Shoot 62: Meeting

SCHOOL WAR WORLD

I am just seating here at the couch inside our family room while having a conversation with the boys. Nakaka-miss din kasing makipag-utuan sa mga lalaking ito just like the old times.

"Saan lumiliko ang mga planeta?" Pagsisimulang tanong ni Thatjerk, nagbabatuhan kasi sila ng mga jokes at ang pinaka-waley ay babatukan sa ulo gamit ang tinuping dyaryo.

"Saan?" Tanong namin nila BrokenNote sa kanya. Nakahanda na ang dyaryo ko para hampasin si Thatjerk.

"E 'di Saturn HAHAHA! Gets ninyo? Sa turn, Saturn! HAHA-- Aray! Aray! Masakit, ha!?" Sigaw niya sa amin nung malakas namin siyang hinampas-hampas. Tawa ako nang tawa dahil sa ekspresyon ni Thatjerk.

Napatigil kami sa pagtawa nung marinig namin ang chime mula sa pintuan at pumasok si Katana na may bitbit na maraming papeles. "Magpapakitang gilas na ako," sabi ni Thatjerk at tumayo siya para tulungan si Katana.

"Tulungan na kita," nakangiting sabi ni Thatjerk t kumindat pa. Hindi ko talaga in-expect na magiging ganito ka-funny ang personality ni Mateo dahil kilala lang naman siya sa school bilang isang magaling na basketball player.

"Hindi ako baldado, kaya ko 'to." Sagot sa kanya ni Katana and we all bursted out laughing dahil ang epic ng mukha ni Thatjerk.

Naglakad pabalik sa amin si Thatjerk. "Ayan, masaya kayo kapag napapahiya ako." Nakasimalmal niyang sabi.

Tumingin ako kay Katana at tumingin siya sa akin. "Majesty, ba't nandito ka pa?"

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Bakit? Saan ba dapat ako pumunta? Is there a quest or something?"

"Ngayon ang meeting mo together with other representatives from other school, nakalimutan mo na?" Tanong niya sa akin at ipinatong sa working desk niya ang mga

Oh shit! Nawala nga sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon. Dali-dali akong tumayo at nagpaalam sa kanila.

"Bye, Queen! Mag-utuan ulit tayo next time!" Sigaw ni BrokenNote at ngumiti ako sa kanya as an answer.

Tumakbo ako patungo sa school gate. Ni-chat ko si Darkshadow dahil baka nakalimutan niya rin ang tungkol dito.

Majesty: May meeting nga pala tayo together with other rep. Saan ka?

Darkshadow: hindi ko nakalimutan ang tungkol doon. Nasa school gate and kanina pa kita hinihintay.

"Ay shit, late na talaga ako!" Malakas kong reklamo at binilisan ko pa ang pagtakbo.

Humihingal akong nakarating sa school gate at nakita ko agad si Darkshadow, he's wearing his military suit and he slayed it. Sobrang bagay sa kanya. "Ang tagal mo," reklamo agad ni Darkshadow sa akin.

"Sorry naman, dapat ni-chat mo ako patungkol sa meeting. Nawala sa isipan ko e," I stated.

"I thought you will remember." Sabi niya  may kinuha si Darkshadow sa inventory niya. Isang itim na whistle, kung hindi ako nagkakamali ay whistle iyon oara makaoagtawag ng mount na itim na kabayo.

"So you're still not dropping your cool image?" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Darkshadow is cool, Raydin is only for Dani." He said.

Napangiti ako at napatawa naman siya dahil mukhang hindi niya rin kinaya ang kanyang ka-corny-han. "Ang cringy."

Pumito na di Darkshadow at narinig sa buong paligid ang ingay nito. Mayamaya lamang ay isa nang yabag ng kabayo ang narinig namin sa paligid. Isa itong itim na kabayo, paborito talagang kulay ni Raydin ang itim.

Kung may itim na kanin nga lang, baka iyon na ang kinakain ng lalaking ito.

