Operation Sabotage
"Nakikita ko sila. Nasa food court ako ngayon."
[Sige, gawin mo ang inutos ko sa iyo. Siguraduhin mong hindi sila makakapaglaro sa araw na ito]
Hindi na niya sinagot pa ang utos at napatango. Naputol na ang tawag sa linya na naging hudyat na kailangan na niyang lumakad. Inayos niya ang sarili niya na tinanggal ang bahid ng kasamaan at pinalitan ng isang maamong pagmumukha. Isinuot niya ang bilugang salamin sa mata sabay ayos sa praktisadong mga ngiti sa labi.
Inalis niya ang isang nakatabon na headphone mula sa tainga niya at kinuha ang telepono sa bulsa. Nagkunyari siyang pumipili ng kanta at pumunta sa panaderya. Katabi niya ang dalawang kalalakihan na may pinag-uusapan. Tinignan niya kung ano ang ginagawa nila at binantayan ang bawat kilos.
Ang lalaking may suot na black sleeve na pang-itaas at mahabang pantalon na itim rin ang kulay ay bumili ng dalawang pares ng tinapay. Hindi ito napansin ng naunang lalaki na naglakad na papunta sa susunod na tindahan. Tahimik niya itong pinagmasdan na nag-iisip kung paano niya gagawing baldado ang lalaking ito sa isang araw.
"Ano po ang order niyo?" Tanong ng matandang lalaki na may totoong ngiti sa likod ng kanyang mga paninda. Ngumiti rin siya sabay kunyaring seryosong tingin sa mga tinapay.
"Alin po ba rito ang..."
Normal na nakipag-usap siya sa nagtitinda habang hindi inaalis ang mga tingin sa dalawang binata na ngayon ay may nabili nang pagkain at naghahanap na ng mga upuan. Sakto, isang grupo ng mga manlalaro ang nag-imbita sa kanila na makisabay sa hapag. Lumalim ang kanyang mga ngiti na nagsasaad ng kagalakan sa nakita.
"Mas maganda, dalawang grupo ang mawawala sa pagkakataon na ito," sabi niya sa sarili.
Tinapos na niya ang usapan at naghanap ng pwesto. Pinili niya ang dalawang upuan mula sa pinaguukupahan nila at doon ay tahimik na nagmasid. Umupo siya na nakatalikod sa kanila para hindi halata ang pagmamatyag niya. Naghintay muna siya at nakinig ng mga impormasyon na pwedeng gamitin kung sakaling kakailanganin ito.
"Guessing game? Ano naman ang huhulaan namin?" Tanong ni Janice.
"Hmmm..." Kunyaring nag-iisip si Edison pero alam na ni Christian ang litanya niya. Siyempre, ginawa niya ito sa kanila. Ano pa nga ba ang pinagkaiba?
"All you have to do is to guess my Phobia," saad ni Edison.
"Huhulaan namin ang Phobia mo?" Nagtinginan ang mga kababaihan na nalito sa sinabi ni Edison.
"Oo, at kung sino man ang makakahula nito ay may karampatang premyo," dagdag ni Edison.
Nag-iisip ang mga kababaihan sa sinabing laro ni Edison. Ngumiti lamang si Madam Q na napagdesisyunang huwag nang makisali at makinig sa laro ng kabataan. Masaya na siyang makakita ng mga bata na natutuwa sa mga ganitong laro.
"Huhulaan niyo ang Phobia ko at bibigyan ko kayo ng isang daang milyong dolyar!"
Halos maluwa ng lahat ang mga kinakain nila nang marinig ang premyo. Kahit siya na nakikinig lang ay nabilaukan sa narinig. Seryoso ba siya? Isang daang milyong dolyar sa makakahula sa Phobia niya? Nagbibiro ba siya?
"Nagbibiro ka ba?" Tanong ni Janice na tinulak ng tubig ang bumarang pagkain sa lalamunan. "One hundred million dollars? Saan mo naman kukunin ang pera na iyon? Hindi ba masyadong malaki ang premyo para sa isang simpleng laro na ito."
"I think for a reality to be acknowledged, one should pay a price. And I am not joking. Kung akala niyong hindi ko maibibigay ang pera na sinasabi ko..." Kinuha ni Edison ang telepono niya at binuksan ang isang app na nagsa-saad ng laman ng kanyang account. Ipinakita niya ito sa grupo na itinatago ang mga pribadong impormasyon.
Halos maluwa ang mga mata nila nang makita kung gaano kalaki ang laman nito. Hindi nila naisip sa tanang buhay nila na darating ang panahon na kung saan ang 'zero' ay magkakaroon ng isang malaking importansya sa halaga ng buhay ng tao. Hindi pa nila natatapos bilangin ang zero sa account niya pero kinuha na ni Edison ang telepono at ibinalik sa ligtas na lagayan.
