Shoot 20 "Unexpected Words"
I smiled on him and hindi nawawala ang ngisi sa kanyang mukha. "Alam mo, walang sense 'yang request mo,"
I declined his offer at hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. Nawala ang ngisi sa mukha ni Darkshadow, maybe it hurts his ego pero kasi... Ano bang kagaguhan o masamang elemento ang pumasok sa kokote ng lalaking ito?
"Sorry, hindi ako yung babaeng mahahatak mo sa mga kagaguhan." Lumabas ako ng classroom at hinayaan siyang nakatayo sa room.
"You will regret it," pahabol niyang sigaw.
"I will never regret it." Baka nga mas pagsisihan ko pa kung tatanggapin ko ang kanyang inaalok. Ano ang tingin niya sa akin, desperadang makasali sa war? Lelang niya.
Bumaba na ako sa ground floor at pumunta sa hall, nakaabang sa akin sina Lucky at Katana. "Oh, ba't nakabusangot 'yang mukha mo?" Tanong sa akin ni Katana pagkalapit pa lamang nilang dalawa sa akin.
"As usual, anong bago? Lagi namang nagtatalo ang dalawang iyan." Sagot ni Lucky, they just both followed me as we headed outside the hall.
"Nagsayang lang ako ng oras sa lalaking iyon. Napakawalang kwenta nang mga sinabi niya," nagkatinginan silang dalawa ni Katana. Alam kasi nila na ako lang ang nakakalaban ng ganoon kay Darkshadow.
"Bakit ganyan kayong dalawa maka--" hindi ko na natapos ang aking sinasabi nung bigoa nilang hatakin ang aking kamay at umupo kami sa may upuan na nakapaikot sa isang puno. "Uy akala ko ba magku-quest tayo!"
"Before we do that, magkwento ka muna. Hindi ka naman ipapatawag nang strongest student ng ating school kung wala siyang importanteng sasabihin." Sabi ni Katana sa akin. He praised Darkshadow like he's the ruler of this school.
"Wala, he just offered me a nonsense thing na hinding-hindi ko matatanggap," Paliwanag ko sa kanila at tumayo na ako dahil baka mapiga pa nila akong magkwento. "Tara na."
We just do questing at hindi na sila nag-bother na tanungin pa ako patungkol doon, except kay Katana.
Katana: we will meet tomorrow, Dani. Hindi pwedeng hindi ka magkukwento sa akin.
Wala talaga akong maitatago sa babaeng ito.
Bandang alas-onse na nung matapos kami mag-quest at tumambay kami sa may fountain ng school. Iilan na lang ang estudyanteng online ng ganitong oras dahil gabi na rin.
"Kumusta na nga pala ang buhay ng pagiging isang leader nang isang family?" Tanong ni Lucky kay Katana.
"It's so hard!" Malakas na sigaw ni Katana kung kaya't napatawa kaming dalawa.
Mabusisi kasi ang ginagawang pagpili ni Katana sa mga magiging member ng grupo. There's a lot of people who send their application form but marami siyang nire-reject.
Ang plano ni Katana ay gawing pinakamalakas na family ang BraveOrions, hindi lang dito sa BWU kun'di sa buong game.
"Nung nakaraan ay natanggap ko si BrokenNote," he's reffering doon sa lalaking leader nung lyre band ng school namin. "Si Kingsman." The level 24 guy na hindi gumagamit ng baril, he's just using his swords and knives pagdating sa pakikipaglaban.
Sa school war online, pwede ka rin sumali sa mga normal clubs... Just like a normal school. May mga pang-sports na clubs, lyre band, theater performers.
Masasabi kong comepetetive nga ang BraveOrions.
Natapos ang pagkukwentuhan namin nung bandang alas-dose na nang gabi at napagdesisyunan na naming mag-log out at matulog.
"Is it real, Dani?!" I put my index finger on my nose para sabihing hinaan lang ni Sophia ang kanyang boses dahil nandito lang kaming dalawa sa may Heroes park dito sa Northford. Maraming estudyante ang dumadaan dito. "Totoo ba 'yang sinasabi mo?" Sabi niya sa mahinang tono.
"Why would I lie? Kahit ako nga ay hindi ako makapaniwala sa inaalok niya. I mean, ang baliw nung idea niya!" Sabi ko. Kahit kagabi ay iniisip ko ang tungkol dito. Why woyld he send me that kind of offer?
