Torture Methods in the Library
Noong unang panahon, panahon pa ng Dark Ages, kilala ang mga karumaldumal na paraan ng pagpaparusa sa mga tao na itinuturing na mga hayop. Isa na rito ang pagpapapako sa krus, pagsusunog sa ibabaw ng mga dayami, pagbabalat, paglagay ng maliit na rehas sa ibabaw ng tiyan na punong-puno ng mga gutom na daga, pagtusok mula sa ulo palabas sa ibaba, pagbabarena sa magkabilang parte ng ulo, ang pagbibitay, pagsasabit sa tali na may matulis na tatsulok sa may paanan, at kung ano-ano pang mga paraan na hindi agad nagbibigay ng kamatayan sa taong pinaparusahan - ang sakit na mararamdaman na katumbas ng kasalanan. Ito ang paraan noon dahil ayon sa kanilang paniniwala na kapag nagkasala ang isang tao ay hindi na siya isang tao sapagkat ang tao ay nag-iisip, at ang pag-iisip ay perpekto. Hindi nag-iisip ang taong gumagawa ng kasalanan.
Lumipas ang panahon at bumabaw na ang pagpapataw ng parusa sa mga nagkakasala. Kabilang na dito ang pagpupugot ng ulo, pagkakakulong, pagbabaril, pagpapa-inom ng lason, at kung ano-ano pang paraan na nagbibigay lamang ng kaunting kirot at panandaliang kamatayan. Sa panahon na ito, naisip ng tao na kung papatawan ng parusang kamatayan ang isang tao ay hayaan nalang ito na makaramdam ng panandaliang sabik bago ang kamatayan. Euphoria - isang pakiramdam ng lubos na kasiyahan. Isang uri ng emosyon na nararamdaman ng mga tao bago ang kanilang kamatayan - hindi ito agad nakikita pero tunay na nangyayari. Sa huling segundo ng tao, sa pinakamahabang kaunting oras ng buhay niya na kung saan bumabalik ang masasayang alaala, nararating niya ang Euphoria.
Lumipas ang panahon sa kasalukuyan na kung saan ang mga parusa ay hindi na pinapataw sa mga taong nagkasala, kundi sa mga taong inosente at walang kamuwang-muwang sa malupit na mundo. Ito ang pinagkaiba ng tatlong panahon na nabanggit. Habang tumatagal, mas bumababaw ang parusa na inihahataw. Wala nang silbi ang batas - ito ay ginawa para sa kapakanan ng pagiging pormal ngunit wala naman talagang halaga.
Ngayon, sa tatlong panahon na nabanggit, alin kaya sa tatlo ang parusang natanggap ng dalawang binata na nakagawa ng kasalanan? Alin kaya sa tatlo ang kanilang naranasan na naging dahilan ng kanilang pagdurusa ngayon?
"Alam niyo," sabi ni Principal na binalasa ang mga baraha kanyang mga kamay. Kakaiba ang pagkakabalasa niya dahil sa ito ay pataas at pababa na para bang mahikero na ipinalilipad ang mga baraha na hindi nahuhulog. "Nabuo ang paaralan na ito ilang siglo na rin ang nakakalipas. Kung bibilangin ko kung ilang taon na ito, siguro mga nasa isangdaang taon at kalahati. Pero ang paaralan na sinasabi ko ay ang pinakaunang School of Phobia na nasa Estados Unidos."
Natapos na si Principal sa pagbabalasa na inilagay ang mga baraha sa mesa. Kumuha siya ng isang baraha mula sa pinakaitaas at ipinakita sa dalawa - Queen of Hearts. "It all started with the private company of GoodHeart opened a small school intended for curing Phobias. The school only has three classroom with only three specific phobias - fear of heights, spiders, and holes." Naglabas uli siya ng baraha na ipinakita ang Ten of Clubs. "Because of Luck, they're able to expand the school, from adding classrooms to buildings, and now with overseas branches including this school. Naging maganda ang pamamahala nila kaya lumaki ng lumaki ang paaralan ng GoodHeart na nung una ay tinawag na GoodHeart School of Fears na sa kalaunan ay pinalitan ng School of Phobia."
