Triggered by an Empty Glass

Nakikinig si Reed sa paliwanag ni Amijan tungkol sa ginagawa nilang paraan para malabanan ang Phobia. Katabi lang niya si Edison na halata ang pagkayamot nang hinila siya ni Reed pabalik sa kanya. Hindi ito interesado sa sasabihin ng sekretarya. Ang atensyon niya ay nakatuon sa mga estudyanteng nagtitipon sa sulok ng isang kwarto na walang dahilan.

"Sa isang normal na paaralan, limang araw tumatakbo ang klase. Pero sa lugar na ito apat na araw lang ang klase. Inilalaan ang biyernes at sabado para sa tinatawag naming ET. ET is short for exposure therapy. Iyan ang paraan na ginagamit namin para masanay ang mga estudyante sa mga takot nila," hinawi ni Amijan ang buhok na bumaba mula sa kanyang ulo. "Ang exposure Therapy o desensitization ay isang sistematikong paraan na kung saan ang pasyente ay inilalahad sa bagay na kinakatakutan niya. Para bang ipinapakita mo ang tao sa mismong takot niya sa hanggang masanay siya nito. Pwedeng ihalintulad rito ang masangsang na amoy ng isda o ng patay na daga. Sa unang pagkakataon maaamoy mo talaga ang langsa at baho, pero sa katagalan nawawala na ito. Immunity naman ang tawag doon."

"Pero hindi basta basta ang Exposure Therapy. Ito ay ginagawa ng dahan dahan. Alam mo ba kung ano ang Cognitive-Behavioral Theory?" Tanong ni Amijan kay Reed. Umiling lang si Reed dahil wala siyang kamuwang-muwang sa ganitong mga salita. Si Edison naman ang hinarap niya. Tinignan lang siya ni Edison, pero halata namang alam ng binata ang sagot.

"Kung ano ang iniisip mo ay kung ano rin ang mararamdaman mo," sagot ni Edison. "When I think that it hurts, then it will hurt. When I think that it's ugly, then I'll show it with my actions. If I think that I can't do it, then I will feel that I can't do it."

"Correct," ngiti ni Amijan sa kanya. "We have this Cognitive-behavioral therapy that teaches the patients that the thoughts are affecting our actions. This is under the condition that the brain is healthy, meaning, there's no problem with any part of your brain. Attaining that condition, the one that causes your feelings and actions must be your thinking, not the brain," sabi ni Amijan. "So by that, we apply the Exposure therapy which is under CBT. Ang mga hakbangin ay hindi naman kahirapan pero matagal ang proseso. Ito ay sa dahilang hindi agad inilalahad sa pasyente ang takot. Kagaya nga ng sabi mo kanina tungkol sa CBT na kung ano ang iniisip mo ay syang iyong gagawin, iyan ang unang hakbang. Ilalagay namin sa isip ng pasyente na hindi dapat siya matakot dahil hindi naman ito nakakasakit at nakakasama."

"Halos matagal namin itong gagawin sa hanggang araw araw na niya iisipin ang kinatatakutan niya. Hindi niya ito iniisip dahil sa gusto niya itong iwasan o dahil sa hindi niya malimutan ang takot, ito ay dahil sa kaya na niya itong isipin na hindi namumutla. Pagkatapos sa paggamit ng imahinasyon ay pupunta naman kami sa picture form. Ipapakita namin ang litrato ng kinatatakutan nila. Una ay sa malayong distansya. Sa susunod ay lalapit siya ng ilang sentimetro, sa hanggang kaya na niya hawakan ang litrato. Hindi lang rito magtatapos ang picture form. Kapag napagtagumpayan na niyang hawakan ang litrato, bibigyan na namin siya ng mga gamit na may litrato ng phobia niya at ipalalagay ito sa kwarto niya. Halimbawa, ang isang tao na may Arachnophobia. Kapag nakapunta na siya sa lebel na ito, bibigyan namin siya ng mga laruang gagamba na ilalagay sa kwarto niya para makita ito araw araw."

"At ang huling hakbang ay ang mismong pagpapakita sa kanila ng kanilang kinatatakutan. Pareho pa rin ang proseso. Una, sa malayuan sa hanggang kaya na nilang hawakan ito. Ito ang pinakamatagal sa mga hakbangin dahil may iba na pumapalya kaya nagsisimula sila sa pinakaunang hakbang," paliwanag ni Amijan.

