Shoot 54 "Third School War"

We will now starting the third school war!

An announcement can heard all over the place. Nakapwesto na ako sa pinagtataguan ko, nasa likod ako ng isang sirang bahay. Medyo liblib ang lugar na ito kung kaya't kampante ako sa pagkakataong ito.

Kung may nadagdag sa rules ng school war ngayon, iyon na siguro ang chat block kapag nasa war zone. Meaning, hindi ka pwedeng makipag-chat kahit kanino at hindi mo rin makikita sa map kung nasaan ang mga kasamahan mo.

Bawal din gumamit ng mga healing items, so if you're in a difficult situation, oaniguradong mamamatay ka na.

Actually, it brings extra twist to the war. Mas challenging.

Masasabi ko ring parang isang himala na hindi nag-provoke ang mga taga-REU ('coz that's what they did last school war). Nakatahimik lamang sila at pangisi-ngisi lang na parang kampante sila na sila ang mananalo sa pagkakataong ito.

Ikinasa ko ang M4A1-S silver ko at dumungaw sa isang bintana. Sa 'di kalayuan ay may naririnig akong mga putok ng baril. Panigiradong may dadaan sa gawi na 'to as an exit point.

All I have to do is to wait. Hindi naman ako nagkamali, there's an Evergreen student na tumatakbo at may malaking sugat siya sa braso. He's holding his stomach dahil natamaan siya ng bala rito. Umaagos ang pulang likido mula sa kanyang tiyan.

I wanted to show some mercy on him, but this is war. Paniguradong hindi rin naman ako kakakaawaan ng mga kasamahan niya kung nasa ganyan akong sitwasyon

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinimulan ang pagbaril sa kanya. A loud gun shot ang umalingawngaw sa buong lugar, hindi ako nahirapan na patayin siya dahil bawas at sugatan na ito.

When he fell down on the ground ay napangiti ako. "One down," I said.

Majesty successfully eliminated Subzero!

Paunti-unti ay umalis na ako sa pinagtataguan ko. Maingat ang bawat hakbang ko at iniikot ang aking paningin sa buong paligid. As much as possible ay umiiwas ako sa lugar na marami akong gunshot na naririnig.

It's risky to join in that kind of battle. 20 minutes na ang nakakalipas simula nung magsimula ang war, may anim ng nae-eliminate mga estudyante.

Remaining students:
REU- 20
BWU- 19
EA- 18
WKA- 19
YRA- 18

As of the moment, REU ang nangunguna sa war zone at wala pang namamatay sa kanila. Hindi naman malaki ang lamang nila kung kaya't alam kong may pag-asa pa kaming manalo. There's a big chance na manalo kami.

I am walking while pointing my gun in different ways, nasa masukal na bahagi ako ng gubat. Nagtataasan ang mga puno rito at matataas din ang damo. There's a trees all over the place kung kaya't mahirap makakita ng kalaban.

A small steps going to the east. Sa muli kong paghakbang, I heard a loud gun shot. Napakabilis ng pangyayari, naramdaman ko hangin dala ng bala at dugo na unti-unting bumabagsak mula sa aking pisngi.

Nadaplisan ako ng bala. A sniper is around at this place.

Humigpit ang pagkakayapak ko sa ground at nagmamadaling magtago sa likod ng isang malaking puno. Isang malakas na pagputok muli ang aking narinig. I looked over the place pero hindi ko talaga makita kung saan nanggagaling ang pagputok ng sniper.

Nagawa niya akong barilin, it just means na hindi siya taga-BWU. Akmang dudungaw muli ako pero nakarinig muli ako nang pagputok. Damn.

Paano ako makakaalis dito? I am fucking being targeted by someone. Hindi ako takot sa bakbakan pero ibang usapan kapag sniper na ang kalaban ko. In just 2-3 shots, mapapatay ako nito. Depende pa sa uri ng baril.

I need to think some plan to get put here. Sabi nga nila, kung wala kang plano, wala kang patutunguhan.

Muli akong dumungaw at malakas na gunshot na naman ang narinig ko kung kaya't mabilis akong nagtago, gladly, hindi ako tinamaan. But still, hindi ko pa rin alam kung nasaan ito.

