10 - Driven By Desire
A month later, Resty’s assumption was proven to be true. Nakumpirma sa wakas ng pinsan niyang si Ricardo at ni Lorena na magkakaanak na nga ang mga ito. Then, four more months had passed. Since Lorena decided to file for resignation to focus on the family that she and Ricardo were building, Resty finally found an excuse to move into a new apartment.
He managed to convince their department head to designate him with covering the news around the south of Metro Manila. In return, he should be willing to cover news in the other parts of Metro Manila when necessary or get piled with assignments. Pumayag siya dahil wala siyang pakialam kung matambakan siya ng assignment, basta sa kaniya unang dadaan at unang i-a-assign ang anumang balita mula sa katimugan ng Metro Manila. And since Lorena had already resigned, Resty was expected to work with different cameramen. Kung sino sa mga ito ang available at malapit sa location kapag kinailangan, ito ang makatatrabaho ni Resty.
On his second month of stay in his apartment, he got an assignment and it must be covered quick. Nagmamadaling gumayak si Resty sa karaniwan niyang kasuotan na itim na V-neck T-shirt, puting sneakers, at jeans. May sunog na nangyari sa isang barangay at hindi pa raw dumarating ang mga bumbero.
Resty left his apartment securely locked before hopping onto his silver motorcycle. Malutong na umugong ang makina nito bago humarurot patungo sa location. Nang makarating sa kabahayanan na nasusunog, sumalubong sa kaniya ang mga nagkakagulong tao. May ilan na pilit inaapula ang apoy sa pamamagitan ng pagsasaboy ng timba-timbang tubig dito. Ang iba naman ay buhay ang kanilang mga gamit habang tumatakbo palayo.
Resty quickly prepared himself. He put on his lapel and earpiece. It did not take long before a cameraman arrived, Primo. Mabilis nilang ibinalita ang tungkol sa nagaganap na sunog. Sinigurado ni Resty na malinaw siyang makakapagpanawagan na sana ay dumating na ang mga bumbero para maapula na ang apoy bago pa ito kumalat lalo.
Ilang beses ding na-reject si Resty bago nakahanap ng ilan sa mga nasunugan na pumapayag makapanayam saglit. Iba-iba ang kuwento ng ilan sa mga ito tungkol sa kung ano sa tingin nila ang pinagmulan ng sunog, kaya nilinaw ni Resty sa makapanonood ng kaniyang ibinabalita na kukumpirmahin pa mula sa mga kinauukulan kung ano ang tunay na sanhi ng sunog.
Resty and Primo only stopped filming after he shortly interviewed one of the firemen that responded to the neighborhood fire.
Umupo si Resty sa kaniyang motorsiklo at uminom ng isang bote ng bagong biling mineral water na maligamgam ang laman. Si Primo naman ay nakasilip sa flip screen ng camera nito at dino-double check ang mga na-video.
“Babalik tayo rito bukas. Magpa-follow up interview ako sa mga nasunugan. Nagpatayo raw ng pansamantalang evacuation center sa covered court ng kabilang barangay kaya malamang, naroon bukas ang mayor para magbigay din ng statement,” ani Resty habang tinatakpan ang bote ng mineral water.
“Okay. I-i-inform ko sa office mamaya na may schedule tayo bukas,” ani Primo na hindi nag-aangat ng tingin sa kaniya.
“Thanks,” aniya at tinanaw ang nasusunog na kabahayanan sa may kalayuan. Nakaharang sa may arko na entrada nito ang malaking fire truck na halos hindi na magkasya rito, lalo na at makipot ang daan.
“Puwede kang makitulog sa apartment ko, Primo. Para hindi ka na mahirapang bumiyahe bukas.”
“Wala akong baon na gamit, e.”
“Bumili ka na lang ng toothbrush at hiramin mo ang damit ko para may pantulog ka.”
Nangingiting napailing si Primo nang mag-angat ng tingin sa kaniya. “Hindi ba nakakahiya?”
“Ano’ng nakakahiya? Hindi, no. Dapat sa ating mga journalist, cameraman, nagtutulungan, ’di ba?”
Primo shrugged. “Sure.”
