Seven Bases For Two
"How many bases? Was it six? Seven? Am I reading right, or upside down?" Ang tanong ni Edison sa dalawang guro na mas pinagtutuunang pansin ang mga dalang papeles kaysa sa tanong ng binata sa kanila. Isang silip lang ang binigay ni Elias sa papel na hinahawakan ni Edison bago bumalik sa sariling ginagawa.
"I know you can read. It says seven," saad ni Elias.
Hindi makapaniwala sa Edison nang magawang iwasan siya ng guro kaya tinignan niya si Jeremy. Pero malabong sagutin siya ni Jeremy. Isang manipis na ngiti lamang ang binigay sa kanya nito, mas malala ng ilang libong beses sa buradong sagot ni Elias. Si Christian na lang ang tinignan niya.
"Ilang bases ang kaya mo? Three? Four?" Tanong ni Edison.
"Let's draw lots. May kukuha sa tatlo at sa apat," kibit balikat ni Christian. "And how I wish to not get the four bases."
"Huh? Don't you want the limelight? Apat na bases lang naman iyan. Kunin mo na," usal ni Edison.
"Ikaw sa huling apat. Ikaw ang mas matalino sa ating dalawa."
"..."
Pinanonood lamang ni Reed ang dalawa sa kanilang diskusyon. Ang susunod na laro ay isang karera na dinagdagan ng kakaunting palamuti. Sa loob ng track and feild, pitong bases ang makikitang nakatoka gamit ang pitong makukulay na flaglets.
Sa bawat bases, isang guro ang nakatayo na may dalang katanungan na dapat sagutin ng mga manlalaro. Makakatakbo lamang sa susunod na base ang manlalaro kung nasagot niya ng tama ang sagot. Kung nakakuha ng mali, hahayaan pa ring tumakbo ang manlalaro pero madadagdagan ng sampung segundo ang kanilang mga oras. Kung sino ang may pinakamaiksing oras sa karera ay ang tatanghalin na panalo.
Dahil sa dalawang manlalaro lamang sina Edison ay kailangan nilang hatiin kung sino ang tatakbo sa pitong bases. Matapos ang ilang minutong katahimikan, napatango na lamang si Edison na sinang-ayunan ang apat na katanungan sa hulihan. Wala namang problema si Christian dito.
Sa katunayan, may dahilan kung bakit tinanggap ni Edison ang sinabi ni Christian. Ito ay sa dahilang madalas inilalagay sa unahan ang madadaling mga katanungan samantalang humihirap papunta sa dulo. Matalino si Christian, walang duda. Pero hindi na sila nagbakasakali pa. Ano pa nga ba at ang gusto nilang kunin ay ang unang pwesto?
Matalino si Chrisian. Pero mas matalino si Edison ng sampung beses. Kung hahayaan nga lang ay si Edison na ang sasagot sa lahat.
"Pero hindi mas madali ito kaysa sa nilaro natin kahapon? It's like a normal race," sambit ni Edison. "Running and answering questions for fun huh... I'm expecting a more thrilling ne."
"Dahil sa nangyari kahapon kaya binabaan nila ang hirap ng laro," saad ni Elias na hindi inaalis ang mga mata sa hawak na papeles. "Though, the game yesterday will still be included to the points. But the next games are quite easier. Ayaw nila na may mangyari ulit."
"Huh? May nangyari kahapon?" Parehong napatanong ang dalawang binata.
Ipinaliwanag sa kanila ni Reed ang nangyari. Nanatiling tahimik ang dalawa sa hanggang matapos ang kwento. Walang kibo ang mga mata ng dalawa na tila ba hindi na nabigla sa narinig.
"So what? You guys are scared that something like that will also happen to us?" Tanong ni Edison.
"Buhay ng mga tao ang pinanghahawakan nila rito. Alin ba ang mas pipiliin nila? Ang kasikatan? O ang mga buhay ng mga kalahok?" Saad ni Elias. Ngayon, isang tingin ang binigay niya kay Edison. Nangungusap ang mga mata nito na tila nagsasabi sa kanyang kamalian. Pero hindi naapektuhan si Edison at kusang nagkibit balikat.