Bagong baraha na naman ang lumabas - Ten of Diamonds. "Fortune and courage, iyan ang dalawang bagay na nagpapatakbo sa skwelahan ngayon. Though, the school is not that famous if you ask me. Hindi masyadong kilala ang paaralan na ito dahil sa tatlong dahilan. Una, dahil sa matatagpuan ang paaralan sa isang liblib na sulok ng kagubatan. Well, This place isn't really a jungle, but only a forest. Ito ay sa dahilan na mas madaling gamutin ang isang bagay kapag malapit siya sa kalikasan. At tsaka, mas mapayapa ang paligid na malayo sa sibilisasyon."
"Ang ikalawang dahilan, dahil sa hindi kami kumukuha ng mga estudyante na katulad sa ibang paaralan. Even though that this is a private school, profit comes on second. Well, with our hypocratic rule, what comes first must be saving life. Anything that comes after is not necessary. Kaya nga may mga estudyante kami na medyo hindi nabiyayaan ng malaking pera. And also, the people who are in this school are recommended by their psychiatrists and psychologists. What can't be treated in a clinic will be placed here to undergo training."
Huminto muna si Principal sa pagsasalita na tinignan muna ang dalawa. Itinaas niya ang kanyang hintuturo na para bang mayroon siyang isang bagay na natandaan. Gumalaw-gulaw siya, hinalukat ang mga bagay sa mesa. Mula sa mga kwaderno, folders, mga balpen sa isang baso, at sa patong-patong na papeles. Binuksan rin niya ang mga drawer sa ilalim ng mesa. Yumuko siya paibaba para tignan ito isa-isa.
Pinanonood lang siya nina Edison at Christian na naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Pagkatapos ng maka-ilang paghahanap ay natapos na rin siya na naglapag ng isang papel sa mesa. Pinahiran niya muna ang pawis na namuo sa kanyang noo, pagkatapos ay tinignan ang mga balpen sa baso. Isa-isa siyang kumuha nito na isinusulat sa ibang papel. At kung walang nakikitang tinta ay ibinabalik. Nang makakuha na siya ng isang sumusulat na balpen ay inilagay niya ito sa tabi ng papel na kanyang kinuha. Sa wakas, nakahinga na rin siya ng mababaw.
"Oh well, I thought I lost it somewhere," sabi ni Principal na may ngiti ng kaluwasan kasama ng paglabas ng mga bulaklak sa kanyang paligid.
"What is that?" Tanong ni Christian na napa-abante sa kanyang upuan. Nakita niya ang pagkagalak ng Principal kaya inasahan niya na may kinalaman ang papel na ito sa parusa na ibibigay sa kanila.
"Eto?" turo ni Principal sa papel. "Ah, ito ang ipapaliwanag ko sa inyo ngayon. Huwag kayong mag-alala, madali lang naman itong intindihin."
"Teka muna," agad sumabat si Edison sa usapang mapupunta na naman sa ibang direksyon. "Bago mo baguhin ang usapan, ano ba ang kasunod ng sinabi mo kanina?"
"Anong kasunod?" Ulit ni Principal. "Kasunod sa saan?"
"Sa sinabi mo kanina," sagot ni Edison. "Ano ang kasunod sa sinabi mo kanina?"
"Kasunod sa saan? May sinabi ba ako?" Tanong ni Principal.
"Oo, yung tungkol sa tatlong dahilan kung bakit hindi kilala ang School of Phobia," tumayo na si Edison na medyo naiinis sa kapurulan ng utak ni Principal. "Diba sinabi mo na may tatlong dahilan kung bakit kahit matagal na ang paaralan na ito ay hindi pa rin kilala ng mundo dahil sa tatlong dahilan. Una mong binigay ay ang lokasyon. Ang pangalawa ay dahil sa tanging mga estudyanteng may rekomendasyon lamang ang pwedeng makapunta sa lugar na ito. Hindi mo pa sinasabi ang pangatlo. Ano ang pangatlo?"
"Oh," napangiti si Principal sa narinig na balita. "I never thought that you're listening."
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko rito?" Bumalik sa pag-upo si Edison. "Sabihin mo na kasi ang pangatlo."
