The Fear that Everyone Knows

Isang barya ang inihulog niya sa labi ng makina na kumalansing nang mahulog sa loob ng metal. Isang panibagong barya uli ang kanyang pinasok na gumawa ng parehong tunog. Huling barya pa at hindi na nila narinig ang metal na nahuhulog - kundi ang tunog ng isang makina na nabuhay dahil sa pinakain na metal. Nagsasayaw ang mga ilaw na galing sa buton ng makina na nasa harapan nila na ipinapakita ang mga inumin na may katapat na presyo. Naghulog ng panibagong barya si Christian na nagpailaw sa ibang inumin na may mataas na halaga. Ngayon, namimili na siya kung alin sa dalawangput-apat na inumin ang pipiliin niya.

Nasa tabi lang si Edison na naka-upo sa upuan na katabi ng vending machine. Siya ang naunang pumili ng inumin na isang lata ng kape na sa tingin ni Christian ay masyadong mapait para sa kanyang panlasa. Isang simpleng tropical juice ang napili niya sa mga naka-ilaw na siyang pinindot niya. Mabilis na naipon ang mga liwanag na galing sa mumunting bumbilya na tumakbo papunta sa inumin niya bago tuluyang nawala. Nagsimula nang prinoseso ng makina ang napili niya na ngayon ay ginagawa pa. Kusa na itong nahulog sa baba nang matapos. Yumuko si Christian para kunin ito.

"It's been a long time since I participated something big like this," Edison commented. Naglakad papunta sa harapan niya si Christian na binuksan ang inumin. Tumunog ito na katulad ng mga diet soda na iniinom nila.

"Hmmm... It's also been a long time I got out from that school," sang-ayon ni Christian. "I never thought that going out would be a punishment. How funny."

Tahimik lang ang dalawa na iniinom ang binili nila. Minsan, may mga taong dumaraan sa paligid na agad silang pinagtitinginan. Sa suot ba naman nila na walang bahid ng pagkakaroon ng desente, malabong hindi sila mapansin ng mga tao. May umiiwas ng tingin, mayroon ding walang paki-alam, pero ang prisensiya ng dalawa ay sadyang nakakapansin. Alam ito ng dalawa. Alam nila ang mga mata na nagbabantay sa bawat galaw nila. Kaunting pagkakamali lang at huhusgahan na sila.

"Hindi ko inasahan na ito pala ang lalaruin natin. Dahil kung alam ko lang, sana pumayag na ako sa simula pa lang," ngisi ni Christian. "That Principal knows how to handle us."

"Yep, baka nga nagbuluntaryo pa tayo," sang-ayon ni Edison. "Though, I'm glad they didn't tell us."

"Hmmm? Dahil ba kay Reed?"

"Nakita mo naman siguro kung ano ang naging reaksyon niya diba? That guy is an extreme pacifist. Though, he will start a fight if I'm involved."

"He's more of a mom like me. Para bang mama mo na sundot ng sundot sa iyo. He forgot that you grew up."

"He forgot that it's me."

Naubos na ang inumin ni Christian. Mabilis niyang inubos hanggang sa huling patak bago itinapon ang lata sa kalapit na trash can. Pinuntusan niya ang sarili nang makita itong pumasok na walang problema sabay ngisi sa nakuhang tagumpay. Hindi pa rin natatapos si Edison na hindi na nangangalahati sa iniinom siya. Siya nga ang unang bumili pero mabagal siya pagdating sa mga pagkain at pag-inom.

"Going back to our conversation days ago..." sabi ni Christian na hindi pa rin hinaharap si Edison. Kinuha niya ang ibang lata na nagkalat sa upuan na katabi ni Edison. Mukhang iniwan lang ito ng mga taong hindi marunong magtapon ng basura sa tamang tapunan. Kinuha niya ito isa-isa at sinimulang itapon na pabasketball sa trash can. "I guess nobody still knows about it... your fear..."

"I don't have any," sagot ni Edison.

