Shoot 8 "Party Quest"
"Eto na tayo, sa XY tower," sabi ni Thatjerk sa amin habang pinagmamasdan namin ang mataas na gusali. Sira-sira na ito at basag-basag ang salamin, nababakbak na rin ang kulay nito kung kaya't mas lalong nakadagdag sa creepy atmosphere nito. "Sa tuktok nito, nandoon ang leader nung mafia group na ito at siya ang may hawak sa batang anak ni Agor. If I am not mistaken, his level is 10."
"Whoah! Iba rin talaga kapag may kasama kang malakas na player dito sa laro," pagpuri ni Katana at nagsimula na siyang ikasa ang hawak niyang baril.
Ikinasa ko na rin ang baril ko, ang goal namin is makapasok sa Unang palapag ng gusali. "Ready? Lucky, bantayan mo ang HP bar ng lahat and send a notice kapag kaunti na lang ang buhay. Okay?" Tumango si Lucky sa sinabi ni Thatjerk.
Tumakbo na kami papasok sa lumang building, may dalawang lalaki agad ang nakakita sa amin na siyang bantay sa entrance, pinaputukan ito ng baril ni Thatjerk at ganoon din ang ginawa namin.
Ikinasa nung lalaki ang hawak niyang M1A4 at mabilis kaming tinutukan at pinaulanan ng bala. "Tago!" Malakas na sigaw ni Thatjerk at hinatak niya ako sa likod ng isang puno. "You should be careful, masakit ang bawas ng baril na 'yan." Paalala niya.
I wanted to be careful pero sobrang naha-hype ako sa scenario dahil talagang parang may inililigtas kaming hostage. "I will," nakangiti kong sabi at lumabas sa pinagtataguan namin.
"Majesty!" They all shouted in unison.
Diretso akong nakatingin sa dalawang lalaki na nasa entrance at tumatakbo ako habang binabaril sila.
May tumamang bala sa braso ko at ramdam ko ang hapdi mula rito, hindi ako nagpatinag, ikinasa ko ang baril at muling itinutok ito sa isang lalaki. Nung pinaputok ko ito ay kasabay ng pagbulagta nung isang lalaki.
Babarilin din sana ako nung isa pang lalaki ngunit naunahan siya ni Lucky at Katana. Napatay namin ang dalawang bantay sa entrance.
"Tinakot mo ako sa ginawa mo, Majesty!" Humampas sa balikat ko si Lucky.
"Pumasok na tayo sa loob, may mga sniper na nakaabang dito sa labas," sabi ni Thatjerk at pumasok kami papasok sa loob ng gusali. Tumambad sa amin ang malaking lobby nito ngunit sira-sira ang mga gamit.
Mabagal ang aming pagjalbang at maingat kaming nagtago sa likod ng lobby desk. "Ayos lang ba 'yang braso mo, Majesty?" Tanong sa akin ni Lucky.
"Galos lang naman 'to, wala masyadong bawas sa health bar. Ayos pa ako." Ngumiti ako para mapanatag ang kanyang loob.
"Actually guys, hindi lang ang batang anak ni Agor ang hostage sa building na ito. There's also a hostage aroung 5th floor, sa pinakadulong kwarto. Kapag nailigtas natin siya ay mas malaki ang award na makukuha natin." Pagpapaliwanag ni Thatjerk sa amin kung kaya't napatango-tango kami. "Let's split our group into two. Ako at si Majesty ang aakyat sa tuktok nitong tower para mailigtas ang bata at kayong dalawa ang magliligtas sa isa pang hostage sa 5th floor."
Nung una ay nag-alangan kami pero sabi ni Lucky ay susunod daw sila sa amin pagkatapos nilang mailigtas ang hostage.
Maingat naming inihahakbang ang paa namin paakyat sa ikalawang palapag. Nakadikit lamang kami sa dingding at pinapakinggan ang bawat tunog na aming naririnig.
Pagkaakyat namin sa ikalawang palapag ay may tatlong mafia members ang nandito. "Tago!" Malakas na sigaw ni Thatjerk at siya ang sumugod para makipagbarilan. Sumunod kaming tatlo sa kanya.
