Shoot 27 "Club room"
"Ayan na, hindi naman ako talkshit," inilapag ni Jace sa lamesa ko ang ticket for Sekai no Owari concert. Dali-dali kong kinuha ang ticket at niyakap.
"Jeez! Makikita ko na si Fukase sa personal!" Masaya kong sigaw. Ang nakakatuwang part dito ay nakuha ko ang ticket nang libre. I'm planning to buy ticket kung sakaling matalo ako, kaso ay gen. Ad. Lang. But I won! VIP ticket pa!"
"Sayang kasi e! Pinalad lang ang BWU, hawak na namin ang tagumpay e." Jace shouted on me na talaga namang gigil na gigil siya dahil sa nangyari.
"Una ka ngang namatay sa war e," reklamo ko sa kanya. Napakalaking hater naman kasi nitong si Jace, hindi man lang marunong tumanggap nang pagkatalo ang mokong.
"Wait, how did you know na isa ako sa mga unang na-eliminate." Paano kasi ang bobo niya, nakatapak siya sa isang landmine kung kaya't namatay agad siya.
Hindi nga niya pala alam na nandoon din ako sa mismong war. Alam ko ang karamihan nang nangyari. "K-kasi nanuod ako ng replay. Duh! May youtube at livestream para mapanuod iyon." pagsisinungaling ko at napatango-tango naman siya.
"Ay nga pala! Plano kong pumunta sa isang gaming company sa sabado, magpapasa ako ng application as an intern. Baka gusto mong sumama?" Jace asked me. Ibinulsa ko na ang ticket na kanyang ibinigay.
"Ang aga naman, hindi mo pa nga sigurado kung makakapasa ka this semester e." Sermon ko sa kanya dahil iilan pa lang ang mga quizzes na naipapasa niya. Kampante talaga siyang makakapag-OJT siya, ha!
"Mas maganda nang maaga ke'sa naman mahuli ka 'diba?" Sa bagay, may point din itong si Jace.
"Sige, chat mo ako kapag tutuloy ka ha! Magpapaalam ako kay mama," Sabi ko.
"Ayan ka na naman sa chat-chat mo na 'yan! Seener ka nga! Kung hindi mo man sini-seen, ini-inbox zone mo lang ako!" Reklamo niya kung kaya't napatawa ako ng malakas. Ang hirap naman kasing kausap ni Jace, puro kagaguhan lang ang sinasabi.
Pumasok na kaming dalawa sa sunod naming klase and I received a text from Sophia.
From: Sophia
Hey, Dani! There's a celebration party tonight. Mag-online ka :D
"Ano 'yan?" Biglang dumungaw si Jace kung kaya't inilayo ko sa kanya ang cellphone ko. "Ikaw, Dani, feeling ko ang dami mong sinisikreto sa akin. Bestfriend mo ako!"
"Ayon na nga, bestfriend kita, kilala kita at tsismoso ka. Doon ka na nga!" Dumukdok na lang si Jace sa kanyang desk.
I replied back to Sophia.
To: Sophia
Yes, I will be there!
Sent!
Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na kami ang nanalo sa school war. It becomes a hot topic on social media. Nakilala na ang paaralang BWU, dati kasi ay kapag sinabi ang word na SWO ay kadikit lagi nito ang REU dahil doon nanggagaling ang mga sikat at magagaling na players.
Class ended at ngayon lang ulit kami magkakasabay ni Jace na umuwi, naging busy kasi kami nung mga nakaraang araw. Habang pababa kami sa may ground floor ay nakasalubong namin si Raydin, he's holding a pile of test papers.
"Hey bro!" Bati ni Jace, oh my gosh! Iilang beses lang silang nagkasama pero kung magkumustahan sila ay akala mo, sila ang mag-bestfriend nang ilang taon.
"Tuloy ka ba sa sabado?" Tanong ni Raydin sa kanya.
Sabado? Iyon yung day na pupunta kami ni Jace sa gaming company... Wait, teka nga! Yung tinutukoy niya bang company is...