Kung patuloy siyang nakabantay sa akin sa buong school war, wala akong magiging progress. I will be stuck here. Sinabi ko pa naman gusto kong mapasama sa aksyon this time dahil nga nung last school war ay ginawa lang akong pain nila Darkshadow to win the war.

May ideyang tumakbo sa isip ko pero parang magiging sugal ito, there's a tendency na hindi gumana pero eto na lang ang tanging way.

Kinuha ko sa item list ko ang isang mini bag. "Kaya mo 'to, Majesty." Pagkausap ko sa aking sarili at bumuntong hininga.

Inihagis ko sa kabilang side ang mini bag at sa kabilang side naman ako lumabas after a second. A loud gun shot was heard all over the place. Gumana ang ginawa kong trap dahil ang mini bag ang tinarget niya.

Ut will took three seconds bago siya makapag-reload. Hinanap ko sa buong paligid kung saan nanggaling ang pagputok-- sa taas ng puno. "yari ka na sa aking hayop ka."

Itinutok ko sa kanya ang baril ko and nagsimula akong magpaulan ng bala sa kanya. Na-out of balance siya sa puno at nahulog dito.

Isa itong estudyanteng taga-REU.

FallenAngel
Level 71

Hindi na siya nakapag-reload dahil sa ginawa ko. "H'wag mo akong patayin, let me slip this time and I promise na hindi na kita aatakihin!" He said, kaunti na lang din ang buhay sa kanyang health bar. Too bad, hindi siya makakapag-heal dahil sa new rule ng war zone.

Halata ang kaba sa kanyang mukha nung nagsimula na akong papalapitbsa kanya. "P-please..." Pagpapatuloy niya sa kanyang pagmamakaawa.

"If I will show you some mercy, e'di sana hindi na ako sumali sa school war," I said.

Kinuha ko ang handgun sa gun pocket ko. Itinutok ko ang baril sa kanyang noo and I saw the tremble of his lips. "the word 'mercy' is unacceptable in this kind of war. Bye." I triggered the gun and a loud gun shot can heard all over the place.

Tuluyan naubos ang buhay sa health bar nitong taga-REU.

Majesty successfully eliminated FallenAngel!

I checked out the standing matapos kong mapatay ang taga-REU.

Remaining students:
REU- 18
BWU- 16
EA- 14
WKA-15
YRA-17

Kahit nagawa kong patayin si FallenAngel, leading pa rin ang REU. Tama nga ang sinabi ni Darkshadow, baka nilibot na ng REU ang buong lugar hangga't wala pa ang mga taga-ibang school. They took advantage of it.

Naglakad lang ako muli palayo sa malakas na putukan, hindi ako makikisali sa gulo nila. Hindi naman paramihan ang mapapatay ang labanan dito, the last man standing will win in this war.

Napunta ako sa isang part ng isla na may mga sira-sirang bahay. Hindi naman barong-barong ang mga bahay dito, mwdyo modernize na rin kaso nga lang ay sira-sira.

Dahil na rin sa health regen na skill ko kapag napapahinga, unti-unting naghilom ang sugat ko sa pisngi.

Pumasok ako sa isa sa mga lumang bahay, I checked the surrounding, safe naman. Maganda sana kung hindi lang ito sira-sira, karamihan sa mga gamit dito sa loob ay non-functional na o kaya'y hindi na magagamit.

Umakyat ako sa ikalawang palapag at mayroong daan paakyat sa may bubong. Sa bubong ay parang maliit na space doon kung saan ka pwede magtago kung kaya't doon ako pumwesto.

Kumusta na kaya sila Darkshadow sa war na ito? I hoped they are doing great and magkrus man lang kahit isang beses ang mga landas namin dito sa war zone.

While I am resting, isang gunshot ang narinig ko na unti-untong lumalakas, napakapit ko ng mahigpit sa bubong upang ma-maintain ang balanse ko dahil sa mga pagaabog. Nandito na sila.

Isang oras. Isang oras na kaming lahat na nandito sa war zone. Pakonti na rin ng pakonti ang mga estudyanteng tumatagal dito. I checked the standing once again.