Malakas na putok ng baril ang maririnig sa buong paligid, mas lalong nasisira ang gusaling ito dahil sa nangyayari. May isang lalaki na tumutok sa akin ng baril kung kaya't mabilis akong gumulong para maiwasan ito.
Nung maiayos kong ang aking sarili ay pinaputukan ko ito ng baril. Ikinasa ko ito at isa pang putok ang aking ginawa hanggang sa tuluyan itong bumulagta sa sahig.
"Paano 'tong mga items na nakukuha ko?" Tanong ni Lucky. Naka-set kasi ang party mode namin na sa leader mapupunta lahat ng magiging items.
"Mamaya natin paghatian 'yan after quest," sabi ni Katana at umakyat kami. Papuntang ikatlong palapag.
Pagkarating namin ay may mga lalaking may hawak na baril agad kaming nakasalubong. "Umakyat na kayo, kami na ang bahala rito ni Lucky." Sabi ni Katana.
"Ano?! May napag-usapan ba tayong ganya--" hindi na namin pinansin ang reklamong sasabihin ni Lucky. "Majesty! Thatjerk! Bumalik kayo rito!"
Natatawa kami ni Thatjerk na umakyat habang iniwan namin ang ikatlong palapag na may barilan na nagaganap.
Pagkaakyat pa lang namin ay may bala agad na tumama sa tiyan ni Thatjerk, napanganga ako sa gulat habang siya ay napakagat sa labi dahil sa sakit.
"Tangina ka," pagmumura ni Thatjerk, kinuha niya ang dalawang baril na nasa gun pocket at pinaulanan ng bala ang lalakinh bumaril sa kanya, bumalagta ang katawan nito at gumulong pababa ang walang buhay nitong katawan.
May kinuha si Thatjerk sa kanyang maliit na bag, isang tubig na kulay pula. Ininom niya ito at unti-unting nawala ang pagdudugo ng kanyang tiyan at bumalik sa pagkakapuno ang kanyang hp bar. "Nagulat ako doon ah." Mabungisngis niyang sabi.
"Mas nagulat pa ako sa pagmumura mo." Natatawa kong sabi.
"Napakamot siya sa kanyang ulo. "Bakit? Turn off ba? Kapag naiinis talaga alo ay napapamura ako." Paliwanag niya at napatango-tango ako.
"Kailangan tuloy-tuloy tayong umakyat sa pinakatuktok and iwasan natin na makasagupa lahat ng mafia members na nandito. Sila Lucky na ang bahala diyan," aya niya sa akin.
Dahan-dahan kaming umakyat sa hagdan. Hindi gumagana ang elevator sa lugar na ito dahil sira-sira na nga ang gusali and kung gumagana man, hindi ko masisigurado na ligtas nga itong gamitin 'coz it might lead to trap.
Sa pag-akyat namin sa ikalimang palapag, malayo ang mga mafia members sa amin. Thatjerk put his index finger on his nose na sinasabing huwag akong maingay.
Dahan-dahan naming itinuloy ang aming pag-akyat papunta sa ikaanim na palapag. "Yuko!" Thatjerk shouted at muntik na akong matamaan ng sniper sa ulo.
Ikinasa ko ang hawak kong baril at pinaputukan ito, tatlong kalaban ang nandito. Nagtago ako sa isang malaki at malapad na pillar habang si Thatjerk ang sumusugod, sumisilip-silip ako at pinapaputukan ang kung sinong kalaban na aking makita. It took us a few minutes bago namin sila tuluyang maubos.
Humihingal akong tumingin kay Thatjerk and he give me a thumbs up. "Drink this," iniabot sa akin ni Thatjerk ang isang garapon na naglalaman nung pulang tubig na ininom niya kanina.
Ininom ko iyon at nawala ang mga galos sa aking mga braso at tumigil na rin ang pagdugo nung malalalim kong sugat.
This is such an action pack experience. Totoo ngang nakaka-enjoy laruin itong School War Online. Sobrang nakaka-thrill.
