Urbach-Wiethe Disease

"Yes sir... okay sir... no problem..."

Ibinaba na ni Reed ang telepono. Napabuntong hininga siya nang mabasa kung sino ang tumuwag, at ibinulsa ito bago tinignan ang bintana. Madilim na, marahil mga alas otso na ng gabi. Napuno na ang kalsada ng mga makukulay na liwanag mula sa mga gusaling pinalamutian ng mga ilaw. Unti-unti na ring humuhupa ang traffic na namuo sa mga super high way.

"So, what did he say?" Tanong ng isang boses.

Isang buntong hininga ang muli niyang binitawan. Nag-iba ang nakikita niya sa bintana na ngayon ay ang replekyon ng kwarto ang maaaninag. Makikita sa bintana ang mga naglalakihang mga kama kasama ang mga magagarang kagamitan. Dalawang binata ang naka-upo sa isang kama na may nilalarong mga baraha.

"Sino ang tumawag? Ang nagluwal sa'yo?" Tanong ni Christian na kumuha ng baraha mula sa deck. Tinignan niya ito at naghanap ng kapareho sa mga baraha na nasa kamay niya at naghagis sa mga nakalatag.

"Huh? The last time I checked men can't get pregnant," sabat ni Edison na kumuha rin ng baraha mula sa deck at tinignan ang mga baraha na nasa kamay. Naghagis rin siya ng ilang pares.

"Talaga? Nasaan ang sinasabi mong gender equality doon? Hindi ba dapat lahat may kakayahan na magdala ng anak?" Kumuha ng baraha si Christian at naghagis uli ng isang pares.

"Kung may posibilidad na mangyari iyan siguro magkakaintindihan ang lahat. Tama, kung pantay pantay lang talaga ang lahat siguro magkakaintindihan tayo. Well, as for now, getting a man pregnant is still impossible. Kahit nga ang teknolohiya ngayon ay magagawa iyan pero malaki ang tyansa na lumaking hindi normal ang bata," kumuha ng baraha si Edison at naghagis ng baraha.

"Ah, nabasa ko na iyan. Oo nga pala, hindi ba doktora si Louella? Nagawa na ba niyang gumawa ng test tube babies? O ' yung baguhin ang isang bagay sa parte ng katawan ng tao," naghagis uli ng baraha si Christian.

"Nasa surgery nakabase si Ate Louella. Pero narinig kong nagawa na niyang mag-labor. Sa katunayan siya ang tinatawag kung mapanganib ang panganganak na mangyayari. Pero ang usapin tungkol sa test tube babies... wala pa akong naririnig na ganoong mga salita sa kanya," kumuha ng baraha si Edison. Pero hindi siya nagtapon ng baraha sa mga nakalatag.

"Ah, sayang naman. Mas maganda siguro kung tanungin mo siya. Kasi paano mo magagawang magkaroon ng anak-"

Biglang hinampas ni Edison ang hawak niyang baraha sa mukha ni Christian. Nagulat ang lahat sa biglaang pagtayo ni Edison. Kahit nga sina Elias at Jeremy na nag-uusap tungkol sa school papers na nasa tabi ay napatingin sa dalawang naglalaro. Hindi naman makagalaw si Christian na hindi nagustuhan ang hampas ng baraha sa mukha niya.

"Ikaw, ano ba ang problema mo?" Agad sinunggaban ni Christian ang kwelyo ni Edison.

"Huh? Ako na pala ang panalo," sabi ni Edison na tinuro ang baraha niya. Nakita ni Christian ang baraha at nakitang panalo nga si Edison. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak nito.

"Wala naman akong problema kung nanalo ka pero dapat ba talagang ihagis sa mukha ko ang mga baraha," tanong ni Christian.

"Huh? Bakit, sino ba ang may sabi na pwede mong sabihin ang mga gusto mong sabihin ha? Ha? Ha?" Ngayon, gumanti na si Edison.

Napa-iling na lamang si Jeremy na pinagpatuloy ang ginagawa samantalang napamasahe naman si Elias sa sintido niya. Si Reed lamang ang umaksyon na pinaghiwalay ang dalawang nagkakagulo.

"Sige, tama na iyan," sabi ni Reed at tinignan si Edison. "He said he's watching."

"Talaga? Nagustuhan ba niya ang regalo ko?" Ngisi ni Edison.

"Huh? Sabi niya masyadong mababa ang nakuha mo," diretsong sagot ni Reed na nagpahinto kay Edison at naging bato. "At least you could have get a thousand and a half, he said."