“I mean, come on. Mahirap ang trabaho natin. We always have to be on the go.”
“Maliban na lang kung may choice ang ilan sa atin na mamili kung saan madedestino.”
Nagtatakang kumunot ang noo niya. “Ako ba ang tinutukoy mo?”
Natatawang napailing si Primo at isinara ang flip screen mg camera nito.
“Baguhan pa lang ako sa network, Primo. Ang tanging dahilan kaya pinagbigyan ang request ko na i-assign sa akin ang pagbabalita rito sa South ay dahil karamihan sa ating mga NCR-based reporter sa ngayon ay nakatira malapit sa network station. Having one reporter that can consistently cover the news here in the south is beneficial for the execs and the news department.”
“Idagdag mo na rin siguro na anak ka ni Ezra Fondejar.”
Natigilan si Resty nang marinig ang pangalan ng kaniyang ama.
Ezra Fondejar. Noon ay isa lang itong ordinaryong mamamahayag. No one noticed him that much. Palagi itong nasa field at ang mga balitang kino-cover nito ay nakapokus kadalasan sa mga politiko. Inabot nito ang administrasyon ni Aries Ferdinand at iyon na rin ang huling administrasyon na nasilayan nito.
The final autopsy said that his father died from a rally stampede. Nagrereklamo noon ang masa dahil ini-leak ng ama niya mismo ang isang insider information—balak ng presidente na palitan ang government type ng bansa. From Democratic Republic to Imperialism.
Mapayapa ang rally. Maingay nga lang at abala sa kalsada dahil sa dami ng mga tao na sabay-sabay inawit, isinaboses, o iwinagayway sa kanilang mga placard, ang kanilang mga hinaing.
Ezra Fondejar went to that rally to cover it for the news. But when the police came to monitor this rally, trouble and tension ensued. Nagtakbuhan ang mga tao mula sa iba’t ibang direksiyon. The stampede injured others, killed others like Resty’s father.
After his father’s death, a lot of his secrets were revealed—na ito ang sumulat ng blind item sa tabloid tungkol sa plano ng presidente noon na palitan ang sistema ng pamamalakad sa gobyerno; na ang sinulat nito ang nag-usig sa mga tao na mag-rally; na kalaban daw ito ng gobyerno. So, the government and anyone who sided it viewed Ezra Fondejar as the enemy. The rest who were against the administration? They saw Ezra as a hero, a martyr.
Back then, Resty was too young to understand everything. His mother did not even bother to explain it to him either, not even when he was already at the right again. He did not force her to tell him everything too, because he could see how painful it was for his mother to recall everything related to his father’s death.
He tried to investigate, but just an eyesight, the older his father’s story gets, the more it gets blurry. The people slowly forgot, but not those who looked up to his father—the people from the news and broadcasting.
So, the idea of becoming a news reporter became more inviting for Resty. Getting close to the people who knew his father could get him closer to the truth about his death. It felt like a calling too, because him being driven by desire to know the truth about his father’s death was the same as a news reporter’s passion and sworn oath—to know and share the truth.
Primo, who was unaware of the depth of his thoughts, continued. “Huwag mong ikaila, nakatulong kahit papaano para makuha mo ang gusto mo na anak ka ng reporter na nag-expose sa mga balak noon ni Ex-President Aries.”
Iniwas na lang ni Resty ang tingin sa cameraman.
***
KINABUKASAN, naunahan ni Resty sa paggising si Primo. Tulog na tulog ang lalaki sa kawayang sofa na sinapinan ng kumot. Suot nito ang kaniyang basketball jersey shirt at shorts na dilaw.
Resty took a quick shower and prepared breakfast. Naulinigan niya ang paggalaw ni Primo mula sa sofa na abot-tanaw sa maliit na dining area ng kaniyang apartment dahil nasa iisang silid lang naman ang dining, kitchen, at sala, walang partition walls.
He kept his eyes focused on the table, arranging their plates, meals, and drinks as Primo approached him.
“Bakit hindi mo ako ginising?”
“Maaga pa naman. Mamayang alas-nuwebe raw pupunta sa evacuation center si Mayor Cielo,” sagot niya rito. “Maligo ka na. Magtitimpla pa ako ng kape.”