"Isasama ko 'tong si Dani para na--"
"No, mag-isa ka. Hindi ako magtatrabaho para sa kumpanya ng mokong na 'yan," ma-pride kong sabi. Ini-imagine ko pa lang na doon ako magtatrabaho... Jeez! Magiging utusan lang ako ng Raydin na 'yan.
Heck, hindi lang naman ang kumpanya nila ang nag-iisang kumpanya na tumatanggap ng mga computer science students.
Raydin smirked on me at mapang-asar akong tiningnan. "Sana tinanong mo muna kung tatanggapin kita." Sabi ni Raydin at umakyat na siya pataas.
Pilit akong ngumiti at malalim na bumuntong hininga. "Raydin, ang pangit mo!"
"Paano ka pa?! Yung mga ganyang pagmumukha dapat nagkukulong na lang sa kwarto." Ganti niya sa akin, napapadyak na ako ng paa dahil sa inis sa lalaking ito.
Lord, bakit ba siya nag-exist?! Bakit Lord. Wait, hindi nga pala si Lord ang gumawa sa kanya. Demonyo 'yang lalaking 'yan e.
Sasagot pa sana ako kaso ay hinatak na ako ni Jace pababa sa ground floor.
"Why are you so hard-headed, Dani? Hindi mo ba nakikita? Si Raydin ang magiging susi para makapasok ka sa Stargame co.ltd. ayaw mo ba no'n?" Jace asked me. Lumabas na kami ng college namin at naglakad sa malawak na quadrangle ng school.
"Marami pa namang ibang gaming company diyan." Sagot ko.
"Pero ang Stargame ang isa sa pinakamagandang gaming company." May punto si Jace, pero no! Hindi ako magtatrabaho sa kumpanyang iyon.
Nagkasabay kami ni Jace umuwi, bago nga kami umuwi ay kumain kami sa isang convenience store tulad nang dati naming ginagawa.
Pagkauwi ko ay tinago ko ang concert ticket sa may cabinet para hindi ko ma-misplace. Oo nga pala, may celebration nga palang magaganap dahil sa pagkapanalo namin kung kaya't nagbihis lang ako sandali at nag-online na ako.
Pagka-online ko ay nasa school gate ako. May mga ilang estudyante na nakakilala sa akin and they congrats me for winning.
"Majesty, ang galing ninyo nung sa war. Congrats!" Sabi sa akin nung isang player na level 13.
"Congrats sa atin, hindi lang naman 'to pagkapanalo ko o namin. Buong school ang nanalo." Nakangiti kong sagot sa kanya.
Naaaliw ako habang pinagmamasdan ang paligid ng paaralab. Makukulay na bandiritas ang nakasabi sa itaas, a loud music is playing in the whole school, maingay ang buong paligid at halatang nagsasaya ang lahat, may mga nagtitinda rin o nagtayo ng stalls kung kaya't parang fiesta ang atmosphere.
Sa game kasi, if you have a permit from principal ay maaari kang magtinda ng mga items. It's either mga items na nakuha mo from monsters, potions, weapons. Kahit ano.
As I walking, nakatanggap ako ng private message galing kay Katana.
Katana: Dani, pumunta ka ruto sa club room. Ipapakita ko na sa inyo ang loob. ;)
Napairap ako sa ere nung nabasa ang chat ni Katana, ilang beses ko na sa kanyang sinasabi na kahit sa pm ay huwag niya akong tinatawag sa totoong pangalan ko e. I believe that Majesty and Dani are two different persons.
Naglakad ako tungo sa club room. Lahat ng members nang BraveOrions ay nandito, karamihan sa kanila ay ngayon ko lang na-meet.
Nung makita ako ni Lucky ay agad siyang tumakbo papalapit sa akin at hinatak ang aking kamay. "Halika na Majesty! Excited na akong makita sa kung ano ang hitsura ng club room."
