka maubos n’yo ’yan, ha?” pabirong pagtataray ni Nini sa kanila. “Hindi pa tayo nag-aalak, ha? Ipangpupulutan pa iyan!”
“Ano ka ba naman, Nini, konti lang naman,” nakangiting depensa ni Resty para sa kanila. “Mabuti na ang may laman ang tiyan bago tumoma kaysa wala.”
“Dapat kasi kumain na kayo bago pumunta rito.”
“E, handaan nga ang ipinunta rito, kaya bakit kakain pa sa bahay?” tawa ni Resty.
“Ang takaw mo talaga!” tawa nito, lalo na ng katabi nitong si Diyosa na ipinangtakip sa bibig nito ang kamay na may mahahaba at nail polished na mga kuko.
“Oy, Nini!” silip sa kanila ni Beki mula sa pinto papasok sa bahay mismo nina Mami Karl. “Tulungan n’yo ’ko ilabas ang mga handa!”
“Oo na, bakla, itechiwa na ang ate mo. Kekendeng na papunta r’yan!” talima agad ni Nini at walang paalam na pinuntahan si Beki.
Tahimik namang sumunod si Diyosa sa mga kaibigan nito.
Meika lowered her eyes on the stick she was holding. Isang kagat pa lang ang nagagawa niya sa isaw pero halos mangalahati na ito.
“Kumuha ka pa rito,” narinig niyang usal ni Resty habang kumukuha ito ng isa pang isaw.
Meika could not look at him, but she could see his every move from her peripheral vision. She could feel his every move too because they sat too close and his arm brushed against hers every now and then.
Wala naman si Trina sa kaniyang tabi kaya pasimpleng umusog si Meika palayo sa lalaki. Resty was quick. Napalingon ito agad sa kaniya nang umusog siya. On her defense, she quickly turned to him and smiled politely. She only noticed how he looked like at this point—his hair was glossy, brushed up in a way that made them look like little spikes, exposing his handsome face in possession of intense pair of sharp eyes, low, thick brows, and narrow lips. His big nose looked intricately sculpted and powerful on his side profile. The red V-neck shirt he was wearing hugged his tight biceps and chest.
The silence was getting awkward, so Meika decided to strike a conversation. “Tindi mo rin, e, no? Nakaabot na ang pagiging tsimoso mo rito sa kabilang barangay.” Magaan pa siyang tumawa para ipahiwatig kay Resty na wala siyang masamang ibig sabihin sa kaniyang mga sinabi. “Kulang ba ang masasagap mong balita sa karinderya?”
He stared at her intently while eating. “Hindi naman. Pero siyempre, mas maganda kung hindi lang isang lugar ang napagkakalapan ko ng mga bali-balita, ’di ba? Isa pa, nakanonood ako nang libre TV dito. Is there a problem?”
Nangingiting nagbaba na lang si Meika ng tingin. “Wala! Wala! Mukhang hindi ka naman nakakaabala sa kanila, e. Tuwang-tuwa pa nga sa ’yo sina Mami Karl.”
“Siyempre, hindi lang naman ako tumatambay lang dito. Dito rin ako nagpapagupit sa kanila. Dahil daw sa akin, hindi na nangingimi ang mga lalaking tagarito na sa beauty parlor nila magpagupit. Dati raw kasi, dahil mga bakla sila rito at beauty parlor ito, walang lalaking nagpapagupit dito. Ang akala yata e, mga babae o bakla lang ang puwede magpagupit dito. Nang may makapansin na regular ako rito, iyon, hindi na nahiyang magpagupit na rin ang iba rito.”
Inilihim ni Meika ang paghanga sa narinig. Dahil lang sa pagiging tsismoso ni Resty, nakatulong pa ang binata sa negosyo ng kaniyang kaibigan at ng tatay nito. For some reason, she felt proud of him.
“Anyway, how are you?”
“Kinumusta mo pa talaga ako? E, araw-araw mo naman akong nakikita sa karinderya.” At inubos na ni Meika ang isaw niya bago kumuha ng isa pa.
“Siyempre, iba iyong araw-araw nakikita sa nakakakumustahan,” silip nito sa mukha niya dahil hindi niya ito nililingon. In one swift side bite, he pulled out the whole strip of intestine from the stick and chewed it all in his mouth.