"So, what about that guys? Gusto niyo ba?"
Hindi niya nakita kung ano ang halaga na nasa account ni Edison pero sigurado siya na malaki ito dahil sa mga naging reaksyon sa mga nakakita. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang init at kaba sa dibdib niya. Naisip niya na kung si Edison ang kukunin niya marahil mas malaking pera pa ang makukuha niya. Pero sa pagkakataon na ito kailangan muna niyang sumunod sa nasabing plano. Kaunting pagkakamali lang at baka matagpuan niya ang sarili niyang natutulog na sa likod ng mga rehas.
"A-ano naman ang mga kondisyon. Sigurado akong may kondisyon iyan dahil sa laki ng pera," tanong ni Karylle na hindi pa nawawala ang pagkabigla.
"Hindi naman masyadong mahirap ang kondisyon. Basta, ang kailangan niyo lang gawin ay ang hulaan niyo lang ang Phobia ko sa tatlong pagkakataon," ipinakita ni Edison ang tatlong daliri niya. "Three chances and you'll get a hundred million in dollars if you guessed it correctly."
"P-paano naman kung nahulaan namin at magsinungaling ka?" Tanong ni Alea.
"No problem, this guy here knows my Phobia. Kaya tanungin niyo lang siya kung nagsisinungaling ba ako. Besides, I am a man of my words. Kung nakuha niyo, nakuha niyo. Kung hindi, then better luck next lifetime."
Napalunok sila ng laway. Hindi nga mahirap ang kondisyon. Three trials lamang ang binigay nila sa bawat isa. Masyadong magaan ito kumpara sa premyo na makukuwha nila. Napatingin si Edison kay Madam Q.
"Kayo po?" Tanong ni Edison na inaalok ang guro.
"Don't worry about me," kaway ni Madam Q.
Sumang-ayon na ang kababaihan sa nasabing laro. Tinanggap naman ni Edison ang naging desisyon niya. Sa kanyang hudyat, nagsimula na sila. Dahil sa wala silang alam sa kung ano man ang mga pangalan ng Phobia kaya binigyan sila ng pagkakataon ni Edison na sabihin na lamang kung ano ang pangalan ng bagay na kinatatakutan niya.
Tinignan niya ang kanyang relo at napansin ang tumatakbong oras. Kailangan na niyang gumalaw. Matatapos nang kumain ang mga target niya at baka pagkatapos ng laro ay magsi-alisan na sila. Wala na siyang naisip na magandang panahon kundi ngayon.
"Um... Pwede po bang humingi ng tubig?" Tanong ni Janice sa isa sa mga helper.
Nakuha niya ang pagkakataon na ito. Kinuha niya ang kanyang wallet at binuksan ito. Nakita niya sa loob ang iilang libong pera at iilang tabletas ng mga gamot. Kumuha siya ng isa, tinanggal ang balat, at ibinalik ang supot sa wallet. Nakita niyang parating na ang helper sa lamesa niya. Mabuti na lang talaga at doon siya umupo.
Nang makalapit na ang helper, sinadya niyang sinagi ang tinidor na hindi niya ginagamit. Tumigil muna ang helper na inilagay ang hawak niyang pitsel at mga baso sa mesa at yumuko para kunin ang tinidor.
"Pasensiya na," sabi niya na humingi ng tawad. "Hindi ko sinasadya."
"Okay lang po iyon sir," sagot ng helper na pinulot ang tinidor.
Maliksi niyang inilagay ang gamot sa pitsel. Tinignan niya ang paligid at wala siyang nakitang mga tao na nakamasid sa kanya. Agad niyang inayos ang sarili nang kinuha na ng helper ang maruming tinidor at binigyan siya ng bago. Nagpasalamat siya rito.
"Ah..." hinawakan ni Karylle ang mga sintido niya. Siya na lang ang hindi nakakapagsabi ng bagay na pwedeng sagot. At nasa panghuling tyansa na siya.
"Sige na, Kar!" Engganyo sa kanya ni Janice. "Mag-isip ka! Isip!"
"Ah... um... fear of... Fear of snakes?"
Tumahimik muna sila na nakinig sa magiging sagot ni Edison. Ngumiti muna si Edison. Pero inekis niya ang kanyang mga daliri bilang kompirmasyon na mali ang sinabi niya. Halos magkagulo sila nang mawala ang tyansa na makuha ang malaking pera. Natawa na lang si Edison sa mga ekspresyon nila.