"Of course, you did," dalawang lata na ang naipasok ni Christian. Kumuha siya ng isang lata at lumayo ng kaunti para subukan ang distansya. "All this time, your manservant thought that you're scared of living. If only he can look at it in a different perspective, he can see. He will see."

"Then, can you make him see it?"

Itinapon ni Christian ang lata na may kalakasan kaya hindi ito nakapasok sa trash can. Tinignan niya si Edison na iniinom pa rin ang kape niya. isang buntong-hininga ang binitiwan niya na naglakad para pulutin ang hindi naipasok na lata. Inihagis niya ito sa basurahan ngayon na nasa malapit na siya. Umiling siya dahil hindi niya inaasahan na tatanungin siya ni Edison tungkol rito.

"Siguro ang pinagkaiba namin ni Reed ay alam ko kung ano ang problema mo at siya hindi," saad ni Christian na ininat ang braso. "Ang pinagkaiba namin ni Reed ay wala siyang alam na kinatatakutan."

"Wala naman kayong pinagkapareho sa simula pa lang," isang munting tawa ang binitawan ni Edison.

"Kaya nga malabong maintindihan niya kahit sabihin ko pa," ngisi ni Christian. "That guy will only see it if he started to change his view about you, and about us. Ano ba ang bagay na tinitignan niya at hindi niya tayo makita? Sa tingin mo ba kailangan pa niyang ng pang-anim na mata para mapansin lang ang kulang?"

"I might be the reason why he can no longer see it," amin ni Edison. Binilisan na niya ang pag-inom na itinaas ang lata sa hanggang maubos sa huling patak. Itinapon nita ito sa kalapit na basurahan.

"Heh, still playing as the victim, huh?" Kibit-balikat ni Christian. "Maybe you've been playing your game too much?"

Tumayo na si Edison sa kinauupuan at pinagpag ang mga binti kahit wala namang alikabok. Kinindatan lang niya si Christian na medyo nandiri sa sagot nito. Aalis na sila at may balak nang bumalik sa kanilang poste para maghanda sa mangyayaring laro nang may makasalubong silang isang grupo ng kababaihan na nag-uusap. Hindi sinasadya na masiko ng isang babae si Christian nang dumaan ito sa tabi niya. Agad nagpanik ang babae na humingi ng tawad sa kanya.

"S-sorry!" Sambit ng babae. "Ito kasing kasama ko tinulak ako."

"Hmmm? No worries," walang paki-alam na sagot ni Christian na hindi naman pinansin ang nangyari. Mas gusto pa nga niya na sana hinayaan na lang ng babae ang naggawa niya. Kasi nga, wala talaga siyang paki-alam sa mga ganito.

"Pasensiya na talaga, sorry," dagdag ng babae.

"It's okay. Sa susunod mag-ingat na lang kayo," sabi ni Christian na muling tumalikod at magkalad kasama ni Edison sa tabi. Hindi pa sila nakakalayo pero isang tawag na naman ang narinig nila.

"Huh? Hindi ba ang dalawang iyan ang galing sa School of Phobia na iyon?" Tanong ng isa sa mga kababaihan na tinuro ang dalawa. "Oo nga, mukhang sila nga! Natatandaan ko dahil sa weird na suot nila."

Hinabol ng mga kababaihan ang dalawa na hinarangan sila sa harapan. Halos napamura si Christian nang makita sila sa kanyang harapan. Huminto lang rin naman si Edison dahil tumigil sa paglalakad si Christian.

"Hello, diba taga-School of Phobia kayo?" Inilahad niya ang kanyang kamay bilang pagpapakilala. "My name is Janice Delos Santos and I'm from the Red Falcon Preparatory School. Makakalaban niyo kami sa unang round ng laro."

"Hmmm? So the game is already decided?" Tanong ni Christian.

"They just handed the bracket," sagot ni Janice na naghihintay pa rin na makipagkamay si Christian. That's when Edison accepted her hand. Pero hindi niya ito kinamayan. Imbes, hinalikan niya ang likod ng kamay nito na may kasamang matamis na ngiti.