Huminto ang kabayo sa aming tapat, dapat ay magtatawag din ako ng sarili kong mount pero sabi ni Darkshadow ay doon na lang kami sumakay sa kanyang ni-summon.

Unang sumakay si Darkshadow at inalalayan niya ako para makaakyat din. Pinaandar niya ang kabayo at dumadampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin.

Ang tatalino ng mga tao na nasa likod ng SWO, nakagawa sila ng isang laro na parang totoo. It's relatable.

"Paniguradong pagdating natin doon sa Radison Inn ay nagagalit na ang ibang players, late tayo, eh." Natatawa kong sabi.

"Tayo?"

"Okay, late ako. Hindi ko naman din inaasahan na makakalimutan ko na ngayon pala ang araw na iyon. Masyado akong naaliw makipagkwentuhan kanila Thatjerk." Pagsasabi ko ng totoo.

Nagpatuloy ang aming paglalakbay nung bigla akong may maalala. "Natatandaan mo pa ba yung una nating pagpynta sa mystic forest? Yung may troll,"

"You awesomely killed the troll alone?" Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil kahit ako ay namangha sa sarili ko na natalo ko ang troll mag-isa nung mga panahong iyon.

"'Diba nung papunta tayo ro'n ay may binubulong-bulong ka? This is the right time para sabihin mo ang bagay na iyon," panunukso ko. Totoo naman, habang nangangabayo kami papunta sa Mystic forest ay may binubulong talaga siya.

"I am saying that time na hindi ko akalain na mahuhulog ako sa isang tulad mo," sabi niya sa akin. "I mean, you're pretty but you have a weird personality."

"Thanks for saying that I am pretty. I am not weird!" Reklamo ko.

"But you're weirdness is the main reason why I fell for you. Hindi ko inaasahan na pwede palang maging weird at maganda ang isang tao at the same time." Sabi niya sa akin, hindi ko nakikita ang kanyang ekspresyon dahil nasa likod ko siya pero hindi ko mapigilan na mapangiti.

"So you're dead over heels ka na pala sa akin, dati pa."

"Until now." Sabi niya at mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa kabayo.

***

"Hindi ba kayo tinuturuan sa BWU kung paano makarating on time sa isang usapan?" Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng Radison Inn ay iyon agad ang sumalubong sa amin.

FirePhoenix
Level 92

FirePhoenix is here, prente siyang nakaupo at nakapatong ang dalawa niyang paa sa lamesa.

"Ikaw, hindi ka ba tinuturuan ng manners sa REU?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya at nabigla yata siya dahil sa aking sinabi.

"Okay, enough na!" Isang tinig ang narinig ko mula sa isang tao.

CoolJace
Level 85

Lumawak ang ngiti sa aking labi nung mabasa ko ang username ng aking bestfriend, isa rin siya sa magrerepresenta ng REU alongside with Firephoenix. Jace winked on me.

"Your bestfriend is such a flirt." Sabi ni Darkshadow at napatawa naman ako.

"We're all here para i-discuss ang mangyayari sa ating quest, hindi para mag-away, okay?" Sabi ni Jace at itinuro niya ang dalawang bakanteng upuan. "BWU students, have a seat."

"Yow, Majesty." Someone greeted me from EA.

ClassicDeath
Level 83

Pamilyar sa akin ang username niya kung kaya't pilit ko itong inalala. Siya yung taong tumulong sa akin nung nagma-Monster raid kami. "Oh! You're the one who helped me back then, right?" I asked.

He simply nodded. "Thank you nga pala, ang late nang pasasalamat ko."

"Magbabatian na lang ba kayo?" Someone from White Knights said. Binasa ko ang username at level ng samoung representative na nandito.