Malapit na namin marating ni Thatjerk ang tuktok ng tower, nag-level 6 na rin ako kani-kanina lang dahil sa dami naming napatay na mafia members. Thatjerk is really good in fighting, sa bagay, mas matagal na siyang naglalaro and mukhang sanay na sanay siya sa ganitong klaseng laro.
"Pagkaakyat natin diyan, makakalaban na natin ang mafia boss, his name is Vince, you should be careful dahil tina-target niya ang pinakamababang level sa isang party." Paliwanag sa akin ni Thatjerk kung kaya't napatango-tango ako.
Sa pagkaakyat namin sa pinakahuling palapag, nabigla na lamang ako nung may biglang bala na tumama sa tuhod ko kung kaya't napaluhod ako.
There's a man wearing a tux and holding a dual handgun. His name is Vince, Level 12 at mukhang siya na ang boss na sinasabi ni Thatjerk.
Sa isang gilid ay nandoon ang batang hostage niya na nakatali ang kamay at paa, may busal din ang bibig nito.
"Hindi ko inaasahan na makakaabot kayo hanggang dito," sabi ni Vince at dahan-dahan akong tumayo. "Pero kung pinaplano ninyong kuhanin ang batang ito. Hinding-hindi kayo magtatagumpay!"
May hinagis siya na kung anong bagay at sinundan ko iyon ng tingin. "Majesty, takbo!" Malakas na sigaw ni Thatjerk, mabilis akong tumakbo at isang malakas na pagsabog ang naganap, mas lalong nasira ang kapaligiran at kumapal ang usok sa paligid. "Focus! Boss na 'to, kapag may namatay na isang party member... Then this mission is a failure." Paliwanag niya.
Tumakbo ako sa buong paligid at sa akin lang nakatutok ang baril ni Vince. Sa bawat hakbang ng aking paa ay kasabay no'n ang pagputok ng baril na aking hawak, mabilis ko itong ikinakasa. May mga balang tumama sa katawan ko at nangalahati ang buhay ko sa kanyang ginawa.
Tumalon ako sa likod ng isang counter desk, kinuha ko ang maliit na bread sa item list ko ling kaya't na-restore ng kaunti ang aking buhay.
Shit, hindi ko ini-expect na ganito kahirap ang boss. Kahit si Thatjerk ay nahihirapan na kalabanin siya dahil ang bilis nitong kumilos.
Mabigat ang aking paghinga. "Majesty! Sa taas mo!" Malakas na sigaw ni Thatjerk, tumingala ako at nakita ko ang nakangising mukha ni Vince sa ere at nakatutok ang dalawang handgun niya.
"Shit!" Mabilis akong napaikot at para naman akonh hinahabol ng kanyang bala sa bawat pag-iwas ko. Lumingon ako sa kanya at muli siyang binaril but unluckily ay sumablay ako.
Habang hinahabol ako ni Vince ay ginagamit iyong pagkakataon ni Thatjerk upang paulanan siya ng bala. Ang kailangan ko lang gawin ay mabuhay, dahil sa oras na maubos ang buhay ko sa health bar... Then this mission will be failed and we will need to redo it again.
The hostage at 5th floor is successfully saved!
Isang announcement ang nabasa ko.
Katana: Sorry kung natagalan kami, paakyat na kami ni Lucky riyan.
Majesty: Bilis, need help. ASAP.
"Nakakainit ka na ng dugo!" Malakas kong sigaw, huminto ako sa pagtakbo at ikinasa baril. Ipinutok ko ito kay Vince, we should finish this quest before dinner.
"Sige takbo lang, Majesty! Ako na ang bahalang bumawas!" Sigaw ni Thatjerk pero nakakahingal ang ginagawa kong pagtakbo at bumabagal na rin ako. Tumatama na ang mga balang ipinuputok ni Vince sa akin. Lagpas sa kalahatibna ang health bar ko.
"Shit! Kaunting tiis na lang! If you die, lahat ng mga items nating makukuha and exp. Points mawawala!" Sigaw ni Thatjerk.