"I'm sorry but nobody got the right answer! Better luck next lifetime!" Saad ng binata.
"Ah... mahirap naman kasing hulaan ang Phobia! Maraming bagay sa mundo! Imposibleng makuha namin iyon sa tatlong hulaan lamang," punto ni Melody.
"Kaya nga malaki ang premyo," ngisi ni Edison. Nilinaw ni Christian ang lalamunan niya na nakakuha sa atensyon ni Edison.
Nasa lamesa na nila ang helper. Nakita niyang walang nakapansin sa gamot na inilagay niya rito. Siyempre, isang gamot pampatulog ang nilagay niya. Hindi naman ito masyadong malakas pero sapat na para patulugin sila sa kalahating araw. At kung makakatulog sila sa araw na ito, ang ibig sabihin hindi na sila makakalaro.
"Well, like in any other game I will give you a consolation prize," sambit ni Edison na tumayo.
"Consulation pri-"
Nagulat si Janice nang biglang lumapit si Edison sa kanya sabay bulong ng isang bagay. Nagulat ang mga kasamahan ni Janice na namula sa biglaang paglapit ni Edison samantalang napahilamos na lamang si Christian.
"Ma'am, nandito na po ang tubig niyo-"
Biglang gumalaw si Edison at nasagi ang helper. Nagulat ang helper sa ginawa ni Edison na nawalan ng balanse sa hawak niyang tray. Nahulog ang laman nito - natapon ang tubig na nasa pitsel at nabasag ang ilang mga baso. Narumihan din ang mga extrang kubyertos na hawak niya. Tumigil ang lahat na hindi inaasahan ang nangyari.
"Ah, pasensiya na po," sabi ng helper na agad kinuha ang sariling panyo para punasan ang nabasang binata. Dumating na rin ang ibang staff na agad umaksyon sa nangyari.
"No, it's my fault. Hindi ako nag-iingat," sabi ni Edison na aakmang pupulutin ang mga bubog na nasa sahig. Pero isang kamay ang tumigil sa kamay niya bago ito magawa.
"And what do you think you're doing?"
Napalingon si Edison at nakita si Reed. Inayos pa nga nito ang salamin sa mata na may kasamang kinang. Ngumisi lamang si Edison na hindi na sumagot at kusa nang umatras. Si Reed na ang humingi ng tawad na nagkusang tumulong sa paglilinis. Sinabi niya rin na babayaran ang mga basong nabasag ni Edison.
Napalagatik siya sa dila nang di magawang patumbahin ang grupo. Ngayon, kailangan na naman niyang mag-isip ng bagong plano. Hindi niya tinapos ang pagkain na binili niya at hinayaan na lamang sa lamesa. Tumayo na siya, isinuot ang parehong mga headphones at umalis bago pa malaman ng lahat ang nangyari.
Pero bago pa siya nakalabas, isang grupo ng mga kalalakihang may suot na black suit with matching black shades. Lahat sila ay may malahiganteng tangkad at mukhang mga sundalo pa ang porma. Pinalibutan siya nito sabay bigay sa kanya ng kanilang mga nakamamatay na mga titig.
"We would like to invite you-"
Agad na siyang tumakbo bago pa nila matapos ang mga salita. Hindi na niya magawang makatakas nang mahatak siya ng mga naglalakihang mga tao na ito. Nawala na ang kumosyon sa nangyaring aksidente at naging maayos na ang lahat. Nauna na ang grupo ni Madam Q na maghahanda na sa susunod na laban. Kumaway sa kanila ang mga kababaihan na nagsabing hindi sila magpapatalo sa susunod na laro.
"And here I thought why you are taking so long," sabi ni Reed.
"We're just playing a game," saad ni Edison. "Hindi naman delikado ang nilalaro namin."
Hindi nga delikado pero may panganib sa paligid nila. Nag-alala si Reed nang mapansin na hindi pa rin bumabalik sina Edison. Kaya pinuntahan niya ito sa Food Court. Una siyang nakita ni Christian na agad iniwas ang tingin sa kanya. Ang sunod naman niyang nakita ay ang lalaking nakaupo sa may dulo...
Agad tinawag ni Reed ang mga kasamahan niya. Ang hindi niya inaasahan ay mapapansin rin ni Edison ang ang ginawa ng lalaking naglagay ng gamot sa tubig na ipapainom sa kanila. Mukhang kanina lang napansin ni Edison ang mga titig ng isang mamamatay tao. Pero mabuti na lang talaga at nakarating siya sa tamang oras.
"Let's change your clothes before going," utos ni Reed.
Sumunod na lamang ang dalawa na nagpasalamat sa masarap na pagkain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top