Majesty
Level 83

Darkshadow
Level 90

Firephoenix
Level 92

CoolJace
Level 85

ClassicDeath
Level 83

Grimreaper
Level 80


Digitalic
Level 81

MockingJay
Level 79

Charm
Level 86

BloodBath
Level 87

Having the strongest players from each school just make me amazed. Lahat ng mga kasama ko ay mga malalakas talaga pagdating sa game. "So guys, do you have any idea sa kung ano ang magiging quest natin?" Tanong ni CoolJace sa amin. "Hey, let's removed the awkward atmosphere around, magsalita kayo."

Naniniwala si Jace na kayang magkaisa ng limang school at magsisimula iyon sa amin. He believes na wala naman dapat pag-awayan ang mga school dahil in the first place, this game is created to have fun at hindi para magkaroon ka ng galit sa ibang tao.

"Kahit saang forum na puntahan ko, walang information leakage patungkol sa quest na iyon. Mukhang sa Pilipinas din unang gagawin ang quest na iyon kaya wala ring balita from other countries," Sagot ni Charm, sa palagay ko ay isa siyang healer and just like her username, she's charming.

"Paano tayo magmi-meeting kung pare-parehas tayong walang ideya sa quest? This is just nonsense." Pagsasalita ni FirePhoenix. He's saying it like he's the leader porke't siya ang pinakamalakas na player sa buong SWO. Baka nakakalimutan niya, dalawang beses ko na siyang natatalo sa school war dahil sa yabang niya.

"But we can use this meeting para makapaghanda sa mga unexpected event na sumalubong sa atin sa quest. Pag-usapan natin ang game class ng bawat isa at ang skills nito, para magkaideya tayo sa kung ano ang kaya nating gawin." Sabi ni Darkshadow at napatango-tango ang karamihan.

"Okay, I'll start I am MockingJay from YellowRazors Academy and I am an heavy class--"

"This is boring." Sabi ni Firephoenix at naghikab.

"Shut the fuck up, leave here kung ayaw mo nang ganitong usapan. You stupid monkey," sabat ko dahil ang bastos niya. Nakita niyang may nagsasalita.

"Anong sinabi mo?" Biglang dinukot ni Firephoenix ang desperado sa kanyang gun pocket at tinutok sa akin.

Mabilis nakakilos si Darkshadow at kinuha niya rin ang desperado sa kanyang bulsa at itinutok kay Firephoenix. "Just to remind you, Firephoenix, Na-enhanced ko na ang desperado ko nang labing dalawang beses. I can kill you in one shot."

"Uhm... Guys, I think kailangan nating mag-chill." Sabi ni CoolJace at pumagitna sa dalawa. "Walang patutunguhan 'tong usapan na ito kung puro inis sa isa't-isa ang paiiralin ninyo."

"Pagsabihan mo 'yang kasamahan mo na malaki ang bunganga pero maliit ang utak," sabat ko at mas lalong nainis si Firephoenix. E 'di mainis siya dahil nakakainis din naman siya.

"We can't discuss things online, maybe meet up will do?" Suhestiyon ni ClassicDeath sa amin. "Around Manila ba ang lahat?" Tanong niya sa amin.

"Valenzuela ako pero kaya ko naman pumunta kung saan ninyo gustong mag-meet up." Nakangiti kong sabi. Isa ito sa mga gusto ko sa mga online games-- meet up. Nakaka-meet ako ng mga bagong tao at nagkakaroon ng kaibigan.

"I am against with it," sabat ni Darkshadow. Nakalimutan ko na he's a reserved type of person.

Majesty: sumama ka na.

Darkshadow: no.

Majesty: nandoon naman ako e.

Darkshadow: no.

Majesty: pleeease.

Darkshadow: okay, fine.

"I am against with it but I'll try to come kung kinakailangan talaga," sabi niya at napangiti naman ako.

"Then it's decided! Let's just meet," CoolaJace clapped his hand like he's finalizing the idea. "Sa saturday, sa SM north, G ba?"

"Sa Trinoma na lang, mas maliit and less crowded." Sabi ni Firephoenix, hindi ko inaasahan na maging siya ay gusto rin ang idea.