"Okay, okay, I'll continue," sabi ni Principal na nilinaw muna ang boses. "Ang pangatlong dahilan ay... ay dahil sa hindi kami sumasali sa kahit anong patimpalak. You know, it is required for a school to have a list of achievments. It is like the proof of their excellence. Yun bang, ito ang medal na nagsasabing may naggawa silang kakaiba na dapat ipagmalaki sa lahat. Kaya nga may taunang mga kompetesyon na ginagampanan ng mga estudyante na galing sa iba't ibang paaralan para masubukan kung alin sa kanila ang magaling. Mas maraming gintong medalya, mas malaki ang makukuhang insentive. At kung walang natatanggap kahit isa, isa itong pahiwatig na maghanda at magalsabalutan dahil wala ka namang naibigay na kontribusyon sa kumonidad. At tsaka, kapag maraming panalo ang isang paaralan sigurado na maraming maiinganyo na papasok rito dahil sa kalidad ng kanilang edukasyon."
"Ah, kaya pala. Iyan ba ang dahilan kung bakit may mga pa-kontest ang mga paaralan? Yun bang mga math quiz bee at mga poster making contest?" Punto ni Christian na napatango. "Kaya pala. Akala ko trip trip lang nila na may mga kontest kontest dahil sa nababagot sila o di kaya kahit papaano ay may paglalaban. Hindi ko inakala na iyan pala ang dahilan."
"So, sinasabi mo na ang School of Phobia ay walang sinasalihan na kahit anong kompetesyon. Pero, paano yun? You said that in order for a school to survive, it should show proof of its excellence?" Dagdag na katanungan ni Edison.
"Of course, that is true. Pero kakaibang paaralan ang School of Phobia. The school is excempted to any of those things. Kasi ba naman, kung may ipapadala tayo sa kanila pagkatapos di natin alam na makikita ng ipinadala natin ang phobia niya at biglang atakihin, ano na lang kaya ang gagawin natin?" Paliwanag ni Principal. "Though, we still have other measures like how many with Phobia graduated in our school and such. Kaya nga ginagawa namin ang lahat para matulungan lamang ang mga estudyanteng nananatili sa lugar na ito."
"I like the system," thumbs up ni Christian kay Principal. "We're different."
"That's good to hear," ngiti ni Principal. Tinignan niya si Edison. "Are you satisfied now?"
"Yeah," tango ni Edison. "We can now proceed to what you are discussing next."
"Thank you," pinulot ni Principal ang papel mula sa lamesa, naglakad paikot sa hanggang nasa mismong harapan na siya ng dalawa. Inilagay niya ang papel sa lapag ng mesa ni Christian kasama ng balpen pagkatapos. Tinignan ni Christian ang papel at binasa ang nakasulat rito. Nang matapos, tumingala siya paitaas para makita ang mukha ni Principal.
"What is this?" Tanong niya.
"Huh? Can't you read it?" Kinuha niya ang papel paitaas at binasa. "Interhigh-School Brains and Brawns Competition. Hmmm, I guess you can understand it by just reading."
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin," inagaw ni Christian ang papel mula sa kamay ni Principal. "Ano ito? Anong gagawin mo rito?"
"Hindi ba halata? Sasali kayo diyan," sagot ni Principal. Bumalik na siya sa kanyang dating pwesto sa likod ng lamesa. "You guys will participate in that contest."
"Huh?" Sabay na bungad ng dalawa sa narinig.
"Yes, kayo ang magiging pambato natin sa kompitesyon na iyan," pinal na sagot ni Principal.
Agad napatayo si Christian sa kanyang upuan. "Huh? Bakit naman kami sasali rito?"
"Well, that is your punishment. Alam ko na kung sa iba ko iyan ibinigay ay magiging prebilihiyo iyan. Pero kung sa inyong dalawa, sigurado akong parusa iyan."Principal.
"Teka, diba sinabi mo na hindi sumasali sa mga ganito ang School of Phobia? Paano nangyari ito? Bakit ngayon ipapasali mo kami rito?" Edison.
"Sinabi ko lang naman na hindi kailangan ng paaralan ng kahit anong parangal galing sa mga kompetisyon para manatiling nakatayo. Hindi ko naman sinabing bawal tayo sumali. Sa katunayan, taon-taong binibigyan ng pagkakataon ang School of Phobia para sumali sa mga ganitong patimpalak. At mukhang sa taon na ito makakasali na tayo," Principal.
"You must be kidding me," napa-upo si Christian. "What do you really want from this? Do we actually need to participate?"
"Yes, I told you that it is your punishment, right?" Punto ni Principal. "Also, I want to display a trophy in my office and the little cash prize from it. It's like hitting two birds in one stone."
