Cafeteria Food Fight

It doesn't matter if we met or not if you can't remember me, right?"

Hindi alam ni Reed kung anong sasabihin. Walang salitang pumasok sa utak niya para tapatan ang itinapon na tanong. Ito ang unang pagkakataon na sinabihan siya ng ganito; kahit si Edison nga hindi siya binibigyan ng ganitong trato. Nang maisip niya na hindi niya kayang sagutin ito, napaharap siya kay Edison na kumakain. Pero kahit tanungin pa niya si Edison, alam niyang hindi siya tutulungan niyto.

"Bilhan mo na lang ako ng fruity juice doon sa vending machine," sabi ni Edison na itinuro ang pintuan. Sinundan naman ito ng tingin ni Reed. "Blue berries not strawberry."

Hindi na nag-alangan pang tumayo si Reed at sumunod sa utos kahit hindi sinasagot si Edison. Alam niyang nabasa ni Edison ang pangangailangan niyang mawala sa lugar at inutusan siya. At fruity juice? Hindi umiinom ng matatamis si Edison. Mas pinipili pa niya ang kape o kahit anong inumin na may caffein sa dahilan na hinahanap ito ng katawan niya. Pero sumunod pa rin si Reed. Ito pa rin ang bibilhin niya.

Bago siya tuluyang makalabas sa pinto lumingon muna siya para tignan si Edison at ang lalaking kaharap nito. Sa isa pang beses, pinilit niyang hinalukat ang mga ala-ala pero kahit anong gawin niya hindi niya talaga ito nakikilala. Sumuko na lang siya at lumabas, hinahanap ang dalawang magkatabing vending machine na nakatayo limang metro ang layo mula sa pintuan.

Hinawakan niya ang bulsa at naghanap ng barya na ihuhulog sa vending machine. Binilang niya kung ilan ang hawak hawak sa hanggang makarating siya sa harap nito. Limang piso... Sampung piso... Dalawampu... tatlongpu... Sapat na ang pera para makabili ng dalawa. Inihulog na niya ang barya. Nagising ang makina na nagsimulang umugong kasama ng pagsayaw ng mga ilaw sa paligid nito. Umilw din ang mga buton na nagsasasaad kung alin sa kanila ang pwede sa inihulog na halaga. Hinanap ni Reed ang inumin gamit ang mga mata - at sa huli ay di nakita ang hinahanap.

"Strawberry lang mayroon," sambit niya sa sarili. Muli niyang tinignan ito ng isa pang beses pero di niya talaga mahagilap ang hinahanap na inumin. Pinindot niya ang 'withdraw button' para iluwa ang barya na hinulog niya. Babalik na sana siya sa loob pero inisip niya na makakaharap na naman ang di naaalalang binata at baka banatan pa siya ng mga bagong salita.

Naghanap si Reed ng iba pang Vending Machine. Ang susunod na nakita niya ay ilang metro rin ang layo sa una niyang pinuntahan. Nasa pagitan ito ng mga bakanteng daanan na kung saan may mga estudyanteng tumatambay sa tabi nito. Akala niya mahahanap niya ang inumin rito pero wala pa ring pag-asa na matagpuan ito. Nagtanong siya sa mga estudyante kung mayroon ba talagang 'blue berry' na flavor. Sumagot sila ng 'oo' at sinabi sa kanya na isang Vending Machine lamang ang may hawak nito. Matatagpuan ito sa may labas, sa main lobby ng Zweine T.

Natagpuan ni Reed ang Vending Machine. Natagpuan rin niya ang dalawa sa mga gwardia nila na naghulog ng barya at kumuha ng inumin. Nilapitan niya ito. Agad naman siyang binati ng dalawa na nagtatanghalian ng isang piraso ng malaking hamburger at soda na binili mula sa vending machine. Ibinalik niya ang bati bago humarap sa makina at naghulog ng mga barya. Umilaw ang vending machine, tumunog ang makina sa loob, nagsi-ilawan ang mga pindutan, at pinindot ang inumin na may blueberry flavor. Maririnig ang paggalaw sa loob - mula sa paghahalo ng tubig, ng prutas, ng yelo, at ng pagbagsak ng baso. Habang naghihintay si Reed, napansin niya ang tingin ng mga gwardia sa kanya.

