Rights Of A Shadow
Maganda ang araw ayon sa balita. May panaka-nakang pag-ulan pero hindi naman dapat ika-alarma. Pinayuhan na magdala ng payong para panangga sa mainit na sikat ng araw at uminom ng isang litrong tubig. Mataas ang heat index kaya mas magandang manatili lamang sa loob ng bahay o pumunta sa malamig na lugar. Pagkatapos ng weather report bumalik na sa balitang pampulitiko ang usapan. Nangunguna rito ang tungkol sa isang opisyal ng gobyerno na nagnakaw ng pera mula sa kaban ng bayan...
Tinanggal na ni Edison ang Ear Phones mula sa kanyang taenga at ibinigay ito kay Reed na nakalahad ang kamay para tanggapin ito. Hinawi niya ang kanyang buhok na mas lalong gumulo dahil sa hindi nagsuklay pagkatapos magpatuyo. Nasa harapan niya si Elias, dala dala ang class record na isinabit sa leeg habang hinahawakan ng kaliwang kamay, samantalang nakatago naman sa bulsa ang kanan. Sinusundan nila ang guro sa hanggang huminto ito sa harapan ng isang pintuan.
Malakas niyang binuksan ang pinto na nagpagulat sa mga batang nasa loob. Inutusan niya silang bumalik sa kanilang mga upuan na agad namang sumunod. Pinanood ng lahat ang guro na pumasok kagaya ng mga araw na pumapasok ito sa kanilang klase. Ang kakaiba lang sa pagkakataong ito ay may kasama siyang isang binata na tumabi sa kanya sa harapan.
"Class, I would like you to meet Edison Greendale," sabi ni Elias.
Humarap sa kanila ang binatang pinakilala ng kanilang guro. Agad nilang napansin ang kasuotan nitong hindi sumunod sa unipormeng itinalaga ng paaralan. Kulay itim ang suot nitong pang itaas na may pabilog na kwelyo at mahabang manggas na lumalampas sa kanyang kamay pero dahil sa garter ay nanatili ito sa dulo ng kanyang pulso. Wala itong ibang disenyo maliban sa malalaking mga salitang 'PSYCHO PATH' na nakatalaga sa isang kahon na nasa pinakagitna makikita. Maitim rin ang slacks na ipinares dito, at maitim na tai-chi shoes naman sa paa. Itim ang halos makikita sa kanya na kabaliktaran naman sa mala-gatas na kulay ng kanyang balat. Magulo ang may kahabaang buhok na natatabunan ang kalahati sa kanyang mga mata. Isang malapad na ngiti ang ibinigay niya sa lahat.
"Good Morning, I am Edison Greendale. You can call me Ed, Eddy, Edison, whatever you like. I'm already 17 years old, Born on June 25; I'm one-eight korean, one-eight Spanish, one-fourth English, A little bit Polish, and a half Filipino. My family's main house resides in California but for some classified events I am here in the Philippines and is living with my relatives. My hobbies are playing computer games, swimming, instrument playing, and reading books. I don't have any talents that I can show you but I know I can draw, sing, and dance if I wanted to. My favorite colour is black and..." Mabilis na pakilala ni Edison sa kanyang sarili na hinanda pa niya sa tulong ni Reed gamit ang isang site online tungkol sa kung paano magpapakilala sa klase. Pinutol na ni Elias ang iba pa niyang sasabihin dahil baka maubos pa ang oras sa pagpapakilala.
"It's already okay. You only have to state your name and age. No need to go further," sabi ni Elias na naglakad na papunta sa kanyang mesa na nasa may gilid ng kwarto sa ibaba ng platform. Nanatiling nakatayo si Edison na inikot ng tingin ang mga kaklase. Iba't ibang reaksyon ang nakikita niya - may natatakot at nagulat. Siyempre, pagkatapos ng panggugulong naggawa niya nung nakaraang linggo, malabong hindi kumalat ang balita at makilala siya ng lahat. Nagbigay lamang ito ng kakaibang sigla sa loob ni Edison.
"Magandang araw!" Bati uli ni Edison na nagpatalon sa mga kaklase niya mula sa kanilang mga upuan. "Natatakot ba kayo sa akin? Mas nakakatakot pa ba ako sa mga bagay na kinatatakutan niyo?"
Walang sumagot. Hindi rin naman niya inasahan na may sasagot. Hindi pinansin ni Elias ang ginawa ni Edison na umupo muna at tinignan ang ituturo niya sa klase. Nagpatuloy si Edison.
