Shoot 36 "Success"

We're all gear up at ready na ulit pumasok sa Abandoned station, hindi maganda ang unang pagpasok namin dito dahil nag-failed kami sa misyon. Sa pagkakataong ito au sisiguraduhin naming magagawa na namin ito.

"Always remember, back up each other. Bantayan ninyo ang health bar ng isa't-isa and don't let your comrade do all the job, tumulong kayo." Paalala ni Darkshadow sa amin.

Punong-puno rin ang inventory ko dahil sa dami ng binili kong healing potion at mga bombs. I also upgraded my guns at mas pinataas ang damage nito sa kalaban.

Pumasok na kami muli sa loob ng Abandoned Station. Mabilis kaming naghiwa-hiwalay para mag-ikot sa lugar. Kagaya nung una, hindi na namin mako-contact sina Katana at hindi na rin namin sila mahahanap sa map.

Habang naglalakad kami ay nakalaban muli namin ang mga devils na mabilis na naming napatay. Worth it yung iniutos ni Darkshadow na magpa-level kami dahil pansin na pansin naman ang epekto nito.

"Kakalabanin pa ba natin ang Red Dragon or should we skip that room?" Tanong sa amin ni Labyrinth habang patuloy naming binabagtas ang daan.

"Kahit ayaw natin, kailangan natin kalabanin dahil may isang NPC na nasa room na iyon. Our mission is to save all the NPC here in this map." Paliwanag ko kay Labyrinth at napatango-tango siya.

Mas napadali ang paglalakbay namin dahil sa binili naming skill na night vision. Mas nakikita na namin ang maraming bagay sa dilim.

"Majesty, Ilag!" Lucky shouted and because of it ay mabilis akong tumalon atnapagulong sa sahig. I managed to avoid the Harpy's attack. I reloaded my gun at pinaulanan ito ng putok hanggang sa mawalan ito ng buhay.

"Iba talaga kapag mataas ang agility, ang bilis kumilos." Mr. X praised me at napangiti na lang ako.

"Kung hindi ka rin titigil sa pagpuri sa babae ko. Mabilis din na lilipad 'tong kamao ko sa mukha mo." Banta ni Darkshadow at hinatak niya na ako para mauna kami sa paglalakad.

Here we go again, kapag mga babae ang pumupuri sa akin ay okay lang sa kanya pero kapag mga lalaki lahat binabantaan niya.

I chatted Mr. X dahil baka nagalit siya sa sinabi ni Darkshadow.

Majesty: hey, don't mind him. Nireregla, pagpasensyahan mo na.

Mr. X: haha! The king is just protective for it's queen. Naiintindihan ko, lol.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang room kung saan namamalagi ang Red Dragon. "Always remember, just be prepared and ALWAYS watch your health bar," Paalala sa amin ni Darkshadow.

"Aim for the Red Dragon's eye, that's it weakness. Kapag nakalahati na natin ang buhay nito ay doon ito magbubuga ng apoy, If that's happen, always hide behind the Red Dragon." Dugtong niya pa. Wala siyang pinalampas na detalye. Mabusisi niyang ipinaliwanag sa amin ang mga dapat at hindi dapat gawin kung kaya't masasabi kong handa kami sa pagkakataong ito.

When we entered the room, ganoong senaryo muli ang tumambad sa amin. Nune lumabas ang Red Dragon ay nagsimula kaming paputukan ito.

Our damaged is too strong kung kaya't nalilito ang Red Dragon sa kung sino ang dapat atakihin. "Guys iwas! Malakas na sigaw ni Labyrinth at mabilis akong nagtago sa likod ng malaking pillar.

Malakas na pagsabog ang dumagundong sa buong paligid at ramdam namin ang pagyanig ng lupa dahil sa impact. "Nice one, Labyrinth! Everyone, position na ulit!" Sigaw ni Darkshadow, I reloaded my gun and fired it all to the Red Dragon. As much as possible, I'm trying to hit it's eye because that's it weakness.

Ilang minuto rin namin ito kinalaban, madaming healing potuons and bomb ang naubos ko para lang matalo ito... And we succeed. We managed to kill the Red Dragon despite na malaki ang level gap.

Malakas na umungol ang Red Dragon at bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa sahig. Humihingal akong nakatingin dito. "Nagawa natin, guys! We made it!" I shout happily at napaupo sa sahig dahil sa pagod.

Tumakbo si Lucky tungo sa aking direksyon at yumakap. "Nagawa natin, Majesty! Nagawa natin!"

Puro saya ang bumalot sa buong kwarto. Nag-paid off lahat ng paghihirap namin na ginawa para mag-level ng ganito kataas. Worth it.