"Biyernes ngayon," sabi ni Reed na lumingon sa silid aralan. "Ibig sabihin iyon ang ginagawa nila?"

"Tama," tango ni Amijan. "Ang mga nasa Zwiene Territorium ay nasa huling hakbangin na. Pero tumatagal ito ng mga dalawang taon kaya kahit nasa huling parte na sila ay hindi parin pwede manigurado. Isang pagkakamali lang at magsisimula uli sa umpisa."

"So it means that-" Magatatanong pa sana si Reed nang hilahin muli ni Edison ang kadena. Sa pagkakataong ito, pilit na hinihila ni Edison ang kadena na para bang gustong-gusto niyang makita kung ano ang nangyayari. Wala na ring naggawa si Reed kundi ang paikutin ang mata niya at sumunod sa gusto ng binata. "Sige, papayagan kita pero sa labas lang."

Pumunta sila sa may pinto na kung saan isang guro ang nakatayo. Nagulat pa nga ito nang biglang tumabi sa kanya si Edison. Tinignan siya ni Edison na may kasamang ngiti at pagkagalak. Lumingon sa likod ang guro at nakita si Amijan na may kasamang isang lalaki. Nagtaka siya sa kadenang nasa kamay ng lalaki at sinundan ito ng tingin papunta sa binatang katabi niya. Magtatanong pa sana siya nang tumango lamang si Amijan na nagsasabing hayaan na lang sila.

"Isang magandang ideya ang ginagawa niyo," sabi ni Reed. "Sa ganitong paraan mamumuhay muli ng normal ang mga taong may Phobia."

"Tama ka, pero hindi lahat kayang paggalingin ng CBT," sabi ni Amijan. "May ibang Phobia na kung saan ginagamitan ng hypnotismo. Ang CBT ay epiktibo lamang sa mga specific phobia at iba pa. Pero may iba na kahit anong gawin mo ay wala kang magagawa. Halimbawa na lang ay ang takot sa pagtitiwala. The Phobia of Trust. Paano mo ba maipapakita sa isang litrato ang pagtitiwala?"

Tumango si Reed sa pagsang-ayon. Ngayon na narinig niya ang tungkol sa hipnotismo, bakit di niya ito ginawa kay Edison at nang malaman kung ano ba ang problema niya? Sa simpleng pagkontrol sa utak, madali na sigurong mapaamin ang isang tao kahit na magaling pa ito magtago ng sekreto.

"Teka, hindi ka pwedeng pumasok," sabi ng guro na nagbabantay. Ngayon lang napansin ni Reed na pumasok na pala si Edison sa loob.

"Hayaan mo lang siya, Teacher Josue. Wala naman siyang magagawa sa estado niyang iyan," sabi ni Amijan na pinupunto ang mga kadena sa katawan ni Edison.

Naglakad papunta sa loob ng silid si Elijah. Nakatingin siya sa limampung estudyante na nagsisiksikan sa dulo ng silid na para bang may halimaw silang nakikita. Halata sa mga mukha nila ang pagkatakot, ang iba pa nga ay halos namumutla na. Napakamot si Edison sa kanyang ulo. Hindi niya maintindihan kung ano ang kinatatakutan ng mga taong ito.

"Ed, lumabas ka na diyan. Nakaka-istorbo tayo," pumasok sa loob si Reed at hinawakan sa Braso si Edison. Hinihila niya ito papalabas ng silid.

"Teka, ano ang bagay na iyon?"

Ibinalikwas ni Edison ang pagkakahawak sa kanya ni Reed at tinulak siya palayo. Mabilis na naglakad papunta sa pinakagitna ng silid si Edison at nakita ang isang kakaibang bagay. Isa itong babasaging baso na walang laman na nakatayo sa gitna ng isang bilog na guhit ng yeso. Pinagmasdan niya ito ng ilang sandali habang nag-iisip. Nang hindi niya talaga makuha ang dahilan kung bakit may baso isa gitna ng drawing ng chalk ay bumigay niya siya. Mabilis niyang kinamot ang batok niya sabay harap sa pintuan.

"I tried thinking what this thing is all about," sabi ni Edison na tinuro ang baso. "So, ano ang bagay na ito?

