The Tricks Are Underhanded
Tinginan sa kanya ang lahat ng tao nang tumunog ang telepono niya. Naghuhugas siya ng kamay pagkatapos niyang gumamit ng banyo kaya hindi niya ito agad nasagot. Kumuha siya ng ilang papel ng tissue paper mula sa dispenser at pinatuyo ang kamay. Doon pa niya nakuha ang telepono na ngayon ay nasa pangpitong tunog na. Sinagot niya ang telepono pero hindi agad nagsalita sa hanggang nakalabas na siya ng banyo.
"Hello," sagot ni Elias sa tawag.
"Elias, nasaan ka ngayon? Kasama mo ba ang dalawa?" Tanong ni Jeremy sa kabilang linya.
"Pabalik na ako diyan at hindi ko kasama ang dalawa. Bakit, wala pa ba sila diyan?"
"Hindi ko pa sila nakikita simula nung umalis sila kanina. Dumating na ang bracket sa laro at magsisimula na ang unang laban mga isang oras mula ngayon. I want them to be here to get ready."
"Okay, hahanapin ko sila."
Ibinaba na ni Elias ang telepono na agad namang naghanap sa dalawa. Sa bawat daan na dinaraanan niya, hindi maiiwasan ng mga tao na mapatingin sa kakaiba niyang ayos. Napapabulong sila sabay bigay ng mga opinyon sa kasama sa itsura niya. Hindi sila pinansin ni Elias na nasanay na sa ganitong sitwasyon. Para sa kanya, mas mabuti pa ang mga estudyante niya na kung makalait sa suot niya ay harap-harapan kaysa sa mga taong nandirito na panay ang bulong.
Sa kanyang paghahanap, isang kumpol ng tao ang napansin niyang nagtitipon sa isang lugar. Tila ba may pinapanood sila na nangyayari sa gitna. Isang kutob ang pumasok sa utak ni Elias na nakisali na rin sa mga nakiki-usyoso. At hindi nga siya nagkamali nang makita ang dalawang kalalakihan na may kakaiba at nagpapasikat na mga suot. Roger, nakita na niya ang mga target.
Ano na naman kaya ang ginagawa ng dalawang ito, ang agad naitanong ni Elias sa utak niya.
May tatlong babae ang nakatayo sa harapan ni Edison samantalang medyo nalalayo si Christian sa likod ng binata. Sa kanyang pananaw, nagkaroon ng mainit na usapan ang dalawang panig na nagsimula ng kumosyun na ito. Sa isang tingin, makikita na tila ba sina Edison ang nagsimula ng gulo. Pero para kay Elias, hindi gagawa ng ganitong kaguluhan ang dalawa habang nandirito si Jeremy kasama sila. Na-trauma na sila sa ginawa nitong pagpaparusa sa kanila. Natuto na sila. Hindi na sila gagawa ng katarantaduhan na magpapawala sa timpi ni Jeremy.
"Teka, ano iyon? Bakit may kustilyo siyang hawak. Hala, tumawag na kayo ng security," bulong ng isang babae sa katabi niya. Nanlaki ang mga mata ni Elias nang marinig ito. Kutsilyo?
"Paano mo nga ba maiintindihan ang magiging sagot ko kung wala kang kinakatakutan?" Singhal ni Edison. "Paano mo maiintindihan ang sagot ko kung kahit ang pagsaksak lang sa akin ay hindi mo magawa?"
Tinignan ni Elias ang mga kamay ng binata at nakita ang sinasabing kutsilyo. Nagtaka si Elias kung saan niya ito naipuslit. Dumaan naman sila sa metal detector kanina at wala namang ingay na nangyari ng dumaan si Edison rito.
"Bakit mo ba gustong ipagawa sa akin iyan? Bakit, kaya ba iyang gawin ng mga taong nandoon?"
"Oo," mabilis niyang tugon. "Laban sa kinakatakutan namin, kaya naming pumatay ng tao maiwasan lang ito."