Remaining students:
REU- 15
BWU- 14
EA- 10
WKA- 13
YRU- 13

REU is still leading. Hindi naman malayo ang standing nito sa standing ng school namin kung kaya't hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Ikinasa ko ang baril ko sa marahil na aksyon na mga sumunod na nangyari. Unti+unting lumakas ang mga putukan, oh fucked! Dito ba sa lugar na ito mangyayari ang bakbakan? Oh shit.

I am about to hide again ngunit nakita ko si Lucky at Katana na tumatakbo, Lucky has a gun shot on her shoulder and Katana is protecting her.

Hindi ko sila pwedeng pabayaan, they are my team mates.

Tatlong REU ang humahabol sa kanila at pinapaputukan sila ng baril, they are running on differemt directions to avoin the gunshot.

Kinuha ko ang isang bomba sa item list ko. "Regalo ko sa inyo," inihagi ko ito sa direksyon ng mga taga-REU. Dahil naka-focus sila sa paghabol kanila Lucky ay hindi nila ito napansin.

Isang malakas na explosion ang umalingawngaw sa buong paligid. Medyo napapikit ako para hindi pumasok sa mata ko ang mga alikabok. Lumabas ako sa pinagtataguan ko, they might be injured at this point and I will use it as an advantage.

Majesty successfully eliminated Sharpshooter!

Mukhang ang swerte ko ngayong araw, ha. If I am not mistaken, nakalaban ko na rin si Sharpshooter nung nakaraang school war. I didn't expect that he will be die in this lame way this time.

Tumalon ako para.makababa mula sa bubong ng bahay and started to fire at enemies position, makapal ang alikabok kung kaya't nangangapa lang ako kung nasaan marahil sila.

"Majesty!" Masayang sigaw nung dalawa sa akin nung makita nila ako.

"Magtago muna kayo sa isa sa mga bahay. I can handle this one," utos ko at tumango naman sina Katana at Lucky.

Sa muling pagbaling ko ng tingin sa direksyon ng kalaban, isang bala ang bumubulusok patungo sa aking direksyon. It's too late, hindi ko na ito naiwasan. Tumama ang bala sa aking hita at makaraang lamang ang ilang segundo ay nagsimulang umagos ang pula at malapot na likido mula rito.

I checked my health bar. Okay, medyo.masakit ang bawas no'n, ha.

Hindi ko pinansin ang sakit. It becomes more war zone bukas of the loud gun shots. Nawala ang kapag ng usok at naaninag ko na kung nasaan sila.

Coffeebeans
Level 78

CoolJace
Level 74

Guess who's here? My bestfriend. Kahit talaga nasa New York siya ay hindi pa rin nagpapatigil sa paglalaro ng SWO ang lalaking ito. Kahit naman nasa America siya, his Nerve gear is registered here in the Philippines kung kaya't sa Philippines server pa rin siya kasali.

Alam na rin ni Jace na naglalaro ako ng SWO, pero sa skype lang namin ito pinag-usapan at hindi pa namin napag-uusapan ng personal dahil nga nasa malayo ang mokong.

I locked my target to Coffeebeans, ang taas soguro ng agility ni Coffeebeans dahil ang hirap niya patmaan. Ang bilis niya kumilos.

Gumulong ako ppunta sa likod ng isang poste to avoid some gun shot and makapag-reload na rin ako. Mayamaya pa ay lumabas sa bahay si Katama at Lucky. "Hindi naman pwedeng pabayaan ka namin dito sa war zone, Majesty." Nakangiting sabi ni Lucky.

Nagsimula ang bakbakan. Mayamaya pa ay hindi na.lang kami ang nandito dahil may mga dumating na taga-ibang school. Naging sentro ito ng gyera.

Katana successfully eliminated Coffeebeans!

"Nice one!" Sigaw ko nung magawa ni Katana.

Sa gitna ng gyera, nagkatinginan kami ni Kace at napangiti sa isa't-isa. "Paano ba 'yan, bestfriend, galit-galit muna, ha?" Jace said to.me at tumango ako.

