Shoot 58 "Surprise"
"Majesty, focus." Sabi ni Thatjerk sa akin habang nakikipaglaban sa isang Ifrit na level 86. "Nasa quest tayo, mahirap bumalik sa map na 'to kapag namatay ka." Payo niya pa.
Ikinasa ko ang baril ko at nag-focus sa Ifrit na nasa aking harap. Para itong dambuhalang aso na may balahibong kulay apoy. Matatalim din ang kuko nito at may itim na sungay. Sa totoo lang ay nakakatakot ang hitsura ng Ifrit pero quest kasi namin ito kung kaya't kinakailangan namin itong gawin.
I rolled out para maiwasan ang pagbuga ng apoy ng Ifrit, ikinasa ko ang baril ko at nagsimulang magpaulan ng putok sa halimaw na ito. Isang mahirap na quest ito para sa amin.
While we're doing the quest, biglang sumagi sa isip ko ang mga nakita ko nung nakaraang araw. Kung paano makipag-usap si papa doon sa babae at ang tumatakbo sa isip ko ngayon... Baka maghiwalay sila ni mama. "Majesty, iwas!" Malakas na sigaw ni BlueQueen.
Bumalik ako sa huwisyo but it's too late. Nasa harap ko na mismo ang Ifrit at nakaamba nang kakalmutin ako. Ramdam ko na lang sa balat ko ang hapdi at pagbulwak ng malapot na dugo mula sa aking katawan.
Sa muli kong pagdilat, nasa cathedral na ako ng BWU. Namatay ako sa quest. Pakiramdam ko tuloy ay naging pabigat ako sa kanila.
Katana: Are you okay?j
Chat agad ni Katana ang nabasa ko. Idinukdok ko ang aking mukha sa aking tuhod at mapait na ngumiti, I am trying to smile, I am trying to act na para bang hindi ako apektado. Imposible pala.
Majesty: Just have a load of paperworks. Pagod lang.
Katana: liar, patapos na ang internship mo, wala na masyadong pinapagawa sa'yo.
Katana: I don't have any idea kung ano ang nangyayari sa'yo, Dani. But always remember, nandito ako. Don't forget that.
Majesty: Honestly, this past few days, nade-depress ako. Pero alam kong magiging okay din ako.
Katana: alam ko na, let's have a meet up sa Sunday. We will lift your spirit up! Ibabalik natin ang dating ikaw!
Majesty: haha! Baliw.
Naglakad ako palabas ng Cathedral at nakita ko si Darkshadow na nakatayo sa labas nito. "Ba't nandito ka? Nasa quest ka kanina ah." Sabi ko sa kanya.
"I have this feeling na mas kailangan mo ako. I can retake that quest over and over again." Paliwanag ni Darkshadow. Si Darkshadow o si Raydin ang lagi kong kasama. Hindi niya talaga ako pinababayaan.
"Magla-log out muna ako," Paalam ko kay Darkshadow. "Wala ako sa mood maglaro ngayon, e. Bawi na lang ako sa mga susunod na araw." Dugtong ko pa.
Nag-chat din ako sa party chat namin to informed my friends.
Majesty: log out muna ako guys. Not feeling well :(
Katana: Okay lang.
Thatjerk: Get well soon, Queen!
Bluequeen: Hoping that you'll be okay in the next days.
Majesty: Thanks guys.
"Gusto mo bang dumaan ako sa inyo diyan ngayon?" Raydin's asked. "I can accompany you the whole day if kung iyon ang magpapagaan sa dibdib mo."
"'Wag na, tapusin ninyo yung quest. Bye na." I smiled on him before I leave.
Pagka-offline ko ay agad akong bumaba. Nadatnan ko pa si kuya na nanunuod ng Volleyball sa TV. "Ayan! Good serve! Paluan mo na! Paluan mo na!" Para bang nanunuod nang live si kuya kung maka-react. Kulang na lang ay dalhin siya sa mismong Arena e.
Tumungo ako sa kusina at nakita ko si mama na naghihiwa ng mga prutas. I love my family so much, hindi ko alan kung dapat kong sabihin ang aking nakita o maging tikom ang aking bibig. Ayokong makitang nasasaktan si mama.
Yumakap ako mula sa likod ni mama at ipinatong ulo ko sa kanyang balikat. Nagtaka si mama kung sino iyon pero napangiti rin nung nakita niya ako. "Ano naman ang nakain mo at bigla kang naging malambing nang ganyan?" Tanong ni mama but she continued on slicing apple.
"Manghihingi ng pera 'yan kaya ganyan kalambing 'yan, 'ma," pagsingit ni kuya na nakatingin pala sa amin.
"Epal! I just wanted to hugged you 'ma. Bawal na ba?" I asked.
"May problema ba, anak?" Umikot si mama at tiningnan ako sa mata. "Nag-away ba kayo ni Raydin, may problema ka ba sa academics? Sa traba--"
"No, 'ma, wala po. Na-realize ko lang na mahal na mahal ko ang pamilya ko." Sabi ko at yumakap muli ako kay mama. She sighed pero binitawan niya ang kutsilyong hawak at yumakap din siya sa akin.