"I have a proposition to tell, my dear classmates. Are you up to a game?" Tinanong ni Edison ang lahat. Walang imik ang mga batang takot na makipaglaro kay Edison. "Don't worry, this is not harmful. Sa katunayan pa nga eh napakaganda ng laro na ito. Tanungin niyo pa ang guro natin dahil kasali siya sa larong ito."
Lumingon ang lahat kay Elias, mga matang tinignan siya, nagtatanong kung tama ba ang sinabi ni Edison. Ibinaba ni Elias ang binabasa niya at tumango para kumpermahin ang katotohanan. Bumalik uli kay Edison ang atensyon ng lahat. Ngumiti ang binata sa kanila na umikot papunta sa pisara, naghanap ng yeso mula sa lalagyan, at nagsulat ng numero. Isang 'number one' ang nakita nila sa dulo na dinagdagan ng mga pabilog na imahe. Binilang ng lahat ang 'zero' sa kanilang mga ulo sa hanggang ang halagang isang daang milyon ang lumabas. Humarap uli si Edison nang matapos siya sa pagsusulat.
"Sinong may kayang basahin ito?" Turo ni Edison sa isinulat niya.
"One hundred million," sagot ng isang boses galing sa klase.
"Good, it's a hundred million," galak na sabi ni Edison na dinagdagan ng 'US' sa pinakahulihang zero. "Ang halagang nakikita niyo ngayon ay ang halaga ng mapapanalunang presyo sa kung sino man ang mananalo sa laro."
Tunog ng kuliglig ang umiral sa lugar bago napalitan ng sabay sabay na sigawan ng pagkabigla. Napatawa si Edison sa kanilang reaksyon na pinatahimik uli ang lahat.
"I know, I know, It's kind of big, right? But the prize is worth for the game," sabi niya.
"Anong laro naman ang lalaruin namin? Sa sobrang laki ng halagang iyan eh baka napakahirap ng laro," tanong ng isang lalaki na tumayo sa kanyang upuan.
"Oo nga, baka delikado ang laro na ikakapahamak namin," sang-ayon ng isang babae.
"Huwag kayong mag-alala, hindi naman mahirap ang laro. Sadyang malaki lang ako maglagay ng presyo," panigurado ni Edison.
"Baka hindi iyan totoo. Kilala ka namin. Ikaw iyong nanggulo sa kabilang klase nung nakaraang linggo," ang hindi pag-sang-ayon ng isa.
"Kung iyon ang dahilan sana ay pagpasensyahan niyo na ang kinilos ko," yumuko si Edison para ipakita ang sensiridad sa kanyang sinasabi. Tumuwid uli siya para tignan ang lahat. "Pero sigurado akong matutuwa kayo sa larong tao."
"Sabihin mo kung anong laro," utos pa ng isa. Gustong tumawa ni Edison sa pang-uutos na ginawa sa kanya pero hindi niya ginawa dahil baka akalain ng iba na nagloloko siya.
"Simple lang. The only thing that you need to do is to guess my Phobia, is all," sabi ni Edison.
Natahimik uli ang lahat. Nagpatuloy si Edison. "I am not actually a permanent student. Nandito lamang ako bilang isang temporary student na mananatili lamang ng dalawang buwan. You see, nobody still knows about my Phobia and that's why I'm still under watch. Kung malalaman nilang may Phobia ako then that's the time that I'll be confirmed as a student."
"Ang ibig mong sabihin gusto mong hulaan namin ang Phobia mo?" Tanong ng isa.
"Correct! All I want you guys to do is to guess what is my Phobia. And if you get it then you can have the prize, in cheque or in cash, whatever form you want it to have." Edison.
"Paano kung magsinungaling ka?"
"I did say that I'm not telling, but when it comes to games I'm very up to it. Okay, to make things formal, let's make a contract. And in that contract will be the conditions about the game. Don't worry, I won't lie. Kahit anong mangyari, hindi ako magsisinungaling. Hindi naman ako uri ng tao na hindi totoo sa sariling mga salita. Kung sinabi ko, gagawin ko." Edison.
Pabulong na nag-usap ang lahat. May pumayag at gustong makuha ang premyo. Mayroon ring nagbalak na magtutulungan para makuha ang pera. Mayroon din namang tahimik lang at walang paki-alam sa alok na pera. Nang natapos na ang lahat hinarap nila si Edison.
"Sige, payag kami," sagot ng representante.
"Good, then I will also set MY conditions," Edison.
"May iba pang kondisyon?"