"Is there something wrong?" Tanong niya sa dalawa.

"Wala naman," agad na sagot ng isa. "Medyo kakaiba lang kasi ngayon. Mas nagmukha kayong nasa edad niyo."

"Huh? Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Reed na hindi naintindihan ang sinabi ng gwardya.

"Ah, how should I say this..." Nag-isip muna siya sa sasabihin. "It's like you look refreshed."

"Refreshed? How?" Itinulak ni Reed ang salamin pataas para matignan ng malinaw ang dalawa.

"Hindi rin namin maipaliwanag pero simula nung hindi na nagpapakamatay ang young master, naging mas mahinahon na ang lahat. Para bang naging payapa na rin tayo sa wakas," sabi niya.

"Tama! Mapayapa at walang gulo. Noon, halos kada oras kailangan nating maging alerto. Pero ngayon nakakapagpahinga rin tayo. At nagagawa natin ng maayos ang ating trabaho," sang-ayon ng isa.

"Akala ko nga magiging busy ang weekend natin pero nabigla ako nang kahit isang tawag wala akong natanggap," tinignan niya si Reed. "Pagpasensiyahan niyo na. Hindi naman sa nagrereklamo kami pero iba lang ang pakiramdam ng walang banta mula sa kanya."

"Don't worry, I understand what you mean. Kahit ako nga naninibago sa kanya. Pero mas mabuti na ito. Hindi ko kailangang mag-alala na baka ngayon ay naglalaslas na siya sa sarili," sang-ayon ni Reed sa kanila.

Natapos na ang pag-ugong ng makina na natapos na sa paghahanda ng inumin. Umalis muna si Reed at yumuko para kunin ito.

"Tama nga. Dahil sa pustahan naging payapa. Pero ano kaya ang mangyayari kapag walang nakahula? Babalik na naman ba tayo sa dating gawi?" Tanong ng isa na nagpatuloy sa usapan.

"Oo nga, ano kaya ang mangyayari? Aist, sana may makahula. Nag-aalala rin ako para sa kalusugan niya. Alam mo, parang kapatid rin ang turing ko sa kanya kahit ganyan siya. Alam mo ba kung anong pag-aalala na mayroon ako sa tuwing nalalaman ko na tatalon siya sa isang mataas na gusali o kapag nasaksak niya ang sarili niya," uminom muna siya dahil nanuyo ang kanyang lalamunan, at nagpatuloy. "Ang batang iyon talaga, sana maisip niya na may mga taong umaasa sa kanya."

"Parang anak na nga rin ang tingin ko sa kanya. May anak ako na halos ka-edad lang niya. Lagi kong sinasabi sa kanya na kung may problema siya sabihin niya lang sa akin para malaman ko. Kasi sa palagay ko ang problema lang ni Young master ay sa wala siyang masabihan ng problema niya. Nandyan naman si Miss Louella at ang papa niya. Pareho naman silang mabait," sabi ng isa.

"Pero alam mo? May nagsabi sa akin na hindi naman daw talaga ganyan si Young Master. Mabait daw ito at magalang, halos binabati nga sila ng magandang umaga sa tuwing makikita sila nito. Malinis daw ito sa katawan, responsable, may respeto sa kababaihan, at matalino. Pero hindi ba iyan ang kabaliktaran ngayon?"

Narinig ni Reed ang huling sinabi ng gwardya na kumuha ng atensyon niya. Nang makuha ang inumin agad siyang nakisali sa usapan. Oo nga pagsang-ayon ni Reed sa kanyang isipan. May mga ala-ala siya sa sinasabing mabait at magalang na si Edison. Hindi nga lang ito malinaw pero mayroong panahon na kung saan hindi siya nagbibilang ng beses na nagpakamatay si Edison. Ito yung mga panahon na tahimik at masaya ang lahat - ang imahe ng likod ng isang bata na nakaharap sa bintana habang nagbabasa ng isang makapal na nobela.