"Kung cash prize lang pala ang habol mo eh kaya ko naman iyang ibigay sa iyo ng sampung beses. Bakit, hindi ba sapat ang bayad na ibinibigay sa iyo ni Reed?" Tanong ni Edison. "At tsaka, pwede ka naman namin bilhan ng trophy. Kahit isang daang gintong trophy pa iyan maibibigay ko iyan sa iyo. Kahit nga bukas baka matanggap mo na."
"Tsk. Tas. Tsk. You guys don't actually understand this kind of thing. That's why I hate rich brats," bulong ni Principal sa sarili.
"At tsaka," may idaragdag pa si Edison. "Paano kung hindi kami manalo? Eh mapapahiya pa lang tayo sa unang subok natin."
"Hmmm? Who said that I'll accept any place other than the first place?" Baling ni Principal. "Besides, I've got no problems with you when it comes to intellegence. Edison, in your papers it says that you only finished up to the fifth grade. Hindi ko pa talaga nakikita kung ano ang kaya mong gawin pero sigurado akong may ibubuga ka. Ikaw naman Christian, all I can say is that if you only answers your exam papers seriously, and not just fooling around, you can actually aim the top spot of the school. And if we talk about brawn... I mean, napatumba niyo nga ang anim na kalalakihan na dalawang beses ang laki sa inyo. So we have no problem with the set-up."
Natahimik muna ang dalawa na pinoproseso ang mga sinabi. Nagsalita si Christian. "Then, what if we will not win? At paano kung ayaw namin sa kondisyon na ibinigay mo?"
"Hmmm? Then, if ever you will not get the top place then let's settle for another competition. At kapag natalo na naman kayo, sasali na naman tayo sa bago. Hanggang dumating tayo sa punto na talagang mananalo kayo," sabi ni Principal. "But if you won't agree... I'll have a grim suggestion."
Nakikinig lamang si Reed sa kwento ni Christian. Pagkatapos niyang makita ang dalawa na tulala at hindi makagalaw, naisip niya na may kababalaghang ginawa si Principal sa dalawa. Matapos ang limang minutong pagkatunganga, nagsimula nang gumalaw ang dalawa na tila ba nakakita sa pinakanakakatakot na bagay sa buhay nila. Walang umiyak sa kanila, wala ring sumigaw. Ang tanging nakikita lamang ay ang maitim na aura sa kanilang paligid na nagsasabing hindi na sila muling uulit.
"What do you mean by grim suggestion? Yun ba ang dahilan kung bakit hindi kayo makagalaw kanina?" Tanong ni Reed na naputol sa usapan.
"Huh? Gusto mo bang sabihin ko pa sa iyo ang mga nangyari pagkatapos? Gusto mo bang iparanas sa akin ang kababalaghan, ha? HAH?" Bulyaw ni Christian na hinampas ang lamesa at gusto nang magwala. Tinuro niya si Edison na nasa tabi ni Reed na tinatabunan ang taenga. "Gusto mo bang maramdaman rin niya ang paghihirap na naranasan namin?"
Wala na talagang naiintindihan si Reed sa sinasabi ni Christian. "Ah, I don't mean it like that. I just wanted to know what happened next."
"Gusto ko ring malaman kung ano ang nangyari pagkatapos," naging mahinahon si Christian nang marinig niya ang pito ng librarian dahil sa pag-iingay. "Tsk, hindi ko inaasahan ito. Akala ko si Meri lang ang may ibubuga sa lahat ng nandito. Mayroon pa palang isa na nagtatago sa taong iyon. Bwisit talaga!"
Nanahimik na lang si Reed na hindi na nagtanong pa, pati rin si Christian na hindi na muling nagsalita. Nagpatuloy na lang siya sa pagbabasa ng libro na nasa harapan niya. katabi nito ang ilan pang libro na babasahin niya. Itinuon ni Reed ang kanyang atensyon sa binatang katabi niya na wala nang ginagawa maliban sa isubsob ang mukha sa malaking encyclopedia, ang parehong kamay nakapalag rin sa lamesa. Halata na ang pagkabagot nito sa pag-aaral na ginagawa.
