Shoot 24 "Parade"
"Last 5 minutes," sir Anton announced in the whole class while we're taking up a quiz. Sakto, kakatapos ko lang sagutan ang papel ko at inilagay ko na ang ballpen ko sa bulsa ko.
Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko ang pagsipa ni Jace sa upuan ko kung kaya't napalingon ako sa kanya. "Anong sagot mo sa number 36?" He mouthed on me at napairap ako sa ere.
Kapag sa game ang galing niyang magsulat ng mga notes pero makapag-review sa exam ay hindi man lang niya magawa. Gaming is life but future job is lifer.
Muli kong binuklat ang page ng test paper ko. "B." Bulong ko pabalik sa kanya na siya namang binilugan ni Jace.
Hindi lang iyon ang nag-iisang tinanong ni jace. He asked me the answer from 36 to 50. Ang tamad talaga.
Pinapasa na sa amin ang papel at bumuntong hininga ako kay Jace. "Salamat talaga, Dani! Hulog ka nang langit sa akin. We're destined to be best buddies forever!" Sabi ni Jace habang niyayakap ako.
"Naku, Jace, 'wag mo akong utuin. Sa susunod kasi ay mag-review ka na at kapag alam mong may exam, bawasan mo muna ang paglalaro." Hinila ko ang patilya ni Jace.
"Ahhh! Aray, Dani! Masakit!" Napatawa naman ako sa kanyang naging ekspresyon. Hinimas-himas niya ang kanyang buhok. "Eh anong magagawa ko? Next week na anh schoo war kung kaya naman kailangan ko talagang magpa-level."
Oo nga pala, next week na iyon. Nawala sa isipan ko. Masyado kasing nag-focus si Darkshadow sa pagpapalevel sa akin. I am currently level 30 habang siya naman ay level 40. Kung saan-saan lang kami nakakarinig ni Darkshadow kapag nagku-quest kami.
"Malapit na naman pala 'yon," I tried to act na parang wala lang sa akin since ang alam ni Jace ay hindi ako naglalaro ng SWO. "Anong username mo ngapala sa larong iyon?" Tanong ko sa kanya.
"CoolJace. Bakit? Interesado ka na rin bang maglaro ng SWO? Pwede naman, Dani, tutulungan pa kitang magpa-level if you will choose Red Ember University." He proudly said at itinaas baba ang kanyang kilay. Talaga namang punong-puno ng kayabangan itong bestfriend ko.
"Huwag na lang. Alam mo, diyan ang yabang mo pero pagdating sa acads, nangongopya ka lang naman." Umirap ako sa kanya pero para bang walang pakialam si Jace.
"Kumain na lang tayo bestfriend, gutom na akooo!" Umakbay sa akin si Jace at hinatak na ako. I know he just trying to divert the topic dahil alam niyang sesermunan ko siya at pipilitin siyang mag-aral mabuti.
"Jace, h'wag ka ngang umakbay. Parating iniisip ng ibang estudyante rito sa college of science ay boyfriend kita dahil sa pagiging clingy mo." Reklamo ko sa kanya. Kahapon nga ay may dalawang freshmen ang lumapit sa akin at nagtanong kung boyfriend ko daw ba itong si Jace. As if naman na papatulan ko 'tong kaibigan kong ito dahil para lang akong mag-aalaga ng 8 years old na bata.
"Why? Para alam nilang ako makakabangga nila kapag inaway nila ang bestfriend ko. Untog ko pa sila sa muscle ko e." Sabi ni Jace.
"Wow naman, muscle o fats?" Pang-aasar ko.
We just go to the cafeteria at this school dahil nandoon na rin si Sophia. I scanned the place and Sophia waved her hand para malaman kung saan siya nakapuwesto. Naglakad kaming dalawa ni Jace papunta sa kanya.
"Kanina ka pa rito?" Tanong ko.
"Not really, kakarating ko lang din," iniwan naming tatlo ang bag namin sa puwesto at pumila para bumili ng pagkain. I am craving for cheese burger and strawberry milk tea kung kaya't iyon lang ang binili ko.
"Wow naman, hindi ka yata nag-rice meal ngayon. Dati-rati ay nakakatatlong rice ka e." Ayan na naman si Jace at nagsimulang mang-asar.
"Alam mo, wala kang pakialam kung diet ako ngayon." Sagot ko sa kanya na ikinatawa lang nilang dalawa. I judt wanted to satisfy my cravings kung kaya't iyon ang in-order ko.