"Yung sinabi mo na magalang at mabait..." sali ni Reed sa usapan. "... Anong ibig mong sabihin mo doon?"

"Magalang at mabait? Ah, galing iyan sa isang kakilala ko na nagtrabaho rin sa inyo noon... mga walong taon na ang nakakalipas," sagot sa kanya.

Tumunog ang salitang 'walong taon ang nakakalipas' sa kanyang isipan. Ito rin ang sinabi sa kanya ng binatang nakilala niya kanina, at ni Edison. Isang pangyayari na nangyari walong taon na ang lumipas... Ano kaya? Inisip ni Reed ang mga maaring nangyari sa nakaraan. Pero nagtaka siya nang wala siyang maalala. Tama. Ito rin ang isa sa mga katanungan na mayroon siya. Nasaan ba siya walong taon na ang nakakalipas?

"May alam ka ba sa mga nangyari noon? Yung walong taon na sinasabi mo?" Tanong ni Reed.

"Ah, pasensiya na pero bago pa lamang kami sa trabahong ito. Siguro nga apat o tatlong taon pa kaming nagsisilbi sa mga Greendale," sagot sa kanya.

"Talaga? Pero saan mo naman nakuha ang impormasyon na iyon? Paano nalaman ng kasamahan mo ang tungkol doon?" Dagdag na tanong ni Reed. Tinignan lamang siya ng dalawa na para bang may nakakatawa siyang sinabi. "Bakit?"

"Sa pagkaka-alam ko, ikaw ang may pinakamahabang taon na nagtrabaho sa ilalim ng pamilyang Greendale," sabi ng isa na sinang-ayunan ng kasama. "Ikaw lang yata ang hindi napalitan sa lahat ng mga napalitan."

"May palitan na naganap?" Reed.

"Oo... at eksaktong nakalipas na walong taon iyon," natigilan ang gwardya sa sinabi niya. Biglang lumamig ang hangin sa paligid ng tatlo. Nangilabutan sila sa biglaang pagkatuklas ng isang kakaibang bagay. Tinignan niya si Reed. "Right, exactly eight years ago, the Head Master Greendale suddenly changed all of the guards and maids of the household. Even the caretakers were also transferred. Walang natirang luma. Lahat sila ay binayaran ng malaki at umalis."

"Hindi kaya may nangyari noon na naging dahilan ng pagbabago ni Young Master at ang biglaang pagpapalit ng tauhan?" Pinunto ng isa.

Walang sumagot. Walang nakaka-alam sa sagot. Pinagmasdan ni Reed ang malamig na inumin sa kanyang kamay. Sumasayaw ang malamig na usok na galing sa lumalangoy na yelo na unti-unting natutunaw. Inisip niya ang nalamang imposrmasyon ngayon. Tama sila, matagal na siyang naglilingkod kay Edison. Kung labing-pitong taon na ito ngayon, siguro mga labing-isang taon na siyang nananatili sa tabi nito. Bata pa siya nang makilala niya ito na ngayon ay itinuring niya ring kapatid.

Sa nakalipas na walong taon na iyon, nasaan ba ako?

Naputol si Reed sa kanyang pag-iisip nang may narinig siya na sigaw. Tinignan nilang tatlo kung saan ito galing at napansin ang mga estudyante na mabilis na naglalakad papasok. Galing pa ang iba sa kabilang gusali na naging interesado sa nangyayaring kumosyon. May tinawag na estudyante si Reed at nagtanong.

"Saan kayo pupunta? May nangyari ba?" Tanong ni Reed.

"Nangyayari? Ah OO! May away daw sa cafeteria. Doon papunta ang lahat para makinood," sagot sa kanya ng bata na agad namang tumakbo papasok kasama ng iba.