Mabilis na nakausad si Elias sa dami ng taong humaharang sa kanyang harapan. Nang makita niyang itinaas ni Edison ang kutsilyo at aakmang sasaksakin ang sarili ay agad na siyang kumilos. Nagbitiw pa ng ilang salita si Edison na nagbigay sa kanya ng oras para mapigilan ito. Hinawakan niya ang balikat ni Christian na mukhang gagawin rin ang iniisip niya.
"What the-" ang nasabi ni Christian nang mapalingon siya sa lalaking humawak sa balikat niya.
Agad sinunggaban ni Elias ang kamay na may hawak sa kutsilyo na malapit nang masaksak sa kanyang leeg. Itinaas niya ang kamay at minabuting pisilin ang mga palad nito para mabitawan ang hawak na kutsilyo. Pero hindi ito binitawan ni Edison. Napatingin lang siya sa taong pumigil sa kanya. Isang ngiti ang lumutang sa mga labi nito na tila ba nasa kontrol niya ang lahat. Isang matabis na tingin ang ibinigay ni Elias na halata ang hindi pagkagusto sa mga nangyayari.
"Hala, nahuli ka," sabi ni Christian na naglakad papunta sa tabi ni Elias. Tinignan siya ni Edison na ngumiti lang rin.
"Ako lang ba ang nahuli?"
Kinuha ni Elias ang munting kustilyo bago binitawan ang kamay ng binata. Hinarap niya ngayon ang tatlong kababihan na marahil ay nanginginig sa takot. Hindi alam ni Elias kung ano ang mga nangyari pero may hinala na siya. Kung ano man ang nagsimula ng kumosyon na ito, marahil kagagawan ito ng mga taong walang alam kung paano sila kausapin. At sa eksaktong ugali pa ng dalawang kasama niya, alam ni Elias na hindi sila ang uri ng tao na hahayaan na lang na matapakan. Tinignan niya ang mga babae sa kanilang mga mata habang itinago naman niya sa kanyang bulsa ang kutsilyo.
"Pagpasensiyahan niyo na kung ano ang ginawa ng dalawang ito. Pareho silang may sayad sa utak kaya ganun," sabi ni Elias. Hindi kumibo ang tatlo na tinitignan lang siya. Lumingon siya sa kanyang tabi at nakita si Edison na binelatan lang siya. Inikot lang ni Christian ang mga mata niya.
"Lumuhod ka kung gusto mo humingi ng tawad," sabi ni Edison. "Lumuhod sabay ilang beses na pagyuko para mapatawad ka nila."
"Sa tingin mo ba sino ang nagsimula ng gulo na ito," saad ni Elias.
Hindi siya makapaniwala sa nangyayari na ito. Minasahe niya ang kanyang sintido. Masakit na nga ang ulo niya dahil sinama pa ang dalawa rito, dinadagan pa ng gulo ngayon. Kapag umabot ang balita na ito sa kaiitaas, malabong makasali pa sila sa hindi pa nasisimulang laro. Binatukan lang niya ang dalawa bilang ganti sa ginawa.
"Bakit mo ginawa iyon? Wala naman akong ginawa ah!" Reklamo ni Christian.
"Hindi mo pinigilan itong kasama mo," sabi ni Elias na ipinapahiwatig si Edison.
"Bakit ko naman pipigilan ang baliw na iyan? Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin. Ni hindi mo nga alam na may dala pa nga iyang patalim," saad ni Christian na nilagatik ang dila. "Ano nga ba ang pakialam ko sa kanya."
"Salamat, napaka-caring mo naman," sali ni Edison na ibinalewala ang pang-iinsulto sa kanya.
Isang buntong hininga ang binitawan ni Elias. Tinulak niya ang dalawa na nagsasabing bumalik na sa kung saan dapat sila pupunta. Naglakad na sina Edison at Christian na sumunod na sa utos ng guro. Muling tinignan ni Elias ang tatlong babae na pinapanood lang sila. Nakikita niya sa mga mata nito ang takot sa nangyari. Napakamot siya sa batok. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kung malalaman ito ni Jeremy.
"Humingi na ako ng patawad at hihingi uli ako ngayon. Pero hindi ibig sabihin na mali na sila sa ginawa nila," sambit ni Elias. "Hindi ko man alam kung ano ang naging dahilan ng usapan na ito pero isa lang ang masasabi ko. Hindi sila magsisimula ng gulo kung walang nag-udyok sa kanila."