REAL WORLD

Ito ang araw na kung saan magmi-meet kami ng ibang representatives, wala naman kasing pinatunguhan ang pagmi-meet namin sa game dahil puro pagtatalo lang. Laging nagtututukan lang ng baril sina Darkshadow at Firephonix e. Palibhasa silang dalawa ang pinakamalakas na player dito sa SWO at silang dalawa pa lang ang player na ang level ay nasa 90+.

Demonyo💕:
Sunduin kita sa inyo.

Diyan ka pa ba?

Unggoy💕:
Aw wala na ako sa'min. Biyahe
na 'ko.

Okay lang 'yon, one jeep away lang
naman sa'min yung Trinoma e.

Demonyo💕:
Aw. Doon na tayo magkikita?

Unggoy💕:
Doon na lang. Diretso na tayo sa
coffeebeans dahil doon yung meeting
place.

Siguro 5 minutes na lang nando'n
na ko sa Trinoma.

Demonyo💕:
Let's watch a movie after that
stupid meeting. ☺

Unggoy💕:
Say the magic word muna? 🤗🤗

Demonyo💕:
Libre ko yung pop corn and drinks.

Unggoy💕:
Yaaay! 🎉🎉

Sounds cool. G.

Malapit na 'ko. Chat ka kapag
nandoon ka na.

Demonyo💕:
May nakakalimutan ka yata?

Unggoy💕:
Love you

Demonyo💕:
Nasaan yung "I"

Unggoy💕:
Shit ka, lumagpas na ako! 😭

I love you.

Pinatay ko na ang cellphone ko at tumingin sa dinadaanan. "Manong para po." Sabi ko sa driver at dali-dali naman akong bumaba ng jeep.

Pagkarating ko sa Trinoma, medyo maraming tao dahil weekends pero okay lang naman. I am just walking patungo sa Coffeebean para ma-meet ko na ang iba pang representatives.

Naglalakad lang ako when someone called my attention. "Miss, miss," a man shouted behind me kung kaya't napalingon ako sa kanya. "Ang bilis mong maglakad."

"Bakit?" I asked dahil wala akong ideya kung bakit niya ako hinahabol.

He raised his right hand at may hawak na wallet. "Nahulog yung wallet mo habang naglalakad ka, I am here to return it," Sabi nung lalaki at inabot sa akin ito. "You should be careful sa paghawak sa pera mo. Takaw-tingin pa naman iyan." payo niya pa.

May hitsura rin itong lalaking nasa harap ko ngayon. He just wearing a blue polo shirt and a black pants. Bumagay sa kanya ang suot niyang eyeglasses dahil mapungay ang mata nito. Nakadagdag angas din ang kanyang nakataas na buhok. Overall, he's cool.

"Thank you and sorry sa abala." Shocks, hindi ko man lang napansin na nahulog yung wallet ko. Mabuti na lamang at isabg mabuting tao ang nakapulot nito gaya niya. Kung ibang tao na siguro ang nakakuha nito ay baka hindi na ito ibinalik sa akin.

"That's okay, you should be careful next time." Sabi niya at naglakad na paalis.

I thanked him for the last time and he just smiled back on me.

Nakatingin lamang ako sa kanya nung biglang may umakbay sa akin-- si Raydin. "Sino 'yang tinitingnan mo?" He asked.

"Nahulog kasi yung wallet ko kanina, there's a man na nagsauli sa akin. Ang cool lang dahil kaunti na lang ang good samaritan ngayon sa mundo." Paliwanag ko kay Raydin.

"Tsk. Is he handsome?" Tanong niya sa akin.

"Honestly speaking, yes." Sagot ko at nakita ko ang inis sa mukha ni Raydin kaya natawa ako. "Ang cool niya lang, okay? Wala kang dapat ikaselos doon."

"Who says I'm jelous?" Pagmamaang-maangan niya.

Umangkla ako sa kanyang braso. "Kunwari ka pa eh! Halika na nga sa taas, baka kanina pa nila tayo hinihintay."

