Shoot 7 "Teaming up"

Araw ng sabado, maaga pa lang ay nasa bahay na si Jace dahil may bibilhin daw siya.

"Jace nandito ka pala, hijo, halika na at sumabay ka na sa aming mag-umagahan." Aya ni mama kay Jace at dahil makapal ang mukha ng bestfriend kong ito ay sumabay talaga siyang kumain sa amin. "Dani! Nandito na si Jace! Bumaba ka na diyan sa kwarto mo!" Sigaw pa ni mama.

Sinuklay ko ang akinh buhok at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. "Eto na 'maaa!" Ganti kong sigaw.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina, nadatnan ko sila na kumakaim. "Ikaw talagang bata ka, ang bagal mong kumilos. Kanina ka pa hinihintay ni Jace ayaw mong bilisan!" Napatingin ako kay Jace at umirap dahil ako na naman ang nasermonan ni mama.

Ang usapan kasi namin ay alas-otso niya ako sunduin pero 7:30 pa lang nang umaga ay nandito na siya. Sumabay ako sa kanilang kumain at matapos kumain ay agad na kaming umalis ni Jace.

"Bakit ba kasi ang aga-aga mo akong sinundo, ako pa tuloy ang napagalitan! Wala naman akong kasalanan!" Reklamo ko sa kanya habang pasakay kami sa kanyang kotse. Etong si Jace ay tinatawanan lang ako.

"Ang sarap pakinggan ng boses ni tita kapag pinapagalitan ka e. Haha!" Natatawa niyang sabi sa akin.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Ano bang bibilhin mo?" Tanong ko sa kanya. Ini-start na ni Jace ang engine ng kotse at nagsimula na siyang paandarin ito.

"Nakalimutan mo na?" Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Birthday ni mama next week," Oh it ring a bell! Nakalimutan ko na ang tungkol sa birthday ni tita dahil sa pagiging busy ko nung mga nakaraang araw. "Tulungan mo naman akong mamili ng regalo 'coz basically you're a girl at may similar taste kayo ni mama sa maraming bagay."

Napangiti ako sa sinabi ni Jace. "Bibili na rin ako ng pangregalo para kay tita." Paalam ko sa kanya. Totoo ang sinabi ni Jace na halos magkaparehas ang taste namin ni tita sa maraming bagay.

Pagkarating namin sa mall ay agad kaming dumiretso sa Department store. Tumingin ako ng mga bagay na pwedeng ipanregalo sa nanay ni Jace. "Ano bang gusto mong iregalo kay tita?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm... Wala akong ideya e, siguro... Bag?" Patanong niyang sabi.

"'Wag bag, paniguradong maraming magreregalo kay Tita ng bag. Dapat something special," sabi ko sa kanya.

"Eh ano naman ang pwede kong ibigay?" Napasimalmal ako sa kanya. "Seriously! Wala akong maisip, iyon nga ang dahilan kung bakit kita sinama rito e!" Sabi niya sa akin.

"Bakit hindi kwintas? She'll probably like that kasi tuwing pumupunta ako sa bahay ninyo ay iba-ibang kwintas ang suot ni tita so baka mas gusto niya iyon," suhestiyon ko kay Jace. Umakbay sa akin ang aking kaibigan na parang natuwa sa ideya ko. "Aray! Ilang beses ko bang sasabihin na 'wag mo akong inaakbayan!" Reklamo ko.

Bumili na kami ng kwintas, hindi naman problema ang pera sa mokong kung kaya't ang binili niyang kwintas at tig-12 thousand pesos. Mayaman naman sila at isa pa, nanay niya naman ang reregaluhan niya kung kaya't ayos lang gumastos ng ganoong kalaking pera.

Habang ako ay hindi muna ako bumili dahil wala akong dalang pera ngayon, sabi nga ni Jace ay siya na raw ang magbabayad pero tumanggi ako. Regalo ko 'yon, dapat ako ang mag-effort para doon.

"Uhm, Dani, may bagong bukas na cafe around Cubao lang, gusto mong pumunta?" Tanong sa akin ni Jace. Oo sana ako dahil mahilig talaga ako sa kape kaso ay naalala kong may usapan din kami nina Lucly at Katana na mag-o-online kami mamayang hapon.

"Pass muna, kailangan ko rin umuwi nang maaga ngayon," sabi ko sa kanya.