"Paano," sabi ni Janice na inipon ang boses mula sa kanyang lalamunan. "Paano niyo nakakayanan na magkaroon ng ganyang estudyante sa inyong paaralan. Hindi niyo ba nakikita? Mapanganib siya!"
"Oo, at ang lahat ng tao," mabilis na tugon ni Elias. "Mapanganib nga sila dahil sa kung paano niyo sila nakita. Pero hindi ba mapanganib rin ang ibang tao na nakakasama mo sa araw araw? Lahat sila ay may kayang patayin, gilitan ka, husgahan ka... Sa tingin mo, mapanganib pa rin sila?"
"Hindi ko maintindihan! Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niyo," sabi ni Janice.
"Tama, wala nga. Ano nga ba ang maiintindihan ng mga taong hindi alam kung ano ang totoong kahulugan ng takot," tumalikod na si Elias. Nakita niyang nakatayo sa may sulok ang dalawang binata na tila ba naghihintay na lang sa kanya. Mga huling salita ang binitawan niya. "Huwag kayong mag-alala, hindi mapanganib ang dalawang iyan. At kung dumating man ang oras na mali ako sa pagtitiwala sa kanila, hihingi ako sa inyo ng tawad na nakaluhod at nakayuko sa lupa."
Naglakad na si Elias papunta sa dalawa. Nawala na rin ang pulutong ng mga tao na nanonood sa kanila. Umalis na rin ang tatlong babae na tumakbo sa kabilang direksyon. Tinignan ni Elias ang dalawang kasama niya. Ngumiti lang si Edison na binatukan uli ni Elias.
"At saan mo naman nakuha ang kutsilyo na ito?" Tanong ni Elias na ipinakita ang patalim. "Wala akong natatandaan na pinayagan kitang magdala nito."
"Hindi ako ang may dala niyan," amin ni Edison na hinimas ang batok. "May nakita akong lalaki na itinago iyan sa bulsa niya. Kaya ayun, kinuha ko. Malay ko ba kung bakit may dala siyang patalim."
"Baka part lang siya ng staff? Hay naku, kayong dalawa talaga. Mabuti at ako ang nakakita sa inyo. Anong gagawin niyo kung si Jeremy ang nandito at hindi ako? Edi tigok kayo niyan. Hindi lang parusa ang matatanggap niyo sa kanya."
"Kaya nga nagpigil ako," ani ni Edison.
"Nagpigil? Eh panibagong kaso iyon ng suicide attempt, Edison. Akala ko ba hindi ka na magpapakamatay?"
"I'm just doing a D-E-M-O-N-S-T-R-A-T-I-O-N. May pinagkaiba ang dalawa," tama ni Edison. "At kung gusto kong magpakamatay, hinding-hindi ko iyon gagawin sa harap ng mga babaeng iyon."
Katahimikan ang nanaig sa kanilang tatlo. Sa mga huling salita na sinambit ni Edison, alam ni Elias na seryoso siya rito. Sa kanyang mga nabasa tungkol sa impormasyon ni Edison, napansin niya na nagpapakamatay lamang ito sa mga lugar na kung saan halos walang tao na pumupunta. At kung mayroon naman, sinusubukan ni Edison na makatakas sa mga mata nila para maggawa lang ang gusto niya. Napangisi na lang si Elias. Ano pa nga ba at may natitira pang tao sa kalooban ni Edison?
Agad napansin ni Jeremy ang prisensya ng dalawang binata nang makapasok. Kasunod nila ay si Elias na tinignan si Jeremy mata sa mata, pero agad umiwas. Nagtaka ang guro sa ginawa ni Elias. Isang bagay lang ang pumasok sa isipan niya.
"Nandito na kayo. Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Jeremy na may kasamang mga bulaklak sa kanyang paligid.
"Namamasyal," masayang tugon ni Edison, halata ang plastik nitong tono para mapantayan lang ang inis ni Jeremy sa nakikita.
"Vending Machine," ang tanging sagot ni Christian.