Pagkatapos ng mga nasabing diskusyon, napagdesisyunan na sasali sa isang kompitesyon ang dalawa bilang parusa sa ginawang pagwawala sa cafeteria. Binigyan lamang sila ng isang linggo na pag-aralan ang lahat ng asignatura. Ang kondisyon na ibinigay sa kanila ay ang manalo at makuha ang pinakaunang tropeyo dahil kung hindi sasali na naman sila sa bagong kompetisyon. Kaya pinagbubutihan nilang mag-aral para makuha agad ang unang pwesto sa unang salihan. Sa ginawang pagwawala at pagbibiro, dalawang aral ang kanilang natutunan. Una, huwag na huwag nang gumawa ng kabulastugan. Ikawala, masamang maging kalaban si Principal.
Tuluyan nang bumigay si Edison sa ginagawa at inihagis ang libro sa kanyang harapan at nagsimulang magalboroto. Pinulot naman ni Reed ang libro at binalik sa mesa. Kung sa ibang sitwasyon pa ito nangyari ay baka nagpapakamatay na si Edison. Sa ngayon, ang tanging ginagawa niya ay ang magreklamo gamit ang isang linggwahe na siya lamang ang nakakaalam.
"Tumahimik ka nga," utos ni Christian.
"Hindi ko na kaya ito. Gusto ko magbasa ng porn," balik sa linggwahe ni Edison.
"Huh? Bakit, legal age ka na ba?" harap ni Christian kay Edison.
"I'll be turning 18 this year. At tsaka, kahit hindi ka legal age pwede ka naman magbasa ng porn basta huwag mo lang ipa-alam sa iba," ngisi ni Edison. Tumayo siya at nag-inat inat ng katawan, tumakbo ng kaunti na hindi gumagalaw sa pwesto, stretching the arms, para magising ang sariling katawan. "Sa tingin mo, may porn magazine kaya sa library na ito?"
"Heh, nagbabasa ka talaga ng porn mag? Pinapayagan ka ba nitong alalay mo?" Turo ni Christian kay Reed.
"Bakit, may porn magazine talaga dito sa library?" Tanong din ang balik ni Edison.
"Siyempre wala. Ano ba ang tingin mo sa lugar na ito, bookstore?" Sagot ni Christian na tinignan si Reed. "So, pinapayagan mo siya?"
"Rather than porn magazine..." itinulak ni Reed ang salamin niya sa mata paitaas na may kasamang kinang ng pagmamalaki. "... He reads Shakespeares and Grim brothers."
Napangiwi ng tingin si Christian na bumalik kay Edison. "Bro, you disappointed me. You really, really disappoint me."
"Shut up," yamot na sabi ni Edison na nagsimulang maglakad palayo.
"Where do you think you're going?" Pasigaw na tanong ni Christian. "You better not be escaping and leaving me here alone."
"Maghahanap lang ako ng porn mag at baka may makita ako rito," pasigaw niya ring sagot.
"QUIET!" At nagsalita na rin ang kanina ay pito ng pito na librarian.
Nawala na si Edison na pumasok sa mga shelves naghahanap ng mga bagay bagay. Ang naiwan sa mahabang mesa, maliban sa mga nagkalat na libro, ay sina Christian at Reed na nagdudulot ng malamig na hangin sa paligid. Para may magawa, kinuha ni Reed ang kanyang munting itim na kwaderno mula sa bulsa ng suit na suot at nagsulat. Nagbabasa naman si Christian na inililipat ang pahina ng libro. Ito ang nagagawang katahimakan sa dalawa - ang angkop na kapaligiran para sa silid aklatan.
"Why is he studying?" Tanong ni Christian na nakatingin pa rin sa librong binabasa.
"Pardon?" Harap ni Reed kay Christian.
"Bakit nag-aaral pa rin siya?" Ulit ni Christian. "We both know how smart Edison is. Err, smart isn't a good fit. He's a whiz, right?"
Hindi sumagot si Reed. Wala kasi siyang masabing kasagutan. Alam niya ang gustong ipahiwatig ni Christian. Oo, matalino si Edison. Hindi lang matalino, matalinong-matalino. Nagawa na nitong mapanalunan ang isang malaking kompetesyon na ang mga kalaban ay college students, malabong hindi sila mananalo ngayon na sisiw lamang ang mga kalaban. Sinabi ni Edison na kaya niyang bilhin ang trophy na hinihingi ni Principal. Ang ibig niyang sabihin rito ay kaya niyang iuwi ang lahat ng panalo kung hihilingin at gugustuhin lang niya.
"Though, I doubt about one thing," hindi sumagot si Reed kaya ipinagpatuloy ni Christian ang sasabihin. "Will he be okay joining a brawn competition with a body like that?"