"Isang walang laman na baso," sagot ni Josue na nabigla sa mataas na tono ng boses ni Edison.

"HUH?" Binigyan siya ng 'halata naman at baso ito' na tingin. Pero pinalampas niya lang ito at pinagpatuloy ang tanong. "At ano naman ang ginagawa ng basong ito sa gitna ng isang bilog sa gitna ng silid na ito?"

"Kenophobia," ani ni Amijan.

"What?" Napakunot noo si Edison.

Tinignan niya uli ang walang lamang baso. Katulad ng isang normal na baso, ito ay makinis, siguro mga lima o anim na pulgada, may paikot na sukat na dalawang pulgada. Pinaliligiran ito ng isang kulay puting yeso na ginuhit ng maayos. Sinubukan niyang isipin kung ano ba talaga ang silbi ng baso na ito pero sa bandang huli ay napunta ito sa kawalan. Nakita ni Amijan ang pagkalito sa mukha ni Edison kaya sinubukan niyang ipaliwanag ang nangyayari.

"This class is on the Actual representation. They are already done to the first part and second part. Now, they are seeing theie fear in actual," sabi ni Amijan.

"Ah, so that's it," tumango si Edison. "So, they are like getting scared with this glass just because it is void and empty?"

Nagulat si Amijan sa narinig. Hindi naman niya sinabi ang tungkol sa isang parte na iyon.

"It looks like you're pretty familiar with the Phobia and Phobia names," sabi ni Amijan.

Lumingon sa kanya si Edison. Binigyan lamang siya nito ng mga walang buhay na mga mata. Pagkatapos ay napakibit balikat na lamang siya. "Of course, I have to," mahina niyang sambit. Yumuko si Edison para kunin ang walang lamang baso. Ngayong malapit na ito sa kanya, napansin niya ang makapal nitong salamin. Hinimas himas niya ito gamit ang palad sa hanggang makita niya ang sarili rito. Isang pamilyar na mukha ang sumusunod sa bawat galaw niya. Sinubukan niyang pumikit ng isang minuto, pero parehong pagmumukha pa rin ang nakita niya.

Tinignan niya naman ngayon ang mga estudyante na napunta na sa kanya ang atensyon. Natatakot pa rin sila, nangangatog ang mga tuhod, namumutlang mga labi, at ang iba pa nga ay halos ilang beses nang nagdasal sa iba't ibang santo para lang maka-alis sa lugar na ito. Pinag-aralan ni Edison ang mga kinang sa kanilang mga mata. Nakikita niya - nakikita ang mga takot na para bang hinahabol sila ni kamatayan. Napangisi si Edison.

"I've never heard of this before," bungisngis niya. "So, you guys are scared of EMPTY objects huh?" Tanong niya sabay diin sa salitang 'EMPTY' na naging dahilan ng pagkakahimatay ng ilang estudyante. Nagustuhan ni Edison ang natanggap na reaksyon mula sa kaharap na mga nilalang.

"Please stop this," bulyaw ni Josue na pumasok na sa loob para pigilan si Edison. Pero hinarangan siya ni Reed. Kahit anong mangyayari, hindi papayagan ni Reed na may manakit sa taong pinagsisilbihan niya. "Why are you stopping me?"

"Excuse my master's rudeness," sabi ni Reed sabay tulak sa salamin sa mata. "But no matter what, I won't let you hurt my master."

Lalaban pa sana si Josue nang kumalansing ang kadena sa kamay ni Reed. Pareho silang napalingon kay Edison na tila may sasabihin. Nakaramdam ng kakaiba si Reed habang nanonood. Tila ba nanginig ang kanyang katawan - na para bang may mangyayaring hindi inaasahan. Pinanood niya ito ng mabuti kung sakali may mangyari.

"Human beings are said to be the chosen species. That is because they have this," tinuro ni Edison ang utak niya. "We have larger brains than any other animals. We have the so-called rationality, the ability to think and decide, the ability of having will. We are superior - the best." Huminto muna sa pagsasalita si Edison. "Then what the freaking hell is your problem?!"

Natigilan ang lahat. Napahinto si Josue sa balak na itulak si Reed. Tumigil na sa panginginig ang mga estudyante. Kahit si Amijan na nanonood lang ay hindi rin inaasahan ang biglaang paglakas ng boses ni Edison. Walang umakala na sisigaw siya sa pagkakataong ito.