"May away daw na nangyayari," sabi ni Reed sa kanila.

"Saan?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Sa Cafe... ter..ria," napatabon ng bibig si Reed sa sinabi. "Nasa cafeteria si Edison!"

Kumaripas sila ng takbo, itinapon ang pagkain na hawak, at agad nakihalo sa mga estudyanteng nagsisiksikan. Marami na palang nakarinig sa balitang kumalat kaya marami na ring may gustong makakita sa nangyayari. Pinilit ni Reed na itabi ang mga estudyante, dumaraan sa sikipan kasama ng dalawang gwardya na sumusunod sa kanya. May tulakan pang nangyayari, at ang iba ay halos natutumba. Malapit na si Reed sa pinto sa hanggang nakapasok na siya. Marami ring mga estudyante na maingay na nanonood sa away na nangyayari. Isang pabilog na espasyo ang nasa gitna na kung saan makikita ang ilang dambuhalang kalalakihan na nakikipagbunuan sa dalawang bata na halos nangangalahati lang sa kanilang tangkad.

"EDISON!" Tawag ni Reed sa malayo.

Sa gitna ng mga taong nanonood ang isang hindi perpektong bilog na ginawa ng mga estudyante bilang espasyo ng laban matatagpuan ang nagkalat na mga upuan, mga platong papel, pilak na mga kubyertos, at mga nasayang na pagkain. Dito rin matatagpuan ang anim na lalaking may apat na bituin sa mga kwelyo na iniikot-ikutan ang dalawang kapwa estudyante na may mas mababang antas. Nilalagatik ng pinuno nila ang buto ng kanyang mga kamay na isinasara-bukas bilang kamao na handang manuntok, ang kanyang buhok napuno ng malagkit na kanin. Kasama niya ang barkada na pareho ang ginagawa, handang tulungan ang pinuno sa gaganapin na suntukan.

Kakaiba rin ang dalawang estudyante na sentro ng pag-aaway. Pareho silang may mga pagkain sa katawan; ang isa puno ng ketsup at mayo na may halong kanin, ang kasama niya naman ay basang-basa at nangangamoy malansa. Nakatalikod sila sa bawat isa, binabantayan ang bawat likod ng kasamahan. Pareho silang handang lumaban - katawan na bahagyang pababa, isang paa na nakatapak paabante samantalang nakatupi ang tuhod, mga kamaong nakaharap sa kalaban at handa nang sumugod. Kakaiba lang dahil nakangiti sila na tila ba natutuwa sa ginagawa.

"Are you sure you can fight? I can handle them all myself," pagmamayabang ni Christian. "I'm a black belter so it's a given that I can beat them down."

"Don't be so cheeky," tawa ni Edison. "Remember I'm the only one who's able to beat you."

"Really? Then let's play a game. Paramihan tayo ng mapatumba bago dumating si Meri," sabi ni Christian.

"Sige ba, wala akong problema doon," sang-ayon ni Edison.

Sumugod na ang pinuno nila. Ang pangalan niya ay Samuel Barker, may arachnophobia. Dahil sa malaking hubog ng katawan, kilala siya bilang magaling na manlalaro ng rugby at ang anim na kasama niya ay ang mga kaibigan niya sa laro. Sinasabing mainit ang ulo nito kaya laging iniiwasan ng mga tao. At kahit ang mga guro nga ay natatakot sa kanya. Halos dalawang metro ang taas niya kaya talagang natatakot ang kung sino mang mas maliit sa kanya.

Mabilis siyang gumalaw kahit dambuhala. Maganda ang kanyang footwork, at matalas rin ang pandama. Una niyang inatake si Christian na agad namang naka-iwas sa suntok na binigay niya. Si Christian, kilala bilang pasaway na bata ay masasabing isa rin sa kinatatakutan. Lagi itong naghahanap ng gulo at kaaway sa loob at labas ng paaralan. Isa sa dahilan nito ay ang phobia niya. Kaya nanonood ang lahat para malaman kung sino sa dalawa ang mananalo.