"Ganda mo 'te!" Hinawi ni Sophia ang buhok ko kaya napatawa ako. "Tinanggihan mo ang pinakamalakas na estudyante ng Blue Waves University,"
"Why would I accept that kind of offer?"
"It's just a game, para namang kapag in-accept mo yung request niya ay magiging kayo rin sa totoong buhay," Lumapit si Sophia sa akin.
"Isipin mo na lang, marami kang benefit na makukuha for accepting that 'stupid' request," she quoted the word stupid dahil para sa kanya ay hindi pantangang offer ang inaalok sa akin ni Darkshadow.
"Una, makakasali ka sa school war which is matagal mo nang gustong-gusto. Pangalawa, tutulungan ka niyang magpa-level. Hindi ko na iisa-isahin, pero hindi ka lugi sa offer. I-a-accept mo la naman ang offer niyang..." She smiled na mapang-asar.
"Ehem... Maging girlfriend ka niya."
Umarte ako na parang naduduwal dahil nandidiri ako sa kanyang ideya. "Iyon na nga! Bakit ako ang tatanungin niya ng ganoon? Nandiyan naman si BlueQueen, she's much stronger and smarter than I am."
Nagkibit-balikat si Sophia. "Iyan ang hindi ko alam. Pero kung ako ang tatanungin, tatanggapin ko ang offer. It just a game, hindi naman magiging kayo sa real world." Sabi ni Sophia sa akin.
May punto naman siya, nagulat nga lang ako sa offer ni Darkshadow kahapon. Sobrang unexpected ng kanyang ikinilos. Na-hack ba ang account ng lokong iyon? Parang hindi naman dahil masungit pa rin naman ito.
"Kumain na nga lang tayo, nai-i-stress lang ako diyan." Aya ko sa kanya kung kaya't napatawa si Sophia.
Nag-text na rin ako kay Jace na nasa Mcdo kami ni Sophia para kumain. Sumunod na lang kako siya.
Bumili kami ng pagkain, pati si Jace ay binili ko na rin dahil hahabol daw siya.
"Uy, 'diba si Raydin 'yon?" Sabi ni Sophia sabay turo sa lalaking may hawak na tray at naghahanap ng mauupuan.
Dahan-dahan akong lumingon. Jusko po, Panginoon! Kahit saan yata ako magpunta ay sinusunda ako nang diablong ito. "Don't mind him, hayaan mo na la--"
"Raydin!" Biglang sigaw ni Sophia at itinuro na bakante pa ang bakanteng upuan sa tabi ko. "Seat here, may upuan pa rito."
Unti-unting naglakad papalapit sa amin si Raydin at masamang titig ang ipinukol ko kay Sophia. "Walang ibang upuan, as a model of the school ay nag-offer lang ako ng upuan." Sagot niya ng painosente. Pero alam ko, gusto niya lang akong asarin kay Raydin.
"Uusog ka ba para paupuin ako?" Tanong ni Raydin na kakarating lang. Hindi siya nakikiusap, more on nag-uutos.
"Wait lang boss, ha?!" Ganti ko, inusog ko ang aking kinakainan kung kaya't nakaupo na si Raydin.
"How're you after the math competition?" Tanong ni Sophia.
"Masaya!" Sabay naming sabi ni Raydin. Heck! Sobrang saya ko dahil wala nang mambibwisit sa akin.
"Wala na kasing payatot na butiki akong nakikita," sabi niya at napatingin ako sa kanya. "Bakit, tinamaan ka? Wala akong sinabing pangalan."
"Masaya ako dahil wala na akong nakikita na mukhang garapata ng aso." Ganti ko.
"Mukha kang kuto ng kalapati." Sabi niya.
"Mukha kang pwet ng aso." Ganti ko.
"Okay, stop na. Kumain na lang kayong dalawa." Sabi ni Sophia. Kulang na lang ay magkaroon ng kidlat effects ang mata namin ni Raydin, yung katulad sa mga anime. Bwisit kasi talaga 'tong lalaki na ito.
Dumating na si Jace at hingal na hingal ang mokong. "Sorry guys, I am late. Galing ako sa meeting. Dani, in-order mo ako?" Tumango ako at iniabot ang chicket fillet sa kanya. "Thanks."
"Ano namang meeting 'yan? Wala ka namang club na sinalihan." Sabi ko. Sobrang tamad ni Jace na sumali sa mga extracurricular activities.