Wala ring paki-alam si Christian na ibinulsa ang mga kamay at naglakad papunta sa pinto. Mga isang oras na lang at magsisimula na ang laro. Kailangan na nilang maghanda. Sumunod si Edison sa dinaanan ni Christian nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Iisang tao lang naman ang laging sumusunod sa kanya kahit saan siya magpunta.
"Bakit? Nag-aalala ka ba at baka may mangyari sa akin?" Tusong tanong ni Edison na sa unang pagkakataon ay hindi hinarap si Reed. Nagtatampo pa rin siya naging kilos ni Reed sa kanya. Ano pa nga ba ang dahilan kung bakit ginagawa niya ang lahat ng pagpapasikat na ito?
Katahimikan lamang ang bumalot sa kanilang dalawa. Nang walang makuhang sagot si Edison, isang buntong hininga ang binitawan niya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Oo," sambit ng isang malinaw ba boses.
Tumigil siya ng isang hakbang at lumingon si Edison. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ni Reed. Sa likod ng parisukat na salamin makikita ang dalawang matang nangungusap sa kanya. May kinang ito na hindi mapantayan ng liwanag, na tila ba isang perlas na nakakubli sa ilalim ng dagat.
Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Edison. Alam niya... alam niya na ang mga matang iyon ay hindi mapupunta sa kaniya. Dahil ang kinang sa mga matang iyon... ay hindi naman sa kanya nakatingala. Napailing na lamang siya.
Pumunta na ang dalawa sa track feild na kung saan naghahanda na rin ang ibang mga kalahok. Nagpalit ng damit ang dalawa na babagay sa nasabing laro. Suot suot ni Christian ang PE uniform ng eskwelahan. Isang puting T-shirt na may nakasulat na initials ng School of Phobia at kanyang baitang sa ibaba. Isang kulay asul na jogging pants ang pinares rito na kung saan naka-borda ang apilyedo niya.
Napasipol si Elias na nanonood mula sa platform. Sa ayos ni Christian ngayon, makikita ang itsura ng isang normal na binata na naghahanda sa isang klase. Ibang iba ito sa kanyang kalat na kasuotan na madalas nagbibigay ng isang basagulerong imahen. Tinanggal rin ni Christian ang mga hikaw niya na nagbigay ng preskong itsura sa kanyang mukha.
Ang mga hikaw niya ang simbolo ng kanyang pagpaparusa sa sarili. Ngayong kusa niya itong tinanggal... hindi ba isang magandang rebelasyon ang nangyayari? Kahit si Jeremy ay natuwa sa nakita.
Normal. Maayos - mga salita na marahil ay itatawa ni Christian kung alam lang niya ang iniisip ng kanyang mga guro.
Nilipat ni Elias ang kanyang mga tingin sa kasama nitong manlalaro. Kabaliktaran sa preskong itsura ni Christian ay ang balot na balot na si Edison. Itim na long sleeve at itim na jogging pants - kung naging itim rin ang sapatos niya ay marahil aakalain nilang pupunta ito sa lamay. Sumabay sa suot niyang kasuotan ang natural niyang itim na buhok at mga mata.
Sa isang tingin, tila ba isang bampira ang nakatayo dahil sa mapapansin ang kakaibang putla ng kanyang balat.
Hindi maiwasang sumimangot ni Elias. Kung gaano kadaling basahin si Christian ay sya namang napakamisteryoso ni Edison. Nang malaman niya mula kay Christian ang tungkol sa pagkakaroon ng Phobia ni Edison ay agad siyang nag-isip ng mga bagay na marahil ay kinatatakutan nito. Pero gaano ba kadaling malaman ang takot niya?
Isang kahinaan ang takot na pagmamay-ari ni Edison. At kung sino man ang makaka-alam nito, hawak niya ang kapalaran at buhay niya.
Alam ni Christian ang Phobia ni Edison, walang duda. Ito marahil ang dahilan kung bakit malaki ang tiwala ni Christian sa binata. Kung hindi man sinabi ay sadyang natuklasan lang ni Christian mula sa kinikilos ni Edison. Gustong biakin ni Elias ang utak ni Edison para malaman kung ano ba ang iniisip nito. Pero sa isang dahilan, ang katalinuhan na natural niyang taglay ang naglagay sa kanya sa alanganin.