"Not at least a little praise?" Tanong ni Edison. Umiling lamang si Reed. Tumayo si Edison at kinuha ang telepono ni Reed. Agad nitong hinanap ang last call sa contacts.

"What are you doing?"

"Hello," sagot ni Edison. Dumiretso siya sa may pinto at lumabas. Naiwan ang apat na kalalakihan sa loob.

"That guy," kuyom ni Christian sa kanyang kamao. "If only his muse is not here I could have killed him."

"Oi, you forgot we are here?" Tawag ni Elias. "Say it once again and I'll kick you out."

"It's just a phrase, Meri. Don't think much about it."

"How about you start calling me as a teacher? At least, a little respect for the age difference."

"What? Dahil ba na mas matanda ka ay kailangan na kitang galangin? Oo nga at mas nauna ka pero hindi ibig sabihin nun may karapatan ka. Things would be a little bit different if we were born on the same year. If you think experience can be a valid argument, remember we are of different perspectives. Kung ano ang tama sa'yo noon, baka hindi na tanggap ngayon."

"You know," napakamot ulo na lamang si Elias. "You should stop twisting your words. Parang ako pa ang mali sa atin rito."

Napabungisngis si Jeremy. Napatingin sa kanya si Elias na may masamang tingin.

"Don't laugh," reklamo ni Elias.

"I'm sorry," sambit ni Jeremy na ipinahinga ang ulo sa kanyang mga kamay. "Pero malaki ang pagkakapareho ninyong dalawa noon. Halos bastos magsalita. Walang galang. Walang kinatatakutan."

"H-hindi naman ako bastos! At least I can say sorry," angal ni Elias.

"Well yeah?" Halata ang hindi pagsang-ayon ni Jeremy. "Though, maybe that's the reason why you are both unique. You never look at people with status. You break the walls of norm. You failed to agree with discrimination."

"...err..." Natahimik ang dalawa.

"It sounded gross coming from you." diretsong amin ni Christian.

"But that is too direct," Jeremy showed a gloomy aura. "Don't forget your position, boy. Be careful in chosing your enemies."

Natahimik na ang tatlo. Naiwan sa usapan si Reed na nakikinig lamang sa kanila. Ngayon, napalingon sa kanya ang lahat. Siguradong siya na naman ang tatanungin ng mga bagay bagay ngayon.

"Talking about position," sabi ni Christian na kay Reed na ang atensyon. "Are you aiming for his mother or something?"

"Pardon?" Hindi naintindihan ni Reed ang tanong. Itinulak lamang niya ang salamin niya paitaas sa kanyang ilong.

"Alam mo kasi masyado kang nag-aalala sa kanya. Bantay rito, bantay doon. Sa tingin mo ba bata pa rin si Edison? Hindi mo ba naisip na baka nasasakal na siya sa pagsunod mo sa kanya?" Dagdag na tanong ni Christian.

"I am his personal butler. It is normal for me to be always around him," sagot ni Reed.

"But you are too much around him. Kahit ako nga nasasakal na sa kapanonood ko sa iyo."

"Pardon but you might have been mistaken. My master has been committing suicide ever since he's young. Nandito ako para bantayan siya na hindi ito gawin."

"That's why I'm asking you if you're a butler or a mother."

Hindi naisip ni Reed na ang ginagawa niyang pagbabantay kay Edison ay sobra na. Normal lang naman ang ginagawa niyang pag-alaga nito at hindi nagrereklamo si Edison. Marahil minsan tumatakas ito sa hawak niya pero madalas tahimik lamang itong nananatili sa tabi niya. Hindi niya lubusang naisip na nakakasakal na pala siya.

"Oh, have you guys heard about Urbach-Wiethe Disease?" Biglang tanong ni Jeremy sa lahat.

Napatingin sa kanya si Reed at Christian na may malaking katanungan sa mga mukha. Napalingon lamang sa kanya si Elias na inisiip ang pwedeng maging kahulugan nito. Pamilyar sa kanya ang salita kaya sinusubukan niyang kilalanin ito sa mga ala-ala niya...

"Ah," tango ni Elias. "Bakit mo naitanong?"

"Sumagi ito sa isip ko noong isang araw. Kung babaliktarin mo ang sitwasyon ni Edison, hindi ba pasok ang ideyang ito sa problema niya?" Ani ni Jeremy.

"Tama, may punto ka sa sinabi mo. Bakit hindi ko naisip ang bagay na iyan," sang-ayon ni Elias.