"Alam mo kasi, Dani, nalalapit na ang second school war and nag-meeting kami ng mga taga-Red Ember University about sa tactics namin." Oo nga pala, may group chat ang mga taga-REU na nag-aaral sa Northford.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Sophia. "Ano naman ang napag-usapan ninyo?"
"Tactics na gagamitin and kung paano ulit kami mananalo. Panigurado naman na mananalo kami e!" Sabi ni Jace. Palihim akong napairap sa ere. Kumpiyansa talaga siya, ha.
"Ikaw ba, bro... Naglalaro ka bang SWO?" Tanong ni Jace kay Raydin like they are tropa for a very long time.
"Pamilyar ako sa laro pero hindi ako naglalaro," sagot ni Raydin.
"Gamer ka rin?" Tanong ko. Akala ko kasi ay puro aral lang 'tong lalaking ito.
"My father is a game developer and we have a gaming company. Pamilyar lang ako." Sagot niya, oo nga pala.
"Dani, let's have a bet!" Ayan na naman si Jace. "Kapag nanalo ang BWU, ibibili kita ng ticket sa concert ng Sekai No Owari."
The heck! I'm a big fan of SNO! Fukase's voice is damn beautiful and gusto ko rin makita ng personal si Jin at DJ Love! Last week lang in-announce na magko-concert dito sa Pilipinas ang Sekai No Owari and as a fan, I am really anticipating for it.
"Kapag nanalo ang REU, Ano ang consequence ko?"
"You will buy me a new pair of Vans shoes." Sabi niya.
Oh my God! Alam na alam talaga ni Jace ang gusto ko. Kailangan makasali ako sa next school war para wala makuha ko ang concert ticket.
"Baka naman yung ticket na ibibili mobay Gen Ad lang?"
"VIP Ticket." Sagot niya.
"Deal!" Sagot ko.
Biglang tumayo si Raydin. "Saan ka pupunta bro?"
"Ang ingay ninyo." Simpleng sagot niya at lumipat siya ng table.
Umirap ako sa ere at dinilaan siya nung nakatalikod na siya.
Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nag-online.
Pagka-online ko pa lang ay una kong hinanap si Darkshadow. Kakagat na ako sa offer niya, tama naman si Sophia, this is just a game at maraming benefit akong makukuha. At isa pa, may pustahan kami ng mokong kong bestfriend na hindi dapat ako matalo.
Majesty: saan ka?
Darkshadow: why?
Majesty: saan nga?
"Sa likod mo," biglang may boses na nagsalita mula sa likod kung kaya't napalingon ako. He's wearing a black vest school uniform. I can't described it, but he's cool.
"Nagpalit ka ng damit?" Tanong ko, he's still looking at me na para bang wala siyang balak sagutin ang tanong ko. "Okay, fine. Sabi ko nga hindi ka interesado. I am here to say na tinatanggap ko na ang alok mo."
Kung pwede lang na ako ang mag-send ng proposal sa kanya e. Pero sa game kasi, lalaking players ang pwedeng mag-send ng couple request habang kaming babae ay sasagot lang ng accept or decline.
"Bukas mag-online ka, alas-siete ng gabi." Sagot niya.
"T-teka, hindi ka magse-send ng couple request?" Tanong ko.
"Bukas na." Tipid niyang sagot.
"Bakit kailangan pang bukas? You will just send the request and I'll just accept it. Tapos na!" Sabi ko.
Darkshadow stepped forward at napaatras ako. Umabante ulit siya at umatras ulit ako. Ganoon lang ang nangyari hanggang sa wala na akong maatrasan. "S-siraulo ka ba?" Tanong ko.
Inilapit niya ang kanyang mukha at saglit akong napapikit. Damn!
Unti-unti kong idinilat ang aking mata at sobeang lapit niya talaga sa akin. "Nakalimutan mo na yata, ako si Darkshadow. Ang pinakamalakas na player dito sa Blue Waves University. If I ask you to be my girlfriend... Gusto kong maging isang memorableng araw iyon para sa'yo," lumayo na siya at naglakad palayo.
"Bukas ng alas-siete, mag-online ka. On that time, you will be my girl."
Nabato ako sa kinatatayuan ko. Ano bang sinasabi nito? Na-hack ba ang account niya?!
Holy shit. Holy fuck. Holy Moly Macaroni!
Bakit parang... Naapektuhan ako sa sinabi ni Darkshadow. Damn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top