"Mahal din namin kayo ng papa mo. Kayong dalawa ng kuya mo ang kasiyahan namin," sabi ni mama at na-guilty ako. Sana nga, 'ma, sana ganyan nga ang nararamdaman ni papa.
***
Araw ng linggo, pupunta ako ngayon sa Starbucks around Quezon para makipag-meet kanila Sophia. Actually, si Sophia ang nagplano na magkita-kita kami e.
While nasa biyahe ako papunta ay isang chat ang natanggap ko mula kay Jace.
Jace:
Just finished my internship today!
Malapit na akong makabalik sa Pinas,
Miss you bespren.
Danica:
H'wag kang babalik dito ng wala kang
pasalubong. 😝
Jace:
Grabe siya, yung pasalubong
talaga ang inintindi. 🙄
Danica:
Of course, na-miss kita. Can't
wait for your come back dude.
Jace:
Spokening dollars na ako pagbalik
ko diyan.
Danica:
2 months ka lang diyan, 'wag
kang OA. 🙄
Jace:
I almost forgot, Happy Birthday
Daniiii 🎉🎉
Nabigla ako sa chat ni Jace, I checked my phone's calendar. Holy shit, birthday ko na pala ngayon. I am not being OA sa pagkalimot dito pero nawala talaga siya sa isip ko dahil sa mga problema and sa load of works.
I just turned 19 today. How nice.
Danica:
Whoah, you're the first one who
greeted me. Lol.
Even I, nawala sa isip ko na
birthday ko haha!
Jace:
Una ako? Special kasi ako e.
I am not good at warm words
pero alam mo naman na nandito
ako lagi para sa'yo, 'diba?
Danica:
I know and I am always happy for that.
Nung mapansin kong malapit na ako sa starbucks ay agad akong nag-reply kay Jace.
Danica:
Later chat, I arrived at our meet
up place. See you soon, dude!
Jace:
Have fun!
Iniabot ko ang bayad kay manong driver bago ako bumaba ng cab. Dali-dali akong pumasok sa Starbucks at nakita ko silang nakaupo sa isang couch. "Eto na si Dani," Ericka shouted at hinampas naman siya sa balikat ni Sophia dahil sa lakas ng boses nito.
Habang papalapit ako sa kanila, nakita ko na may hawak na cake si Raydin. There's a 'Happy Birthday, Dani/Majesty' na nakalagay sa cake.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you..."
Nagsimula silang kantahin ang Happy birthday, ang simple man nang ginawa nila pero sobrang na-appreciate ko ito. "Pasensya na at hindi bongga ang nagawa naming surprise, late namin nabalitaan." Sabi ni Mateo.
"No, it's okay. Supposed to be iti-treat ko lang sana ang araw na ito as a normal day pero may paganito kayo, thank you!" Naluha ako dahil sa surprise na ginawa nila. Hindi ako palaiyak na tao pero masaya ako na naaalala nila ako.
"I hope na nagawa naming pasayahin," sabi naman ni Sophia. "Dahil diyan, I know a place na masarap ang mga pagkain. Treat ko." Deklara ni Sophia.
Sumigaw sa saya si Mateo at Ericka. Nakatingin ako kay Raydin and he just smiled on me. "Happy birthday, my queen." He said.
"Okaaay! Putulin muna nating 'yan landian ninyo. Save ninyo na 'yan mamaya. Gutom na 'ko, okay?" Sabat ni Sophia, umangkla siya sa braso ko at hinatak na ako palabas.
Sumakay silang tatlo sa kotse ni Mateo samantalang sa kotse ako ni Raydin sumakay. Habang nasa biyahe kami, "salamat sa ganito ninyong pakulo." Nakangiti kong sabi.
"Anything for you, hindi ko kakalimutan 'tong espesyal na araw para sa'yo." Sabi niya sa akin.
"There's nothing special with it naman e." Lalo na kung alam kong may family problem kami.
"It's special. Sa araw na ito, isinilang ang babaeng mamahalin ko habambuhay kung kaya't kailangan nating i-celebrate ito yearly." Sabi ni Raydin, nag-make face ako na ikinatawa niya.
"As the time goes by, pa-corny ka nang pa-corny, ha!" Sabi ko. Inilahad niya ang kanyang kamay at hinayaan ko naman siya na hawakan ang aking kanay at ipinagsalikop niya ang aming mga daliri.
Pagkarating namin sa lugar na sinasabi ni Sophia ay bigla akong kinabahan-- sa Cafe Adjura ito. Dito ko nakita si papa kasama ang isang babae. "P-pwedw bang lumipat na lang tayo nang kakainan?" Tanong ko kay Raydin.
"Don't worry, wala ka ng madadatnan dito na masamang pangyayari. Sophia will be disappointed kung tatanggi ka." Sabi ni Raydin at iniipit sa aking tenga ang ilang buhok. "I am always here for you, okay?"
Tumango-tango ako bilang sagot. Pagkalabas kobsa kotse ay dumampi sa balat ko ang mainit na sinag ng araw, magsa-summer na talaga dahil sa init ng panahon. "Let's go na, Majesty!" Sabi ni Sophia.