“E, nakikita mo naman na okay lang ako.”
“Are you not bored?”
“Bored?” kunot-noo niya.
“Oo. Kasi sa araw-araw na ginawa ng Diyos, iyon at iyon lang ang ginagawa mo: gigising, magtatao sa karinderya, mamamalengke, magluluto, maghuhugas ng mga pinggan, matutulog.”
“O, ano ang boring doon? E, ganoon ang buhay. I’m living my life. Naks, English,” mahina niyang tawa sabay nakaw ng sulyap dito. When she caught Resty still staring at her, she quickly avoided his eyes and finished her isaw.
“Don’t you want to do something new? Something that is not part of a routine?”
“Ano naman ang gagawin ko? E, ginagawa ko na naman kung ano ang gusto ko, kung ano ang kailangan kong gawin. Huwag mo ako itulad sa ’yo. Sure ako, nag-reporter ka, kasi riyan ka nakahahanap ng thrill—kapag may mga bago kang nakikita at hindi iyong paulit-ulit lang ang ginagawa mo.”
“May proseso naman sa pagiging reporter na paulit-ulit ginagawa—kakalap ng balita, magsusulat ng draft, isa-submit sa office, pupunta sa location para sa filming o interview . . .” Resty shrugged and sat straight. Hindi na ito kumuha pa ng panibagong stick ng isaw. “But I still make time to do something new, something different from my job or my everyday life.”
Napalabi lang si Meika at tumango-tango.
“Wala kang hobbies?”
“Talent meron,” singit ni Trina na nakabalik na sa kanila. Umupo ito sa tabi ni Meika sabay lapag sa mesita ng isang may kalakihang bowl ng sawsawan. May kutsara din itong kasama.
“Really?” Resty beamed. Nabawasan tuloy ang pagiging intimidating nito. Tila gumaan ang pakiramdam ni Meika. He returned his eyes on her. “Ano ’yon?”
Trina gestured as if she was holding an invisible mike.
Kumunot saglit ang noo ni Resty.
“Kumanta,” paglilinaw agad ni Trina.
“Ah! Talaga?” lipat uli ng mga mata ni Resty sa kaniya.
“Ang favorite niya, si Mariah Carey, Westlife, Regine—”
“Ano ba?” palo ni Meika sa hita ni Trina.
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “O bakit?”
“Kailangan talaga, ikuwento mo lahat kay Resty?”
Trina chuckled. “Bakit, dapat bang i-secret na fan ka ni Mariah?”
“Kaya nga,” segunda ni Resty sa kaibigan niya. “Baka magpasalamat ka pa kay Trina kasi tsinismis niya na fan ka ni Mariah, ng Westlife . . .”
Pabiro ang nananakot na panlalaki ni Trina ng mga mata si Resty. “Grabe ka naman! Nakuwento ko lang na fan siya ni Mariah, tsinismis ko na agad ang best friend ko!”
Humalakhak lang si Resty. “Isaw, Trina.”
“Ang galing! Inalok na ako ng isaw para manahimik na! Reporter na reporter talaga! Magaling talagang magmaniobra ng interbyu.”
Resty just grinned at Trina then shifted his eyes on her as he granted her a tight-lipped, sheepish smile with a nod.
Siyang pasok naman ni Mami Karla sa loob ng beauty parlor. Nakikitulong ito sa pagbuhat sa videoke machine papasok. Walang ano-anong tumayo si Resty para tulungan ito at ang mga nag-deliver ng videoke machine sa pagbuhat at pagpuwesto nito sa isang sulok ng parlor. Meika watched Resty for a while. He just looked so heroic and strong as he grunted lightly and smiled politely at Mami Karl while carrying the videoke machine along with its delivery boys.
Habang sine-setup ang videoke machine ng isang delivery boy, pumasok naman si Beki bitbit ang isang case ng Red Horse. Si Diyosa ang may bitbit sa tray ng mga pinggan, baso, at kubyertos. Si Nini naman sa isang bowl na katamtaman ang laki at naglalaman ng chicken macaroni salad.
Tinapik si Meika ni Trina sa braso. “Tara, ilabas na rin natin ang iba pang pagkain.”
