His Perfection Strikes

Maayos na isinuot ni Reed kay Edison ang vest nito. Habang ginagawa niya ito, hindi maalis ni Edison ang mga titig niya sa kasama. Wala namang ginagawa si Reed kundi ang hayaan lamang siya sa ginagawa nito. Nasanay na siya sa mga titig ng binata. Hindi na ito bago sa kanya.

"Guns are not toys. You should not play with them. And don't point guns to people, or to your head," sabi ni Reed.

"Don't point guns to people, or to my head," ulit ni Edison.

"And don't ever try to at least think of committing suicide," saad ni Reed.

"Don't think of suicide," ulit uli ni Edison.

"Did I make myself clear?"

"Of course, you worry wart," singhal ni Edison.

"Seryoso ako, Edison."

"Seryoso naman ako ah."

Napabuntong-hininga na lamang si Reed at ibinigay ang goggles kay Edison. Inayos niya ang gumulo na buhok nito at ang nagusot na damit.

"Well, at least you're listening," sabi ni Reed.

Tumunog na ang anunsyo na nagsasabing magsisimula na ang laro. Umalis na ang mga staff. Tinignan muna ng isang beses ni Reed si Edison para makita na ligtas na ito.

"Okay, just take care," sabi ni Reed.

"Hey, I think you're forgetting something?"

"Hmmm? Ano naman iyon?" Tanong ni Reed. Inisip niya kung mayroon pa ba siyang dapat gawin. Pero wala siyang naaalala.

"Where's my congratulatory kiss?" Sambit ni Edison na pinisil ang sariling pisngi.

"Congratulatory kiss? Hindi pa nga nagsisimula ang laro," saad ni Reed. Hindi niya inakala na sasabihin ito sa kanya ni Edison ng harapan.

"Huh? Sino ba may sabi na matatalo ako sa laro na ito?"

Wala nang ibang makikita pa kundi ang kayabangan sa pustora ni Edison. Pero hindi naman ito problema. Dahil alam niya na mga salita lamang ito na ipinapakita ang kapangitan ng mga tao. Dahil kung mananahimik lamang si Edison, siguradong makikita ang perpekto niyang ayos. Ang kayabangan na ito ay hindi mga salita lamang.

Isang buntong hininga ang binitawan ni Reed at lumapit kay Edison. Binigyan niya ito ng halik sa noo. Isang masayang ngiti ang binitawan ni Edison.

"That's your kiss. Make sure to win this game," sabi ni Reed.

"I told you, I already won the game."

Bumaba na si Reed sa platform at pinuntahan ang pwesto nila Elias. Nasa telepono na naman ang guro na marahil ay nakikipag-usap kay Jeremy. Nilampasan lamang niya ito at pumunta sa bakanteng upuan sa tabi ni Christian. Ngayon, si Christian naman ang may nanghihinalang mga tingin sa kanya.

"What?" Tanong ni Reed na itinulak paitaas ang salamin sa mata.

"Nothing," sabi ni Christian na iniwas ang tingin at ibinalik ang mga mata sa mga maglalaro. "I'm just thinking that you're just spoiling him too much."

Tumunog na ang panibagong kampana na nagsasa-saad na malapit nang magsimula ang laro. Tinignan ni Edison ang mga baril at kinuha ang isa. Napansin niya ang kakaibang titig sa kanya ng mga kababaihan sa tabi niya. Naalala niya na silang dalawa ang nakasalubong niya kanina sa may Vending Machine. Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya na nagsasaad ng isang mapaglarong isipan.

Natakot ang dalawa sa ngiti na ibinigay ni Edison. Hindi naman nakakatakot ang itsura niya at masasabing ang ngiti na ito ay sadyang naghahamon lamang. Pero hindi nila makakalimutan ang muntikang pagsaksak nito sa kanyang leeg kanina. Kung talagang nangyari ang bagay na iyon at pumasok ang kutsilyo sa leeg niya, nasa tabi kaya nila siya ngayon at naglalaro ng barilan?

"Well, I think you are starting to develop Edison-phobia," pabirong tawa ni Edison sa sarili. Hindi rin naman siya maririnig ng mga kasama niya kaya hindi na niya inintindi ito.

Nagbilang na ang numero sa pagsisimula ng laro. Itinaas na ni Edison ang baril sa harapan at tinutok ito sa hangin. Dumating na ang numero sa [0] at nagsimula nang umandar ang makina na nanghahagis ng skeetball. Simula pa lang ng laro pero ilang bola na ang natatamaan ni Edison. Sa kanyang mga mata, natatansya niya ang mga galaw at bilis ng bola sa bilis at galaw ng mga bala sa baril niya.

Napatayo si Elias sa kanyang kinauupuan nang makita ang mabilis na pagbabago ng numero sa mga tira ni Edison. Kahit nga si Jeremy na nanonood mula sa itaas ay napatayo rin sa kanyang kinalalagyan. Pareho silang hindi makapaniwala sa nakikita. Simula nung magsimulang ihagis ang mga bola, ni isa ay walang mintis si Edison sa pagtama sa kanila. Kung gaano karami ang bola na inihagis ay siyang rami rin ng puntos na nakukuha niya.

Walang reaksyon na nanonood si Christian at diretso lang ang tingin ni Reed. Tinignan ni Elias si Christian na tila ba nagtatanong sa mga nangyayari. Ito ay puno ng paano at bakit.

"Diba sabi ko sa iyo? Hindi lamang mga salita ang kayabangan niya. Kung mayroon man siyang kayang gawin, iyon ay ang lahat ng bagay na sinasabi niya," sagot ni Christian sa mga hindi nasabing katanungan.

Pabagsak na umupo si Elias.