Magkasabay kaming naglakad papunta sa Cafe Adjura. Kataka-taka namang may nakaharang na kurtina sa glass window nito kung kaya't hindi ko makita ang nasa loob.
Pagkabukas ko ng pinto ay isang tunog ng pop up confetti ang narinig ko kung kaya't napapikit ako. Lumiwanag ang paligid habang bumabagsak sa akin ang ilang mga confetti.
"Happy Birthday Dani!" Malakas na sigaw ng mga tao sa loob. Nabigla ako na nandito si mama, si kuya, si papa, mga tito't tita ko mula sa probinsya, maging si Jace na sabi'y nasa US pa siya. Nandito rin sila Cherry at ilang kasama namin sa trabaho.
"What is this?!" Tanong ko sa kanila at tumingin kanila Sophia, so they are part of this surprise?
There's a lettering na nakadikit sa pader na nakalagay ay "Happy birthday Dani!" may malakas ding music sa paligid at mga birthday hat.
"A surprise, pinlano ng papa mo 'to, Dani. I bet naging successful naman dahil na-surprise ka." Paliwanag ni Sophia sa akin at dumako ang tingin ko kay papa.
He opened his arms at napatakbo ako tungo sa kanya. Yumakap ako nang mahigpit. "I thought you will leave us, 'pa!"
"Bakit ko naman kayo iiwan, mahal na mahal ko kayong pamilya ko." Sabi ni papa at hinimas ang aking ulo at humalik sa aking noo.
"Bakit nakita kita nung mga nakaraang araw na may kasamang babae?"
"Babae? Baka yung owner nitong Cafe Adjura, she's a friend of mine at nakiusap ako sa kanya na dito gaganapin ang birthday surprise namin sa'yo. I always meet her to plan everything. Nung 18th birthday mo kasi ay hindi ka nakapag-debut dahil medyo gipit tayo kung kaya't babawi na lang ako ngayon." Mahabang paliwanag ni papa at napayakap ako ng mahigpit.
Bumaling ang tingin ko kay Jace. "Hoy ikaw! Akala ko ba sa next week pa ang balik mo!?" Kunwaring galit kong sigaw.
"Joke lang 'yon! Last week pa talaga natapos ang internship ko, minadali ko nga at nag-OT ako para lang maka-attend sa birthday ng bestfriend ko!" Paliwanag ni Jace at may iniabot sa aking gift bag. "Ayan, regalo ko sa'yo."
It's such a fun party dahil nandito ang lahat ng tao na gusto kong makita sa aking kaarawan. Napadako ang tingin ko kay Raydin na kasalukuyang kinakausap ni kuya Peter. Paniguradong naninindak lang si kuya kung kaya't lumapit na ako.
Nung nakita ako ni kuya ay mabilis niyang pinutol ang kanilang usapan at naglakad patungo kanila mama. Tumingin sa akin si Raydin. "I am sorry na hindi ko sinabi sa'yo ang about sa surprise na ito, kahapon lang din ako sinabihan." Kumakamot sa ulo niyang sabi.
"I'll let you slipped away this time. Thank you very much, anong sinabi sa'yo ni kuya?" Tanong ko.
"Magpakasal na daw tayo."
"Gago! Ano nga?"
"He just warned me na sa oras na saktan kita ay makikipagpalit ako ng mukha sa aso." Sineryoso talaga ni kuya ang banta na iyon. May kinuha siya sa kanyang bulsa. "Here's my gift for you."
"Ano 'to?" Kahit wala namang regalo ay ayos na sa akin dahil masaya na talaga ako ngayong araw. Para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan na wala naman palang problema sa pamilya ko. I looked into his eyes na parang sinasabi na buksan ko ang regalo niya.
Binuksan ko ang maliit na kahon at naglalaman ito ng singsing. Isa itong gold ring at sa loob ng singsing ay may nakalagay na:
DNC•RYDN
Iyon ang mga letrang bumubuo sa aming pangalan. Ipinakita niya rin ang singsing na suot niya, kamukha ito ng singsing na kanyang ibinigay. "Happy birthday, Dani." Sabi niya sa akin. "Damn! Can I kiss you right now?"
"Siraulo ka, nandiyan sila mama." Banta ko.
"Just a peck though." dahilan niya, hindi pa ako nakakapagsalita ay bigla ng tumama ang malambot niyang labi sa aking labi. Mabilis lang ito pero pakiramdam ko ay huminto ang mundo ko ng ilang segundo. "Mahal kita, Dani."
"Saying that in tagalog makes me cringe, you know." Sabi ko sa kanya.
"Ang lame kapag english. Mas dama kapag tagalog." Paliwanag niya, totoo naman. Mas puno ng feels ang tagalog.
"Mahal din kita, Raydin." I smiled on him. Unti-unting naglapit ang aming mukha hangang sa halos ilang sentimetro na lamang ang aming pagitan.
"Hey couple! I am not trying to be KJ sa halikan ninyo pero samahan ninyo naman kami!" Sigaw ni Mateo kung kaya't napatigil kaming dalawa.
This day is a memorable day for me. Happy birthday to me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top