"Huh? What do you mean?" tanong ni Reed.
"I mean, he's done a lot of suicide attempts lately, right? Sa tingin mo ba may lakas pa siyang lumaban sa pagkakataong ito?" Inilipat ni Christian ang pahina na natapos na niyang nabasa. Nabigla si Reed sa tanong ni Christian. Maliban kay Principal, Elias, at Amijan, wala nang nakaka-alam tungkol rito. Kahit nga ang mga paparazzi na magaling sa pagkuha ng impormasyon ay walang alam tungkol rito. Ang impormasyon lang naman na ibinigay niya ay ang mga simpleng pagpapakamatay.
"Saan mo narinig ang bagay na iyan?" Mas minabuting huminahon ni Reed bago pumunta sa konklusyon. Baka sinusubukan lamang siya ni Christian.
"I know all about it - his mockery, suicide attempts, the bet, I know all of them," lipat na naman sa bagong pahina. "He already told you how our fathers are business partners, so things like this can be known very simply. Also, I've seen those scars during our fight in the cafeteria."
Tinignan ni Christian si Reed mata sa mata. Itinuro niya ang sariling pulso at bumulong. "There's a lot of them. HIS marks in here. And all are fresh wounds. Those are not ordinary. He inflicted pain to his self." Tumango muna si Christian bago bumalik sa pagbabasa. "Well, I can say that I also have those marks - my peircings. Well, these marks only leads to that one event eight years ago. Rather, these marks are just shallow evidences of our escape from the past."
Muling narinig ni Edison ang mga katagang iyon... Eight years ago... at bumalik na naman ang misteryo sa kanya tungkol sa mga pangyayari walong taon na ang nakakalipas. Nagtanong na siya at alam na niya ang magiging sagot ni Christian, pero gusto niyang marinig kung ano ba talaga ang tamang sagot. Parehong nagpapaligoy-ligoy sina Christian at Edison tungkol sa usapin na ito na para bang isang krimen na itinatago. Isang bagay lang ang sigurado si Reed - kasali siya sa mga pangyayaring iyon...
"Say, something actually happened eight years ago, right?" Dahan dahan na tanong ni Reed. "Please, if you may, please answer this one question. Is that event, which happened eight years ago, the main cause of Edison's change?"
Nilagatik ni Christian ang dila. Sumandal siya papalapit sa mesa para mas makita ng malinaw si Reed. "Alam mo, sa palagay ko sawang-sawa ni si Edison na marinig ang mga tanong na katulad nito mula sa iyo. At huhulaan ko ha, ilang beses mo nang tinanong sa kanya kung talaga bang takot siyang mabuhay. Hindi ka niya sinasagot, imbes, isang blankong mukha lamang ang nakikita mo na nagsasabing 'hindi ba halata?' Tama ako, diba?"
Hindi nakasagot si Reed. Isang mayabang na ngiti ang binitawan ni Christian na bumalik sa dating pustora. "At huhulaan ko, ni hindi mo rin alam kung anong phobia mayroon ako. Si Edison alam niya kahit hindi ko sinabi sa kanya."
Oo nga no, hindi alam ni Reed ang tungkol sa Phobia ni Christian. Malamang dahil sa hindi pa katagalan ang kanilang pagsasama. Pero paano nalaman ni Edison? Napa-isip ng dahilan si Reed tungkol sa sinabi ni Christian. Marahil alam ni Edison ang phobia niya dahil sa dati silang magkaibigan. Oo nga, baka iyon ang dahilan.
"Ano... ano ba ang Phobia mo?" Sinubukan ni Reed na magtanong at baka sumagot si Christian.
"Huh? Sino ka ba sa tingin mo para sabihan ko ng isang sekreto?" Tumawa ng kaunti si Christian na natutuwa sa nangyayari. "Pero dahil sa natutuwa ako sa pagiging mangmang mo, sasabihin ko ang pinakamahalagang salita - trust."
Naging malinaw ang kakaunting bahagi sa utak ni Reed. Pistathrophobia - nalaman niyang ito rin ang phobia ni Elias nang binasa niya ang mga files na ibinigay sa kanya ni Principal. Kaya pala ganoon na lang kilos ni Christian dahil sa hindi siya nagtitiwala - takot siyang magtiwala. At marahil ang dahilan kung bakit hindi siya sinasagot nito ng maayos ay dahil sa walang tiwala si Christian kay Reed. Tama, kung malalaman ni Christian na isang mapagkakatiwalaang tao si Reed, marahil sabihin sa kanya ni Christian ang lahat. Nang inakala ni Reed na naging malinaw na ang lahat, isang bagong katanungan naman ang muling pumasok sa kanyang isipan.