"I'm Edison Greendale, also a participant from the School of Phobia. It is nice to meet a fellow contestant," sabi ni Edison gamit ang pinakamalambing niyang boses. Christian rolled his eyes. Alam niyang nagkukunyari si Edison. Sa mga panahon na ito, mas lalong lumalabas ang kasinungalingan sa katauhan ni Edison. It is his Defense mechanism against strangers.

"Kinagagalak ka rin naming makilala," sabi ng isang babae na tumabi kay Janice. "I'm Alleana, but call me Alea for short."

"Ako naman si Karylle. Sorry talaga sa pagbangga ko sa iyo kanina. Hindi ko talaga iyon sinasadya," hingi niya uli ng patawad kay Christian.

"I say it's okay so you don't really have to apologize twice. Ed, let's go," halata sa boses ni Christian ang pagkaka-irita. Edison just smiled at the girl before following Christian. Kumaway lang siya sa kanila bago tumalikod at naglakad.

"Eh? Bakit ang lamig ng pakikitungo niyo sa amin? Natatakot ba kayo?" Tanong ni Janice. Nilakasan niya ang pagkakasabi nito para marinig ng lahat ng tao na dumadaan sa paligid, lalong-lalo na sa dalawa na umaalis. Huminto sa paglalakad si Christian habang natigilan lang si Edison nang napansin niyang hindi na sumusunod ang kaibigan sa kanya.

"Sis, nakalimutan mo ba? Galing nga sila sa School of Phobia, diba?" Dagdag ni Alea na may nakaka-inis na tono. Humalakhak pa siya ng kaunti para ipakita na natatawa siya. "Siyempre, natatakot sila."

"Ganun ba? Pasensiya na kung natakot namin kayo. Pero hindi tama na umalis na lang bigla dahil sa naduduwag kayo sa amin," patama ni Janice.

Nagsimulang dumami ang tao sa paligid nang marinig ang malakas na boses ni Janice. Ikinatuwa naman ito ng dalaga na napangiti sa natanggap na atensyon. Everyone is listening to them and it looks like the people are starting to create another rumour. Naririnig ng dalawa ang pinag-uusapan ng mga tao. Hindi naman talaga ganoon kahina ang mga boses nila para hindi nila maintindihan. This only favored the girls.

"Oh? Pasensiya na. Was it a sensitive topic?" Dagdag na tanong ni Janice.

"Huwag mo na silang awayin, Janice. I mean, baka hindi pa matuloy ang laban natin sa kanila dahil sa bigla na lang sila napa-iyak sa pinagsasabi mo," mapaglarong saad ni Karylle na sumali na sa usapan. "Ayaw ko pa namang manalo sa isang laro dahil lang sa umatras sa laban ang kalaban natin."

"Paano kaya kung pagbigyan na lang natin sila sa first round? Hindi ba mas masaya kung magiging lapit ang score natin. Para naman hindi tayo mabagot," tawa ni Alea.

Pilit na nagtitimpi si Christian sa mga salitang naririnig niya. If he would be in school, he could have just beaten these girls out. Para sa kanya, lalaki man o babae, dapat lang upakan kung nakaka-inis na. But he controlled his self. Kahit na pulang pula na ang mga taenga niya at halos nanginginig na ang nakayukom niyang mga kamay, tiniis niya ang naririnig na mga insulto dahil ayaw niyang gumawa ng eksena. Nakikita ito ni Edison na kanina lang rin nakikinig. Para sa kanya, balewala lang ang mga insulto na itinatapon sa kanya.

"Bakit hindi mo subukang suntukin sila?" Bulong ni Edison sa kaibigan. Isang matabis na tingin ang itinapon ni Christian sa kanya.

"Kilala mo ba si Jeremy? Dahil kung hindi pa, pwes ikaw ang sumuntok sa kanila," balik ni Christian. Napakibit balikat lang si Edison na umikot para harapin ang mga babae.

"Well, it's worth the try," ngisi ng binata.

"Teka, anong gagawin mo-"

"Hey beautiful ladies!" Tawag ni Edison sa tatlong kababaihan.