Itinago kasi ni Katana sa amin kung paano niya iniayos ang interior design ng clubroom. Pero in the past few days, ito ang pinagkaabalahan ni Katana. Nanghiram pa siya sa akin nang 20,000 para raw rito.
Habang hinahatak ako ni Lucky ay may biglang humatak sa kabila kong kamay kung kaya naman napatigil kaming dalawa.
"Dito siya sa tabi ko." He said, napairap ako sa ere. Hanggang dito ba naman.
"We will just checking the clubroom," paalam ko pero unti-unti nang bumitaw si Lucky sa akin and hinatak na ako ni Darkshadow sa kanyang tabi.
"Then we will check it together." Napairap na naman ako.
Katana clapped and it grabbed the attention of all of us. "Good evening guys! This day, ipapakita ko na sa inyo ang loob ng ating clubroom at tinulungan ako ng isa nating member na si FlowerBloom which is an interior designer talaga sa totoong buhay."
Napa-whoah ako dahil isa talagang professional ang nag-design nito.
As Katana opened the door, I really anticipated kung ano ang hitsura.
Nung nakita ko na ang loob at naglakad na kami papasok, napa-wow naman talaga ako. Ang cozy lang ng atmosphere sa loob and I feel like it's a perfect place para mag-unwind or to recover some energy.
It's a cafe style na hangout place. Maraming seats sa lugar para sa bawat members ng BraveOrions. The table is made of oak habang malalambot na upuan ang bawat seats. There's a bar counter in the right side between the pillars. Habang may game zone sa kaliwa.
Matte white ang kulay ng pader at naka-tiles ang sahig-- if I will rate this place, 11/10. This place is so lit.
"Hey So-- Katana!" Tawag ko sa kanya kung kaya't napalingon siya sa akin. "This is so awesome, great job!"
"Thank you," she mouthed.
Nung nasa loob na lahat nang members ng BraveOrions ay nagkaroon kami ng short introduction. Hindi naman ganoon karami ang members ng BraveOrions, siguro ay nasa 23 lang kaming nandito.
Bakit kaunti lang? Katana is so picky sa magiging members ng BraveOrions, if you're not standing out or appealing for her... You will be rejected right away.
Good thing rin naman ang pagiging picky ni Katana dahil sa lahat ng members ay nakita ko talaga na may skills sila.
"Let's celebrate our first win in the school war!" Itinaas ni Thatjerk ang kanyang kamay na may hawak na wine.
"Ulol namatay ka naman!" Sigaw ni BrokenNote na nagpatawa sa aming lahat.
"Mabubuhay ako kung sinaklolohan ninyo lang ako. Siguro pinlano ninyo talagang apat na mamatay ako so you can get the recognitio!" Lahat kami ay natatawa sa mga pinagsasabi nung dalawa.
Napatingin ako sa katabi ko and as usual, serious mode. "Hoy!" Nakuha ko naman ang kanyang atensyon. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi nakakamatay ang ngumiti?"
"Hindi kasi nakakatawa," Sagot niya sa akin.
"Alam mo, by just looking at you, ang lakas mong makadala ng negative energy. Naba-badtrip ako sa mukha mo." Inis ko siyang tinitigan.
Pilit na ngumiti si Darkshadow. "Happy now?"
"Uy nababawasan na 'yang negative numbers sa ulo mo," Turo ko sa -60 sa ulo niya na dating -63. "Good 'yan! Change for the better."
"No. I'm changing for you." Nagulat ako sa banat niya.
Umarte ako na parang naduduwal. "Ang corny mo." Napangiti si Darkshadow at ginulo ang buhok ko.
Naputol ang aming pag-uusap nung biglang pumunta si Katana sa gitna. "Guys! I know na ngayon lang tayo nagkakilala lahat but soon ay may malaking mission tayong gagawin."
"Family Quest."
***---***---***
Happy New Year everyone! I'm just here to inform you guys na this month hindi ko masasabi kung kailan ang mga susunod na update. (May pasok na 'ko.)
So bibiglain ko na lang kayo sa update :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top