"Guys!" Dumating na si Lucky at Katana.
Agad sila sumali sa gulo at pinaulanan ng putok si Vince.
Ikinasa ko sa huling pagkakataon ang baril ko dahil nakita ko na kaunti na lang ang buhay nito.
"Die, jerk!" Malakas kong sigaw at itinutok sa kanyang dibdib ang baril. Ipinutok ko... Unti-unting napatigil sa pagtakbo si Vince at bumagsak ang walang buhay ma katawan nito sa sahig. Naliligo ang katawan nito sa sarili niyang dugo.
Tinanggal ni Thatjerk sa pagkakatali ang bata.
Mission complete!
Napayakap kami sa isa't-isa nila Katana at Lucky. Pansin kong nag-level 7 si Katana sa mission ito at nag-level 9 si Lucky. Si Thatjerk naman ay nanatili sa Level 13.
"Nagawa natin!" Malakas na sigaw ni Katana.
***
The four of us headed back at the school and ibinalik namin ang batang hostage kay Agor. "Maraming salamat sa pagligtas sa anak ko!" Naiiyak na sabi ni Agor at mahigpit na niyakap ang kanyang anak.
Hindi ko napansin na napaluha na pala alo dahil sa nangyari, masyadong mababaw talaga ang luha ko kapag nakakakita ako ng pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak.
You receive 1,000 pesos!
You receive a bullet vest!
You receive a Dessert Eagle!
Iyan ang mga item na reward namin sa ginawa namjng mission, bukod pa ang mga nakuha naming item sa XY Tower kanina.
Bago kami maghiwa-hiwalay ay napagdesisyunan naming parti-partihin na ito. "Guys, nakakuha tayo ng isang rare item nung natalo natin si Vince kanina. Black Dragon Jacket. Kanino mapupunta 'to?" Tanong ni Lucky.
Nakatingin kaming dalawa ni Katana kay Thatjerk dahil deserve niya ang bagay na iyon. Ang laking ambag niya sa party na ito. "Thatjerk sa'y--"
"No, mas deserve ni Majesty 'yan," nakangiting sabi ni Thatjerk sa akin. "Siya ang pinakanaghirap sa misyong ito. She deserve it." Sabi ni Thatjerk sa akin.
Nakioagtalo pa ako pero pinilit na nilang tatlo na dapat ay sa akin mapunta ang item na iyon.
You receive a Black Dragon Jacket! (Rare)
You receive mafia pendant! (4x)
You receive 554 gold!
Iyan ang mga item na nakuha ko nung nagsimula kaming partihin ang mga nakuha naming item. Tumingin ako sa oras. 5:36pm. Kailangan ko ng umalis dahil may mga assignments akong dapat gawin.
"Guys mauna na akong mag-log out," paalam ko sa kanila. They just nodded at me.
"Kapag may oras ka, mag-online ka ulit, Majesty. Let's team again, tayong tatlo nila Katana." Sabi sa amin ni Lucky kung kaya't nag-okay sign ako sa kanya.
"Bye guys!"
Nag-log out na ako sa laro.
Tinanggal ko ang nerve gear sa aking ulo at iminulat ang aking mata. "That's really a nice game." Sabi ko sa aking sarili.
Before ko gawin ang aking assignment, I decided to check first my facebook account. Three days ago na ang huli kong pag-o-online at ayokong mahuli sa mga latest news.
May isang message akong na-receive na talaga namang sumira sa mood ko.
Raydin: Hey cheater!
Seen.
"Wow naman talaga! Ang kapal talaga ng kanyang mukha!" Wait, hindi ko alam na friend kami sa facebook. Ay oo nga pala, during my freshmen days ay in-add ko ang karamihan sa mga CS students, baka doon ko siya naging friend.
"Alam mo, ang yabang-yabang mo!" Sabi ko habang nakatingin sa picture niya sa chat box. "Isi-seen lang kitang hayup ka."
Raydin: wow, seen. Guilty
Much?
Seen.
This guy... This guy... Argh! He's such a mood wrecker bwisit siya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top