The Red Dragon dropped some rare items na hinayaan na namin na si Darkshadow ang kumuha. "Awww, Dragon Scale boots. I really like that one," sabi ni Labyrinth habang nakatingin sa mga item na kinukuha ni Darkshadow.

"Gusto mo?" Darkshadow asked.

"A-ah! Hindi na--" naputol ang sinasabi ni Labyrinth nung biglang inihagis ni Darkshadow ang sapatos sa kanya. "S-salamat." Mukhang natuwa naman talaga si Labyrinth sa binigay na item ni Darkshadow. It's a rare item at maganda rin ang atttibutes nito lalo na't fire resistant ang item na ito.

"H'wag kayong mahiya sa akin kung may gusto kayong item. Hindi lang naman ako ang naghirap na patayin ang Red Dragon. You can get whatever you want here... Basta eto," ipinakita ni Darkshadow ang 'Red Diamond Ring' na nakuha namin. "Akin 'to." He said.

Natuwa naman ang mga kasama namin at kanya-kanya silang kuha ng item.

Naglakad papalapit sa direksyon ko si Darkshadow. "Good job, ang selfless mo sa part na 'yan. Thanks for not being selfish sa mga item." I thanked him. Kung dating Darkshadow ang kaharap ko ngayon ay baka binaril na niya isa-isa sila Lucky dahil gusto niya na sa kanya ang lahat ng item dropped.

Instead of answering me, Darkshadow grabbed my hand and put on my ring finger the Red Diamond Ring. "Ginagawa ko lang ang mga bagay na makakapagpasaya sa'yo." He said.

Majesty received Red diamond ring!

At that statement. I'm dead, talagang kinilig ako. Hindi ko itatanggi iyon. Hindi ko alam kung paano nag-exist ang isang tulad ni Darkshadow na puro unpredictable na bagay ang ginagawa.

Oooh, Darkshadow doesn't exist on real life But I am really curious sa kung sino ang taong nasa likod niya.

Lucky: hoy! Grabe kayong dalawa. Stahp eeeet! Hindi mo alam kung paano ako nagpipigil ng kilig dito. Eto na lang talaga ang role ko, ang kiligin sa lablayp ng iba.

Tinanggal ko na ang pagkakahawak ni Darkshadow sa aking kamay. "I-I think we should continue. Kailangan pa nating hanapin ang ibang NPC na nawawala sa lugar na ito." Nagsisi ako kung bakit ako nag-stutter dahil lumaki ang ngisi sa labi ni Darkshadow.

Darkshadow faced our comrades. "Huwag muna kayong magsaya dahil natalo natin ang Red Dragon, may mga NPC pa tayo na dapat iligtas." He stated.

"Yes sir!" Lumabas na kami ng silid at nagsimulang libutin muli ang Abandoned Station.

Luckily, naging smooth ma ang paghahanap namin sa ibang NPC. Ang Red Dragon na ang pinakamalakas na nakalaban namin sa map na ito kung kaya't naging madali na lang sa amin na pataing ang ibang monster.

A couple minutes later ay mensaheng biglang lumabas.

You had successfully saved all the NPC! You may now exit the map.

Napaluhod muli ako sa tuwa dahil hindi nasayang ang pag-o-online ko ngayong araw ng ilang oras dahil naging matagumpay ang aming quest. "Good job guys! It's a job well done for us!" Bati ko.

Yumakap ako kanila Labyrinth, Mr. X, at Lucky while Darkshadow is just looking on us pero nakangiti din siya. As usual, he's a reserved type of person.

Matapos na mag-pop ang message na iyon ay pwede na ulit kaming gumamit ng map at teleport. Nakakapag-chat na rin kami sa Family chat.

Katana: We made it guys! 🎉

BlackMamba: Yeees! Makakaihi na rin ako after being online for a long time!

Thatjerk: ako makakatae na! Hooo poweeer!

BrokenNote: Pa-cheese burger ka naman, mayora Katana! Haha!

Katana: Everyone, pwede muna kayong mag-offline then mag-online mamayang alas-nueve ng gabi to celebrate our win.

Saglit kaming nag-teleport pabalik sa school bago ako mag-offline.

***

Kinagabihan, it become a festive night for all BraveOrions members. There's a loud band performing on our clubroom at may mga nag-iinuman sa mga table.

Mararamdaman mo ang lasa ng alak pero hindi ka naman malalasing dito 'coz it's just a game. You can drink as long as you can.

Para bang isang malaking buffet ang nangyayari ngayon sa dami ng nakahandang pagkain. Mukhang may malaking budget ang BraveOrions para rito.

Weekly kasi ay nanghihingi si Katana ng Donation sa amin. Donation lang naman, hindi sapilitan at kung magkano lang naman ang kayang ibigay.