Wala pang ilang segundo ay hinugot ni Jace ang shotgun sa kanyang likod at binaril ako. Dahil kalat ang bala ng shot gun, may ilang tumama pa rin sa akin.

The red on my health bar is almost in half. This is bad. Kumakaunti na lang ang buhay ko. Kung mananatili ako sa war zone na ito ay paniguradong mamamatay ako.

I jump as high as I can, ikinasa ko ang M4A1-S silver ko at pinaulanan si Jace. He run to avoid it at nagtago siya sa isang poste.

The advantage of using shotgun, mabagal magkasa. He aim for me once again pero agad ako nakatalon sa sirang bintana ng bahay upang maiwasan ito. Napagulong ako sa sahig and I composed myself omce again.

Firephoenix successfully eliminated Lucky!

As I read that announcement ay kinabahan ako. Firephoenix is now here. Naaalala ko pa ang huling pagkikita ng gagong iyon. Nung nakita ko na siya ang pumatay kay Lucky ay parang nangati ang paa ko na sipain ko ulit siya sa mukha.

Remaining students:
REU- 10
BWU- 8
EA- 3
WKA- 4
YRU- 6

Habang tumatagal kamo sa war zone ay unti-unti kaming nauubos. Pakiramdam kobay unang mauubos ang mga taga-EA sa war zone. But the fact that marami pa ang taga-REU, it will be a disadvantage.

Napatigil ang pagtingin ko sa standing nung biglang pumasok si CoolJace sa loob ng bahay, he reloaded his shot gun.

"Oh fuck," mura ko, mabilis kong sinipa ang lamesa upang tumumba ito at ito ang ginamit kong pangharang sa mga bala niya.

May ilang tumagos na bala but gladly, hindi ito tumama sa akin. Hinagisan ko siya ng bomba sa labas and a loud explosion can hear all over the place at mararamdaman talaga ang pagyanig ng lupa dahil sa pagsabog.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Nakita ko si Jace na may galos sa braso at umaagos dito amg masaganang dugo. Ngumiti ako sa kanya at nagsimula siyang barilin muli.

Majesty successfully eliminated CoolJace!

As I red that announcement ay napabuntong hininga ako dahil sa pagod. Nagtago muna ako sa sulok na bahagi ng bahay upang ma-regen kahit sglit ang buhay ko. Kahit kalahati man lang ay maabot ko.

Malakas na putukan talaga ang maririnig sa labas. This war, it's intense and scary at the same time. Kung mangyari man ito sa totoong buhay ay paniguradong hindi ako ganito katapang. Kaya lang matapang si Majesty dahil alam niyang if she died in this game, mabubuhay ulit siya.

Firephoenix successfully eliminated Katana!

Shit. Talagang ayaw magpaawat ni FirePhoenix at talagang pinapatay niya amg mga kaibigan kong nandito sa war zone. Matapos ang ilang minuto ay umalis na ako sa pinagtataguan ko.

Remaining students:
REU- 7
BWU- 5
EA- 1
WKA- 3
YRU- 2

Kaunti na lang ang estudyanteng natitira. Nagsimula kami sa 100 ngunit ngayon ay 17 students na lang ang natitira sa war zone. I am glad na umabot ako sa ganitong punto kahit medyo mababa ang level ko kumpara sa kanila.

Umakyat ako sa ikalawang palapag, tatalon ako mula sa bubong. Hindi safe ang lumabas sa main door dahil paniguradong may sniper na nakaabang sa akin.

Pag-akyat ko sa ikalawang palapag, may napansin akong tao sa isang kwarto-- estudyante mula sa REU. Nakatingin siya sa lense ng Sniper niya. Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pakikipaglaban.

Kinuha ko ang golden dessert eagle sa gun pocket ko at itinutok ko sa kanyang ulo. I upgraded this Golden eagle several times kung kaya't alam ko na kapag ito pinutok lo sa ulo niya, she will be dead.

"Hey, bitch!" Unti-unting lumingon ito at saktong pagkalingon niya sa akin ay ipinutok ko ang baril. Tagusan ang bala mula sa kanyang noo papunta sa kanyang likod ng ulo.

