Shoot 48 "End the connection"

"Hoy 'te, mag-ingat ka sa pag-uwi ah!" Sabi ni Cherry sa akin habang papalabas kami sa Stargame. Tapos na ang working hours at sobrang sumakit ang paa ko kakapabalik-balik sa kusina para lang itimpla ng kape si Raydin.

"Kayo man, mag-ingat kayo!" Sabi ko, saktong pagkalabas namin ay may padaan na taxi na agad namang pinara ni Cherry. Magkaiba ang direksyon na dadaanan namin kung kaya't pinauna ko na silang makasakay ng taxi.

While I am waiting for another taxi to pass, may mga patak ng tubig akong naramdaman sa aking balat hanggang sa mga patak na iyon ay dumami at tuluyan ng naging ulan. "Parang wala naman nabalita kanina na uulan, ah." Mahina kong bulong sa aking sarili.

Hindi ako nakapagdala ng payong. Bahagya akong umatras para mapasukob ako sa stargame. In the middle of the rain ay may nakita akong kotse na papalabas sa parking lot-- kotse ni Raydin.

Shit. Shit. H'wag niya sana akong makita. He's about to stop at my direction pero saktong may dumaan na taxi. Thank you lord! Kahit papaano ay gumagawa ka nang paraan para hindi kami magkasama sa iisang lugar ni Raydin.

Bago pa man makalapit si Raydin ay mabilis akong tumakbo papasok sa may taxi. "Kuya sa Val po," Sabi ko sa taxi driver. "Pakibilisan pong mag-drive."

***

Pagkarating ko sa bahay ay una kong ginawa ay naligo dahil nabasa ako ako ng tubig ulan. "'ma, nasaan si kuya?" Tanong ko kay mama na nanunuod ng balita sa TV.

"Pumasok na ang kapatid mo, kani-kanina lang umalis." How bad, next week ko ma ulit makikita ang kapatid kong iyon. Tumabi ako kay mama at nanuod din ako ng balita.

Hindi naman ako makapag-focus sa mga binabalita dahil panay ang tingin ko sa aking cellphone. "Dani, may hinihintay ka bang tawag o text? Bakit panay ang tingin mo diyan sa cellphone mo?" Curious na tanong ni mama, napansin niya pala. "May boyfriend ka na ba?!"

"W-wala po! Ikaw talaga mama, mapaggawa ka rin ng tsismis," mabilis kong pagtanggi.

"Kung si Raydin din naman ang manlilugaw sa'yo, boto ako sa batang iyon,"

"'Maaa! Parang lumalabas na binubugaw mo 'ko e." Natawa naman si mama sa pagmamaktol ko.

"Bakit hindi ka hinatid nung batang iyon?" Curious na tanong ni mama. Madalas kasi ay hinahatid nga ako ni Raydin at nakikita 'yon ni mama.

"Tambak siya ng trabaho, wala na siyang time na ihatid ako." I explained.

"Kaya pala tingin ka nang tingin sa cellphone mo, hinihintay mo ang text niya." Napahinto ako sa sinabi ni mama.

"H-ha! Naghihintay ng text niya?! Asa naman siya! Ikaw 'ma mapaggawa ka ng isyu. Aakyat na nga ako sa taas." Nagmartsa na ako papasok sa aking kwarto.

Instead na isipin ang mga sinabi ni mama ay naglaro na lang ako ng SWO para makapagpa-level, naghahanda na rin ako for the next school war.

Pagka-online ko ay nandito ako sa may park sa loob ng school. Agad kong ni-summon si Umbra para may kasama ako.

"Arf! Arf!" Tahol ng maliit na black dog at hinimas ko ang kanyang ulo.

BlueQueen: tagal mong 'di nag-online, ha!

Thatjerk: Welcome back, Queen!

Lucky: Halos magka-level na tayo ah! Haha! Tara, quest?

Marami pang nag-pm sa akin and I am glad that they missed me.  Sobrang naging busy ako sa trabaho this past few days and gladly, naintindihan naman nila iyon.

Majesty: tara!

Lucky: okay, pm ko si Katana :D Saan tayo magkikita?

Majesty: nasa school ka ba?