"Ang dahilan ba ng Phobia mo ay ang mga nangyari walong taon na ang nakakalipas?" Tanong ni Reed. Hindi na sumagot si Christian; OO, bilang sagot ng katahimikan. Ibig sabihin, ang pangyayari rin na iyon ang dahilan sa phobia ni Edison. "Alam mo ba kung ano ang Phobia ni Edison."
"Inaasahan mo ba talaga na sasagutin kita ng totoo at tunay matapos mong malaman kung ano ang Phobia ko?" Bagsak na sarado ni Christian sa librong hawak. Nagtitigan muna sila ni Reed, ang kanyang kamay nanginginig sa galit, bago muli itong buksan sa huling pahina na binabasa at nagpatuloy. "Subukan mo rin namang mag-isip."
"Oo o hindi lamang ang kailangan kong sagot. Dahil kung alam ko lang, magtatanong ba ako sa iyo? Kung may muwang lamang akong sa mga nangyayari bakit ba ako magtatanong? Masama bang magtanong ang isang mangmang na tulad ko?" Ito ang unang pagkakataon na bumulyaw ng ganito si Reed. Naranasan na niyang sumigaw pero hindi dahil sa galit. Unti-unti, nakikilala niya ang bagong bahagi niya.
"Oo, alam ko kung ano ang Phobia niya. May magagawa ka pa ba?" Sagot ni Christian na nagpatuloy sa pagbabasa. Nakaramdam ng galak si Reed. Ngayon, alam niyang may Phobia talaga si Edison. Pero ano iyon? Dapat sabihin niya ito kay Principal. Pero dapat malaman niya muna kung ano ito.
"Kung gayon, ano ang phobia niya?" Patuloy niyang tanong. Tinignan siya ni Christian na may kunot sa noo.
"At inakala mo talaga na sasabihin ko?" Galit nitong sambit.
"Huwag kang mag-alala, wala naman akong pagsasabihan na iba. Gusto ko lang talaga malaman kung ano ito," palagay ni Reed. "At kung iniisip mo na ginagawa ko ito dahil sa pera, sisiguraduhing kong hindi iyon ang intensyon. Mas mahalaga si Edison sa akin kaya gusto kong malaman kung ano ang phobia niya."
Isang dismayadong tingin ang ibinigay ni Christian na bumalik sa kanyang libro. Hindi na siya nagsalita pa, o gumawa ng ingay. Itinuon na niya ang lahat ng atensyon sa binabasa. Ang katahimikan na ito ng nagbigay ng pahiwatig kay Reed na mali ang ginawa niya. Hindi sinasabi ni Christian ang katotohanan sa kanya dahil sa wala itong tiwala. Hindi niya ito sinasabi dahil wala ang tiwala sa pagitan nila.
Isang gwardya ang biglang lumitaw sa paligid. Napatingin sa kanya si Reed at binati ito na ayon sa oras.
"Ah, oo nga pala," mahinang sambit ni Reed. "Nakita mo ba si Edison sa iyong daan? Hindi pa kasi siya bumabalik."
"Iyon po sana ang sasabihin ko sa inyo," sagot ng gwardya. "Lumabas po siya kanina at nagpa-alam na magbabanyo. Pero hindi pa po siya bumabalik kaya nag-alala kami baka kung ano na ang nangyari."
Ipinalad ni Reed ang mukha niya sa narinig. Hindi niya inaasahan na tatakas pala si Edison mula sa pag-aaral. Ibinalik na niya ang kwaderno sa kanyang bulsa at tumayo na. Naghintay muna ang gwardya kay Reed na aakmang aalis.
"And for the record," ang mga salitang binitawan ni Christian bago tuluyang makalabas si Reed. "I will never ever trust you. Ironic it might seem but the only person whom I promised to trust wholeheartedly is Edison, and Edison alone."
-------------------------------------------------------------------------------------------
Feedback and comments is much appreciated. If you liked the chapter, please press the star. Thank you :)
Updates will be during Mondays :)
See you next week, happy reading.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top