Primo shrugged, took his small bag from the sofa and brought it with him inside the small bathroom. Nasa bag na iyon kasi ang mga damit nito.
Resty might seem to be putting too much effort by letting a colleague spend the night in his apartment, wear his clothes, and serve breakfast to that same colleague. But since he was aware of what his co-workers think of him, Resty decided that he needed to have a redeeming quality or two; something that could make his colleagues believe that he wasn’t getting everything he wants in his job because he was Ezra Fondejar’s son, but because he was a nice person and very easy to work with.
They had a brief breakfast. Natapos sa paghuhugas ng mga pinagkainan si Resty nang alas-siyete at ginugol ang natitirang oras sa paggayak at paglilista ng mga itatanong sa mga nasa evacuation center at kay Mayor Cielo. Pinag-usapan din nila ni Primo kung ano ang mga tututukan nito ng camera o kukuhanan ng video.
Five minutes before nine A.M., they were already in the covered court filled with blue evacuation tents. On the other end of the covered court, there were long tables. Ang isa ay para sa mga nagse-serve ng isang styrofoam bowl ng lugaw at isang styro cup ng mainit na tsokolate. At ang karamihan sa mga ito ay mesa kung saan hinahanda ang mga relief goods at donated items na idid-distribute sa mga nasunugan.
Resty cursed under his breath as he parked the motorcycle. Muntik pa niyang makalimutan na ilabas ang stand ng motorsiklo dahil nagkakagulo na ang mga reporter na nakapalibot sa nakabakod na security team ni Mayor Cielo.
Si Mayor Cielo ay isang lalaki na nasa sixties na nito. Puting short-sleeved collared shirt ang suot nito na pinarisan ng slacks na gray at black shoes. Kasing puti ng niyebe ang manipis nitong buhok ngunit matangkad at may kalakihan ang katawan. Bilugan ang mga mata nito kaya ang among tingnan kapag nakangiti. He managed to smile politely at the reporters as he waved down a hand at them, gesturing for them to behave and stop crowding him and his security.
Mabilis na tumakbo sina Resty at Primo patungo sa covered court. Nakisingit si Primo sa mga reporter, inangat ang camera habang naghahanap ng magandang anggulo. Pero nagtatakang sinundan nito ng tingin si Resty nang lagpasan niya ito. Nagdalawang-isip muna si Primo bago siya sinundan.
“Naroon si Mayor!”
“Papunta siya rito,” kalmado niyang dahilan at kalmadong sinalubong ang grupo ni Mayor Cielo habang inaayos ang pagkakahawak sa kaniyang lapel mic.
Saktong pagkahawi ng security sa mga reporter na nakaharang sa harapan nito, mabilis na sumingit si Resty. Sumunod sa kaniya si Primo kaya naharangan na nila mismo ang kaharap na si Mayor Cielo. Gulat na pinanlakihan siya nito ng mga mata, tila sasawayin siya ngunit lumambot ang ekspresyon nito bigla. He smiled politely as he made eye contact with the camera behind him, the camera being held up by Primo.
Itinutok ni Resty ang mikropono rito at sinimulan na ang pagtatanong habang naglalakad nang paatras dahil umuusad pa rin ang grupo papasok sa covered court.
After interviewing Mayor Cielo, Resty and Primo proceeded with the volunteers and the municipal staff present at the location. Hinuli nila ang pagpanayam sa mga nasunugan dahil tama nga ang hinuha ni Resty na mahihirapan silang makahanap ng makukumbinsi sa mga ito na humarap sa camera at ipaalam sa buong bansa na nasa kalunos-lunos silang sitwasyon.
Dalawang pamilya na ang nakumusta ni Resty bago may natanaw na nakapila sa namimigay ng mainit na tsokolate. He had to step back a bit. Halos magkandahaba na ang leeg niya sa pagtanaw sa pamilyar na pigura sa malayo.
When the woman finally got her styro cup of chocolate, she left the queue to return to her tent. She faced his direction and wordlessly, Resty allowed his feet to bring him close to her, to the desire that drove him to move to the south of Metro Manila—to Meika.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top