A Race Won By Walking
"Nangunguna sa unang pwesto ay ang Red Falcons!"
Mabilis ang pagtawid ng mga manlalaro mula sa simula at ngayon ay papalapit na sa unang hati. Ang gagawin ng mga manlalaro kapag narating ang base ay bumunot ng katanungan mula sa isang kahon na nakalagay sa isang lamesa. Mula sa kahon ay limang katanungan. Ang bawat katanungan ay may sariling kahirapan. Sasabihin ng manlalaro ang sagot at kokompermahin ng mga gurong nagbabantay sa lugar kung tama ba ito o mali.
Kung tama, sesenyasan ng guro ang kasunod na manlalaro na magsimulang tumakbo. Ang bawat tanong na masasagutan ng tama ay magbabawas ng sampung segundong oras na natala ng grupo. Samantalang ang bawat maling sagot ay magdadagdag ng sampu. Sa unang tanong na makukuha ng manlalaro, ilan kaya sa kanila ang makakakuha ng tamang sagot?
Unang nakarating ang kababaihan ng Red Falcons. Agad bumunot ng katanungan ang manlalaro. Sumunod naman sa kanila ay ang mga manlalaro mula sa Armstrong Academy. Mula sa pagkakapanalo nila sa nakaraang taon, inasahan na sila ang mangunguna sa larong ito. Pero ito ay nag-iba nang pumasok ang pang-apat na eskwelahan sa unang pagkakataon.
Huling nakarating sa base si Christian. Makikita sa maluwag niyang pagtakbo na hindi siya nag-aalala sa nakuhang pwesto. Pagdating niya sa base ay s'yang pagtakbo ng pangalawang manlalaro mula sa Armstrong Academy. Maingat na binunot ni Christian ang kanyang katanungan na isang beses lang niya tinignan bago itinapon ang sagot.
Halos nagkagulo ang hiyawan nang makitang unang naka-alis sa unang base si Christian na nagpatuloy sa pagtakbo. Ang dalawang eskwelahan na nakita siyang umalis ay hindi makapaniwala sa nakita. Sabay na nasagutan ng huling mga manlalaro ang sagot at pinatakbo na ang mga kanilang pangalawang manlalaro.
Nilapitan ni Janice ang base na kung saan dumaan si Christian at nagtanong sa guro kung ano ang tanong nito. Ipinakita ng guro ang tanong na s'yang nagpagulat sa tatlong manlalaro na nanatili. Tunay na isang tingin lamang ang kailangan para masagutan ang katanungan na ito: [What is the square root of four hundred?]
Halos napamura sila sa swerte ni Christian. Ano ba naman at simpleng arithmetic lamang ang napunta sa kanya. Samantalang sa kanila ay mga tanong na may kinalaman sa mga pangalan ng mga bituin o meterolohiya. Kahit si Janice na simpleng contellation lang ang tinanong ay nag-isip kung alin sa dose-dosenang konstelasyon ang tinatanong.
Napahikab lang si Edison na walang paki-alam sa magiging pwesto ni Christian. Mauna man ito o mahuli, nasa kanya ang desisyon kung mananalo ba sila sa karerang ito o hindi. Sinilip niya ang kanyang mga kasamahan sa bawat gilid. Kilala na niya si Alea na nakasabay niyang kumain ng agahan. Binigyan siya nito ng ngiti bilang pagbati. Ngumiti lang rin si Edison na ibinalik ang bati.
Lumingon naman siya sa kanyang kabilang tabi at natagpuan ang dalawang kalalakihan sa kanilang mga pwesto. Ang nasa pinakadulo ay mula sa Lutos Craft, at ang pinakamalapit ay mula sa Armstrong Academy. Parehong matikas ang dalawa na masasabing mas may laman sa balingkinitan na katawan ni Edison. Kumaway sa kanila si Edison pero inirapan lamang siya.
Napabungisngis lamang si Edison. Ano pa nga ba at itong binata lamang na ito ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa isang laro. Kung ibababa nila ang kanilang mga kalasag ay baka marurupok lamang sila at matatalo sa larong ito.