Majesty successfully eliminated KeeptheBeats!

I am about to jump out but one news cauhht my attention.

Evergreen Academy is now Annihilated!

So the EA students is now wiped out in this war.

I jumped out from the window of this house at sumali muli sa gulo. May nakasagupa akong isang taga-WKA at mabilis ko naman itong napatay.

White Knights Academy is now Annihilated!

Yellow Razors Academy is now Annihilated!

Halos magkasunod ang announcement na iyan. It's now a battle between REU and BWU, just like the old times.

REU is here to redeem their title once again whileus, BWU, we're here to defend this title.

I am now standing at the ground of this destroyed village. Unti-unting lumabas ang limang natitirang REU students sa kabilang dulo.

Himala yata na nakatahimik lang si FirePhoenix sa pagkakataong ito. What happen to his big mouth? Natahi ba? Hindi siya nagbibitaw ng mga nakakainis na salit. I mean, it's great pero nakakabahala lang.

Habang sa akin nama'y unti-unting nagpakita ang mga buhay pang taga-BWU na estudyante at tumabi sa akin. Si BlueQueen, ThatJerk, at Darkshadow. Kaming apat na lang ang matitibay ma natitira ngayon sa war zone upang ipaglaban ang BWU.

"It's nice to know that you're still alive, queen!" Nakangiting sabi ni Thatjerk.

"Anong nangyari diyan sa pisngi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nagalusan ng isa riyan sa mga REU. Humanda talaga sa akin iyon dahil gigilitan ko ng leeg 'yon sa oras na magtagpo kami." Banta ni Thatjerk kung kaya't napatawa naman ako. He's serious while saying that words pero nakakatawa lang dahil hindi bagay sa kanya.

"We will defend this title." Sabi ni Darkshadow at napatango-tango ako. He looked at me and smiled a little. "Showtime?"

"Showtime." The three of us said at ni-reload ko ang baril ko.

It become an intense fight between REU and BWU. Talagang ayaw magoatalo ng parehas na school. I grabbed my lat bomb on my item list at hinagis sa direksyon ng isang taga-REU.

"Damn." Mura ko nung maiwasan niya ito. Nagsimula siyang magpaulan ng putok tungo sa direksyon ko and I rolled behind a cart and gladly, walang tumama sa akin kahit isa. A loud gun shot ang narinig ko. Isang putok lang iyon pero alam ko kung kanino nanggagaling-- kay Darkshadow. He's hoding sa mga bubong ng bahay. Hindi ko alam kung saan mismo pero nakatago lang siya since he is a sniper class.

Darkshadow successfully eliminated GreatMaster!

Firephoenix successfully elimated BlueQueen!

Talagang hindi nagpapatalo ang dalawang ito. Anong magagawa ko? They are the rank 1 and the rank 2 of overall ranking kung kaya't may pride at ego silang pinoprotektahan.

Pumasok ako saglit para i-summon ang Black Dog ko-- si Umbra. It can be a great distraction since may pagkamalikot si Umbra.

Lumabas muli ako sa pinagtataguan ko and in a snap, nakita ko na may nakatutok na baril sa ulo ni Thatjerk, his kneeling in front of Firephoenix.

Tutulungan ko sana siya but it's too late, naiputok na ni Firephoenix ang baril. Nagkalat ang maraming dugo sa sahig.

Firepheonix successfully eliminated Thatjerk!

Nakakatakot si Firephoenix kapag seryoso siya sa laban. Siguro ay nagpo-focus talaga siya ngayon para makaganti sa amin. You know, hindi maganda ang huling pagkikita naming dalawa.

"You, jerk!" Sigaw ko sa kanya.

Firephoenix smiled at me. "It's nice meeting you again, Majesty. The ex-queen of BWU." Sabi niya sa akin. Oo nga pala, ang alam niya ay wala na kami ni Darkshadow since kumalat ang balitang iyon sa buong gaming world.

"Stop smirking like you're acting like a cool guy. Mukha kang ogre." Sabi ko.