Natahimik ang lahat nang makita nilang naglalakad pabalik si Edison papunta sa mga babaeng estudyante. May ngiti ito sa kanyang mga labi na tila ba hindi naapektuhan sa pinagsasabi nila. Hindi natinag si Janice at ang mga kasamahan niya sa paglapit ni Edison sa kanila. Imbes, isang mataray at mapanghusgang mga mata ang ipinakita nila sa binata. Ipinapakita nila na nasa mataas silang lugar samantalang nasa putikan lang si Edison.

"Bakit? May problema ba?" Pa-inosenteng tanong ni Janice. "May kailangan ka ba sa amin?"

"Tama ka," masayang tugon ni Edison sa kanya. Nagulat ang mga kababaihan sa narinig. Nagprotesta naman si Christian na nasa may likod dahil sa biglaang pag-amin ni Edison na tama ang kabilang panig.

"Tama? Tama saan?" Tanong ni Janice.

Alam niya ang sagot. Pero gusto niyang idiin sa lalaking ito ang pagkakamaling iwasan sila. Tumawa ng malakas si Edison na ipinagtaka ng lahat. Nagmukha siyang baliw sa kanyang pagtawa kahit wala namang nagbibiro sa kanila. Matapos ang ilang halakhak ay huminga muna siya sabay pahid sa mga luhang lumabas dahil sa kagalakan.

"Tama ka tungkol sa takot namin!" Malakas niyang tugon na hindi lang kay Janice ipinaparating ang sagot kundi sa lahat ng mga taong nanonood sa kanila. Itinaas niya ang kanyang kamay na para bang isang iskolar sa kanyang mga mag-aaral. "Tama siya sa sinabi niyang galing kami sa isang paaralang tinatawag na School of Phobia. At sa totoo lang, napakarami talagang duwag sa loob ng institusyon na iyon! Ako, iyang kasama kong lalaki, ang mga guro na nagtuturo - lahat kami ay mga duwag!"

"Oh, so inaamin mo na-"

Hindi na natuloy ni Janice ang sasabihin niya nang maliksing napunta sa harapan niya si Edison. Hindi naman masyadong malapit ang binata pero nakakagulat ang distansya nila. Tinignan sila ni Edison na diretso sa maiitim na kulay ng kanyang mga mata na tila ba nahihigop sila sa isang balon na malalim. Bahagyang napa-atras si Janice dala ng pagkakagulat sa biglaan niyang pagdating.

"Pero hindi ako sang-ayon sa mga sinasabi mo. Oo nga at galing ako sa isang paaralan na napuno ng takot. Pero hindi kami duwag kagaya ng mga sinasabi mo."

Hinablot ni Edison ang isang kamay ni Janice at doon inilagay sa mga palad ang isang kutsilyo. Nagulat si Janice na muntikan pang maitapon ang kutsilyo palayo sa kanya. Pero hindi ito hinayaan ni Edison at pilit na ipinahawak sa mumunting mga kamay. Nagulat ang mga nanonood sa kanila na ang iba ay may balak nang tumawag ng pulis. Inalis na ni Edison ang pagkakahawak na umatras ng isang yapak sa likod.

"Ngayon, tignan natin kung sino ba sa ating dalawa ang duwag," tinuro ni Edison si Janice. "Ikaw na galing sa mundo ng perpeksyon... O ako na galing sa mundo ng kadiliman?"

"Huh? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo! Bakit mo ibinigay sa akin ang kustilyo na ito?" Tanong ni Janice. Hindi man niya ipinapahalata pero nanginginig na ang kamay niya na may hawak sa kustilyo. Hindi na niya kailangang hawakan ang dulo nito para malamang matulis ang bakal.

"Let's play a game. Simple lang," itinuro ni Edison ang sarili. "Ang gagawin mo lang ay ang isaksak ang kustilyo na iyan sa leeg ko. Sa paraan na ito, makikita natin kung sino ang natatakot, at kung sino ang nakakatakot."