Sa kabilang dako naman nakatayo si Edison kaharap ang limang kasamahan ni Samuel. Hindi pa kilala si Edison, maliban sa mga estudyanteng nakakita sa kanyang ginawang paglalaslas sa isang klase. Inasahan ng lahat ang pagkatalo niya dahil malabong matalo niya ang limang tore na inikot-ikutan siya. Sabay sabay silang umatake kay Edison na agad napaupo na parang palaka, humiga paharap sa lupa na parang magpu-push up, at itinakbo ang mga binti na pinapatid ang paa ng lima. Isa-isa silang natumba sa kinatatayuan na hindi inaasahan ang galaw. Agad tumayo si Edison nang matumba ang lahat.

"Five down," balita ni Edison kay Christian. Nakita niya ang palitan ng suntok sa hangin at ilag ng dalawa. Napasipol si Edison. "Talo ka na. Natumba ko na sila."

Nakalusot ng isang suntok si Christian sa mukha ni Samuel kaya napatumba ito sa sahig. Umatras ang mga estudyante na ayaw madaganan ng dambuhala. Hinarap ni Christian si Edison na may ngisi sa mukha.

"Heh, talaga lang ha?" Mayabang nitong sambit na pinanood ang lima na tumayo.

Inatake nila ulit si Edison mula sa likod. Hindi lumingon si Edison na tinanggap ang suntok sa pagitan ng kanyang mga siko at umikot na nagpapilipit sa kamay ng sumuntok sa kanya. May bagong dumating na naman na may balak siyang paluin ng upuan. Hinila ni Edison ang pinulupot na braso pababa kaya ang lalaking hawak niya ang natamaan ng silya. Itinulak niya ito na natumba sa sahig at sinipa ang lalaking may hawak ng silya. Isang suntok sa kanyang mukha ang dumating nang di mapansin ang isang na nagpadugo sa ilong niya. Pero bumawi rin agad siya na napatumba ito.

Tumayo si Samuel at sinugod si Christian. Madaling naka-iwas si Christian na pinatid si Samuel. Pero nahuli ni Samuel ang kanyang paa at inikot siya kaya nawala sa balanse si Christian na natumba sa mga upuan. Susugod sana si Samuel nang humarang si Edison sa harapan niya. Napakunot noo siya na tinignan si Edison mula ulo hanggang paa. Nagmukhang dewende si Edison kahit na medyo matangkad siya.

"Anong ginagawa mo? Umalis ka sa daanan ko," utos ni Samuel, ang kanyang boses ay kasing lalim ng bulkang sasabog.

"Pasensiya na pero ako lang ang pwedeng manakit sa kanya," sabi ni Edison na agad sumugod kay Samuel.

Mabilis ang kanyang mga kamay, maliksi ang galaw ng katawan, malahangin ang kanyang prisensya - nabigla ang lahat nang maggawang patumbahin ni Edison si Samuel. Hindi nila nakita ang paraan, basta basta na lamang ito lumipad kasama ng lima na napatumba niya ng mag-isa. Sa isang iglap, natapos ang labanan ng dalawang panig.

"Six out of six, I won," anunsyo ni Edison sa sarili. Hinarap niya si Christian na hinahawakan ang ulo dahil sa hilo. Isang mayabang na ngiti ang ipinakita ni Edison na ipinagmamalaki ang pagkapanalo. Kaso nga lang napalitan ito nang may biglang bumatok sa kanya. Sakto rin ang pagdating ni Reed kasama ang dalawang gwardya na nakalampas na rin sa wakas.

"At ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" Galit na bulyaw ni Elias sa kanila. Hawak hawak niya ang isang makapal na librong ipinangbatok niya kay Edison na may titulong 'COPERNICAN THEORY'. "Anong pumasok sa kokote niyo para magsimula ng away rito?"