Lucky: Nasa Canavan Town ako eh.

Majesty: Sige, teleport na lang ako diyan :D

Hinanap ko sa item list ko ang teleport scroll at inisip ko ang bayan ng Canavan. Ipinikit ko ang aking mata at sa pagmulat ko ay nasa bayan na ako ng Canavan.

Kapag level 50 pataas ka na ay makakapunta ka na sa Canavan Town. Itong bayan na ito ang sentro ng kalakalan dito sa mundo ng SWO.Maraming merchants ang nagtitinda rito at maraming rare item na itinitinda.

At isa pa, marami kang estudyante na makikita sa lugar na ito mula sa iba't-ibang school. Pero may rule kasi sa Canavan Town na bawal kang pumatay ng kahit sinong players kahit magkaiba pa kayo ng school.

Yakap-yakap ko si Umbra habang naglalakad ar, hinahanap ko sina Lucky at nakita ko silang nakaupo sa fountain at manunuod ng mga street performers. "Kanina pa kayo naghihintay?" Tanong ko.

Nandito sina Thatjerk, Lucky, at Katana.

I looked on their level.

Thatjerk
Level 68

Lucky
Level 63

Katana
Level 65

"Mukhang napag-iiwanan na 'ko, ah." Natatawa kong biro dahil level 60 pa lang ako. Mataas na rin naman.

"Kaya nga kami nandito, e." Sabi ni Lucky at napangiti naman ako nung makita silang nakangiti. "Let's go?" She asked.

Nag-quest lang kaming apat and nagawa kong magpa-level ng isa. Medyo nanibago rin ako dahil matagal-tagal din akong hindi nakakapaglaban, but still, I managed to cope up.

Alas-otso y media na nung natapos kami mag-quest. Isa-isa na rin silang nag-log out para raw makapagpahinga na sila. Bago kasi ako mag-log out ay napagdesisyunan ko munang mag-upgrade ng baril

Darkshadow is now online!

Shit. Bakit  ba inabutan niya pa akong online? "Kuya, ilang minuto pa bago matapos ang upgrading?" Tanong ko sa NPC na nagngangalang Hugo.

"Mga limang minuto na lamang, Majesty." Sagot nito sa akin.

Darkshadow: nasa'n ka?

Ayan na ang kinatatakutan ko. Bakit ba ang liit ng mundo para sa amin? Magkasama na kami sa office pero hanggang sa gaming ay magkasama kami. I can't deny the fact that Raydin is Darkshadow... For real.

Pagkatapos na pagkatapos talaga nitong upgrading ay magla-log out na ako.

"Why don't you answer my pm?" Isang lalaki ang nagsalita mula sa aking likod at napakagat ako sa ibabang labi ko. Oo nga pala, couple kami malo-locate niya kung nasaan man ako.

I sighed and faked my smile. "Bakit, may kailangan ba tayong pag-usapan?" Tanong ko. "Hindi mo ako mapagtitimpla ng kape rito sa game, SIR. If it's not work related, siguro naman ay may karapatan akong manahimik."

"Dani,"

"Majesty. My name in this game is Majesty," I know I'm being harsh. Kahit papaano ay nakokonsensya ako pero siya, nakonsensya ba siyang mahigit limang buwan niya akong pinaglaruan? No. So why would I?

"Tapos na, Majesty." Sabi ni Hugo at iniabot sa akin ang baril ko.

"Salamat." sagot ko dito.

Dire-diretso akong naglakad at nilagpasan si Darkshadow, but before I can get away ay hinawakan niya ang braso ko.

"How cluld I fucking fixed this kung hindi mo ako hinahayaang magpaliwanag?!" he shouted.

"I don't need your explanation 'coz ypu can't deny the fact that you fooled me." Sagot ko rito. Magkaharapan kaming dalawa. "Tutal naman nagkita na rin tayo rito."

I requested a trade for him but he decline on it. "I-accept mo." I ordered. "If not, I will quit at my internship amd find a new one."

Raydin's sighed as a sign of forfeiting and in the end, he accepted it. Ibinalik ko sa kanya lahat ng game money niya at mga items na nakuha ko galing sa kanya.

