Shoot 40 "Birthday Party"

"He's an asshole. Mas masahol pa siya sa bestfriend mo e," Sabi ni Sophia sa akin at tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Kinuwento ko kasi sa kanya na hindi si Mateo si Darkshadow.

"Para bang binilog at pinaglaruan niya lang ako. He make me believe on his lies." Sabi ko sa kanya.

"Anong parang? Binilog at pinaglaruan ka niya talaga! Naku, kapag nakita ko 'yang Mateo na 'yan ay masasaktan ko talaga 'yan. Kinukwento mo pa lang ay naiinis na ako." Nanggagalaiti na sabi ni Sophia.

"Kahit kay Darkshadow, naiinis din ako. Siguro ay plano niya ito. Ha! Sabi ko na nga ba hindi dapat ako nagtitiwala sa kanya, it's a big game for him." Sabi ko.

"Oo! Kung kaya kung ako sa'yo, kay Raydin ka na lang," Napatigil ako saglit at napatingin kay Sophia. "Sorry, shipper ninyo talaga ako."

Napabuntong hininga na lamang ako. Even my workmates ay tinutukso ako kay Raydin.

It just break time sa work at nagpaalam ako kay Raydin na magkikita kami ni Sophia. Mayamaya lamang ay babalik na rin ako sa office. "By the way, kumusta yung bestfriend mo? Hindi ko yata nakikita?" She asked on me before sipping on her macha drink.

"Nasa New York ang loko, doon nag-o-OJT." Sabi ko. Nami-miss ko rin si Jace kahit papaano, walang nanggugulo sa akin.

"Ang yabang naman ni Jace, overseas ang OJT," Napatigil si Sophia when she received a text message. "Dani, I need to back to the hospital. Mauna na ako?" She asked on me.

"Go lang, malapit na rin naman matapos ang breaktime ko." Isinabit ko na ang bag ko sa aking balikat at naghiwalay na kami ni Sophia.

Eto pala ang hirap kapag may trabaho or intern ka. Ang hirap nang humanap ng time kasama ang mga kaibigan mo. You're both busy in your personal lives. Buti na lang ay plano namin mag-Pangasinan dalawa ni Sophia sa linggo. It's a girls bonding.

Pagbalik ko sa office ay sumalubong sa akin si Cherry. "'Te, saan ka galing? Hindi ka namin kasama kumain nila Jessa." He informed me.

"Kasama ko yung kaibigan ko. Na-miss mo naman ako bakla." Natatawa kong sabi.

"Plano namin mag-videoke mamayang gabi, birthday ni Rose. G ka ba? Halos lahat sa office ay pupunta," Sabi ni Cherry sa akin.

"Hindi naman ako ini-invite ni Rose e, nakakahiya." Sagot ko sa kanya.

"Gaga, ini-invite nga kita. G ka na, ha! 'Wag kang uuwi 'pag tapos na ang working hour kun'di ipapa-kiss kita kay sir." Ayan na naman si Cherry, nagsisimula na naman siyang tuksuhin ako kay Raydin.

"Siraulo, e'di ikaw humalik doon." Naiiling kong sabi.

"Gusto ko nga e, kaso baka kapag ginawa ko 'yon ay mawalan agad ng trabaho ang lola ninyo," Bumalik na siya sa working place niya.

"Ay nga pala, Dani, i-photo copy mo naman ito." Inabutan niya ako ng flashdrive. "Mga twenty copies then ipamigay mo sa mga kasama natin. 'Guidelines' ang name nung file." Cherry explained to me.

Agad ko naman iyong ipina-photocopy at ni-distribute sa mga kasama namin. After that ay bumalik ako sa office ni Raydin at naglagay ng isang tasang kape sa kanyang table.

"Coffee ninyo, sir." Sabi ko.

"Bakit ba ikaw nakiki-sir? Just call me by my name, hindi ako sanay." Sermon niya sa akin.

"Nagagalit kasi sa akin sina Cherry at yung ibang mga boss. Dapat daw i-sir kita." Paliwanag ko sa kanya, tama naman sila. Mataas ang posisyon ni Raydin kung kaya't dapat lng tawagin siya sa kagalang-galang na paraan.