Tinignan ni Edison ang kaniyang harapan at di na nagulat nang makitang nauuna si Christian sa kanina ay galing sa huling pwesto. Nakamamahanga ang tibay niya sa pagtakbo na mula sa simula ay hindi nagpahinga. Mabilis rin ang pagsagot niya sa katanungan na nagbigay ng mas mabilis na panahon sa kanya para mauna sa lahat.
At isa pa doon, kilala si Christian bilang pinakamabilis sa pagtakbo. Para sa isang duwag mula pagkabata, ang pagtakbo mula sa kanyang kinakatakutan ang kanyang mabisang lunas sa pagharap sa lahat ng tao.
Kumuha ng katanungan si Christian. Binasa niya ito at... at binabasa pa rin sa hanggang ngayon. Sa unang pagkakataon, hindi agad sumulong si Christian na iniintindi ang nakuhang katanungan. Dumating na rin ang ibang kalahok pero siya ay nagbabasa pa rin.
Napapansin mula sa malayo ang pagkunot ng noo ni Christian. Mukhang nakaharap na niya ang mga katanungan na hindi makakaya sa isang tinginan lang. Inekis ni Elias ang kanyang mga braso habang hinihimas ang ilalim ng baga niya. Namumulaklak pa rin si Jeremy na umiinom ng tsaa habang nanood sa magandang palabas.
"Looks like he found his enemy," saad ni Elias. Napatango si Jeremy.
"Well, after all, they are still kids," higop ni Jeremy sa inumin niya.
Walang problema na naghihintay si Edison sa kinatatayuan niya. Pinanonood niya ang pagbabago ng emosyon sa mukha ni Christian. Ano kaya ang nakalagay sa papel na iyon? Masyado ba itong mahirap para hindi niya masagutan?
Narinig ni Edison na napatawa ang lalaking nasa tabi niya. Tinignan niya ang estudyante galing sa Armstrong Academy. Agad mapapansin sa mukha nito ang yabang at pangungutya sa nakikita. Napansin nito ang mga tingin ni Edison na nagpadagdag lamang sa nararamdamang presko.
"Mukhang minalas kayo," sabi nito.
Napakibit balikat si Edison. Malas? Hindi niya kilala ang salitang iyan. Hindi nila kilala ang salitang iyan. Ang malas ay isang numero na puno ng probabilidad. Ang malas na sinasabing nakuha ni Christian... isa lamang itong porsyento sa kanilang pagiging tao.
They are just 99% human and 1% error.
"Gusto mo maglaro tayo?" Biglang tanong ni Edison.
Agad nakuha ng tanong na ito ang atensyon ni Alea. Isa siya sa nasama sa naunang laro na ginawa nila sa agahan. Si Edison ang nag-iisang tao na kung maglalaro ay isinasama ang buhay at kamatayan. Pero hindi namansiguro maglalaro ng hulaan ngayon diba?
Walang kibo ang dalawang kalalakihan. Hindi ba naglalaro na sila ngayon? Kung papatulan nila si Edison ay baka mawala ang konsentrasyon nila sa laro. Inaasahan naman ni Edison na ganito ang magiging reaksyon nila. Pero pinagpatuloy pa rin niya ang pagsasalita. Dahil ang laro na ito ay matagal na niyang naipanalo bago pa magsimula.
"Hindi ako ang mauunang makakatakbo sa ating tatlo. Pero kami ang mananalo," sambit niya.
Napatingin ang tatlo kay Edison. Ano ba ang pinagsasabi niya? Hindi siya ang mauuna pero siya ang mananalo? Mukhang may sayad talaga sa utak niya. Makikita na ito sa paraan ng pananamit niya. Pero iba ang reaksyon ni Alea. Siguro nga nagbibiro lang si Edison sa pagkakataon na ito. Pero malabong hindi mangyari ang sinabi niya.
Katulad mg sinabi ni Edison, nauna ngang nakatakbo ang tatlo. Nagtagal pa ng ilang segundo bago natapos ni Christian na sagutan ang katanungan at tumakbo. Pagdating niya kay Edison, nauna na ang tatlong grupo ng isang baitang. Hinihingal na pinasa ni Christian ang trono kay Edison.
"That was longer than I expected," at nakipagchikahan pa si Edison sa kasama.