"Um..." Kinuha ni Christian ang atensyon ng dalawa. "Hindi naman siguro masama kung tatanungin namin kung ano ang ibig sabihin nung sinabi mo. Wala kaming alam sa disease na iyan."

"Urbach-Wiethe Disease," ulit ni Elias sa pangalan. "Pwede rin tawagin na lipoid proteinosis and hyalinosis cutis et mucosae. A genetic disorder that may cause a person to have no fear. Rather, to be unable to assess any danger."

"Hindi masyadong kilala ang sakit na ito dahil nga sa masyado itong madalang. Sa katunayan, tanging apat na daan pa lamang ang nakitang may diagnosis sa sakit na ito," dagdag ni Jeremy.

"Ano po ang ibig niyong sabihin? Kaya niyo po ba maipaliwanag ang pwedeng kahulugan nito?" Tanong ni Reed.

"I assume you can understand it if you search about it, thinking that you are already on the medical feild. So I will just skip all the medical terms and will stick on the point," saad ni Elias. "Urbach-Wiethe disease, a rare genetic disorder. Pwede makategorize sa dalawa: Neurological and dermatological. Let's skip about the dermatological because I think your kid didn't have this."

"Neurological has something to do with his brain," tinuro ni Elias ang isang parte ng utak niya. "The diagnosis of Urbach-Wiethe disease shows a bilateral symmetrical calcification on the medial temporal lobes. At madalas naaapektuhan nito ay ang amygdala at periamygdaloid. And we all know that amygdala is thought to be involved in processes such as emotional long term memory and is associated with fear."

"These calcification are the result of a build up deposit of calcium in the blood vessels within this brain region. Kaya sa katagalan tumitigas na ito naaapektuhan ang parteng ito ng utak."

"I understand. Pero paano niyo po naisip na maaaring iyan ang sitwasyon niya?" Tanong ni Reed.

"This is just a guess," sagot ni Jeremy. "When you said that Greendale is scared of living... opposite the idea is his ideology of not getting scared of anything. Sa mga nabasa ko mula sa files niya, makikita na wala siyang takot na gawin ang mga bagay bagay. Factors might be becausehe's hiding something from usor his fear system is broken."

May punto ang pinagsasabi nila. Ni minsan hindi pumasok sa utak niya ang kabaliktaran ng mga nangyayari sa paligid niya. Paano kung ang dahilan kung bakit walang kinatatakutan si Edison ay sa dahilang hindi na niya ito maramdaman? Possible. Malaking posibilidad na ito ang nangyari.

"May I?" Tawag ni Christian sa tatlo na hindi sumang-ayon sa teorya nila.

"Ano naisip mo?" Tanong ni Elias.

"I don't have any idea what kind of disorder is that but I think your theory is utterly impossible."

"At paano mo naman nasabi iyon?" - Jeremy.

"I mean if it is really that kind of disorder, then where did he get his commitance to suicide? If you are thinking that it is neurological, I rather assume that it is all psychological," ipinunto ni Christian. "Just think of it, why would he inflict pain to his self if he knows the danger of doing it? Don't you think that the idea is not altered by a brain disorder but a deep-rooted psychological implantation of an event that caused his strange behaviour?"

"Good point. But what is your basis? This theory is a possibility with the time frame given. Sinabi sa mga papeles na isa siyang mabuting estudyante not until the recent years. Dropping out at grade five, he started doing things as if he is scared with nothing. Maaaring sa panahon na iyon, naninigas na ang isang parte ng utak niya na naging dahilan ng pagbabago ng kanyang pakiramdam," - Elias.

"I'm telling you, imposibleng ganyan ang sitwasyon niya. You guys are looking at it in a view that his phobia is nothing but his fear of living. At tsaka, kung tama nga ang sinabi mo ay dapat nahuli na ito ng kapatid ni Edison. His sister is his personal doctor. Sa tingin niyo ba hindi makikita ng ate niya ang nangyayari sa utak ng kapatid niya?" - Christian.

"You know what? You talk as if you know his phobia," -Elias.

"Well yeah, I do."

Muling natahimik ang tatlo. Napanganga si Elias sa narinig samantalang gumulong ang ballpen na nasa tabi ni Jeremy. Alam na ni Reed ang tungkol rito kaya itinulak na lamang niya ang salamin niya sa mata. Magsisimula na sana ang panibagong tanungan nang bumukas ang pinto. Pumasok na si Edison na natapos na sa tawag niya. Nakita niya ang mga tao sa loob ng kwarto na hindi gumagalaw.

"What is this? Some sort of entertainment?"

Walang sumagot sa kanya maliban sa magdamag na katahimikan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top