"Ganun ba?" Tumango si Jeremy na hindi inalis ang tingin kay Elias. "Ah, oo nga pala, habang kayo ay wala rito naibigay na ang bracket sa laro."
Binigyan ng tig-iisang papel ang dalawa. Dito nakalagay ang mga laro na lalaruin nila, kasama ang grupo ng mga taong makakaharap nila. Napansin nila ang mga nakakulay bilog sa mga nakasulat. Mukhang may ginagawang plano si Jeremy habang naghihintay na dumating silang dalawa.
"Basahin niyo iyan at unawain. Kinausap ko na si McIntosh tungkol rito. Siya na ang nag-ayos sa mga gagawin at gagamitin niyo sa laro," sakto na pagkatapos magsalita ni Jeremy ay dumating si Reed na may kasamang mga lalaki na nakaitim. May mga bitbit sila na mga briefcase na marahil naglalaman ng kagamitan.
"Ako na bahala sa inyo," sabi ni Reed na itinaas ang salamin niya.
Walang pag-aalinlangan na sumunod ang dalawang binata kay Reed. Napag-uusapan lang ang labanan kaya na-eengganyo silang sumali. Ang naiwan na lang sa mga upuan ay si Amijan na may ginagawang trabaho, si Luis na may kausap sa telepono, si Jeremy na hindi pa rin naalis ang malalalim na titig kay Elias, at si Elias na pilit tinitibayan ang loob laban sa mga titig ni Jeremy. Mas nilapit pa ni Jeremy ang distansya niya sa pinagpapawisan na guro.
"Nakalimutan kong itanong, ano nga pala ang nangyari?" Tanong ni Jeremy. Nakangiti pa rin siya na makikita sa maganda at maaamo niyang pagmumukha. Pero alam ni Elias na sa likod ng maamong ngiti na ito ay ang demonyo na nagmaskara bilang tao.
"Nangyari? Mayroon ba?" Iwas ni Elias sa tanong. Mas lumalim ang ngiti ni Jeremy na nagbigay ng nakakatakot na awra. Napalunok si Elias. Napansin ni Jeremy na may problema kaya ngayon eto siya nagdurusa.
"Elias Meri, bakit hindi mo magawang tignan ako ng diretso. May nangyari ba?" Tanong ni Jeremy na mas lumapit pa kay Elias na halos nagkadikit na ang mga katawan nila. Nanginig na si Elias na mukhang bibigay na.
"I-isang kutsilyo," bulong ni Elias. "M-may bitbit na kutsilyo si Edison."
"Kutsilyo?" Umatras na si Jeremy nang matanggap niya ang sagot. "May dalang kutsilyo si Edison?"
"Hindi, hindi sa kanya ang kutsilyo," tama ni Elias. "Kinuha niya lang ito sa isang lalaking nakasalubong daw nila. Alam mo naman siguro na dumaan tayo sa mga metal detector at hindi naman ganoon kagaling si Edison para magtago ng ganitong bagay. Matalino siya. Alam niya kung paano gagalaw sa sitwasyon na ito."
Nagulat si Jeremy sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na ito ang magiging sagot ni Elias.
"Isang kutsilyo?" Ulit ni Jeremy. "Nasaan ito?"
Kinuha ni Elias ang kutsilyo na binalutan niya ng kanyang panyo. Ibinigay niya ito kay Jeremy.
"Masama ang kutob ko rito," sambit ni Jeremy nang mahawakan ang malamig na bakal ng kutsilyo.
"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi sinagot ni Jeremy ang tanong ni Elias. Imbes, tinago nito ang kutsilyo na natanggap.
"For now, I will take good care of it. Kakausapin ko si Luis tungkol rito. And for our players, I want you to help McIntosh in watching them."
Nakita ni Elias ang kakaibang intensyon sa tuno nito kaya hindi na siya nagtanong. Napatango na lang siya sabay utos sa sarili na gagawin ang lahat ng pinagagawa nito. Nang matanggap niya ang sagot ay agad napangiti si Jeremy. Tinapik niya ang balikat ng guro na tila ba pinupuri ito.
"Oh well, let them be ready. We will be starting the first game."
"Okay," sagot ni Elias na sumunod sa mga nasabing utos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top