"Siyempre, hindi naman patas kung nasa inyo lang ang lahat," ngisi ni Edison. "Dalawa lang naman ang kondisyon ko."
Ipinakita ni Edison ang dalawang daliri niya.
"You can only have three guesses. You see, one million is such a huge money and you can just easily get it if you guess the name right. But, the thing here is you have limitless possibilities of guessing. Baka nga may isa pa sa inyo na gumawa ng checklist at isa-isahin itong basahin para makuha lang ang pera. At hindi naman iyon patas. So you only have three chances, and it's up to you on how you use it."
Inalis ni Edison ang isa niyang daliri kaya isa na lang ang natira.
"The second condition, I want you guys to spread the word about this game. Kasi naman nakakabagot kung tayo-tayo lang ang maglalaro. Mas marami, mas masaya. Kaya gusto kong ikalat niyo sa mga kaibigan niyo, kakilala niyo ang tungkol sa laro. Pero dapat nasa loob lamang ng paaralan na ito. Kung may malaman akong sinabi niyo ito sa labas..."
Inilapit ni Edison ang natirang daliri sa kanyang leeg na pinatagilid. Pagkatapos gumawa siya ng isang di nakikitang linya sabay gaya sa tunog ng pagpupugot ng ulo. Napalunok ang lahat sa ginawa niya. Nakangiti nga si Edison, pero hindi nakangiti ang mga mata nito. Biglang napalitan ng malagim na prisensya ang buong kwarto. Dito na pumasok si Elias na tumayo na sa kanyang mesa.
"Okay, Edison you sit at the back. May isa pang upuan na bakante doon," sabi ni Elias na hindi na tinignan si Edison at kay Reed na naghihintay pa rin sa pinto. Tumango si Reed at isinara na ito. Naglakad na rin si Edison papunta sa likod. "Then, let's continue our lesson yesterday..."
Tahimik na naglakad si Edison sa pagitan ng mga upuan, mga kamay ay nasa mga bulsa. Wala itong bitbit na gamit, kahit isang ballpen o notebook man lang. Hindi makatingin sa kanya ng diretso ang mga nadadaanang mga kaklase dahil sa takot na baka bigla sila nitong sakmalin. Nakataas noo paring naglakad si Edison sa hanggang marating na niya ang kanyang upuan nang biglang isang binti ang lumabas na humarang sa kanyang daraanan.
Nagtaka si Edison sa nakita. Tinignan niya muna ito ng ilang sandali - ang pantalon na tinupi hanggang tuhod at paang may itim na sapatos pero walang medyas. Nakalapag ang paa sa upuan na sana ay uupuan ni Edison. Sinundan niya ito ng tingin, papaitaas sa hanggang makita ang mukha ng isang lalaki na halos hindi na mabilang ang hikaw sa tainga. May halong kulay asul ang itim nitong buhok na naka-ahit sa bawat gilid ng tainga na may hugis bituin, isang bilog na hikaw sa isa sa makapal nitong kilay, apat hanggang anim na hikaw sa bawat taenga na may natitira pang butas, labing mapula dahil sa kolorete ng bubble gum na nginunguya. Nagbabasa ito ng isang magasin na may nakasulat pang rated 18.
Sa ayos pa lang nito, halatang basagulero ang binata at sinadya ang pagharang sa daanan. Isang tapak lang ng paa at kaya nang basagin ni Edison ang buto sa paa nito, pero di niya ginawa dahil sa ayaw niyang mas matakot ang mga nanonood. Isinuot niya uli ang kanyang mapagpanggap na ngiti at magalang na tinignan ang lalaki.
"Pwede mo bang alisin ang paa mo dahil uupo ako?" Mabait na tanong ni Edison.
Hindi siya pinansin nito. Hinawakan ni Edison ang dulo ng magasin para kahit papaano eh magawa niyang tignan siya ng binata.
"Pwede mo bang alisin ang paa mo dahil uupo ako?" Ulit niyang tanong na may kagaspangan ng boses.
"Huh? Sino ka?" Walang buhay niyang tanong.
"Ako ang bago mong kaklase. Di ka ba nakikinig sa sinabi ko kanina?" Sagot ni Edison.
"Ah? Nagsasalita ka?" Pinasmasdan siya ng binata mula ulo hanggang paa. "Pasensiya na pero hindi kita kilala eh."
"Okay lang iyon, hindi rin naman kita kilala," ngisi ni Edison. "Kaya paki-alis na ng paa mo at makaupo na ako."