"Bakit naman? Ano naman ang importante mong gagawin?" Pag-uusisa ni Jace sa akin.

"Magre-review ako." Pagsisinungaling ko. Ayokong malaman na naglalaro ako ng SWO, and it's better that it remains as a secret.

Walang nagawa si Jace kun'di pumayag. Hinatid niya na ako pauwi ng bahay at pagkaalis ng kotse ni Jace ay dali-dali akong tumakbo sa aking kwarto.

Isinuot ko ang nerve gear at humiga sa kama. In-on ko ito at nagsimula na itong dalhin ako sa mundo ng School War Online.

Pagka-online ko pa lang ay agad akong naka-receive ng message galing kay Lucky.

Lucky: nag-online ka na! Nasaan ka, Majesty?

Majesty: Nandito ako sa hallway.

Lucky: Punta ka rito sa school garden, nandito kami ni Katana :D

Matapos niyang mag-message ay dali-dali akong pumunta sa school garden at nadatnan ko silang dalawa ni Katana na nakaupo sa gilid ng fountain.

"Majesty!" Malakas na sigaw ni Lucky at lumapit silang dalawa ni Katana sa akin. "Akala ko ay mag-o-online ka kahapon."

Binasa ko ang pangalan nila, si Lucky ay level 8 na samantalang level 6 naman si Katana. Mukhang nag-quest pa sila nung hindi ako naglaro.

"Hindi na ako nakapag-online dahil sa pagod, may sinalihan akong competition, remember?" Sabi ko sa kanila.

"Oo nga pala, anong nangyari ro'n?" Tanong naman ni Katana sa akin.

"Second place!" Masaya kong sabi and they both happy for me. Nakilala ko lang sila online pero parang totoo ko silang nakakausap kung kaya't totoong kaibigan ang turing ko sa kanilang dalawa.

"Oo nga pala, sabi ninyo ay level 5 ang minimum sa may party quest na sinasabi ninyo. Pa'no 'yon, level 4 pa lang ako." Sabi ko, dapat pala nag-online na ako kagabi at pinag-level 5 itong character ko e.

"Problema ba 'yon?" Bigla akong inaya ni Lucky na mag-party sa kanya. "Tutulungan ka namin magpa-level agad para mamaya ay makapag-quest na tayo, tara sa downfall city?" Aya ni Lucky sa amin.

Lumabas kami ng school, sabi ni Lucky ay dapat hindi na wolf ang kinakalaban ko dahil mas mataas na ang level ko sa kanila kung kaya't nilagpasan namin ito.

Pumunta kami malapit sa sirang tulay dito sa may Downfall city at nagkalat ang mga monsters na kulay berde na parang mga isda na naglalakad. Matutulis anh mga kuko nito at nanlilisik ang mata. Binasa ko ang tawag sa monster--Sahagin. Level 5-8.

"Kaya ko ba? Mukhang malalakas na monster 'to e," sabi ko sa kanila.

"Kaya mo 'yan," kinasa nilang dalawa ang kanilang baril at iyon din ang ginawa ko.

Tumakbo kami tungo sa mga Sahagin, binaril ko ang isang Sahagin na level 5 at napatingin ito sa direksyon ko. Lumingon ito sa akin at nagsimulang habulin ako.

Tumakbo ako palayo at muling kinasa ang baril, nagtago ako sa liko ng malaking tipak ng bato at ipinutok ito sa Sahagin. Mukhang kailangan ko nang bumili ng bagong baril mamaya dahil ang pangit nitong Old Kruger na ito. Reloading was too slow and pakiramdam ko ay nawawala ako sa momentum.

Akmang sasaksakin nito gamit ang mahahaba nitong kuko ngunit mabilis akong yumuko upang maiwasan ito. Malakas ko itong sinipa at muling pinaputukan ng baril. Umaagos ang dugo mula rito ngunit hindi pa rin ito patay.

Kagaya ko ay nakikipaglaban din sina Lucky at Katana. Tumakbo ako palayo upang muling magkasa at hinabol ako nung Sahagin. Nung naikasa ko na muli ito ay humarao ako rito at itinutok ang baril. I shot the Sahagin once again at tuluyan na itong bumulagta sa sahig.

You receive 15 pesos gold!

You receive a Sahagin Shell!

You receive a Mouse Gun!