"Sino ba mas boss? Ako 'diba? Tawagin mo na lang ako sa first name ko. It's not a request, it's an order." He said at napabuntong hininga na lamang ako. Bumalik ako sa working place ko at nagsimula ulit na mag-type.

"Uy birthday ni Rose, in-invite ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, but I declined. Masyadong maraming gagawin." He said.

"Alam mo, ang KJ mo," Naiinis kong sabi sa kanya. "Alam mo paminsan-minsan kailangan mo ring huminga from work. Always have fun kasi mami-miss mo ang mga important events in life." Paliwanag ko sa kanya.

Isa pa 'yang turo ni papa, huwag daw ako magpasakal sa trabaho. I-enjoy ko lang daw. Minsan daw kasi ang happiness nasa harap mo na pero hindi mo nabibigyan ng pansin kasi naka-focus ka lang sa trabaho.

"Bakit, pupunta ka ba?" Tanong niya.

"Oo, in-invite ako ni Cherry e." Sabi ko sa kanya at napatigil siya sa pagta-type. "May videoke e, baka magkaroon din ng kaunting inuman then kainan."

"Inuman?" Kunot noo niyang tanong at tumango-tango naman ako. OA naman ng reaksyon niya, in my nineteen years of existence dito sa earth ay nakatikim na rin naman ako ng mga alcoholic drinks kaso nga lang ay yung mabababa lang ang alcoholic content para hindi ako malasing.

"Sabay tayong pupunta." Sabi niya sa akin.

"Ha? Sabi ko kay Cherry sabay kaming pupunta e."

"Bakit, sino ba boss?"

"Ikaw!"

"So sinong masusunod?"

"I-ikaw," Okay, talo na naman ako sa diskusyon naming dalawa. "Oo na, sa'yo na ako sasabay. Sabihan ko si Cherry."

Akala ko ay magagalit pa si Cherry nung hindi ako makakasabay pero kinilig pa ang bakla nung nalaman na kay Raydin ako sasabay at super approve daw siya.

"Tiwala naman ako kay sir na hindi ka niya papabayaan 'te. At isa pa, first time sasama ni sir sa mga birthday celebration. Anong mahika ginawa mo 'te?" Tanong sa akin ni Cherry.

"Inaya ko lang siya." Tipid kong sagot dahil iyon lang naman talaga ang ginawa ko.

"Iba ang kamandag mo, Danica!" Kunwari pang umakto si Cherry na may kinuha sa sahig at iginilid ito. "Ang haba ng buhok mo girl, naaapakan ko."

"Siraulo." naiiling kong sabi at bumalik na sa office.

***

"Raydin, hindi ka pa ba tapos?" Nakadukdok na ako sa desk ko at pinagmamasdan ang paggalaw ng orasan. 6:47 na nang gabi at hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa office na dalawa dahil hindi pa raw siya tapos sa kanyang ginagawa.

Nauna nang umalis sina Cherry, susunod na nga dapat ako kaso ay pinigilan ako ni Raydin at pinilit akong sa kanya ako sasabay.

"Kaunti na lang," sabi niya at hindi nag-aalis ng tingin sa screen ng kanyang monitor.

"Kanina pa 'yang kaunti mo! Wala na tayong aabutan doon. Pagdating natin doon nakauwi na silang lahat." Reklamo ko sa kanya. Dapat talaga ay kay Cherry na lang ako sumabay.

"Eto na," he shut down his computer at parang bata na bumalik lahat ng energy ko. "Para kang tanga, umayos ka nga."

"Pakialam mo ba! Huwag mo 'kong tingnan kung naiirita ka. Panira ka talaga kahit kailan." Sabi ko sa kanya.

Sabay kaming lumabas ng office, sabi niya ay hintayin ko raw siya dahil kukuhanin niya lang ang kotse niya sa parking. Namangha ako nung makita ang kanyang kotse, isa itong kulay itim na BMW 8. Let me repeat, B-M-W.

"Astig," puri ko. "hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?"

"Chix ka ba?" Napairap ako sa ere at nagmartsa papunta sa shotgun seat. Si Raydin nga pala itong kaharap ko, ba't ba ako nag-expect na magiging gentleman itong lalaki na ito?