"Ito ba ang unang pagkakataon niyang maglaro nito?" Tanong niya. Baka kasi isang manlalaro noon si Edison.

"Paano siya makakahawak ng baril kung nandyan si Reed para bantayan siya?"

Tama, sinabi sa kanila ni Edison na hindi niya magawang humawak ng baril dahil nandyan si Reed para kunin ito. Pero hindi ba masyado siyang magaling sa bagay na ito para sa unang pagkakataon niya?

"That guy is not even seriously doing it," dagdag ni Christian. "He is really scary whenever he does everything so perfectly. That's why he doesn't need anyone to teach him. He's the first time no luck kind. Walang silbi ang swerte sa kanya. Sadyang magaling lang talaga siya."

Hindi pa natatapos ang oras pero nakuha na ni Edison ang limangdaang skeetballs. Pero kahit ganoon, nagpatuloy lamang siya sa walang mintis na pagtira. Naubos na ang oras at tumigil na si Edison. Tahimik lamang ang lahat na hindi matanggap ang nangyaring himala. Inalis na niya ang suot na earphones sabay hikab.

"Well, that was fun!" Sambit niya.

"Uh... err..." Natagalan sa pag-proseso ang announcer na hinahanap pa ang tamang salita. "Ah! Ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa set na ito ay si Edison Greendale mula sa School of Phobia!"

Naghiyawan ang lahat sa narinig. Naging baliktad bigla ang mga lugar nila. Ang inaakalang baguhan na matatalo agad sa unang salang ay may kakayahan pa na higit pa sa nanguna sa nakaraan na taon. Ang dalawang kababaihan na nakalaban niya ay nabigla rin sa nangyari. Mayroon pala talagang maibubuga ang lalaking ito.

"Nice game," thumbs up sa kanila ni Edison. "It was a fair game. Though, I won it."

"Paano mo ginawa iyon? Hindi ba-"

"Masyadong perpekto?" Ngumisi si Edison. Marahil ito ang pinaka-unang tunay na ngiti na ipinakita sa kanila ni Edison. "Am I not the best?"

Hindi mapigilang mamangha ni Jeremy sa kina-uupuan niya. Tahimik ang lahat ng nasa kwarto na nanonood sa laro. Kahit na si Luis na nasa tabi niya ay napatulala rin sa nakita. Ang puntos na nakuha ni Edison ang nangunguna sa lahat ng mga puntos na nakuha ng mga manlalaro noon. Ang pinakamataas yata ay nasa limang daan at isa. Ngayon lang siya nakakita ng puntos na halos lumapit na sa isang libo.

"Jeremy, hindi ko inaasahan na seseryoshin mo ang laro na ito sa unang sabak niyo," sabi ni Luis.

"Ha ha ha, maniwala ka hindi ko rin inaasahan ito," sabi ni Jeremy.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hmmm... bago lamang ang estudyanteng iyan sa paaralan ko. Halos hindi pa nga siya nakaka-abot ng isang buwan. Hindi ko pa nakikita ang talino at husay niya. Honestly, I'm pretty surprised myself."

"Talaga? Pero nabigla ako sa ipinakita niya. Hindi naman sa minamaliit ko ang grupo niyo pero hindi ko inasahan na makukuha niya ang pinakamataas na puntos sa larong ito."

Nagpatuloy ang hiyawan ng mga tao. Tinatawag na ng announcer ang mga susunod na mga kalaro. Bumaba na sa platform si Edison na may mga mapagmalaking ngiti sa mga labi. May panibagong grupo na naman na ookupa sa nasabing spectator's dock. Nakasalubong niya ang isa sa mga manlalaro na susunod sa kanya.

Isang lalaki na kasing tangkad niya ang sinubukan siyang banggain sa balikat. Pero masyadong atentibo si Edison na madaling iniwas bago sila nagbangga. Tinignan lamang siya ng lalaki na ito na tila ba kikitil kung bibigyan ng kutsilyo.

"Nice try," at nagsalita pa talaga si Edison.

"I will beat your score," sabi ng lalaki na may malalim na boses.

"Okay, good luck," kibit balikat ni Edison.

Tinawag na ni Elias si Edison. Patakbo siyang pumunta rito. Sinabi sa kanila ng guro na ito lang ang lalaruin nila sa araw na ito at umuwi na sa hotel na kung saan mananatili ang mga manlalaro. Sinabihan ni Elias na si Reed na ang bahala sa dalawa dahil mag-uusap muna sila ni Jeremy. Malugod itong tinanggap ni Reed na binantayan ang dalawa.

Siniko ni Christian si Edison sabay akbay sa balikat nito.

"Sino iyon?" Tanong niya. "That guy..."

"Enemies?" Isip ni Edison. "Mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Masyado bang mataas ang nakuha ko?"

Inalis ni Christian ang akbay ay walang buhay na pinagmasdan ang kaibigan. Inekis niya ang kanyang mga braso.

"Minsan iniisip ko kung sinasadya mo ba talaga ito o manhid ka lamang."

"Hayaan mo na," tawa ni Edison. "Nakikita ko na kaya niyang lampasan ang nakuha."

"Huh? Hindi nga? Seryoso ka sa sinabi mo?"

"Oo naman," ngisi ni Edison. "Kung dalawang kamay ang gagamitin niya."

Ipinakita ni Edison ang dalawang kamay niya na nakaporma bilang baril. Kunyari ay tumira siya ng tig-iisang bala sa mga hintuturo sa harapan ni Christian. Walang emosyon ang mukha ni Christian na hindi natinag sa ginawa. Napakibit balikat na lang si Edison na inaasahan ang ganitong pakikitungo.

"Siguro may makakatalo lamang sa iyo kung patay ka na."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top