"Baliw ka ba? Bakit naman kita sasaksakin?" Saad ni Janice. "Gusto mo ba na makulong ako?"

"Gusto ko lang patunayan kung sino ba talaga sa ating dalawa ang duwag. Huwag kang mag-alala, ako na ang nagbigay sa iyo ng permiso na gawin ito sa akin. Ano sa tingin mo?"

Tinignan ni Janice ang kustilyo na hawak niya. Hindi niya kayang manakit ng tao, hindi niya kayang sumaksak ng tao. Nanginginig ang nanlalamig niyang kamay na gusto nang bitawan ang hinahawakan. Nanonood lang sa kanyang tabi ang mga kasamahan niya na parehong natatakot.

"H-hindi ko alam kung paano nasusukat ang pagiging duwag sa pinagagawa mo, pero hindi ako uto-uto para manakit ng tao," binitawan ni Janice ang kutsilyo na kumalansing pababa ng sahig. Edison chortled, smirking at her answer.

"Sana naisip mo rin iyan kanina bago ka nagsimulang magsalita. Hindi nasusukat ang kaduwagan sa kung saan kami nanggaling," banat ni Edison. Yumuko siya para kunin ang kutsilyo na nahulog. "Oo at nakakasakit ang mga bagay na katulad nito. Isang saksak lang at lalagpas na sa balat ng tao. Pero mas masakit ang mga salitang mas matulis pa sa hawak ko."

Narinig ng lahat ang sinabi ni Edison, at halos lahat ay pumanig sa sinabi niya. Tama siya, ang mga kababaihan ang nagbitaw ng masasakit na salita sa kanila, sila dapat ang sisihin. Kumampi ang mga tao sa panig ng binata na ngayon ay pinag-uusapan ang naging disesyon nila. Hindi tanggap ni Janice ang naging resulta ng mga salita niya.

"Pero totoo naman diba?" Bulyaw niya. "Ang mga tao na galing sa paaralan na iyon ay natatakot sa simpleng bagay. Takot sa aso, takot sa palaka, takot sa pusa - ano ba ang nakakatakot sa mga bagay na iyon? Eh mga hayop lang naman iyon? Nangangagat nga sila pero hindi naman sa puntong kailangan mong katakutan, sa puntong mamamatay ka kung makikita sila."

"Paano mo nga ba maiintindihan ang magiging sagot ko kung wala kang kinakatakutan?" Singhal ni Edison. "Paano mo maiintindihan ang sagot ko kung kahit ang pagsaksak lang sa akin ay hindi mo magawa?"

"Bakit mo ba gustong ipagawa sa akin iyan? Bakit, kaya ba iyang gawin ng mga taong nandoon?"

"Oo," mabilis niyang tugon. "Laban sa kinakatakutan namin, kaya naming pumatay ng tao maiwasan lang ito."

Isang nakakatakot na tingin ang ibinigay ni Edison. Siguro sa mga pagkakataong naka-usap nila ang binata ngayon, ito na ang may pinakaseryosong tingin. Ipinakita ni Edison ang kutsilyo na hawak niya sa mga babae at sa mga taong nasa paligid niya. Hinawakan niya ito papa-itaas sa paraang tila ba sasaksakin niya ang sarili niya. Naalarma si Christian sa nakikita. Ramdam niya na sa pagkakataong ito, kung walang pipigil kay Edison ay masasaktan talaga siya.

"Uy, ano ba iyang ginagawa mo?" Tanong ni Christian na may balak nang pigilan si Edison nang biglang isang kamay ang dumapo sa balikat niya.

"At kahit kamatayan pipiliin namin para maka-alis lamang rito."

Itinapat ni Edison ang kutsilyo sa harapan ng kanyang leeg. Itinaas niya ito na may paghahanda sa hanggang mabilis niya itong itinaga sa kanyang mga leeg. Hindi na nakagalaw pa ang mga taong hindi makapaniwala sa nakikita. At marahil ang pulang dugo na dadaloy sa leeg niya ay ang magiging dahilan ng kamatayan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top