"Not my fault. I'm more proficient in Philosophy than high grade quantom physics," ani ni Christian.
Napakibit balikat lang si Edison na tinapik ang balikat ni Christian bago tumakbo. Tinignan ni Christian ang direksyon na kung saan makikitang nanonood sina Elias at Jeremy. Pumalakpak lamang si Jeremy sabay kibit balikat ni Elias. Npaangiwi na lang si Christian na pinuntahan sa gilid si Reed na may bitbit na botelya ng tubig.
Nagpatuloy ang karera. Sa pagkakataon na ito, medyo nagkaroon ng aberya ang mga naunang grupo. Tama ang hinala ni Christian. Nasa umpisa lamang ang madali, at sa tuwing nalalapit sila sa finish line ay mas humihirap ang mga katanungan. Ang tatlong naunang grupo ay humingi na ng mga papel at ballpen para isulat ang sagot sa katanungan na nabunot nila.
Tila ba hindi naglalaro ng karera si Edison na pasimpleng nag-jogging papunta sa susunod na base. Nasa kabilang base na ang mga kalaban niya pero siya hindi nagmamadaling bumunot ng katanungan. Nagtaka ang tatlong kinausap niya kanina. Dahil naipasa na nga nila sa susunod na kalaro ang katanungan, nanatili sila sa base para panoorin ang mga kasamahan.
Si Alea ang unang nagsalita. "Edison, hindi ka ba nagmamadali?"
"Hmmm? Bakit naman?" Nakakuha na ng papel si Edison.
"Kasi naglalaro tayo ng karera?" Punto ni Alea.
"Oh," tango ni Edison na binasa ang kanyang katanungan. "Nagmamadali nga ako. Kaya..."
Lumapit na sa guro si Edison at binigay ang sagot sa katanungan. Nagulat ang guro sa narinig at tumango. Hinayaan na niyang tumakbo si Edison papunta sa susunod na base. Walang nakitang mali si Alea sa ginawa niya sa hanggang napagtanto niya ang agad na pagsagot ni Edison sa katanungan.
Baka madali lamang ang nabunot niya?
Kinutuban ang tatlong manlalaro na kusang lumapit sa guro para tignan ang katanungan na nakuha ni Edison. Nanlaki ang mga mata nila nang makita kung ano ito. Hindi naman ganoon kahirap ang katanungan. Pero kailangan ito ng masinsinang pag-aanalisa dahil may kinalaman sa numero ang mga salita. Kung si Alea ang sasagot nito, marahil magtatagal pa siya ng dalawang minuto na may kasamang calculator para makuha ang eksaktong sagot.
Pero walang ginamit na calcultor si Edison. Sinulyapan niya lang ito at pasimpleng sinagot.
Biglang naghiyawan ang mga tao. Napatingin ang tatlo sa race track para tignan kung ano ang nangyayari. Nakita nila ang mga kasamahan nila na nasa susunod na base pa. Marahil math problem na naman ito na kailangan ng masinsinang pagsagot.
Bakit humihiyaw ang mga tao?
Ang kasagutan ay dahil sa isang binata na nagjo-jogging papunta sa pangalawang base mula sa hulihan. Kagaya ng ginawa niya sa mga nanunang base, pasimple niyang binunot ang kanyang sagot at sinulyapan lamang ito. Lumapit siya sa guro para ibigay ang sagot at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa huling base.
Sa huling base, nanatili pa siya ng ilang sandali bago bumunot ng tanong. Pinanood niya ang mga kalaban na nasa ikalawang base mula sa panghuli na. Ngayon pa siya kumuha ng tanong, ibigay sa guro ang sagot, at walang pag-aalinlangan na tinawid ang puting ribbon na nag-aabang sa finish line. Natapos niya ang karera na hindi pinagpawisan. Ni hindi nga siya tumakbo para humabol sa mga kalaban niya.
Talaga bang karera ang ginagawa niya?
Nang makatawid na si Edison sa kabila, hindi na siya lumingon para tignana ang mga kalaban niya. Pinuntahan lanang niya ang lugar na kung saan naghihintay sila Reed at Christian. Hindi na nagtagal ang grupo at naunang umalis, hindi inaalala kung anong oras ang nakuha nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top