Unraveling Time Through A Wall of Clocks

Putok ng chewing gum ang umalingawngaw sa tahimik na silid, maliban sa makinang tunog ng orasang pendulum ng paulit-ulit, ulit ng ulit. Kinuha niya ang dumikit na plastik sa mukha at ibinalik ito sa kanyang labi para nguyain uli ang maputlang chewing gum. Bumalik uli siya sa pagsusulat, ang kanyang mga kamay ay puno ng mga maninipis na hibla ng tuyong sugat at marka ng maitim at pulang tinta na dumikit na sa kanyang mga kuko. Ito ay dahil na rin sa madiin na pagkakahawak sa plumang di-tinta na kung maayos ang pagkakahawi eh natatapon ang tinta o di kaya ay di sumusulat. Huminto muna siya sa pagsusulat para idampi muli ang asero sa nakabukas na bote ng itim na tinta at bumalik sa kanyang pagsusulat.

Pinangarap niya dati na mag-artista. Ito ay dahil sa papuri ng mga tao sa kanya - na kapag nakatalikod mukhang Richard Gutierres, kung nakatagilid mukhang si Daniel Matsunaga, at lalong lalo na kung nakaharap na parang si Ian Veneracion. Magaling rin siyang kumanta at laging hindi nagpapatalo sa sayawan. Sa katunayan, marami na siyang natanggap na medalya dahil sa kanyang kagalingan sa lahat ng aspeto. Kaya alam na ng mga tao kung ano ang patutunguhan ng isang gwapo, makisig, at matalinong tao na tulad niya. Pero sadyang malikhain ang tadhana para palakihin siyang kabaliktaran sa tunay niyang anyo.

Isa siyang sarkastiko, halos buong pagkatao niya ay natabunan na nito. Malakas ang angas niya na halos hindi natitinag kahit pa ang presidente pa ng kahit anong bansa ang humarap sa kanya. Wala siyang paki-alam sa kurapt na estado ng mundo , ng gobyerno, ng mga taong nasa paligid niya, at kahit ang mismo niyang pamilya. Ang pinaniniwalaan lamang niya ay ang sariling ideolohiya. Kahit anong paliwanag at pangungumbinsi pa ang gawin sa kanya sa oras na nagdesisyon siya, wala nang nagbabago. Iyan ang dati niyang akala. Tama, iyan ang bagay na ipinasok niya sa kanyang kokote kaya nang dumating ang taong may kayang patumbahin siya ay wala siyang naggawa kundi ang pagsuko.

Huminto uli siya sa pagsusulat. Hindi ito dahil sa kailangan na naman niyang dampian ng tinta ang asero. Ito ay dahil sa wala na siyang naiisip na isulat. Ibinaba muna niya ng dahan dahan ang pluma sa ibabaw ng maruming twalya na punong-puno ng maiitim na batik ng tinta, inangat ang sarili mula sa pagkakaupo sa bakal na upuan na may tatlong paa at iniurong ito papasok bago umupo muli sa mas komportable na pwesto. Tinuwid niya ang likod niya sabay galaw paikot sa mga balikat, pati galaw sa naninigas na leeg pakanan at pakaliwa. Sa pagkakataong ito, bumukas ang kanyang pinto na walang nagbabalang katok.

"Tsk, hindi ko talaga kayang manatili dito sa opisina mo," sambit ng taong pumasok. "Napakarumi at ang dami ng kalat."

"Eh kung kumatok ka kaya para malaman ko na may darating pala, edi sana nakapagligpit ako kahit kaunti," sagot niya na hindi lumilingon sa kausap.

Inilibot ni Principal ng tingin ang kwarto na kung saan siya ay nalalagay. May apat na sulok ang kwartong ito na may nag-iisang malaking bintana na nakaharap sa malawak na parang ng eskwelahan. Ginusto niyang dito na lang ilagay ang opisina niya pero mas alam niyang wala siyang mapapapala dahil ito ang kahilingan ng taong nasa harap ng isang mesa na punong puno ng kahit anong bagay na masusunog: plastik, mga pinunit na papel, disposable masks at gloves, bote ng mineral water, mga baso na may makulay na laman, botelya, mga lata ng inumin, mga makukulay at puting papel, lalagyan ng mga makukulay na tinta, isang flat screen na personal computer, test tube rack na may mga test tube pang laman, isang aquarium na may tubig na halos kulay berde na dahil sa lumot at mga lumulutang na laruang isda, mga wrapper ng kendi, mga tunaw na kandila, sirang study lamp, at mga libro na nagpapatong-patong kahit saan. May mga plastik na halaman rin na napuno ng alikabok - ang buong lugar ay napuno ng alikabok na kung iihipan ay baka magkaroon pa ng ipo-ipo.