"Dani, may maibibigay ka bang donation this week?" Tanong sa akin ni Katana pagkapasok ko sa clubroom.

Sakto naalala ko na kabibigay lang ni Darkshadow sa akin ng pera niya.

"Ako wala pero si Darkshadow mayroon. Pinapaabot niya sa akin." Nakangiti kong sabi.

Nakipag-trade ako kay Katana.

"F-five million pesos?! Seryoso ka, Dani?! Ni-do-donate 'to ni Darkshadow? Ang laking halaga nito!" Mukhang nagulat si Katana sa laki ng pera.

"Ano ba, okay lang 'yan." Hindi naman kasi malalaman ni Darkshadow na ginastos ko yung pera niya kaya okay lang 'yon.

That's the reason kung bakit may panghanda kami ngayon as a celebration and it's all thanks too...

"What are you thinking? Ba't nakangisi ka mag-isa diyan?" Lumapit sa akin si Darkshadow at umupo sa tabi ko.

"Wala. Natutuwa lang ako kasi ang sasarap nung mga pagkain." Sabi ko sa kanya.

Our clubroom is full of laugher, talagang nagbunga ang paghihirap naming lahat.

Inagaw ni Thatjerk ang mic sa mga kumakanta. "Hayaan naman natin na magbigay ng mensahe sa ating lahat ang boss ko! Siya ang dahilan kung bakit successful ang mission na ito!" He shouted na um-echo sa paligid.

Tumingin ako kay Darkshadow na nakakunot na ang noo. "Speech daw. Go na,"

"Ang hilig talaga ni Thatjerk na idamay ako sa kalokohan niya." Sabi niya at naiiling na tumayo.

Darkshadow went to the stage and everyone cheered on him. "Ayan na! Boss magbigay ka naman ng short message para sa buong BraveOrions. You had lead us to the victory!"

Kinuha ni Darkshadow ang mic at lahat kami ay naghintay sa kanyang sunod na sasabihin. "Congrats." He said at naglakad na pababa ng stage.

Maging ako ay napa-facepalm na lang.

Napakamot ng ulo si Thatjerk. "Hindi naman ako na-inform na one word lang ang short message ni boss hehe. Ngayon naman! Siyempre magpapahuli ba ang leader ng family natin? Katanaaa! Halika rito, give a message to everyone!"

Para bang hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa pagsasaya ng lahat.

"Guys," panimula ni Katana. "Dahil sa pagtapos natin sa mission... BraveOrions is now top 3 on the overall ranking sa family!"

Mas lalong lumakas ang sigawan dahil iyon talaga ang goal namin. Makilala sa buong SWO community ang BraveOrions na ngayo'y unti-unti namang natutupad.

"First I wanted to thank, Darkshadow for leading us well. Strict man pero worth it naman, 'diba guys?" We yelled as we agree on what she stated.

"Thank you rin sa 20 BraveOrions members na nag-participate sa mission. Sa mga hindi nakasama, salamat sa suporta ninyo. BraveOrions is such an awesome family. Feeling ko nga we are unique individuals that put in a group--"

"Wait lang Katana!" Sigaw ni BlueQueen at naglagay ng tubig sa kanyang mata. "Ayan na, naiiyak na ako. Go na, tuloy mo na ulit yung madamdamin mong speech."

"Crazy girl." Sabi ni Katana at napatawa kaming lahat.

Tumingin ako kay Darkshadow, "ba't hindi ka tumatawa? Tumawa ka!" Utos ko.

"Wala namang nakakatawa." Sagot niya sa akin In a monotonous voice."

"Tumawa ka!" Pagpupumilit ko and he smiled on me, yung malaking smile na madalang makita sa mukha ni Darkshadow.

"Ayan, happy?"

"Yes naman! haha!"

"So guys! Sabi ko naman sa inyo na after this mission ay may importante akong sasabihin," napabaling ulit ang tingin namin kay Katana na nagsasalita sa stage.

"I am planning a grand meet up for BraveOrions family. I wanted to know you guys personally." Sabi niya, may ibang natuwa at ibang napatahimik. I mean, this is our chance para magkakila-kilala ng personal.

"It's good na magkakilala na tayo ng personal." Sabi ni Darkshadow.

I looked on him. "Magkakilala nga ba?" O asked.

"What do you mean?" Kunot noo niyang tanong.

"Wala-wala. Sinasabi ko sa'yo, Darkshadow, ang pinakaayaw ko sa isang tao ang manloloko at sinungaling." Paalala ko sa kanya.

"I am not lying to you at hindi rin kita niloloko." He stated. Sana totoo, sana totoo 'yang sinabi niya.

***---***---***----***

If you like this chaoter, kindly hit the star button and leave a comment :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top