Natuwa ako nung mabasa na may na-receive akong baril, agad kong tinawag si Lucky na kakatapos lang din patayin ang isang Sahagin. "Guys! Nakakuha ako ng mouse gun!"

"Hindi mo pa magagamit 'yan, Level 5 ang required level para magamit ang Mouse Gun. Pero soon," nakangiting sabi ni Lucky sa akin.

"Hindi ba pwedeng mag-dual gun ako? Itong kruger sa kanan at mouse gun sa kaliwa?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa pwede, kailangan ay mag-level 10 ka muna bago ka makapaghawak ng baril in left and right hand," paliwanag ni Lucky sa akin kung kaya't napatango-tango ako. "Tara na, mag-exp boost na tayo."

Patuloy kaming lumatay ng mga Sahagin and it took a couple of minutes bago ako nag-level 5. Nagamit ko na rin ang Mouse gun, mas malakas amg attack nito at mas magaan ke'sa sa Kruger.

The three of us headed back to our school at pumunta sa Janitor's headquarter dahil sabi ni Lucky ay doon daw makikita ang party mission.

Si Lucky ang kumausap sa JanItor na nagngangalang Agor at nakinig lamang kami.

"Tulungan ninyo ako! Kinuha ng mga bandido ang anak ko, humihingi sila sa akin ng malaking halaga ng pera ngunit wala naman akong maibibigay sa kanila," kahit NPC lang si Agor o kahit pa sabihing naka-program lang ang quest na ito. Nakakaiyak pa rin dahil nararamdaman ko ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.

***
Group mission

Required level: 5 and above
Required number of members: 4-7
Where: XY Tower

***

Iyan ang nakalagay na impormasyon at nagkatinginan kami nina Katana. "Paano 'yan, tatlo lang tayo. Kailangan pa natin ng isang member para magawa ang quest na ito." Sabi ni Katana.

Tumingin si Lucky sa friend list niya. "Lahat ng mga kaibigan kong players ay naka-offline," sabi niya.

Tumingin ako sa friend list ko at nakita kong online si Thatjerk. "Guys wait lang, tingnan ko kung makakatulong itong kaibigan ko," I immediately send a private message to Thatjerk.

Majesty: uy Thatjerk busy ka ba?

Thatjerk: kakatapos ko lang mag-quest, pabalik na ako ng school :D why?

Majesty: pwede patulong? May party quest kasi kaming gustong kuhanin, ang kaso nga lang ay kulang kami nang isang member, pwede ka ba?

Thatjerk: G, wala na rin naman akong gagawin. Give me 5 minutes, saan part ba kayo sa school?

Majesty: Sa may bench malapitbsa Janitor's headquarter.

Thatjerk: Noted.

Huminga akong malalim at tumingin kanila Lucky at Katana. "Ano raw? Pumayag yung kaibigan mo?" Lucky asked.

Huminto muna ako ng matagal para pakabahin silang dalawa. "Pumayag siya!" Sabi ko at yumakap silang dalawa sa akin.

After a couple of minutes na paghihintay ay dumating na si Thatjerk. Iba na ang suot niya kumpara sa una naming pagkikita, he's wearing a varsity jacket na may logo ng school namin at PE shorts. May suot pa rin siyang bandana na sa tingin ko ay trademark niya. Binasa ko ang pangalan niya at level 13 na siya sa pagkakataong ito.

"Huy natulala na kayong dalawa diyan." Pagtunggo ko sa balikat ni Lucky at Katana.

"We just didn't expect na may kaibigan kang ganitong kagwapo!" Hinila-hila ni Lucky ang balikat ko sa kilig at napailing na lamang ako.

Lumapit ako kay Thatjerk and ngumiti siya sa akin. "Buti dumating ka, siya nga pala, this is my friends... Katana and Lucky, sila yung mga kasama ko sa party. And guys, ito si Thatjerk." Pag-i-introduce ko sa kanila.

"Nice meeting you! Add ninyo na lang ako sa party ninyo," sabi ni Thatjerk na siyang ginawa ni Lucky dahil siya ang party leader.

Ngayong may apat na miyembro na kami ay maaari na naming makuha ang quest. Naglakad kami patungo sa Janitor's headquarter at kinausap muli si Agor.

Will you accept the quest?
Yes
No

Tumingin muna ako sa mga kaibigan ko at ngumiti. We accepted the quest.

It's showtime.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top