"How can you be so freaking scared of this freaking glass, just because it's EMPTY? You're scared with this coz it is EMPTY?" Napailing si Edison. "Can you see me? You can see me, right? Now, what is happening to me? Am I scared? Did I get hurt by just holding this EMPTY cup? Did I die because of this cup?"

Walang sumagot sa mga tanong niya.

"Can anybody answer a freaking NO to me?!" Sigaw niya. "What's the big deal? Here I am, scared of being alive and yet you are here trembling just because this damn glass is EMPTY! Why are you, the chosen beings, the one who were able to evolve into a higher species, is scared of something so little? Don't you have any shame?"

"Edison, tama na," si Reed na ang pumigil sa kanya ngayon. Hinila ni Reed ang kadena na nagpataas sa isang kamay ni Edison. Tinignan siya nito na may mukhang tila nakakaloko.

"I don't know what's the problem with these foolish beings!"

Biglang ibinagsak ni Edison ang baso sa sahig na naging dahilan ng pagkakabasag nito. Napatalon ang lahat sa gulat, at sa ingay na nabuo ng baso. Narinig ang malakas na pagsabog hanggang sa kabilang kwarto na naging dahilan ng paglabas ng mga estudyante. Nagtipon sila sa may pinto habang nanonood sa mga pangyayari sa loob ng silid. Nagkapira-piraso ang baso na nagkalat sa sahig. May ibang piraso na lumipad sa direksyon na kung saan nagtipon ang mga estudyante. Dali dali silang tumakbo para maiwasan ang mga bubog. Nakatayo pa rin doon si Edison, hinihingal dahil sa pagsigaw at sa pwersang ginamit sa pagtapon ng baso. Pinilit niyang ngumiti sa nagpapawis na mukha.

"Now, who's scarier? That empty glass or me?" Putol putol niyang sabi habang pilit na hinahabol ang hininga.

Napaupo siya sa kanyang kinatatayuan. Nakatingin ang lahat sa kanya. Ni isa ay walang balak na lumapit sa kanya. Ano nga ba ang tanong niya? Kung sino ba ang mas nakakatakot? Walang sumagot pero sumang-ayon ang lahat na ang binatang biglang nagwala ang nakakatakot sa lahat. Tumahimik muna ang paligid pagkatapos ng malakas na pagsabog. Nabasag lamang ito nang biglang tumawa si Edison.

"Ha ha ha ha ha ha ha ha," tawa niya na natabunan pa dahil sa pagyuko. Nagtunog kontrabida ang tawa niya na bumalot sa paligid. Nagtaka si Reed kaya lumapit siya sa balikat nito.

"Ed, anong nakakatawa-"

Nakita ni Reed ang hawak hawak ni Edison sa kanyang kamay. Ito ay isa sa mga piraso ng mga bubog na nabasag mula sa baso. Mahigpit ang kapit ni Edison rito na dahan dahan niyang kinukuskos sa kanyang pulso sa hanggang may sugat na lumabas. Nanlaki ang mata ni Reed sa nakita na agad hinila ang brasong may kadena na sakto rin na ang kamay na may hawak sa bubog. Nagdurugo ang pulso ng isang kamay samantalang malalim naman ang baon ng bubog sa palad ng kabila.

"Edison, bitawan mo ang bagay na iyan!" Niyakap ni Reed ang braso na may hawak sa bubog. Inilayo niya ito mula sa isang kamay. Kasama niya ang apat na gwardia na agad namang kumilos para kumuha ng gamot at ng mga bagay na dapat gawin kapag ginagawa ito ni Edison. Tumulong na rin si Josue sa paghawak kay Edison dahil sa nagpupumiglas ito. Ang ibang guro na nakikinood ay pumasok na rin para hawakan ang katawan ng binata. Pinilit na binubuksan ni Reed ang mga daliri na malapit nang maputol dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa bubog. Maraming dugo na ang kumalat sa sahig na kung titignan ay tila may kung sinong pinatay.

"Tawagin niyo si Principal Jeremy," sigaw ni Josue sa mga nanonood na estudyante. "Kahit sino, tawagin niyo siya!"