Pero kung gaano man karumi ang paligid nito ay siyang kabaliktaran ng nakatira rito. Ang pangalan niya ay Elias Meri, dalawangput-walong taong gulang, isa sa mga magagaling na guro sa institusyon. Naglakad-lakad si Principal sa hanggang marating niya ang maruming mesa na kung saan nagsusulat si Elias. Pinagpag niya ang alikabok sa isang bahagi ng mesa bago niya ito sinandalan. Tinignan niya ang nakasabit na mga orasan sa dingding na kaharap ng bintana at kung saan nakalagay ang pinto. Hindi lang isang orasan ang nakalagay doon, kundi dose-dosenang orasan na may iba't ibang hugis at disenyo na nagsasabi lamang ng iisang oras. Napangiti si Principal habang pinagmamasdan at pinakikinggan ang bawat pitik ng mga kamay nito.

Pistanthrophobia, isip ni Principal. The fear of trusting anything.

"So, what the hell are you doing here?" Matabis na tanong ni Elias. "Knock three times before you enter."

"You won't open the door without asking who's there," sagot ng Principal. "And you will never believe that it's me."

"So what? Ano ba ang ginagawa mo rito?" Tanong uli ni Elias. Binuksan niya ang drawer na nasa baba niya at kumuha ng isang kahon ng orang juice. Tinusok niya sa may butas ang straw at ininom ito.

"Bakit, bawal bang kumustahin ang isang mabuting kaibigan?" Ngisi ni Principal.

"Huwag kang mangamusta. Hindi ka binabayaran para kumustahin ang isang kaibigan," sabi ni Elias.

"Ha ha ha, ang tulis ng dila mo. Ayaw mo paawat," tawa ni Principal. O sige, sige, sasabihin ko na."

Inilapag ni Principal ang isang parisukat na sobre sa sinusulatang papel ni Elias. Nagulat si Elias at tinignan ang Principal na may kasamang pagtaas ng kilay at mura sa dulo ng dila.

"Ano ito?" Tanong niya.

"Buksan mo para malaman mo."

Tinignan muna siya ni Elias ng ilang sandali bago tuluyang bitawan ang pluma. Pinunas muna niya ang kamay sa malinis na twalya bago hawakan ang sobre at buksan ito. Bumulaga sa kanya ang isang makapal na papel at iilang litrato na may iisang pokus - isang binata na may ngalan na Edison Greendale. Tinignan ito isa isa ni Elias na may kasamang matinis na pagtaghoy.

"Kilala mo?" Tanong ni Principal.

"Yes, but not personally. His father is influencial," mabilis na nililipat ni Elias ang pahina. "I've read some of his books and I've been in one of his seminars. The man is still on his thirties when I last saw him so he might be older now. Though, despite with his young age, he looks very overwhelming that whenever he started talking you can feel a sudden surge of emotions. Man, that seminar is very memorable."

"Oh?" Ngayon lang nakita ni Principal ang kakaibang interes na ipinapakita ni Elias. Minsan lang mangyari ito, lalong-lalo na sa taong tulad ni Elias. "Hindi ko alam na ganyan pala kasikat ang ama niya. Paano naman ang anak?"

"Huwag ka kasing bumabad sa telenobela ng mga koryano ng kano at manood naman ng matinong balita. Ngayon, ano lang ang alam mo? Magsabi ng annheongsayo?" Saway ni Elias na tinignan si Principal na may kasamang pagtataray. "I've never seen the son together with the father but I've heard that he's also good. As what I've known, the mother died after giving birth to the kid. Despite of growing up without a mother, he grew up as smart. Hanggang doon lamang ang alam ko. Hindi kasi masyado exposed sa social media ang anak niya."