While we are eating may pinapanuod na video si Jace. Na-curious ako kung ano iyon kung kaya't dumungaw ako sa phone niya para ito'y makita. Yun yung video namin dalawa ni Darkshadow, yung tinanong niya ako kung pwede niya akong maging girlfriend.
Maging si Sophia ay nakidungaw na rin. "Oh em gee! Napanuod ko 'yan! Sobrang nakakakilig talaga sila kahit pa sa game lang yung proposal." Sabi ni Sophia habang nakangisi sa akin.
"People are saying na nakakakilig eto. Ang baduy-baduy nga e." Parehas nawala ang ngiti namin ni Sophia sa sinabi ni Jace. Oo nga pala, loyal ito sa REU. "Alam ninyo kasi, gumagawa lang ng ingay 'tong BWU dahil alam nilang kami pa ring REU ang mananalo sa School War."
Hindi alam ni Jace na taga-BWU kaming dalawa ni Sophia.
"At isa pa, nagpapaka-trending lang 'tong BWU para makilala ang school nila," dugtong niya pa.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Sophia at kinuha ang tray na kinakainan namin at naglakad para lumipat ng table na kakainan. "Ang pangit kaya sa BWU-- Hoy! Wait lang! Bakit ba kayo umalis?" Tanong ni Jace na puno ng pagtataka.
Lumipat kami ng table ni Sophia. "Alam mo, yung kaibigan mo, ang sarap sungalngalin ng bibig." Sabi ni Sophia sa akin.
"Mismo. Hindi ko nga alam kung bakit ko kinaibigan 'yan e." Dugtong ko pa.
Akala ko si Raydin na ang pinakamayabang na tao na makikilala ko, eto nga rin palang bestfriend ko ay sumusunod sa yapak ni Raydin. Mayabang.
While we are eating, umingay sa buong cafeteria kung kaya't napatigil kami ni Sophia. "Anong mayroon?" Tanong ko sa kanya.
Sumikip kami. Akala ko ba naman kung sinong importanteng tao ang pumasok dito sa cafeteria... Mga varsity lang pala. Itong ibang estudyante, exaggerated ang mga sigaw.
When I say varsity, kasama doon si Mateo. Pero hindi naman ako kagaya nila na magsisisigaw just to get his attention, that's a cheap move.
"Grabe kayo, iniwan ninyo ako mag-isa sa table." Tumabi na ulit sa amin si Jace.
"Kumain na lang tayo," sabi sa amin ni Sophia but after a minute ay may isang lalaki na lumapit sa amin. Si Mateo.
"Hi, can I ask kung owede akong makiupo rito. Puno na kasi ang table na iyon," sabay turo niya sa mga ka-team niyang nasa isang malaking table. "And wala ng ibang vacant seat." Dugtong niya pa.
"You know, Mateo, it's weird na ganyan ka ka-polite." Natatawang sabi ni Sophia at napakunot ang aking noo. Umupo si Mateo sa tabi ko.
"Do you know each other?" Tanong ko.
"Yes, Sophia and I were classmates from Grade 1 to grade 10 so we're quite close," Paliwanag ni Mateo. "Ako nga ang nagulat na kayo ang magkakilala. Two college beauties are friends and it's quite rare."
Ayan na naman tayo sa 'college beauties shitness' na 'yan. Hindi ko rin naman ginusto na mapasama ako sa list na iyon dahil punong-puno lang iyon ng ka-corny-han. I'm really hoping that our school publication will start doing their work than making a tsismis.
Tinunggo-tunggo ni Jace ang braso ko. Alam niya kasing crush ko si Mateo. Pero ang ikinabigla ko ay yung malakas niya akong itinulak dahilan para mapakapit ako kay Mateo. "Ay sorry Dani." Sabi niya.
"Fuck you." I mouthed on him para hindi marinig ni Mateo.
"Ay nga pala, Dani, malapit na ang OJT natin. Mayroon ka na bang gustong pag-intern-an?" Tanong sa akin ni Jace.
Oo nga pala, in a few months ay magkakaroon na kami ng OJT. Hindi pa ako nakakapag-research about sa mga companies na pwede naming pasukan but as much as possiblenay gusto ko sana na sa isang gaming company ako magtrabaho since I'm a computer science student and I really fit in that kind of norms.
"Wala pa, but maybe I will start checking out some companies tonight." Sabi ko kay Jace.
Natapos kaming kumain at bumalik kami sa klase ni Jace.
Naramdaman ko na may nag-vibrate sa bulsa ko and I receive a text from Sophia.
Sophia
Dani I forgot to tell you earlier, there's a parade mamayang 7:30 para sa mga representatives ng Blue Waves so you better be online tonight. :)
Holy shit. Walang nasabi sa akin si Darkshadow tungkol doon.