Nakatayo na si Christian sa pagkakatumba na tumabi kay Edison kaharap si Elias. Ang anim na natumba ay tinulungan ring makatayo para humarap kay Elias. Nang kompleto na sila, isa isa silang nakatanggap ng palo kay Elias na halos namula na ang taenga sa galit.

"Mga pasaway! Nag-aaway sa harap ng mga estudyante. Ikaw Samuel, mas matanda ka sa kanila pero pumatol ka pa. Ano ba ang dahilan at biglang uminit na naman iyang ulo mo at nagkagulo rito," tanong ni Elias, ang mga kamay ay nasa balikat.

"Sila ang nanguna," turo niya kay Christian at Edison. "Tinapunan nila ako ng pagkain sa likod. At nung tinanong ko kung sino may gawa, imbes na desenteng sagot ang matanggap eh mas dinagdagan pa ang pagkain na itinapon sa akin. Ano pa nga ba ang magiging reaksyon ko?"

"Huh?" Hinarap naman ni Elias ang dalawang mastermind sa away. Napakagat-labi si Elias sabay masahe sa kanyang noo, at kinamot ng mabilis ang ulo. "At kayong dalawa, di ko talaga mawari kung bakit magkagalit kayo. Ikaw Christian, sinabi ko sa iyo na last warning na yung isang araw. Ano ito? Gusto mo ba talagang ipalipat sa ibang branch huh?" Si Edison naman ang hinarap niya. "At ikaw Edison, unang araw mo pa lang rito, UNANG ARAW! Halos hindi pa nga nangangalahati eh at nasangkot mo na ang sarili mo sa away. Ano ba ang tumatakbo diyan sa mga utak niyo at nagsisismula kayo ng walang kwentang away?"

Pumasok na sa senaryo si Reed. Huminahon muna si Elias na pilit nililinaw ang utak. Tinignan niya sina Samuel at ang mga kasamahan niya.

"Sige, punta muna kayo sa infirmary. Kakausapin ko kayo mamaya," utos ni Elias.

"Yessir," sabay na sagot ng anim. Tinulungan sila ng mga gwardya na maglakad palabas. Gumawa ng daanan ang mga estudyante para paraanin ang mga nasaktan.

"At kayo naman, linisin niyo muna ang kalat rito at pumunta sa opisina ko mamaya. Iisipin ko kung anong parusa ang ibibigay ko sa inyong dalawa," sabi ni Elias. Pinuntahan niya si Reed. "Siguraduhin mong makakarating silang dalawa sa opisina ko."

Yumuko si Reed kay Elias bilang sagot sa utos. Tumango si Elias. Tinignan niya ang mga estudyanteng nanonood. "Ano? Gusto niyo rin ng parusa? TAKBO!" At mabilis na nagsitakbuhan ang mga nakikinood.

Pinahiran ni Edison ang dugong umaagos sa kanyang ilong. Hinawakan naman ni Christian ang bukol sa kanyang noo. Hinarap nila ang isa't isa. Nagsimula nang linisin ni Reed ang mga kalat katulong ang ibang mga gwardya na tinawag niya nang biglang isang kalabog na naman ang narinig ng lahat. Si Elias na halos nakalabas na ay narinig ang malakas na tunog na agad bumalik papasok.

"Ano ang nangyari-" Natigilan si Elias nang makita ang nangyayari. Kahit si Reed nga ay namutla sa nakikita. Hindi rin gumagalaw ang mga taong nasa paligid nila.

Nasa sahig si Edison, nakaupo, ang mga siko bilang suporta sa kanyang pag-angat. Sa kanyang harapan naman ay si Christian na may hawak hawak na kalibre 45 sa kanang kamay. Nakalabit na ang gatilyo nito - isang pindot lang at maipuputok na ang bala. Hindi kailangang maging sniper ni Christian para tamaan si Edison sa ulo. Sa distansyang halos nakahalik na ang bunganga ng baril sa noo ni Edison, siguradong isang bala lang sasabog ang utak nito.

"Seven out of six, I win," sambit ni Christian kasabay ng pagputok ng baril. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top