"Good you say?" Lumapit si Principal kay Elias at tinuro ang litrato. "So, who do you think is this?"

Hindi agad nakasagot si Elias. Binasa niya ang mga nakasulat at nalaman ang isang kakaibang impormasyon. Kinamot niya ang kanyang tainga habang tinitignan ang mga litrato. Walang duda, ito ang anak ng isang mayamang tao. Nakita na niya ang ama sa personal at nakikita niya ang pagkakahawig sa mukha at aura na ibinibigay nito. Binaba niya ang hawak hawak na litrato at tinignan si Elias.

"Ano ba ang nangyayari, Jeremy? Bakit mo pinapatingin sa akin ito? Bakit mayroon ka nito?"

Bumalik sa pagkakasandal si Principal na inalis ang tingin sa kausap.

"Kaninang umaga may natanggap ako na tawag mula sa isang tao na sinasabi mong ma-impluwensya. Ito ay tungkol sa anak niya," sagot ni Principal.

"O, tapos? Anong nangyari?"

"Maraming nangyari. Ah basta, ngayon, nandito ang anak niya."

"Huh? Bakit nandito ang anak niya? Hindi naman ito isang normal na paaralan diba?"

"Iyon nga, bakit nandito ang anak niya."

"Huwag mo nga akong pinaglololoko, Jeremy. Sigurado akong alam mo kung bakit nandito ang anak niya. Alam ko kung anong uri ng paaralan ito at mas lalong alam ko kung anong klase ng mga tao ang mayroon tayo rito. Siyempre, dahil sa isa ako sa mga nagtuturo sa kanila," lumabas ng kaunti si Elias mula sa pagkakaupo at hinarap si Principal. "Jeremy, ano ba ang nangyayari?"

"Alam mo naman kung ano ang mga nakasulat sa papel na iyan, diba?" Harap ni Principal sa kanya.

"Oo, ito ay mga balita tungkol sa isang lalaking nagtatangkang magpakamatay. Mga test results na galing sa pag-inom niya ng mga lason at ng mga basag na buto sa kanyang katawan. O tapos?" Sabi ni Elias.

"Sinasabi na may takot ang binatang iyan na mabuhay kaya nagpapakamatay siya. He's scared of living, Elias," punto ni Principal.

"What's new with that? Marami akong kilala na takot mabuhay," singhal ni Elias. "Ang iba naman malaki ang obsesyon sa kamatayan."

"So sinasabi mo na Philia ang nararamdaman ng taong ito at hindi Phobia?"

"May Phobia siya?" Isang nakakalokong titig ang natanggap ni Principal. Pagkatapos, tumawa ng ubod ng lakas si Elias na para bang may kumiliti sa kanya. Tumayo ito at nagsasasayaw na parang lasing habang inuubos ang hangin sa kanyang baga dahil sa katatawa. Huminto siya nang mapagod at bumalik sa pagkakaupo. "Pasensiya na ha hindi ko kasi nakontrol," aniya. "Phobia? May Phobia siya? Kaya ba siya nandito dahil may Phobia siya? Huh? Jeremy?"

Pero hindi nagbibiro si Principal. Napa-ayos ng upo si Elias nang makita ang mukha nito, halos umiiling dahil sa hindi makapaniwala. Tinignan niya ang litrato, pagkatapos ay si Principal, balik naman sa litrato, at kay Principal. Kumunot ang noo nang may ideya na sumagi sa isip niya. Mas umiling pa siya sa nalamang balita.

"Are you perhaps here because you're placing him in my class?" Tanong ni Elias na sinusubukang maging mahinahon.

"Right on the spot," sagot ni Principal.

"What the f-" mura ni Elias. "Bakit mo naman ginawa iyon? Bakit ka nagdedesisyon na walang pahintulot ko. Alam mo naman siguro na nasa Zweine pa ang mga estudyante ko diba?"

"Ikaw ang dahilan kung bakit pinili kita, Elias," sabi ni Principal. "Hindi pa namin alam kung saan dapat siya ilalagay kaya sa gitna ko siya inilagay. Huwag kang mag-alala, temporary student lang siya kaya baka hindi siya magtagal dito. Besides, I met the kid in person. He's not ordinary."

"What do you mean?"