Tahimik na tumango si Meika at sumunod sa kaibigan sa loob ng bahay nito. Inihain nila sa malinis na estante dresser table ng parlor ang isang Tupperware ng spaghetti, isang bowl ng kanin, at isang bucket ng fried chicken na sa palagay ni Meika ay galing kay Resty. May dalawang bote pa ng 1.5 litro ng softdrinks. Ipinuwesto ang ice box na puno ng tube ice sa gilid ng mesita, katabi ng isang case ng alak.
Nang maayos na ang lahat, nagsipagkainan na sila habang salitan sa pagkanta sa videoke. Hinayaan muna ni Meika na pagsawaan ni Mami Karla at ng mga kaibigan nito ang pagkanta at pagbirit. Magagaling din naman kasi kumanta ang mga ito at sumasayaw pa kaya aliw na aliw sila. Si Trina naman, hindi kumakanta, at mukhang walang balak si Resty na mag-videoke kaya nagulat na lang si Meika nang mag-reserba ito ng kanta sa videoke machine. Huli na nang mapansin niya ito kaya hindi niya nahagip agad ng paningin ang titulo ng kantang kakantahin nito.
Nasa ikalawang pinggan na ng spaghetti niya si Meika nang maramdaman ang pag-alis ni Resty mula sa kaniyang tabi. Nagtatanong na kasi si Diyosa kung sino ang kakanta sa ‘Against All Odds’ na bersiyon ng Westlife at ni Mariah Carey.
Namilog ang mga mata niya nang balikan ni Resty at iabot sa kaniya ang mikropono.
“A-Aba, sandali—” taas niya ng isang kamay oara ilayo ang mikropono sa kaniya.
“Kaya mo ’yan,” ngiti nito.
“Alam ko, pero sana naman sinabihan mo ako,” irap niya rito.
“Baka mahiya ka pang kumanta, e,” nanunuksong ngisi nito.
Uminom siya ng kaunting softdrink bago inilalag ang pinggan sa mesita at tinanggap ang mikropono.
“’Suuus, gusto mo lang yata ma-confirm kung totoong magaling kumanta si Meika.”
“Ganoon talaga kapag reporter. Kailangang may substantial evidence para kumpirmahing totoo ang nasagap niyang scoop.” Inilabas pa nito ang isang maliit na digital camera. “Documentation pa nga kung puwede.”
Hindi na nakasagot si Meika sa mga ito dahil nagsimula na ang kanta. Kinanta niya na ito habang prenteng nakasandal sa leather seat na kinauupuan niya. She felt Resty sit back beside her and shift his eyes to her then to the screen alternately. He took photos of her and of everyone in this get-together while they eat, drink, and have fun singing and dancing.
Alas-diyes pa lang ng gabi sila huminto sa pagbi-videoke at madaling araw na rin sila natapos sa pag-iinuman. Pinatulog ni Mami Karla sa bahay nito sina Nini at Diyosa. Malapit lang ang bahay ni Beki kaya sinamahan ni Trina at dumeretso ng lakad pauwi kahit nakainom.
Samantala, sa iisang barangay lang uuwi sina Resty at Meika kaya sila ang magkasamang umalis.
Nakabibingi na ang katahimikan sa kalsada. May maliit na distansiya sa pagitan nila habang magkatabing naglalakad papunta sa sakayan ng traysikel.
Meika could not help sighing. Medyo nanlalabo na kasi ang mga mata niya dahil sa kalasingan. Pilit siyang tumanaw sa malayo ngunit hindi makita nang mabuti kung malapit na ba sila ni Resty sa sakayan ng traysikel.
She turned to him. “Malapit na ba tayo?”
Itinutok ni Resty sa harap ang tingin nito. Ang isang kamay ng binata at nakapatong sa side bag na sukbit nito. “Liliko pa tayo.”
Meika returned her eyes to the front.
“Sa Lunes nga pala, concert ng Westlife sa Araneta,” ani Resty.
Naguguluhang kumunot naman ang noo ni Meika.
“Na-assign ako i-cover ang pagbabalita tungkol sa concert nila. Wala naman ako masyadong alam tungkol sa Westlife at sa mga kanta nila, kaya sa tingin ko, makatutulong kung papupuntahin kita roon.”