Pagkatapos no'n ay ako naman ang napabuga ng hangin. This is so fuvking painful.

Are you sure you want to break up with Darkshadow?

Yes
No

"Dani, sigurado ka bang eto ang gusto mo? Alam mo sa sarili mo na nasasaktan ka lang sa ginagawa mo." He said

"Nasaktan na 'ko Raydin. Manhid na 'ko."

"If I accepted this break up request, will it make you happy? Will it make you satisfy? Will it make you comfortable?" Pagpapaulan ng tanong sa akin ni Raydin.

Kasabay nang pagbagsak ng luha sa aming mga mata ang pagbagsak ng maliliit na dahon mula sa tapat na puno na aming kinatatayuan. We're looking on each other eyes. Wala ma yung amazement, puro sakit na lamang.

"Answer me, Dani."

"Y-yes." Sagot ko.

"Then maybe it's an end for the both of us." He sighed. "Kung ano ang magpapasaya sa'yo, iyon ang parati kong gagawin. Tandaan mo 'yan.

You successfully ended ypur relationship with Darkshadow!

Biglang nag-announce sa nationwide chat na break na kami ni Darkshadow. There's a lot of reaction akong nabasa mula sa iba't-ibang players pero lahat sila... Hindi natuwa sa nangyari.

"Tapos na tayo, siguro mali na rin na maghabol pa ako sa'yo, i-a-approve ko na rin ang gusto mong paglipat sa Finance department para hindi ka naman mahirapan sa pag-iwas sa akin." pagkasabi no'n no Darkshadow ay nag-teleport na siya paalis ng map.

Ako naman ay ayoko ring mabasa ang mga reaksyon ng ibang tao since it's our life kung kaya't nag-log out na rin ako.

Pagkatanggal ko ng nerve gear ay napahawak ako sa aking mata. May luha. Bakit ako umiiyak? Dapat ay masaya na ako dahil iyon naman talaga ang gusto ko. Bakit ako hindi satisfy sa naging desisyon ko?

"Why are you crying Dani. Shit." Pagmo-monologue ko. I opened my cellphone at may isang notification akong nabasa mula sa twitter

Raydin Agoncillo approved your following request!

Wow. I send this a month ago pero ngayon lang na-approve. Dapat ay iko-close ko na iyon pero accidentally siyang na-tap ng hinlalaki ko kung kaya't napunta ako sa twitter wall ni Raydin.

@Raydin20:
What a boring they here at Office, hindi niya 'ko pinansin maghapon. 😶

@Raydin20:
Should I go to that meet up? Hmmm...

@Raydin20:

This girl doesn't even know that she's damn pretty to be handle by my weak heart. 😊

@Raydin20:
Still nasa Pangasinan pa rin siya. Libangin ko na lang sarili ko sa paggawa ng thesis.

@Raydin20:
She sent a picture while she's on the way to Pangasinan. Damn, pretty. 😍

@Raydin20:
A rare photo together with her. Almusal together nung sinundo ko siya. Yum!


Habang binabasa ko ang mga status ni Raydin sa twitter, isa lang ang napansin ko... Puro ako ang laman nito, it's about how we spent the day together and how she missed me kapag wala ako.

@Raydin20:
Pahulog ka pa lang, samantalang ako hinihintay ka na lang mahulog. Sasaluhin naman kita.

@Raydin20:
The best way para mapansin ka niya? Annoy her. 😂

Hanggang sa nakita ko ang pinaka-una naming picture na magkasama sa wall niya.

@Raydin20:
Kinuha ko lang sa facebook page ng college namin but who's this pretty girl na nakalaban ko sa elimination round? Hmm...


@Raydin20:
After the competition, nalaman ko name niya. Danica Espino. Maybe I will save her name... In my heart. Para 'di ko makalimutan. 🙈🙊

Why? Why it shaken my heart all of a sudden? Para bang lahat nang inis ko ay biglang nawala. Bakit parang pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko kanina?

Damn, Raydin! Bakit mo ba ginugulo ang sistema ko. Why?!

***---***---***

Kapit lang guys! Haha!

If you like this chapter, kindly hit the star button and leave a comment :)m

Walang magko-comment ng 'update na.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top