May mga estudyanteng sumunod at tumakbo para hanapin ang pinatatawag. Matindi pa rin ang kapit nila kay Edison. Hindi pa rin magawang maalis ni Reed ang bubog. Sinubukan pa nga siyang kagatin ni Edison pero di naggawa. Sanay na si Reed sa ganitong senaryo kaya hindi na siya natatakot. Dumating ang isa sa mga gwardya nila na may dalang briefcase.

"Tama sa oras, ikaw muna ang humawak sa kanya," sabi ni Reed na ibinigay ang braso ni Edison sa gwardia.

Binuksan ni Reed ang briefcase. Mga gamit pang-doktor ang nasa loob nito. Kumuha siya ng isang pares ng kulay berde na disposable gloves at sinuot ito. Ipinasyal niya ang kanyang mga mata na hinahanap ang isang bagay. Kumuha siya ng isang syringe na nakalagay pa sa plastik na agad niyang pinunit. Kinapa ng kamay niya nag ilang mumunting bote sa isang parte sa hanggang mahanap niya ang tamang gamot. Dito niya tinurok ang dulo ng karayom at nagpasok ng likido sa eksaktong dami.

"Hawakan mo ang braso niya ng mabuti," sabi ni Reed na tinulak pa kaunti ang syringe para lumabas ang ilang tulo ng likido. Napatingin sa kanya si Josue.

"Ano ang bagay na iyan?" Tanong ni Josue na may halong pag-aalala sa kanyang boses.

"Pampatulog," ang tanging sagot ni Reed.

Agad niya itong itinurok sa balikat ni Edison. Dahan dahang nanghina si Edison sa hanggang siya ay di na makagalaw at nakatulog. Lumuwag ang pagkakakapit ng kamay niya sa bubog sa hanggang bitawan niya ito. Nakahinga na ang mga sinubukang pumigil sa kanya, pati rin si Reed. Ibinalik niya ang bote sa mga katabi nitong iba pa, kinuha ang karayom sa syringe at inilagay sa magkaibang lalagyan.

Mabilis ang mga pangyayari. Hindi makagalaw ang iba sa kinatatayuan dahil sa takot. Si Amijan naman ay nakatunganga habang nakatabon ng kamay ang kanyang bibig. Pinanood niya si Reed na tinitignan ang kamay ni Edison. Gamit ang twizzers, pinagtatanggal ni Reed ang kumapit na bubog sa kamay, at ang mga laman nito. Pina-alis ng ibang guro ang mga estudyanteng nanonood at kung ano pa ang mangyari. Lumapit si Amijan kay Reed.

"Kailangan kong tumawag ng ambulansya,"nanginginig niyang sabi

"Huwag na, ako na ang bahala rito," sabi ni Reed na nililinis ang sugat. "Hindi man halata pero may lisensya ako sa medisina."

"Pero-"

Nakita ni Amijan ang patuloy na pag-agos ng dugo mula sa pulso ni Edison. Hindi na niya nakontrol ang sarili at kinuha ang sarili telepono. Pero agad naman siyang napapigil ng mga gwardia at kinuha ang telepono niya. Tinignan niya si Reed pero hindi ito lumingon sa kanya.

"Kahit anong mangyari, hindi dapat malaman ng kahit sino ang nangyayari sa kanya," sabi ni Reed na isinara ang sugat sa pulso ni Edison gamit ang panyo. Hindi ito humarap sa kanya pero alam ni Amijan ang ekspresyon sa mukha nito. "Naiintindihan mo ba ang gusto kong iparating?"

Hindi na hinintay ni Reed ang sagot ni Amijan. Dahan dahan niyang ini-angat si Edison sa hanggang nabuhat niya na ito. Humarap siya kay Amijan na may pilit na ngiti sa labi. Paano siya nakakangiti sa pagkakataong ito?

"Kung maaari, pwede mo ba kami bigyan ng sarili kwarto? Kailangan niya ng atensyon ng doktor ngayon. May sarili siyang doktor kaya kung pwede lang sana-" Hindi pa natatapos ni Reed ang sinasabi niya nang makita niyang paparating si Principal. May kasama itong lalaki na mukhang pinulot pa sa panahon pa ng renaissance. Hindi na nagtanong pa si Principal na narinig ang sinasabi ni Reed at dinala sila sa isang ligtas na lugar.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top