Napanganga siya nang lingunin ito. Tinitigan pa niya nang mabuti ang mukha ng binata para makasigurado. Nanatili itong seryoso at namumungay ang mga mata kaya unti-unti na rin siyang nakumbinsi na hindi siya nito binibiro.
“Isasama mo ako sa panonood sa concert?”
He nodded. “Iga-guide mo ako tungkol sa kung ano ang mga kinakanta nila sa concert, kung sino ang member na gumawa ng ganito o ganyan, kung ano ang meron sa kanta o sa group member kaya naoa-react ng ganito o ganyan ang audience . . .”
Meika shook her head. “Hindi ko maintindihan. Puwede bang bukas ka na magpaliwanag? Kapag wala na akong amats?”
“Ipaalala mo rin sa akin ito. Baka makalimutan ko na bukas na niyaya kita manood ng concert.”
Gumusot ang mukha ni Meika. “Huwag mo namang kalimutan! Baka ang ipalabas mo pa niyan, e, ako ang nagyaya sa iyo na manood ng concert!”
“E, nakainom ako. Baka makalimutan ko nga!” masungit na depensa ng lalaki kaya napalo niya ito sa braso.
“Pa’no kung makalimutan ko rin? Nakainom ako, a?”
Resty raised a hand. Medyo gumewang pa ang katawan nito nang tumigil sa paglalakad. Napatigil na rin si Meika at pinanood ang pagdukot ng lalaki sa side bag nito. He handed her a concert ticket.
“Iyan. Itabi mo para maalala mo.”
Wala sa sarili na kinuha niya ang ticket. Inilapit pa niya ito sa kaniyang mukha para basahin pero blurred na talaga ang maliliit nitong mga letra.
“Ikaw na ang magtabi! Para kapag nakita mo ito, maalala mong niyaya mo ako!” Pinilit niyang ibalik ang ticket sa kamay ni Resty pero iniwas nito ang kamay mula sa kaniya.
“Ikaw na! Kasi kung ako ang makakita niyan, hindi ako magugulat na nasa akin iyan kasi talagang dapat na nasa akin iyang ticket na ’yan. Ikaw, magugulat ka kapag nakita mo iyan bukas. At . . . At sigurado, maaalala mo ang imbitasyon ko.”
“Hindi ka nakasisiguro na maaalala ko kung paano ko nakuha ’to,” kaway niya sa ticket.
“Maaalala mo iyan . . .” marahang tulak nito sa balikat niya para palakarin na siya bago sumabay sa kaniya ang lalaki. “Kaya bukas, sabihan mo ako kung payag kang . . . manood . . . ng concert.”
Nang makarating sa sakayan ng traysikel ay inalalayan siya ni Resty sa pagpasok sa side car bago ito umupo sa back ride. Naunang madaanan ng traysikel ang bahay nina Meika kaya pagbaba niya ay tinanaw pa niya ang paglayo ng traysikel bago siya pumasok ng bahay.
Paghiga sa kutson katabi ng natutulog na si Aling Mika, inipit ni Meika ang ticket sa ilalim ng kaniyang unan at nakangiting ipinikit ang mga mata.
***
KINABUKASAN, napabangon agad si Meika mula sa higaan. Sa hindi malamang dahilan ay kabadong-kabado siya. Luminga-linga siya sa paligid at napagtantong Linggo na ng umaga. Nakapapasok ang liwanag ng araw sa bintana ng kanilang kuwarto na dahil marahang hinahangin ang kurtina nito.
“Hala!” bangon niya agad. “Hindi na ako nakapamalengke!”
Palabas na siya ng pinto nang maalala ang higaan. Nagkukumahog na niligpit niya ang mga kutson at unan. Sa pagmamadali ay hindi niya na inayos ang pagtiklop sa mga sapin at kumot.
Nang makarating sa sala ay saktong pumasok naman ang kapatid niyang si Mickey. May sasabihin sana ito pero hindi nasimulan nang dumeretso siya ng pasok sa banyo para maghilamos at magsepilyo.
Pagbalik sa sala, napaupo si Meika sa plastik nilang sofa. Wala naman siyang hangover pero parang drained na drained ang kaniyang katawan. Pinilit niyang alalahanin ang mga ginawa sa birthday celebration ni Mami Karl pero wala talaga siyang maalala nang malinaw sa mga ginawa simula nang malasing siya. Base sa natatandaan niyang imahe ay nag-enjoy talaga siya sa pagkain ng handa at pulutan, sa pag-inom at pagkanta. Ilang beses pa siyang nakaidlip sa balikat ni Resty at Trina na parang ilang segundong pagpikit lang sa pakiramdam sa sobrang bitin niya noon sa tulog.