"Ang paa ko ba?" Tinuro ng binata ang paa. "Pasensiya na pero upuan ito ng anino ko. Kung gusto mo, maghanap ka ng iba pang upuan diyan."
"Ito na lang kasi ang natitirang upuan rito," Edison.
"Ganun ba? Baka hindi ka kabilang sa klase na ito? Baka nasa kabila ang klase mo? O sa kabila pa? O sa kabilang-kabila?" Pinalobo ng lalaki ang bubble gum, pumutok, at binalik papaloob para nguyain uli. Mayabang ang ayos nito na halatang hindi gusto si Edison. Hindi rin naman siya gusto ni Edison.
Inalis ni Edison ang tingin niya na pilit nililinaw ang utak. Isang pitik pa at paliliparin na niya ang mayabang na lalaking ito. Kinamot niya ang batok niya habang nag-iisip ng paraan kung paano paalisin ang paa na hindi sinasaktan ang lalaki. Pero wala siyang maisip. Walang wala, maliban sa sipain ito palayo. Pero hindi pa rin niya ginawa. Inilapit niya ang kanyang mukha rito para mas makita niya ang mukha.
"Aalisin mo ang paa mo? O ikaw ang aalisin ko?" Pabulong na banta ni Edison. Pabagsak na inilapag ng lalaki ang hawak niya at tumayo. Sinunggaban niya ang kwelyo ni Edison at tinapatan ang ginawa nitong pagtitig na halos ilang sentimetro na lang at maghahalikan na. Nagsusulat pa rin si Elias sa pisara kaya hindi niya nakikita ang mga nangyayari. Nanonood naman ang lahat sa kaguluhang nangyayari.
"Hindi naman ganoon kalaki ang halaga mo para paupuin kita sa tabi ko. Mas may halaga pa ang anino ko kaysa sa iyo," sabi niya.
"Ano naman kaya ang halaga ng anino mo sa lugar na ito? Mukhang ikaw nga walang halaga, ang nagmamay-ari pa kaya sa kanya?" Matabil na sagot ni Edison.
"Matapang ka rin ano? May gana ka pang sumagot. Hindi mo ba ako kilala? Sikat ako sa lugar na ito."
"Oh? Is that so? I'm sorry but I only know a few who is worth remembering," sabat ni Edison.
"I am worthy, so you should remember," itinaas ng lalaki ang ID na suot niya. Kung mayroon pang desente, ito ay ang litrato na mula sa ID na marahil matagal na panahon nang kinunan. Itinuro niya ang sariling pangalan at ipinabasa kay Edison. "Christian Niccoló Quintieri..."
"Quintieri, huh?" Inalis ni Edison ang pagkakahawak ni Christian sa kwelyo niya. Itinulak niya ito ng may kalakasan, at inayos ang damit na nagusot. "Ainsi, vous êtes que Quintieri, hein?"
Nagulat si Christian sa narinig. "Ainsi, vous pouvez également parlent français habile. comment."
"Bien sûr, je suis! Qui ne vous pensez que vous parlez?" Sagot ni Edison.
Hindi na nila naiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa. Natapos na sa pagsusulat si Elias at hinarap ang klase. Kanina pa siya nakikinig sa dalawa kaya hinayaan niya lang ito. Humarap siya sa klase at nakitang parehong nakatayo sina Christian at Edison. Napakamot ulo siya, naglakad palapit sa kanila.
Patuloy pa rin sila sa pag-uusap gamit ang ibang langwahe. Hindi alam ni Elias kung ano ang kanilang sinasabi pero alam niyang ang mga salitang binitawan ng bawat panig ay magdadala sa kaguluhan. Susuntukin na sana ni Christian si Edison nang dumating si Elias at pinag-untog ang ulo ng dalawa. Napa-upo ang dalawa pababa sabay hawak sa bukol ng bawat noo. Tumingala sila paitaas para sigawan kung sino ang may gawa nito pero nag-alangan nang makita si Elias.
"Ano? Titigil ba kayo o hindi?" Tanong ni Elias na nakapameywang, itim na aura ang lumalabas mula sa likod niya. "Nakakaintindi naman siguro kayo sa gusto kong iparating, diba?"
Parehong napalunok sina Edison at Christian sabay tango. Umupo si Christian balik sa kanyang upuan, at nakuha naman ni Edison ang pwesto niya. Nang makita ni Elias na maayos na ang lagay ng dalawa ay siyang pag-alis niya pabalik sa pisara.
"Heh, just a mad man," bulong ni Christian.
"Oui, vous êtes à la droite," ang pag-sang-ayon ni Edison.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top