"He's not insane," umalis sa pagkakasandal si Principal na pinulot ang isang papel mula sa sahig. "But he's not also sane. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya pero may kakaiba akong nararamdaman. And I thought, if I will put that kid in a class headed by a person with the same aura then we will find the way. What do you think?"

"Sinsabi mo ba magkapareho kami?"

"Oo, sa isang punto. Pareho kayong may matigas na ulo," ngiti ni Principal.

Itinapon ni Principal ang pinulot na papel sa kalapit na basurahan na punong puno na rin ng basura na halos iniluwa na nito ang nasa loob. Napabuntong hininga siya. Hinarap niya si Elias na tila ba mag-aanunsyo siya ng isang balita.

"Elias Meri, I want you to become his teacher and know his Phobia," utos ni Principal. "he'll be staying for two months. I want you to discover his sickness in the shortest time possible."

"I ain't a sorcerer," sabat ni Elias na halata namang walang magagawa kundi ang tanggapin ang utos ni Principal. Tama, ang nag-iisang tao na nakatalo sa kanya ay ang lalaking ito na walang bahid ng katigasan sa katawan. "Though, that must be easier if it's true that we're same."

"Good, I expect nothing else but your excellence," ngiti ni Principal. "And if you need compensation, I can give you a lot."

"Bribe?" Taas kilay ni Elias.

"Ha ha ha, just a handful of money I received from the kid," tawa ni Principal.

Naglakad si Principal papunta sa pinto. Tinanggap na ni Elias ang pagiging guro ng binata kaya tapos na ang kanyang trabaho rito. Huminto siya sa paglalakad nang nasa harap na siya ng pinto at lumingon kay Elias na pinanonood siyang umalis.

"If you want to meet him, you can meet him now," sabi ni Principal.

"Sure," tango ni Elias. "Maybe later. I'll just ask Amijan about it."

"Okay," hawak ni Principal sa hawakan. "Then, I'll be going-"

Nagulantang si Principal nang biglang bumukas ang pinto papasok. Mabuti na lang at napa-atras siya at hindi natamaan nito. Napatayo rin si Elias sa kinatatayuan na agad namang pinuntahan ang principal. Isang estudyanteng babae ang bumukas ng pinto na tinatawag ang pangalan ni Principal. Nang makita niya ang hinahanap niya ay agad niyang pinuntahan ito at hinila sa kamay.

"Principal Jeremy, may masamang nangyari. Kailangan niyong sumama sa akin," sabi ng babae.

"Teka, teka, huminahon ka muna," sabi ni Principal na nahihila. "Ano ba ang nangyayari?"

Hindi makapagsalita ang dalaga. Namumutla ang mukha nito at halatang takot na takot. Pinuntahan siya ni Elias na lumuhod sa harap ng dalaga para mapantayan ang tangkad.

"Just breath slowly," sabi ni Elias. "Don't rush up. Just do it slowly. You have to calm down."

Sumunod ang babae sa sinabi niya na naging mahinahon pagkatapos ng ilang paghinga. Namangha si Principal. Isa na naman ito sa mga kakaibang kakayahan ni Elias. Kahit na siya ang may pinakamataas na ranggo sa lugar, hindi agad napapahinahon ni Principal ang isang bata na nagpapanik.

"Ngayon, sabihin mo sa amin ng dahan dahan kung ano ang nangyari," sabi ni Elias.

"Sir, may isang lalaking may suot na damit ang nagwala," sagot ng babae. "Pagkatapos biglang may dugo."

"Dugo? Nasaan ang lalaking ito?" Pasok ni Principal sa usapan.

"Nasa Zweine Territorium po siya, sa Fyrst Hall section Sonata," sagot ng babae.

"Si Josue ang adviser doon," sabi ni Principal. "Pero mabuti at nasa Fyrst Hall siya. Dahil kung nasa Secundus Hall siya eh baka may makakita na may Hemaphobia."

"Pero hindi parin maganda ito," tinignan ni Elias ang dalaga. "Dalhin mo kami doon."

Tumango ang babae at nanguna sa kanila. Tumakbo si Principal katabi ng babae samantalang bumalik muna sa loob ng kwarto niya si Elias. Pagkatapos, lumabas siya muli pagkatapos isarado sa dilim ang kwartong may maraming lihim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top