Then, her mind focused on Resty. Her eyebwors furrowed in concentration. For some reason, she wanted to remember something related to Resty. Hindi lang niya masabi kung ano o tungkol saan iyon.
Meanwhile, Mickey reappeared from the kitchen.
“Ate, nasa kusina iyong pinabalot mo raw na handa sa birthday ni Mami Karl,” paliwanag nito. “Dinaanan ko kanina roon sa parlor kasi nakalimutan mo raw dalhin kagabi.”
She blinked and recalled it. Ipinagbalot siya ng mga pagkain ni Mami Karl para sa kaniyang nanay at kay Mickey. Hindi man close, magkaibigan naman kasi si Mami Karl at Aling Mika lalo na at naging magka-eskuwela ang mga ito noong high school.
“Nakalimutan ko na sa kalasingan ko. Salamat, Mick.”
Umupo sa kabilang dulo ng sofa ang binatilyo. “Ate, basketbol lang ako, a?”
Napapisil si Meika sa kaniyang sentido. “Teka lang naman, Mickey. Kauuwi mo lang, aalis ka na naman. Saka hindi ka ba nakapagbasketbol kaninang six o five?”
“Hindi. Twelve na ako nakauwi kagabi, e. Wala ka pa nga no’n dito sa bahay.” Dismayadong kinakamot na nito ang batok. Halatang ready na ito magbasketbol dahil naka-oversized T-shirt na ito at itim na jersey shorts.
Kinabahan si Meika nang maalala ang ticket. Nanlalaki ang mga mata na naghalughog siya sa kuwarto habang nagtataka na sinundan at pinanood siya ni Mickey.
“Ano’ng hinahanap mo, ’te?”
“Ticket.”
“Sa concert?”
Lalong lumakas ang kabog sa dibdib niya. Hinarap niya agad si Mickey na nakatayo sa pinto. “Nakita mo kung nasaan?”
“Nasa uluhan mo kanina—”
‘Inipit ko iyon sa ilalim ng unan! Baka nakalabas dahil sa kalikutan kong matulog!’
“Hindi mo ginalaw ro’n? Wala rito, e—” Tumalikod siya. Ipagpapatuloy na sana niya ang pagsasalita nang sumagot agad si Mickey.
“E, wala na nga riyan kasi kaninang umaga, dumaan dito si Kuya Resty.”
Hinarap niya uli ang kapatid. “Kanina?”
“Oo. May pinatabi raw siyang ticket sa ’yo kagabi kaya kukunin na niya. Iyon, binigay ko sa kaniya.”
“Bakit mo binigay!” Meika herself was shocked when she emotionally blurted that out. Namilog tuloy ang mga mata niya.
“E, kaniya raw iyon? Naniniwala naman ako, kasi ate, wala ka namang pera pambili ng VIP ticket sa concert.”
Namaywang siya at nakatanaw sa malayo habang nagngingitngit. “Lokong Resty ’yon, a! Opportunity ko na iyon para makita ang Westlife, binawi pa iyong ticket!”
Nilagpasan niya sa pinto si Mickey. “Kumain ka na? Gusto mong initin ko muna ang spaghetti bago ko asikasuhin ang nagpapainit ngayon sa ulo ko?”
Naguguluhang nakisakay na lang si Mickey sa mga ikinikilos niya. Sumunod ito sa kaniya sa kusina.
“Sige, ’te. Kakain na muna ako bago magbasketbol. Pandesal lang ang almusal namin kanina, e.”
Meika hurriedly reheated the spaghetti. Kumain siya nang kaunti lang dahil para naman sa nanay at kapatid niya ang spaghetti. Pagkatapos ay sabay silang umalis ng bahay ni Mickey.
Dumeretso sa covered court si Mickey para manood muna ng basketbol bago maglaro. Si Meika naman ay tumawid sa apartment na halos katapat lang ng covered court.
Sa apartment na sa pagkakaalam niya ay tinitirahan ni Resty.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top