Natapos ang araw na ito at gabi na ako nakauwi since hanggang hapon ang klase ko. The first thing I do is kumain together with mama, nagbihis at siyempre... Nag-online na ako.
Pagka-online ko ay ang dami agad na tao sa buong paligid. BWU students are really anticipating sa kung sino-sino ang dalawampung estudyante na magrerepresenta ng school namin for the second school war.
Darkshadow: Pumunta ka sa rooftop. Nandoon lahat ng representatives. Wear your cape.
Binigyan kasi ako ni Darkshadow ng isang cape na may logo ng Blue Waves, katunayan daw ito na irerepresenta ko ang blue waves for the upcoming second school war.
Pagkaakyat ko sa rooftop ay sumalubong agad sa akin si BlueQueen at Thatjerk. Hindi kasama sa war sina Lucky and Katana since si Darkshadow ang namimili. Pinilit ko nga siya na isama silang dalawa kaso ay kailangan niya raw piliin ang pinakamagagaling na estudyante ng Blue Waves. He won't accept a second defeat sa REU.
"So the queen is already here." Thatjerk said at inayos niya pa ang pagkakasuot sa aking cape. "It really suits you."
"Alam ninyo binobola ninyo pa akong dalawa, nasaan si Darkshadow?" Tanong ko sa kanila.
Thatjerk and BlueQueen just smiled on me. "Kanina ka pa hinihintay ni boss." I addressed Thatjerk and Bluequeen as 'Alipin ni Darkshadow.' Sunod-sunuran 'tong dalawa sa diablo nilang amo e.
"I'm here." Isang malamig na tinig ang narinig ko mula sa aking likod kung kaya't napatingin ako. Darkshadow really looks good while wearing the cape. He's wearig a black suit na may mga gintong medal na nakasabit sa kaliwang dibdib.
Lumapit si Darkshadow, hinawakan ang aking kamay at ipinagsalikop ito. "Huy ano ba! Ang daming tao ta's ang landi mo."
Kumunot ang noo niya. "Ano mo ba 'ko?"
Ayan na naman sa tanong niyang 'yan, he usually asked that kapag against ako sa mga ginagawa niya e. "B-boyfriend."
He smiled. "Iyon naman pala e. May karapatan ako." Napairap ako sa ere at hinayaan ko na lang siya.
"Everyone position!" Sigaw ni Darkshadow kung kaya't umayos ng pila ang ibang representatives.
Pipila din dapat ako kaso ay hindi binitawan ni Darkshadow ang kamay ko. "Saan ka pupunta?"
"Pipila."
"No, dito ka sa tabi ko. Bakit ba ang kulit mo?" Kunot noo niyang tanong habang ako ay napairap na lamang sa ere.
Isang malakas na tunog ng bell ang umalingawngaw sa buong paligid at hudyat ito para maglakad na kami upang salubungin ang maraming estudyante ng BWU.
Habang naglalakad kami, dito lang nag-sink in sa akin na malapit na ang ikalawang war. It really makes me happy na kasama ako rito dahil gustong-gusto ko talagang mapasama simula nung natapos ang unang war.
"Hindi ka ba napapagod? Parating nakasimalmal 'yang mukha mo?" Tanong ko kay Darkshadow habang naglalakad kami.
"Pakialam mo." Sagot niya sa akin.
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa aking kamay at hinawakan ang kanyang mukha at pilit na ipinangiti. "Smile na, alam mo kaya ang pangit ng impression mo sa ibang student e. Ngumiti ka naman!"
"Ayoko,"
"E'di pipila na lang ako katabi sina Thatjerk at BlueQueen. Ayokong may katabing parating galit sa mundo." Sabi ko sa kanya. Sila Thatjerk kasi ay kanina pa nakangiti and ang positive ng awra na ibinibigay nila.
Akmang aalis ako pero hinawakan ni Darkshadow ang kamay ko. "Eto na, ngingiti na." A small smile formed on his lips.
"Ano ba 'yan! Ngiti ba 'yan? Mukha ka lang natatae, smile pa!" Hindi ko na maiwasang matawa dahil naaaliw akong gaguhin itong si Darkshadow.
He smiled widely. Napatawa ako ng malakas hanggang sa maging totoo na ang ngiti na nakasilay sa mukha ni Darkshadow.
Actually, hindi naman talaga ganoon kasama si Darkshadow. His reputation is -63 pero hintayin lang nila. I can turn that negative numbers into a positive one.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top