"Wala ka pa ring pinagbago, magaling ka talaga sa trashtalk-an." Naiiling na sabi ni Firwphoenix at ikinasa niya ang baril kanyang hawak. He's now walking towards my direction.

Darkshadow succesfully eliminated BlackClover!

Darkshadow successfully eliminated Supremeboy!

"three... two..." Napakunot ang noo ko sa pagbilang ni Firephoenix pero isa lang ang nasisigurado ko, hindi siya bibilang ng ganoon kung wala siyang nakahandang plano. I am not safe in this place.

I am about to run. "...one."

Sa pagkabilang na iyon ni Firephoenix. Tatlong sunod-sunod na malakas na pagsabog ang narinig ko at karamihan dito ay malapit sa kinaroroonan ko.

I can feel the heat that approaching me and may ilang mga debris na bumagsak sa akin. Napaluhod na ako at hindi ko na nagawang makatayo pa muli. Matinding paso ang nararamdaman ko sa buo kong katawan at may dugo na tumutulo mula sa aking noo.

Sabi na e, may pinaplano 'tong si FirePhoenix. He's not smirking kung wala lang iyon. Oh shit! Nalinlang ako ng pagiging iba niya kumilos. Nawala ako sa pokus.

Darkshadow successfully eliminated Bombplanter!

So siya ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng bomba sa paligid? He's an asshole. It's now two against one. Pero feeling ko ay mamamatay na rin ako, mababa na lang ang health ko at isang baril na lang ni Firephoenix ay tanggal na ako.

I hold my Golden dessert eagle. This is a last chance na matutulungan ko si Darkshadow. I aim for Firephoenix head. Nanginginig ang kamay ko dahil sa hina.

"Good bye, Majesty." Sabi ni Firephoenix, ikinasa niya ang hawak niyang baril at ipinutok.

Napapikit ako at nakahanda na akong saluhin ang bala pero walang dumampi sa balat ko. I slowly opened my eyes at nakitnko si Darkshadow na nakaharang. Nakita ko kung paano ang pulang sa health bar niya ay unti-unting naubos.

"Why d-do you save me? Kaunti na lang ang buhay ko. Mamamatay din ako." Naluluha kong sabi.

"If there's a thing na ayokong makita. Iyon ay ang mamatay ka. Para na rin akong pinatay no'n." He smiled on me bago naubos ang buhay sa kanyang health bar.

Firephoenix successfully eliminated Darkshadow!

"So the kimg still saved his queen. Pero nonsense lang din. Mamamatay ka rin, we REU, will win this time." Sabi ni Firephoenix.

Dalawang kamay na ang ginamit ko sa paghawak ng baril upang mas maging steady ang pagtutok. Firephoenix reloaded his gun at naging way 'yon para maiputok lo ang hand gun ko.

Just one bullet. Isang bala ang lumipad patungo sa ulo ni Firephoenix. Alam ko sa sarili ko na hindi mapapatay ng isang balang iyon si Firephoenix since he is the strongest student at the whole SWO community.

Pero sadyang swerte ako. Nag-critical hit ang bala na tumama sa kanyang noo at naging doble ang damage dahilan para tuloy-tuloy ang bawas sa buhay ni Firephoenix at naubos ito.

It was a lucky bullet. Kumbaga, swertihan lang.

Napatay ko si FirePhoenix at ako ang nag-iisang natira sa war zone. I am the last girl standing.

BLUE WAVES UNIVERSITY WON THE THIRD SCHOOL WAR!

Iyan ang announcement na umalingawngaw sa buong paligid. Hindi na rin ako makatayo dahil sa damage. Hindi ko maiwasan na mapaluha, we successfully defended our title.

Isang liwanag ang unti-unting namuo sa tapat ko hanggang sa mag-formed it ng isang trophy.

Majesty received the SWO Trophy!

"We won." Iyon ang huli kong sinabi at masayang humiga sa mabatong lapag.

***---***---***

Sorry for the late update. Mahaba kasi ang chapter na ito :D

I hope walang magko-comment ng 'update na' since mahaba naman ito at hindi naman cliffhanger ang end ng chapter haha!

Hashtag for today: #toobigBWU tag me at twitter para makita ko. @reynald_20

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top