Nag-vibrate ang phone ko.

From: Jace the pogi
We're now here, bespren. Nasa left side kami. Makikita mo naman ako agad.

Speaking, ayan na at nag-text na ang bestfriend kong ugok. Si Jace ang nag-set ng name niya sa phone ko. Diring-diri nga ako e.

Umakyat na kaming dalawa ni Darkshadow pataas at agad ini-scan ng mata ko ang paligid. Nakita ko agad si Jace dahil kinakawayan ako nito.

Nakita ko ang grupo ng tao and they all looked towards our direction. They all smiled at me, ako na ang gumawa ng firs move para mawala ang awkwardness sa aymosphere.

"Hi guys, ako si Majesty sa laro but you can call me Dani," I introduced myself at bumaling ang tingin ko kay Raydin na nakaseryosong mukha. "This is Darkshadow. He's Raydin."

Bumaba ang tingin ng lahat sa kamay namin ni Raydin na magkasalikop. "Are you two dating in real life?" A girl asked. "Sorry, hindi ko pa nga pala nai-introduce ang sarili ko, I am Patricia, also known as Charm sa game." She introduced herself. Ang fashionista niya pumorma.

"Yes we've been together for three months already."

"You looked good together." Nakangiting sabi ni Patricia and I mouthed thank you to her.

"Okay guys! Let's start this discussion," sabi ni Jace. Masaya ako dahil nakikisalamuha na si Jace sa ibang tao, hindi na sa gaming umiikot ang mundo niya. Siguro nag-mature siya after his internship dahil namuhay siya sa New York by himself.

Nag-usap-usap kaming lahat at kinilala ang isa't-isa. Honestly, naging masaya ang discussion namin. Totoo nga na mas masaya itong pag-usapan personally. Walang school na naghahadlang sa amin to interact with each other. Walang payabangan na nangyayari.

While we are discussing, nagbilang ako at siyam lang kaming nandito. "Bakit siyam lang tayong nandito? Sino ang kulang?" Tanong ko.

"Si Victor, I mean, si Firephoenix. Kanina pa siya nandito kaso kinakailangan niyang maghanap ng CR, natatae raw siya." Sabi ni Jace. Ang dugyot talaga ng term na ginamit nitong si Jace.

Lumayo ang tingin ni Jave at napatingin sa escalator. "speaking of the devil, ayan na siya. Victor! Victor! Over here!" Sigaw ni Jace at hinatak ko ang laylayan ng kanyang damit para mapaupo.

"Nakakahiya ka talaga kasama kahit kailan," reklamo ko sa kanya.

Bumaling ang tingin ko ro'n sa lalaking kanyang tinutukoy. Agad ko itong namukhaan at napakunot ang aking noo sa pagtataka. He's the man who helped me a while ago. Ibig sabihin ba nito ay siya si Firephoenix?

Lumapit sa amin itong si FirePhoenix and he introduced his self. Sa totoo lamang, ang layo niya sa pagkatao ni Firephoenix. He looks so nice and nagawa niya pa nga ako tulungan kanina e.

Mukhang mayaman din itong si Victor dahil siya ang nagbayad ng kape na in-order namin. So far, so good. Wala silang naging pagtatalo ni Raydin.

Hindi ko naman makita na masama si Victor dahil ang ganda ng first impression ko sa kanya kanina.

We finalize everything na dapat pag-usapan. Pinag-usapan namin kung ano ang mga bagay na dapat dalhin sa quest, kung ano ang mga specialty namin para mas makilala pa namin ang isa't-isa. Pinlano na rin namin ang magiging game tactics namin habang nasa quest.

Nakakatuwa dahil nagkaisa si Victor at Raydin sa mga ideas. Somehow, I see a peace between the red and the blue.

***---***

I don't use a picture header for real world and SWO world dahil nawawala lahat nung ni-type ko kapag naglalagay ako. (the reason kung ba't natagalan ang ud.)

Votes comments are highly appreciated.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top