Nagsimula nang mag-inat ang dalawa. Tinginan ang lahat sa kanila sa dahilang sila ang may pinakamaliit na manlalaro at dahil na rin sa kakaibang suot ni Edison. Sa mainit na panahon na ito, hindi ba mas maganda kung magsuot siya ng manipis na damit? At kung hindi manipis, sana naman ay yung may magaan na kulay. Naiinitan na nga sila na nanonood lamang.
Marami na rin ang nagtanong kung hindi ba magpapalit ng damit si Edison. Mas magiging magaan ang pakiramdam niya kung papalitan niya ng damit na may maikling kwelyo ang suot niya para maging presko. Pero sadyang tumatango lamang si Edison at hindi ginagawa ang mga payo. May dahilan siya kung bakit ito ang suot niya.
"Matatakot lamang sila sa hilamaw na makikita nila," pabirong sambit ni Edison.
Inikot lamang ni Christian ang mga mata niya. Pero naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Edison. Naaalala pa niya nang unang makita ng mga kasama niya sa bahay ang dila niya na tinusok ng karayom para maipasok ang isang hikaw. Katulad lang rin ito kay Edison. Ang pinagkaiba lamang ay ang laki at ayos ng nasabing pilat na nanatili sa katawan nila.
Sa ilang dosenang laslas sa mga braso niya, sino kaya ang hindi matatakot at mangangamba?
Inabot ni Reed ang isang tuyong twalya kay Edison nang matapos sa ginawang warm-up. Makikita sa itim niyang damit ang basang likod dala ng pawis. Napansin rin niya ang kakaibang paghinga nito na tila ba hindi sumasakto sa normal na paraan. Mukhang napansin rin ito ni Christian na kanila lang tinitignan ang kasama.
"Don't stare at me like that and make my hopes up," ngisi ni Edison na tinanggap ang twalya. Mabilis niya itong pinunas sa kanyang noo at leeg.
Isang mahinang batok ang binigay ni Christian sa kanya. Ah! Ano ba at bakit ganito ang lalaking ito?
"Palitan natin ang damit mo. Siguradong magiging mainit mamaya," sehestiyon ni Reed.
"Maayos na ako rito. Magsisimula na rin ang laro. Ano nga ba at kaunting takbo lamang ang gagawin ko."
Halata sa mga tingin ni Reed ang hindi pagkagusto sa sinabi ni Edison. Pero dahil sa nagtatampo pa ang binata dahil sa biglaang pag-iwas ni Reed, hindi niya ito pinakinggan. Sinunggaban niya si Christian at tinulak papunta sa starting line. Nagulat si Christian sa biglaang pagtulak sa kanya kaya napasama siya.
Nang malayo-layo na sila kay Reed ay tumigil na sa pagtutulak si Edison. Minasahe naman ni Christian ang balikat niya na nabigla sa malakas na pagtulak nito.
"Bakit hindi mo na lang kasi sabihin?" Saad ni Christian. "Wala siyang kasalanan. Masyado kang masama para sa kanya."
"Ano nga ba ang paki-alam mo? Natatakot ka ba na bigla akong mawala?" Ngisi ni Edison sa kasama.
Napakunot noo si Christian. "Nagpapakamatay ka ba? Gaano ka ba kaduwag para gawin ito?"
"Mas duwag sa iyo," tawa ni Edison.
Pumunta na sa mga pwesto ang mga manlalaro. Apat na estudyante ang makikitang naka-ayos sa simulang linya. Ang kasamahan nila ay naghihintay sa bawat hati ng oval. Tanging ang linya lamang nila Christian ang may dalawang tao na nakatayo - si Edison na naghihintay sa ika-apat na hati.
Naghanda na ang lahat. Sabay sa anunsyo ng bilang ay ang antisipitasyon ng mga manonood. Isa... dalawa... tatlo... BOOM!
Nagsimula na ang karera!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top