Naka-focus lang si Raydin sa pagmamaneho habang ako ay nakatingin lang sa mga nagtataasang gusali na nadadaanan namin. We're now both heading sa may KTV kung saan ginaganap ang birthday ni Rose.

Ilang minutes pa lang kami sa biyahe. "Raydin, stop!" Sigaw ko at malakas na pumreno si Raydin at muntik na akong mauntog sa harap.

"What?" He asked.

Masama ko siyang tiningnan at inayos ang nagulo. "Kung makapreno ka naman!" Inis kong sabi.

"Kung makasigaw ka naman kasi!" Inis niya ring ganti sa akin. Hindi na yata kami magkakasundo ni Raydin, lahat ng bagay ay pinagtatalunan naming dalawa.

Parehas kasi kaming matalino and we both have an ego na ayaw magpatalo so nauuwi kami parati sa bangayan. Well, sanay na ako at sanay na rin na ganoon talaga ang relasyon ko kay Raydin. Magkaibigan na magkaaway.

"Bibili lang akong cake sa red ribbon, diyan ka lang." Akmang bababa na ako ng kotse ngunit nagsalita pa si Raydin.

"Bakit kailangan mo pang bumili? Mas male-late tayo niyan." Kunot noo noyang sabi. Napakamainipin talaga kahit kailan.

"Alangan namang pumunta tayo doon ng walang dala. Nakakahiya." Sagot ko at bumaba na ng kotse at bumili ako ng cake, saglit lang naman akong bumili at chocolate cake ang pinili ko.

Pagkarating namin sa KTV ay naririnig na namin sa isang private room na kumakanta si kuya Kokoy. Magaling kumanta iyon at parati ko siyang naririnig sa office.

Dim light lang ang buong lugar at parang may party lights sa buong paligid, maririnig din ang hampas ni Jessa sa tambourine like she was enjoying the song.

There's a long table in the middle kung saan nakalagay ang mga pagkain at alcoholic drinks.

As we opened the door ay napatingin sa amin ang lahat. "Ayan na pala ang couple!" Sigaw ni kuya Kokoy na um-echo sa buong paligid.

Agad akong lumayo kay Raydin at pumunta sa gitna ni Jessa at Rose upang makaiwas sa kanilang panunukso. "Happy birthday, Rose!" Inabot ko sa kanya ang cake na binili ko.

"Nag-abala pa talaga kayo, thank you!" Sabi ni Rose sa akin at yumakap.

"Nasaan si Cherry?" Tanong ko.

"Ayon," itinuro niya ang isang lalako na nakahiga sa isang mahabang bangko. "Lasing na agad ang lola mo, ang lakas uminom. Tulog na tuloy agad." Natawa naman ako sa sinabi ni Jessa sa akin. Sayang at hindi ko nakita kung paano malasing si Cherry.

The fun continue and nagtuloy din ang panunukso nila kung bakit ang tagal daw namin dumating ni Raydin, bakit daw sabay pa kami.

While we're havong fun ay sumenyas sa akin si Raydin na tingnan ang phone ko. I mouthed 'bakit' pero hindi na siya kumibo.

Demonyo:
H'wag kang iinom.

Tumingin ako sa kanya pero nakikipagkwentuhan siya sa ibang lalaki na nandito. Sumandal ako sa pader at halos idikit ang phone ko sa mukha ko para lang hindi nila makita ang chat namin ni Raydin.

Hindi naman sa tinatago ko ito, panigurado kasi na manunukso lang sila kapag nakita nilang magka-chat kami ni Raydin. Lagi kami nilang hinuhuli e.

Unggoy:
Bakit naman kita susundin. 🙄

Demonyo:
Makita lang kita na humawak
nang bote ng beer, iuuwi kita
Agad sa inyo.

Unggoy:
Utot mo, hindi ko alam address ko. 😂

Ang KJ mo, alcoholic drink brings
fun to the atmosphere 'Yah know?

Demonyo:
Nakalagay sa resume mo yung
address ninyo.

You can have fun without drinking

Unggoy:
Ba't ikaw?!

Tumingin ako sa kanya tumungga ng isang bote ng san mig like it's just a water na dapat ubusin. Napatingin siya sa akin at inirapan ko lang siya.

"Pass na 'ko, I still have to drive later. Bawal malasing." Sabi ni Raydin at ibinalik na sa lamesa ang bote ng San mig.

Demonyo:
Ayan, para quits tayo. Hindi
na rin ako iinom.

Unggoy:
Bakit ba kasi pinagbabawalan
mo akooo! 😭😭

Demonyo:
You will have fun without
drinking or you will drink
pero iuuwi kita agad.

Mamili ka.

Unggoy:
Bwisit ka talaga kahit kailan.

Hindi na ako iinom.

Demonyo:
Good-good.

"Hoy, Dani! Kanina ka pa may ka-chat diyan!" Akmang dudungaw si Jessa sa phone ko pero agad kong itinago sa aking bulsa ang aking cellphone. "May pa-secret effect ka pa!"

"Kumanta ka, Dani!" Sigaw ni Rose at inabot sa akin ang song book.

We just all had fun. Hindi na nga namin napansin na alas-onse na pala nang gabi. Partida, may mga pasok pa kami bukas. Mga bangag 'to panigurado, especially sina Cherry na maraming nainom.

Lumabas na kami ng KTV at may kanya-kanya silang akay na kasama. "Bye Dani, Bye sir!" Paalam ni Jessa na inaakay ang lasing na birthday girl na si Rose.

I waved my hand to her habang si Raydin ay tinanguan na lamang siya.

"Paano kayo uuwi?" Tanong ko sa kanila.

"Magta-taxi kami." sabi ni Jessa sa akin.

"Ba't pa kayo magta-taxi? Sumabay na kayo sa amin dalawa ni--"

"Taxi! Taxi!" Para ni Jessa sa taxi na dumaan sa aming tapat. "H'wag na, ayan na o. May sasakyan na kami. Sige na, ba-bye na!" Sumakay na silang dalawa sa Taxi.

Naiwan na lang kaming dalawa ni Raydin dito dahil nauna na ang iba. "Sure ka, ihahatid mo pa ako? Malayo pa bahay ko rito. Sa Val pa 'ko." I informed him.

"Bakit, gusto mo bang umuwi mag-isa? Pwede naman kitang iwan dito." Sabi niya sa akin habang naglalakad kami patungo sa BMW 8 niya.

"Ayoko! Isabay mo na lang ako." Ang mahal kayang mag-taxi! Free ride na nga tatanggihan ko pa ba?

Hinatid lang ako ni Raydin sa amin, pagkarating niya nga sa tapat ng bahay namin ay tinignan niya itong mabuti. "Oo na, hindi kasing ganda ng bahay ninyo ang bahay namin." Sabi ko sa kanya at bumaba ng kotse niya.

"Sa condo ako nakatira. Tsaka nilait ko ba ang bahay ninyo?" He said. Hindi naman kasi ganoon kagarbo ang bahay namin pero masasabi kong may kaya kami since may stable job si kuya't papa na may magandang kita.

"Sige na, mauna ka na." Sabi ko habang hinihintay siyang paandarin ang kotse niya.

"So, see you tomorrow?" He asked.

Tumango-tango ako. "Okay, see you tomorrow."

"Night, Unggoy." Sabi niya habang natatawa at napairap ako sa ere.

"Alam mo, epal ka talaga kahit kailan. Good nigh na rin, demonyo!" Ako naman ang natawa.

Pinaandar niya na paalis ang kotse miya hanggang sa lumiit na ito sa aking paningin. Pumasok na ako ng bahay para matulog.

***---***---

So there's an important announcement akong sasabihin.

I will finish SWO as fast as I could kasi plano kong magpahinga muna sa pagsusulat and SWO ang huling isusulat ko for the first half of 2018 ('di ko alam kung kailan ako ulit babalik.)

I need to focus on my personal shitness. (academics)

No need to worry, I will finish the story (baka masipa ko sarili ko kung hindi ko magawa haha!)

My original plan is 50 chapters lang ang SWO, kung ma-extend man, bahala na si batman haha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top